“Arwena, bakit hindi ka na naman pumasok? Hindi ka pa ba tapos magmukmok? Hindi ka namatayan, Wena, para magluksa ka ng ganito!” Kaagad tinalakan ni Archie ang kaibigan nang mabuksan niya ang pinto ng kwarto nito. Kanina pa siya kumakatok at hindi man lang siya pinagbuksan. Paano nga ba siya nito mapagbuksan? Lasing na naman. Nahagod na lang ni Archie ang buhok habang nakatingin kay Arwena na nakasalampak sa sahig. Daig pa nito ang mga taong kalye sa hitsura niya, madungis at kalat-kalat ang buhok. “Tigilan mo na nga ‘to, Arwena!” Hinablot ni Archie ang bote ng alak na lalaklakin na naman sana ni Arwena. Dati, kape lang ang nilalaklak nito. Tatayo sa harap ng bintana at paulit-ulit na huminga ng malalim. Pero ngayon, bote ng alak na ang laging hawak habang nakasalampak sa sahig at humahagulgol. “Akin na ‘yan, Archie!" sigaw nito at dinuro pa ang kaibigan. "Bigay mo sa’kin ‘yan! Akin ‘yan e!” Parang bata na gumapang sa sahig si Arwena, makuha lang ang alak na inagaw ni Archie
Magbasa pa