Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

last updateLast Updated : 2024-05-06
By:   sweetjelly  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
84Chapters
10.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"Bitiwan mo ako, please." Kahit nahihilo at nanghihina, buong lakas pa ring nagpupumiglas si Arwena mula sa mahigpit na paghawak ng lalaking kumaladkad sa kanya palabas ng bar. Kaya lang, kahit anong pagpupumiglas ang ginawa niya ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Mas humigpit pa ang paghapit nito sa baywang niya sa puntong halos buhatin na siya. "Sumama ka na lang ng maayos at tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," gigil na bulong nito kasabay ang paghawak sa pisngi niya.Sandaling natigil ang paghagulgol ni Arwena, pero luha niya ay hindi tumigil sa pagpatak na sumabay sa malakas na kabog ng dibdib niya.“Bitiwan niyo na ako! Tulong—” naputol ang pagsigaw niya nanghawakan siya sa leeg ng lalaking walang puso at diniin sa hood ng kotse. Paulit-ulit na umiling si Arwena, kasabay ang panginginig ng buong katawan. "Please, bitiwan mo ako, ayoko—" Hinarang niya ang mga palad sa pagitan nilang dalawa sabay ang pag-iwas ng mukha niya na akmang hahalikan ng lalaki. "Stop acting like...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
sweetjelly
Your comments are much appreciated. Please do not hesitate to leave one
2024-08-17 11:20:53
0
user avatar
Ashley
Ang ganda! Highly recommended. Basahin niyo na. Worth to read!
2024-04-27 15:18:18
1
user avatar
sweetjelly
Isang kwento na naman ang natapos ko. Maraming salamat sa mga bumasa at sumuporta sa kwento ni Arwena at Tandre. Sa mga nagbabasa at magbabasa pa, maraming salamat din, sana mabasa ko rin ang mga komento n'yo. Pa rate na rin. Kita-kits po tayo sa susunod ko pang mga kwento(⁠〃゚⁠3゚⁠〃⁠)(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
2024-04-27 11:35:24
1
user avatar
Love Reinn
keep writing author ;))
2023-12-16 12:23:12
1
84 Chapters
Prologue
"Bitiwan mo ako, please." Kahit nahihilo at nanghihina, buong lakas pa ring nagpupumiglas si Arwena mula sa mahigpit na paghawak ng lalaking kumaladkad sa kanya palabas ng bar. Kaya lang, kahit anong pagpupumiglas ang ginawa niya ay hindi pa rin siya binibitiwan nito. Mas humigpit pa ang paghapit nito sa baywang niya sa puntong halos buhatin na siya. "Sumama ka na lang ng maayos at tumahimik ka kung ayaw mong masaktan," gigil na bulong nito kasabay ang paghawak sa pisngi niya.Sandaling natigil ang paghagulgol ni Arwena, pero luha niya ay hindi tumigil sa pagpatak na sumabay sa malakas na kabog ng dibdib niya.“Bitiwan niyo na ako! Tulong—” naputol ang pagsigaw niya nanghawakan siya sa leeg ng lalaking walang puso at diniin sa hood ng kotse. Paulit-ulit na umiling si Arwena, kasabay ang panginginig ng buong katawan. "Please, bitiwan mo ako, ayoko—" Hinarang niya ang mga palad sa pagitan nilang dalawa sabay ang pag-iwas ng mukha niya na akmang hahalikan ng lalaki. "Stop acting like
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
Kabanata 1 Mistake
Arwena gazed around the room she was in, perplexed. Until her gaze is drawn to the frosted shower, where he sees the man's hazy image."What have I done?" she asked herself, her palms covering her mouth. Her tears had begun to fall.She rose up slowly and gathered up her clothing. She dressed hurriedly and departed the room as swiftly as she could. Paulit-ulit niyang hinahampas-hampas ang noo niya. Pakiramdam niya ay ang tanga-tanga niya. Matagal niyang iningatan ang sarili. Ito pa nga ang dahilan kung bakit siya pinagpalit ng nobyo sa best friend niya. Pero isinuko niya lang pala ang sarili sa lalaki na hindi niya kilala. “Mr. Tan,” pabulong niyang binigkas ang pangalan ng lalaki na nagligtas sa kanya mula sa mapagsamantalang lalaki, at siya ring sinukuan niya ng kanyang sarili. “Arwena! Saan ka ba galing? Pinag-aalala mo kami bata ka!” singhal, ngunit may pag-aalalang salubong sa kanya ng mga magulang. Napailing-iling naman ang papa niya habang nakatingin sa kanya.Gusto niyang ya
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
Kabanata 2 Moving Forward
Arwena couldn't help but sigh as she held the cup of coffee. Dinadama niya ang katahimikan at lamig ng hangin sa lugar kung saan malayo sa mga taong nanakit at sumira ng buhay niya.Matapos mag-breakdown at mabagok ang ulo sa banyo noong huling nag-usap sila ni Jake ay natauhan naman siya. Natauhan siya na kahit anong gawin niya ay hindi basta-basta mawawala ang sakit na itinanim ni Jake at Farah sa puso at isip niya. Hindi niya kayang makipagplastikan at makisama sa mga tao na dahilan kung bakit siya nagdurusa. Kaya heto, naglakas-loob siyang mang ibang bansa. Sinusubukan na magbagong buhay at magsimula ulit na malayo sa mga taong nanakit at dumurog sa kanya. Pero kahit anong pilit niya, hindi pa rin mawala-wala sa sistema niya ang sakit. Hindi pa rin siya tuluyang nakalaya sa galit. "My goodness, Arwena, you've been here for two months, pero wala ka pa ring ibang ginagawa; puro inum ka lang ng kape at tanawin ang mga alon, over and over again. Hindi ka pa ba sawa ha?"Nilingon niy
last updateLast Updated : 2023-12-03
Read more
Kabanata 3 Bagong Pagsubok
Palakad-lakad si Archie habang nasa loob ng hospital room ni Arwena. Paminsan-minsan din niyang sinusulyapan ang kaibigan na putlang-putla pa rin ang mukha. Kanina no’ng mawalan ng malay ang kaibigan, sinisisi niya ang sarili. Pinipilit-pilit niya pa kasi ito na gumala. Pero matapos marinig ang sinabi ng doctor, hindi na siya mapakali. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ng kaibigan ang isa na namang problemang dumating sa buhay niya. Ngayon pa na nagsisimula na talaga siyang kalimutan ang masamang nangyari sa kanya. Maya maya ay tumayo siya sa gilid ng hospital bed kung saan mahimbing pa rin na natutulog ang kaibigan. Tahimik niya itong pinagmamasdan, kasabay ang panalangin na sana maging bukas ang isipan nito at hindi siya panghinaan ng loob sa bagong pagsubok na dumating sa buhay niya. “Archie…” pupungas-pungas nitong tawag sa kaibigan."Wena, how are you feeling? Nahihilo ka pa ba? Nasusuka? May masakit pa ba sa’yo?" nag-aalang tanong ni Archie. Hinaplos-haplos din nito ang
last updateLast Updated : 2023-12-06
Read more
Kabanata 4 Plano
“Arwena, bakit hindi ka na naman pumasok? Hindi ka pa ba tapos magmukmok? Hindi ka namatayan, Wena, para magluksa ka ng ganito!” Kaagad tinalakan ni Archie ang kaibigan nang mabuksan niya ang pinto ng kwarto nito. Kanina pa siya kumakatok at hindi man lang siya pinagbuksan. Paano nga ba siya nito mapagbuksan? Lasing na naman. Nahagod na lang ni Archie ang buhok habang nakatingin kay Arwena na nakasalampak sa sahig. Daig pa nito ang mga taong kalye sa hitsura niya, madungis at kalat-kalat ang buhok. “Tigilan mo na nga ‘to, Arwena!” Hinablot ni Archie ang bote ng alak na lalaklakin na naman sana ni Arwena. Dati, kape lang ang nilalaklak nito. Tatayo sa harap ng bintana at paulit-ulit na huminga ng malalim. Pero ngayon, bote ng alak na ang laging hawak habang nakasalampak sa sahig at humahagulgol. “Akin na ‘yan, Archie!" sigaw nito at dinuro pa ang kaibigan. "Bigay mo sa’kin ‘yan! Akin ‘yan e!” Parang bata na gumapang sa sahig si Arwena, makuha lang ang alak na inagaw ni Archie
last updateLast Updated : 2023-12-07
Read more
Kabanata 5 Pagbangon
Tahimik na umupo si Arwena sa link chairs ng clinic na pinuntahan niya. Kahapon ay buo na ang loob niya. She wants to get rid of the baby. Pero ngayong nandito na siya at nakikita na niya ang mga babae na galing sa loob kwarto at umiiyak, parang nagbago ang isip niya. Parang ayaw na niyang ituloy ang binabalak. Nakakaramdam rin siya ng takot para sa sarili at sa baby niya. Napahawak pa siya tiyan at hindi namalayan ang pagpatak ng luha. “Ms. Arwena Dela Torre." Narinig niya ang pagtawag na 'yon, pero hindi siya tumayo. Parang may pumipigil sa kanya na sumagot o pumasok sa loob. “Ms. Dela Torre..." Napapikit siya nang muli nitong tinawag ang pangalan niya. Tumayo nga siya, pero hindi para pumasok sa kwarto. Umiling-iling siya sabay sabi, "I'm sorry, I can’t do this!" at patakbong lumabas ng clinic. Her eyes were welling up with tears, and was struggling to breathe. Nang tuluyan na siyang makalabas ay umupo siya sa hagdan at doon humagulgol habang hawak ang dibdib na parang s
last updateLast Updated : 2023-12-08
Read more
Kabanata 6 Mr. Tandre Denovan
Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Arwena habang tanaw ang coffee shop na pagmamay-ari ng mga magulang niya, ngunit walang kahirap-hirap na napunta sa iba dahil sa kagagawan ni Farah at Jake. Dahil sa buo nga ang tiwala ng mga magulang niya sa kaibigan at dati niyang boyfriend, sila ang hinayaang mamahala sa coffee shop at sa iba pang branch nila. Walang kaalam-alam ang mga magulang niya na unti-unti na palang naibenta nina Farah at Jake ang mga shop sa nagngangalang Tandre Denovan, at ngayon nga ay sila na ang nag-operate ng coffee shop na pinaghirapan ng mga magulang niya na palaguin. “Good morning, ma’am,” bati ng guard kay Arwena nang pumasok siya sa coffee shop. Dahil sa galit na nararamdaman, hindi na niya sinagot ang bati ng guard. Agad kasing napako ang paningin niya sa dating kaibigan at dating boyfriend na masinsinang nag-uusap sa sulok ng shop. Ilang araw din niyang hinihintay na muling makaharap ang mga taong dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya, at n
last updateLast Updated : 2023-12-09
Read more
Kabanata 7 The past
Tatlong letra lang ang salitang sinabi ni Mr. Tan, pero ang laki ng naging epekto niyon kay Arwena. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang kaba, hindi naman niya magawang bawiin ang titig niya sa mukha nito. Lalo na sa mga mata nitong ang itim-itim—ang dilim na para bang unti-unting hinihigop ang kaluluwa niya. “Do-do you know me?" utal na tanong ni Arwena matapos ang sandaling pagtitig sa mukha nito. Kahit ba may hinala na siya na si Mr. Tandre Denovan, ay ang lalaking nagligtas sa kanya limang taon na ang nakaraan, at siya ring ama ng anak niyang si Nathan. Gusto pa rin niya na makomperma kung siya nga ba iyon. Gusto niyang marinig mula mismo sa bibig nito. “Of course! How can I forget the helpless, devastated woman I saved five years ago?" Dahan-dahan at madiin na binigkas ni Mr. Tan ang mga salitang ‘yon. Gusto niyang maalala ni Arwena ang lahat ng nangyari sa kanila noong gabing ‘yon. “It was you?" pabulong na sabi ni Arwena. Umasta nga kasi siya na walang naalala at hin
last updateLast Updated : 2023-12-11
Read more
Kabanata 8 Payment
Sobrang inis ang naramdaman ni Arwena habang nakatingin sa likuran ni Mr. Tan. Gusto nga niya itong takbuhin at batukan. Kung pwede lang na isumbat niya lahat dito ang mga pinagdaanan niya dahil sa pagkakamali na nangyari sa kanila. Pero hindi pwede. Hindi niya magagawa dahil ayaw nga niyang malaman nito na nagbunga ang ginawa nila noon. Naiinis siya dahil ang taas ng tingin nito sa sarili. Porke’t mayaman ito. Akala niya mabuting tao ang Mr. Tan na nagligtas sa kanya noon, ngunit isa pala itong halimaw na nag-aabang lang ng mabiktima. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang hayop na nahulog sa trap, at anumang oras ay magiging pagkain na ng isang halimaw. Tahimik na lang siya na napamura. Paulit-ulit niyang sinampal sa utak niya si Mr. Tan. Iyon lang kasi ang magagawa niya sa ngayon. Alam niya kasi na ginagamit ni Mr. Tan ang coffee shop para makuha siya nito ulit. Alam nga ni Mr. Tan kung gaano niya ka gustong makuha ang pagmamay-ari ng mga magulang niya. Pero kung tuso siya,
last updateLast Updated : 2023-12-12
Read more
Kabanata 9 Sundo
Ala-siete pa lang ng gabi ay nasa harap na ng Denovan Hotel si Arwena. Dapat ay nasa bahay na siya ngayon, nagpapahinga kasama ang anak na si Nathan. Pero dahil sa nangyari sa papa niya, nagbago ang isip niya. Ang pangako niya na hindi isakripisyo ang sarili mabawi lang ang Coffee Negrense ay hanggang sa dulo na lang ng dila niya. Susubukan niya uli na kausapin ito. Susubukan na magmakaawa. Baka pumayag ito na bigyan siya ng ibang option para mabawi ang coffee shop. Nang mag-alas otso na ay lumabas na siya ng kotse. Mabagal ang bawat hakbang niya na tumawid ng kalsada. Habang papalapit siya sa hotel, sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga sasakyan, at lahat ng mga sakay niyon ay puro magagara ang suot. Saka niya lang napagtanto na event pala ang pupuntahan niya. Napatingin naman siya sa suot niya na skinny jeans at puting blouse na kahapon niya pa suot. Ni ang maghilamos nga ay hindi man lang niya nagawa. Galing pa nga kasi siya sa hospital, at hindi na siya umuwi ng bahay.
last updateLast Updated : 2023-12-13
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status