“I’m sorry, Ms. Arwena," sabi ni Ted, sabay unat ng suit niya at tumikhim. Hinawakan din nito ang kamay ni Arwena na kanina ay hawak ang braso niya, at saka ay maingat na binitiwan. Hindi kasi siya tinantanan ng tingin ni Mr. Tan, at hindi na siya komportable sa titig nito na parang boyfriend na nagseselos. Kinabahan na siya sa puntong hirap na siyang lunukin ni laway niya. Kung takot si Ted, inis naman ang nararamdaman ni Arwena kay Mr. Tan na parang posteng nakatirik sa tapat nila. Simula nang dumating ito at sikmatan si Ted ay hindi na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na walang kangiti-ngiti, walang kabuhay-buhay, at parang galit sa mundo. Pero kahit anong sungit pa ng mukha nito, hindi pa rin natatakpan ang kagwapuhan. Lalaking-lalaki kung tingnan dahil sa panga nitong parang hinulma into perfection, isama na ang ilong na parang hinulma rin sa tangos. May mga matang madilim nga pero para namang hinihigop ang buong pagkatao mo kapag mapatitig ka. May labi na hindi man
Nagising si Arwena nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Nasa harapan niya si Mr. Tan, at wala na itong damit pang-itaas. Agad binalot ng kaba ang buong sistema niya. Para siyang bata na umupo at sumiksiksik sa headboard habang yakap-yakap ang makapal na kumot. “ ‘W-wag kang lumapit…” parang maiiyak na sabi nito. Umiling-iling pa siya habang nagmamakaawa ang tingin kay Mr. Tan. Para namang naging tuod si Mr. Tan. Sobrang nagulat siya sa naging reaksyon ni Arwena. Nalito siya sa kanyang sarili. Dapat kasi ay natutuwa siya. Gusto nga niyang pahirapan si Arwena, pero parang naaawa siya, at parang na-gui-guilty. Hindi niya rin nagustuhan ang nakikita niyang takot sa maluha-luha nitong mga mata—takot na nakita n’ya noong gabi na niligtas niya ito mula sa lalaking muntik na halayin siya. Umiwas siya ng tingin at sinabing, "I have no interest in you, at lalong wala akong gagawing masama sa’yo, for you to act like that. Hindi ako ka
Nanlaki ang mga ni Arwena sa mapangahas na ginawa ni Mr. Tan. Gusto niya itong itulak pero ang higpit ng paghawak nito sa batok niya habang sinisiil ng halik ang labi niya. Hindi man lang niya magawang ipikit ang mga mata. Wala rin siyang ibang nararamdaman kung hindi hiya. Nahihiya siyang makita ang mga tao na halatang nagulat din sa palabas ni Mr. Tan. Sinubukan niya itong awatin sa pamamagitan ng pagtiim ng labi. Pero wala iyong silbi dahil nagpatuloy pa rin si Mr. Tan sa ginawang paglasap sa labi niya. Bahagya niya itong itinulak sabay ang pabulong na sabi, “Mr. Tan, ano ba?" Sa wakas ay nagawa niya ring magsalita kahit kinakapos sa paghinga. “Sira-ulo ka—" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na naman nitong sinakmal ang labi niya. “Tumahimik ka muna." Pigil ni Mr. Tan sa pagsasalita niya. Ayaw niya itong gumawa ng eksena na alam niya na pareho nilang ikapahiya. Maski kasi siya ay nagulat sa ginawa niya. Ang gusto lang naman sana ay itaboy ang ex-boyfriend ni
Arwena felt her eyes briefly close in response to Mr. Tan's last words. His condition was tempting—precisely what she wanted—yet an undercurrent of apprehension persisted. Everything would become complicated if she accepted his marriage proposal; he would know her secret. Moreover, she wasn't foolish or desperate enough to agree to marry a man, na hindi niya pa kilala ng lubusan. What happened between them long ago, ay hindi magandang basihan to accept his proposal. "Mr. Tan..." Mr. Tan cut her off by pressing his thumb against her lips. "No, I don’t want to hear your answer now. Hindi ako nagmamadali. What I want, kapag sumagot ka, it truly comes from your heart, and you are sure of your decision; hindi lang dahil na-pressure ka o dahil sa gusto mo ang binigay kong kondisyon.” Mr. Tan whispered his last words to Arwena, maintaining a calm tone. Matapos ang bulong niya kay Arwena, hinawakan niya ang kamay nito, at hinarap ang mga tao na dumalo sa ball. "Everyone, have a gre
Arwena paused for a moment and gazed at Mr. Tan's extended hand, awaiting a handshake. She was unsure whether to agree to start anew with him, but soon she found herself smiling. She thought that if she reconciled with Mr. Tan, she could work properly as the coffee shop manager without any hindrance. Moreover, she would finally have peace of mind. Inaamin naman kasi niya sa sarili na hindi maganda sa pakiramdam ang may kaalitan. Tama na ‘yong sina Farah at Jake lang ang mapanira sa buhay nila. "But if you don't want to, it's okay. I won't force you," malungkot na sabi ni Mr. Tan, at ibababa na sana ang kamay niya. “Mr. Tan," sabi ni Arwena, habang nakatitig na sa mga mata at tipid na ngumiti, sabay hawak sa kamay nito na kanina pa nakalahad. “Mag-umpisa tayo bilang friends,” nakangiting sabi ni Arwena na may matamis na ngiti sa labi. Mr. Tan's eyes immediately sparkled, unable to suppress his smile. He couldn't hide the happiness he felt. “Thank you,” nahihiyang sabi nito, p
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Arwena sa Mama niya, at Anak niyang si Nathan na masayang nakikipaglaro sa lolo nito sa labas ng shop. Sandali rin siyang sumulyap kay Mr. Tan. Natatakot kasi siya na makita nito si Nathan. Mabuti na lang at abala na ito sa katitipa sa cellphone niya. Kung hindi nga lang kabastusan ay tinaboy na niya ito. "Tita, Lorna..." paawa na tawag ni Farah sa Mama ni Arwena. Agad din itong yumakap sa braso ng ginang nang makalapit ito sa kanila. "Arwena!" Dobleng lingon ang nagawa ni Arwena, nang muling marinig ang pasikmat na tawag sa kanya ng Mama niya. Hinaplos-haplos na rin nito ang kamay ni Farah. “Ma…” Nasabi ni Arwena, pero ang tingin ay kay Nathan at sa papa niya naman. Gusto niya itong warningan na ‘wag na munang pumasok, pero hindi naman niya alam kung paano dahil nga kay Farah at Jake na alam niya gagawa at gagawa ng palusot kapag umalis siya sa harap nila. “Ano ‘yong narinig ko kanina, Arwena?" naguguluhan na tanong nito. Tumaas na rin an
“Ayan na Tita, hindi nagsisinungaling ang hitsura niya! Totoo ang sinasabi ko. She had an affair, hindi ko kasalanan kung nasira man ang relasyon nila Jake. Siya ang may kasalanan at hindi ako." Tuloy si Farah sa kasinungalingan binuo niya para pagtakpan ang sariling kagagawan. Habang si Arwena ay tuluyan nang hindi makapagsalita, nakatitig na lang ito sa Mama niya—titig ng dismaya dahil sa tingin nito na parang naniniwala sa sinasabi ni Farah. Gusto niya pa sanang kontrahin ang mga sinasabi ni Farah, pero nagdadalawang isip na siya dahil sa mapanghusgang tingin na galing mismo sa Mama niya. “Arwena? Totoo ba ang sinasabi ni Farah? Kaya ka ba umalis para itago ang nagawa mo? How could you? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan,” sabi nito na sinabayan ng paulit-ulit na pag-iling. Kung nadurog man ang puso ni Arwena noong nalaman ang kataksilan na ginawa nina Farah at Jake sa kanya, mas nadudurog ang puso niya ngayon dahil mas pinaniniwalaan ng ina niya ang kasinungalingan ng anak
