Isang kasal na nakatali sa papel. Isang kasunduan na may hangganan. At isang gabi na hindi dapat nangyari. Pitong taon na si Vaiana bilang secretary ni Kyro, at sa loob ng tatlong taon, si Vaiana ay naging anino ni Kyro de Vera—sekretarya sa umaga, asawa sa papel sa gabi. Alam niya ang lahat ng ugali nito, mula sa paboritong kulay ng suit hanggang sa mga lihim na hindi nito kailanman inamin. Pero isang gabing hindi niya matandaan ang tuluyang gumulo sa lahat. Nang magising siya sa tabi ng lalaking hindi dapat kanya, ramdam niya ang pait ng katotohanan—siya lang ang nagseryoso sa kasal na ito. Pero nang muli siyang harapin ni Kyro, may isang bagay itong sinabi na nagpayanig sa kanya: "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon." Sa isang kasunduang dapat ay walang damdamin, paano kung hindi na niya kayang itanggi ang sakit? At paano kung si Kyro mismo ang magsimulang magtanong—sino nga ba ang tunay niyang babae?
View More“Hindi maganda ang pakiramdam ni Miss Vaiana ngayon, kaya hindi niya kaya na maghatid ng mga ito. Wala akong magawa kundi ako na lang ang nagdala," mahinahong paliwanag ni Althea habang bahagyang itinaas ang kamay niyang may kapansin-pansing paso. "Kyro, huwag mong sisihin si Miss Vaiana. Hindi ko iniisip na sinadya niya ito. Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras nang walang dahilan."Nanatili lang si Kyro na tahimik, ngunit halatang hindi niya nagustuhan ang nangyari. Hindi niya kailanman hinayaang mapunta sa ibang kamay ang mahahalagang dokumento ng kumpanya, lalo na kung si Vaiana ang dapat may dala nito.Saglit siyang napapikit, pinipigil ang bumibigat niyang damdamin. Hinila niya ang kanyang necktie, saka malamig na sumagot, "Ayos lang."Isang katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Kyro. "Nandito ka na rin lang, umupo ka muna."Napakislot ang puso ni Althea. Hindi niya napigilan ang bahagyang ngiti sa labi. Kahit paano, mukhang hindi pa siya tuluyang isinanta
Tumingala siya at nakita si Althea na nakasuot ng apron, may hawak na sandok. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang ngumiti si Althea at malumanay na bumati."Hi, bisita ka rin ba ni Tita Karen? Saktong may natira pang sopas, halika at umupo ka."Ang tinig nito'y banayad, tila ba kalmado sa kabila ng sitwasyong hindi niya mawari. Ang kilos niya ay hindi nag-aalangan, at ang tindig niya—tiyak, puno ng kumpiyansa. Para siyang tunay na maybahay ng tahanang ito, habang si Vaiana naman ay isang estrangherang hindi kabilang.Tama, malapit na siyang maging tagalabas.Napalalim ang kunot sa noo ni Vaiana, hindi niya mapigilan ang biglang pag-igting ng kaba sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y para siyang isdang inilagay sa tuyong lupa—hindi makagalaw, hindi makahinga.Nang ikasal siya kay Kyro, ipinaalam niya ito sa buong lungsod. Alam iyon ng lahat. Maging si Althea ay nagpadala pa ng liham ng pagbati noon. Imposibleng hindi nito alam na siya ang asawa ni Kyro.Napansin ni Althea na
Narinig ni Vaiana ang sinabi niya, kaya nagulat siya at muntik nang matapilok. Nawalan siya ng balanse at napasandal kay Kyro. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit nitong palad sa kanyang baywang, mahigpit ngunit hindi masakit.Parang kumislap ang alaala sa kanyang isipan—ang init ng kanyang balat, ang paraan ng paghawak nito sa kanya noong gabing iyon. Ngunit kasabay ng pagbalik ng gunita ay ang pait ng katotohanang pinaglaruan lamang siya ng lalaki. Hindi niya dapat hinayaan ang sarili niyang mahulog sa bitag ng maling pag-asa.Pinakalma niya ang sarili, pilit na isinantabi ang nararamdaman, at iniangat ang tingin upang salubungin ang malalim nitong mga mata. Napakaseryoso ng titig ni Kyro—puno ng pagsusuri, pagdududa, at isang bagay na hindi niya mabasa. Parang kaya nitong pasukin ang isip niya at alamin ang mga lihim na pilit niyang itinatago.Mabilis ang tibok ng puso ni Vaiana. Hindi niya kinaya ang lalim ng tingin nito kaya agad niyang iniwas ang kanyang paningin at yumu
Sa loob ng hotel, magulo ang kwarto.Nagising si Vaiana na ramdam ang matinding sakit sa buong katawan. Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.Isang napakagwapong mukha—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog. Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo—at asawa sa papel—si Kyro de Vera.Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings—ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.Maya-maya, may kumatok sa pinto.Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propes
Sa loob ng hotel, magulo ang kwarto.Nagising si Vaiana na ramdam ang matinding sakit sa buong katawan. Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.Isang napakagwapong mukha—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog. Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo—at asawa sa papel—si Kyro de Vera.Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings—ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.Maya-maya, may kumatok sa pinto.Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propes...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments