Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
View MoreKabanata 25: Hindi Ako Karapat-dapat Para sa’yo“Geo, ikaw na muna ang bahala sa pakikipag-ugnayan kay Marie. Ayos lang ba sa’yo?”Diretsong tanong ni Albert habang pinipilit manatiling kalmado sa harap ng kanyang team.May koneksyon din kasi ang pamilya ni Geo sa industriya, kaya’t siya ang pinakamainam na tao para mangasiwa ng usaping iyon.Tumango si Geo sabay taas ng daliri sa “OK” sign, saka ngumiti. “Walang problema, boss. Ako na ang bahala rito.”Tumango si Albert bilang tugon, saka ibinaling ang tingin sa buong team. “Ang paghahanap ng bagong designer ay pansamantalang ipapasa ko kay Geo, pero kailangan niyang suportahan ng buong team. Kayo na rin ang agad na makipag-ugnayan sa PR department para makabuo tayo ng contingency plan. Ayokong may butas sa sistema natin.”“Okay po, Mr. Montenegro,” sabay-sabay na tugon ng mga miyembro.Ngunit si Geo, kahit pa ngiti ang suot, ay napabuntong-hininga habang inaayos ang salamin niya. “Gagawin ko po ang makakaya ko.”Alam niyang hindi ga
---Kabanata 24: KumplikadoHabang patuloy ang tagumpay ni Martina Acosta sa pagpabagsak ng Mga Montenegro Group, isang seryosong krisis ang unti-unting bumabalot sa Montenegro Company. Mula sa ospital, agad na bumalik si Albert Montenegro sa Company matapos makatanggap ng balita—at pagkarating pa lang niya sa pinto ng kumpanya, sinalubong na siya ng kanyang assistant na si Gio Ramirez, may tensyon sa mukha.“Ano’ng nangyayari?” tanong ni Albert, agad na kinabahan sa ekspresyon ng kanyang tauhan.“Sir, hindi po namin makontak si Lead Designer Marie Curie,” mabilis at seryosong tugon ni Gio.“Anong ibig mong sabihin na hindi siya makontak?” naguguluhan tanong ni Albert sa kanyang assistant.“Ngayon po ang araw ng pirmahan ng kontrata para sa panibagong kolaborasyon, pero matapos dalhin ng business department ang kontrata sa kanya, tinanggihan niya ito. Nag-iwan lang siya ng maikling email na nagsasabing hindi na siya interesado. At mula noon, wala na po siyang sagot.” kinakabahan sago
Kabanata 23: MarieMatapos makita ni Albert Montenegro ang mga disenyo ni Marie, labis siyang humanga. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at agad na kinontak ang designer. Sa pamamagitan ng kanyang taos-pusong pakikitungo, napapayag niya si Marie na makipag-collaborate. Mula noon, si Marie na ang naging eksklusibong designer ng Montenegro Designer Group. Sa kanyang pagpasok, unti-unting sumikat ang fashion line at high-end customization ng kumpanya. Sa loob lamang ng tatlong taon, naging isa si Marie sa pinaka-pinagkakakilanlang pangalan sa buong industriya ng moda.Isinara ni Martina Acosta ang folder na hawak at tiningnan si Lorenzo ng malamig at mapanuring tingin.“Eh ano ngayon? Naiinggit ka sa suwerteng inabot ni Albert?” aniya, may bahid ng Inis sa sa boses. “Kung gusto mo, puwede mo ring subukang kontakin si Master Marie. Malay mo, mapapayag mo rin. O puntahan mo? Binigyan siya ni Lorenzo ng nakakalukong ngiti at napailing hanggan ang ngiti ay naging tawa na. “Hindi mo ba talag
Tahimik ngunit matatag ang tinig ni Martina. “Tumawag ako ng pulis.”"Ano?!" Napalingon ang lahat, at parang kidlat ang galit na bumalot kay Tiyo Ramon Biltran. Namumula ang mukha nito, kumakabog ang dibdib sa tindi ng emosyon.“Bakit kailangan mong magpatawag ng pulis?! Kriminal ba ako sa paningin mo, ha?! Gano’n na lang ba kadali para sa’yo na ituring akong magnanakaw?!” sigaw nito, nanginginig ang boses sa galit.“At, bakit hindi?!” sagot ni Martina, mariin ang boses, matalim ang tingin. “Hindi ba’t totoo naman?!”Halos kumulo ang dugo ni Tiyo Ramon. Isang hakbang lang ang pagitan nila. Kumuyom ang kamao nito, tila handang sapakin si Martina kahit ito'y pamangkin niya.“Baliw ka na ba?! Ako ang tiyuhin mo, Martina! Ako ang tumulong sa ama mo! Sa pamilya mo! At ngayon, ako ang ipapatawag mo ng pulis?! Wala ka bang respeto sa mga nakatatanda?! Sa taong halos itinuring ka nang anak?!”Hindi natinag si Martina. Tuwid ang katawan, parang reyna sa harap ng isang traydor.“Nakatatanda ka