Parang lutang si Arwena habang hila-hila ni Mr. Tan palabas ng coffee shop. Naririnig niya ang pagtawag sa kanya ng Mama Lorna niya, pero parang nawalan siya ng kakayahan na lingunin ito. Nasa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan napako ang tingin niya. “Arwena, ano ba ang nangyayari?” pabulong na tanong ng Papa niya. Parang naalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog si Arwena. Paulit-ulit siyang napakurap sabay bawi sa kamay niya na hawak-hawak ni Mr. Tan. “W-wala po," sagot niya, pero ang tingin ay na kay Nathan na mahimbing na natutulog habang karga ng Papa niya. Sandali niya ring nilingon si Mr. Tan. “Good evening po," magalang na bati ni Mr. Tan sa matanda, pero ang tingin ay nasa batang karga nito. Mabuti na lang at tulog na si Nathan. Kung nagkataon na hindi, madadagdagan na naman ang problema ni Arwena. Sigurado kasi na tatawagin siya nitong Mama. Sinadya namang humarang si Arwena sa pagitan ng Papa niya at Mr. Tan. Kanina pa kasi ito nakatingin kay Nathan. Gu
“My queen," yakap at halik sa batok ko ang kasabay ng malambing na boses na ‘yon. Antok na sana ako, kaya lang hindi ko naman matanggihan itong asawa ko na kararating lang mula sa trabaho ay ako naman ang gustong trabahuin. “Ang bango mo, my queen," pinahangin nitong sabi na sumabay sa pagharap ko sa kanya. Kagat-kagat na niya ang ibabang labi at may tingin na nang-aakit. Awtomatiko namang umangat ang mga kamay ko at kumapit sa batok niya. Mas kumislap pa ang mga mata na agad namang nagpangiti sa akin. Para naman kasi akong hinihigop sa klase ng tingin niya. Tingin na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Tingin na nagsasabi na ako lang ang pinakamaganda sa paningin niya, at tingin na nagsasabing sabik na siyang angkinin na naman ako. “Nilalasing mo ako sa bango mo, my queen. Pinag-iinit mo ako lagi. Pinasasabik…” Ayon na nga at sininghot na nito ang leeg ko na parang inuubos ang lahat ng bango ko. May kasama na rin ‘yong himod sa nguso na nagpabungisngis sa akin. Naki
“My queen,” malambing na tawag ni Tandre sa asawang si Arwena na agad namang ngumiti nang makita ang matamis nitong ngiti. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kanina pa siya naghihintay na matapos ito sa ginagawa. At ngayong tapos na, heto at hindi na niya naawat ang sarili at nilapitan na niya agad. Napailing-iling pa si Arwena. Alam niya kasi na kanina pa sabik ang asawa na lapitan siya. Kanina pa ito gustong yakapin at halikan siya, pero dahil sa banta niya, na kapag lumapit ito sa kanya ay hindi siya sasama sa gaganaping launching ng Denovan Jewelry. Kaya wala itong nagawa, kung hindi ang manatiling tahimik habang pinagmamasdan lang siya. Pero katulad ni Tandre, hindi rin maawat ni Arwena na sumulyap sa asawang gandang-ganda sa kanya. Pangiti-ngiti kasi habang titig na titig sa reflection niya sa salamin. “Tapos ka na?” malabing nitong tanong, sabay ang banayad na paghawak sa balikat ni Arwena, at banayad iyong hinaplos-haplos. Matamis na ngiti lang ang sagot ni Arwena na may
Matapos ang isang malakas na putok na nagpapikit ng matiim sa mga mata ni Arwena, sunod-sunod na pagsabog naman ang sumunod na umalingawngaw sa loob ng conference room na nagpahinto naman sa paghinga niya. Umiiyak siya pero walang boses na lumabas. Yumugyog lang ang balikat at awang ang labi. Si Tandre naman ay mahigpit na yumakap kay Arwena. Napigil din nito ang paghinga. Akala kasi niya ay katapusan na nila. Akala niya ay ito ang huling araw na makasama ang pinakamamahal niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong ayos hanggang sa marinig nila ang mga sigaw, mga utos ng mga pulis at bomb squad na nasa loob ng conference room. Sa bilis ng pangyayari na hindi inasahan ni Farah, wala itong nagawa nang agawin sa kanya ang baril at detonator, at ngayon nga ay kasalukuyan nang dini-difuse ang mga bomb. “Tandre!” Matapos ang matinding takot at pagkagulat, sa wakas ay nagawa ring magsalita ni Arwena. Kaya lang, hindi pa rin siya makagalaw. Hindi pa rin niya kayang tumingin sa pa
“No, Wena! ‘Wag kang pumasok—” sigaw ni Tandre, pero agad natahimik dahil sa baril na tumutok sa kanya. “Tumahimik ka!” singhal ni Farah. Gigil na gigil ito na parang ano mang oras ay kalalabitin na ang gatilyo. “Kanina ka pa! Napupuno na ako sa’yo!” “Don’t do this, Farah, please! I’m begging you. I’m willing to do anything. Hayaan mo lang si Arwena,” buong puso na pakiusap ni Tandre. Ni kaunti ay hindi nakaramdam si Tandre ng takot para sa sarili niya. Natatakot siya para kay Arwena. Natatakot siya sa maaring gawin ni Farah sa asawa niya. Ang isipin pa lang ang maaring gawin nito kay Arwena, ang sikip-sikip na ng dibdib niya. Naikuyom naman sandali ni Janica ang kamao. Nasasaktan kasi siya na marinig ang pagmamakaawa ng lalaking mahal niya para sa ibang babae. “I said, shut up!” Nanlaki ang mga mata ni Farah. “Kahit anong pagmamakaawa ang gawin mo; kahit ibigay mo pa sa akin ang kayamanan mo, o kahit ibalik n’yo pa ang buhay ni Jake, hindi ko pa rin tatantanan si Arwena. Ala
“F-Farah!” Bulalas ni Janica. Parang na alimpungatan mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas na putok na narinig. Umawang pa ang labi at nanlaki ang mga mata na napatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig at duguan. “What the...” Takip-takip na rin ang mga palad nito sa tainga niya, at saka, nilibot ang paningin sa paligid. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang gulo na ginawa niya kanina. Napalingon din siya kay Tandre na ngayon ay nakayuko at nakalapat ang mga kamao sa sahig. Bakat din ang mga ugat nito sa braso.Doon niya binuhos ang lahat ng galit kay Farah na walang awang binaril ang tauhan niya na wala namang kinalaman sa problema nila. “How?” Hindi magawang ibigkas ni Janica ang salitang gusto niyang sabihin. Paulit-ulit na lang siyang napapailing habang nangingilid ang mga luha. Kitang-kita niya kasi ang butas at dugo sa suit ni Tandre. Napatingin pa siya sa kamay niya na sumaksak sa likod nito. Hindi niya akalain na magagawa niyang sasakin si Tandre sa hairsti
Matapos marinig ang sinabi ng staff ay sunod-sunod naman na umalingaw ang serena ng mga police car, bombero, at mga sigawan ng mga tao na sapilitang pinalalayo sa gusali. Napatakip na lang sa bibig si Arwena, habang si Gomez at Fuentez ay kanina pa nakikiusap na umalis na sila dahil dilikado na rito sa loob. Kaya lang paulit-ulit siyang tumanggi. “Hindi ako lalabas, hanggat hindi ko kasama si Tandre,” pagmamatigas ni Arwena na sumabay sa pagpasok ng mga awtoridad at bomb squad sa gusali. Lahat ng lugar, lahat ng sulok ng hotel ay sinigurado nila na walang tao. Maliban sa conference na kinaroroonan nila ngayon. “Mrs. Denovan, kung maari lumabas na po kayo,” pakiusap ng officer in charge na kausap ni Gomez at Fuentez kanina. Ang mga medics naman ay lumabas na para mag-antabay sa maaring kahihinatnan ng gulo na nangyayari ngayon. “I said no! I’m not going anywhere without my husband,” madiin na sabi ni Arwena. Ayaw niya rin magpahawak sa mga bodyguard. Hilam sa luha ang mga
Kasabay ng halik ni Janica kay Mr. Tan ay flash ng mga camera at sabay-sabay na mga tanong ng press na hindi na halos maintindihan. Maririnig rin ang hiyawan sa labas ng hotel. Live nga kasing napapanood ang press conference, kaya sigurado si Mr. Tan na ang iniisip ng mga fans, ang halik sa kanya ni Janica, at ang yakap nito sa kanya ay confirmation ng relationship nila. Buo na sana ang desisyon ni Mr. Tan na sundin ang suggestion ni Ted. Kaya lang, nagbago ang isip niya dahil sa ginawa ni Janica ngayon. Iba umataki si Janica. Hindi sa salita, kung hindi sa gawa. Mapait na ngumiti si Mr. Tan, kasabay ang paghawak sa balikat ni Janica at bahagyang itinulak ito palayo. Makikita kaagad ang pagsimangot ni Janica. Matalim rin ang tingin nito na parang pinagbabantaan si Mr. Tan. “You know what, Janica, bibigyan pa sana kita ng pangalawang pagkakataon na ma-redeem ang sarili mo sa kahihiyang pinapasok mo.” Matalim na tingin ang kasabay ng sinabing iyon ni Mr. Tan, sabay senyas kay Ted. “
“Bakit nandito si Janica? Didn’t I tell you to heightened the security? " Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, gawin n’yo ang lahat para hindi makapasok ang babae na ‘yon dito?!" gigil na tanong ni Tandre kay Ted.Kararating niya lang sa Hotel Denovan, at gusto na niya agad na palayasin si Janica. Ang laki nga ng mga hakbang niya, papunta sa conference room kung saan naghihintay ang press at ang babae na kinamumuhian niya. Halos patakbo namang sumunod si Ted, at ang ilang mga bodyguard niya. “I’m sorry, Mr. Tan, lahat ng utos n’yo po ay sinunod namin. We’ve done all the necessary actions, para hindi makapasok si Ms. Janica, but she disguised herself as one of the press, and it was too late for us to recognize her. Wala na kaming magawa. Press are taking pictures habang papunta siya sa harap, nakangiting umakyat sa platform, at prenteng umupo roon.” Tingin lang ang sagot ni Mr. Tan sa paliwanag ni Ted. Ni ang huminto sandali paglalakad ay hindi nito ginawa. Ayaw na niyang mag-aksaya
“Daddy, Archie!” Masiglang sigaw ni Nathan.“N-Nathan…” utal na sagot ni Archie at agad na hinarap ang pamangkin. Sinalubong niya rin ito, pero ang kamay ay sikretong sumenyas kay Tandre at Arwena na magtago muna. Agad namang sumunod ang mag-asawa. Pumasok sila sa walk-in closet habang inaaliw naman ni Archie ang bata. Pinipigilan niya itong pumasok sa kwarto para hindi makita ang ayos ng mga magulang nito. Siguro ay kinikilti na naman ni Archie ang bata. Rinig na rinig pa kasi ni Tandre at Arwena ang hagikhik ni Nathan, at maya maya ay unti-unting naglaho ang boses ng magtiyuhin.Nakapa naman ni Arwena ang dibdib, napabuga ng hangin at matalim ang tingin kay Tandre na pangiti-ngiti lang, pero halata namang kinabahan kanina.Alam nila na pereho na siguradong matutuwa si Nathan kapag nalaman nito na bati na sila. Kaya lang, nahihiya sila na makita ng Anak sa ganoong ayos. Kung malalaman o sasabihin man nila kay Nathan ang magandang balita, ‘yong nasa maayos naman silang pustura, hind