Kabanata 21: Isakripisyo ang Kamag-anak Para sa KatarunganHuli nang dumating si Ramon Beltran, ang direktor ng R&D Department ng Acosta Beauty. Pasimpleng ayos lang ang suot nito—parang hindi aware na tinatawag siya para sa isang emergency meeting. Nang pumasok siya sa opisina, nakangisi pa ito’t tila walang nararamdamang kaba.“O, hindi ba’t ikaw si Martina? Ako ang Tito Mon mo! Ako ang unang nagpaligo sa ’yo noong baby ka pa, tanda mo pa ba? Aba, napakaganda mo na! Kamukha mo ang papa mo, lalo na ’yung mga mata—parang nangungusap.”Ang lalaki ay dating pinsan ng ama ni Martina. Hindi sila close, pero noong nabubuhay pa ang ama niya, tinulungan nito si Ramon sa negosyo. Mula sa pagiging tindero ng sabon at pabango sa palengke, naipasok si Ramon sa kumpanya. At dahil sa utang na loob, itinaas pa ng dating chairman ang posisyon nito hanggang naging team head ng isang maliit na division.Ngunit nang pumanaw ang mga magulang ni Martina, siya ang naiwan upang mamahala sa Acosta Group of
Kabanata 20: PagsasaayosPaano naman ako mahihiya sa ganito?” Masayang ngumiti si Zia habang tinatanggap ang paanyaya. Bagamat pormal ang tono niya, halata sa mga mata niya ang pananabik. Matagal na niyang pinapangarap makadalo sa isang high-class na fashion event. Kilala ito bilang pagtitipon ng mga elite—mga anak ng mayayamang pamilya, kilalang negosyante, at mga sikat na personalidad. Para kay Zia, ito ang perpektong pagkakataon upang makilala ang mga taong makakatulong sa kanyang makahanap ng asawang mayaman, gwapo, matipuno, at higit sa lahat… faithful.“Baka dito ko na makilala ang Mr. Perfect ko,” bulong niya sa sarili habang iniikot-ikot sa kamay ang gintong imbitasyon na tila ba ito na ang susi sa kanyang magandang kapalaran.“Ano 'yan, Zia? Nakangiti ka mag-isa. In love ka na ba agad sa invitation?” tukso ng kaibigang si Pia na siyang nagbigay ng pass sa kanya.“Aba, baka naman,” sagot ni Zia na may halong kilig. “Teka, ilang CEO ba ang invited dito? Yung mga nasa ‘Forbes Un
Kadarating lang nila Albert at Pia sa kanilang mansyon. Maingat niyang inaalalayan si Pia, na hirap makalakad dahil sa naka-sementong binti. Hindi ito romantiko—kundi isang simpleng kilos ng isang taong may konsensiya. Sa loob-loob ni Albert, responsibilidad niya ang nangyari.“Dahan-dahan,” malamig at diretsong sabi niya habang inaalalayan ito papasok.Bahagyang tumango si Pia, tahimik. Alam niyang hindi galing sa lambing ang kilos ng lalaki, kundi mula sa paggalang—at marahil ay kaunting guilt. Wala siyang karapatang umasa ng higit pa.Pagpasok sa loob ng mansion, tumambad sa kanila ang katahimikan ng malawak na salas. Ang marmol na sahig ay nangingintab, at sa itaas ay nakasabit ang mamahaling chandelier na tanging liwanag ng bahay.“Umupo ka diyan. Huwag mong piliting tumayo nang matagal,” sabi ni Albert, sabay turo sa sofa.Habang binibitawan niya ang handbag ni Pia sa gilid, bigla namang tumunog ang kanyang cellphone.BRRRRT! BRRRRT!Saglit siyang napatingin sa screen, tapos ay
Kabanata 18: Wala Na sa EksenaNgayon, kahit kailan ay hindi na muling maglalakas-loob si Pia na banggain si Martina. Noon, tila baliw na babae si Martina sa mga mata niya—laging tahimik, laging nagpaparaya. Pero matapos ang lahat ng nangyari, malinaw na sa kanya: hindi na siya ang Martina na dating sunud-sunuran.At dahil ilang beses na rin siyang natalo sa kamay ng babae, napagtanto ni Pia na masyado niyang minamaliit ang dati niyang hipag. Maling-mali siya.Pero kahit pa gano'n, ano bang laban ng isang babaeng iniwan sa altar ng pamilya Albert? Isang babaeng hiwalay na sa asawa? Sa mata ni Pia, panandalian lang ang yabang ni Martina. Kapag nagkataon at bumalik sa kanya si Albert, siya pa rin ang magwawagi."Oo na, susunod na ako sa'yo, Albert," aniya sa malambing pero pilit na tinig.Tahimik lamang si Albert habang inihahatid si Pia sa ospital. Nang matapos ang eksaminasyon, ipinahayag ng doktor ang resulta—bali ang kanang binti ni Pia. Dalawang buwang di makakalakad. Nanlumo ang m
Kabanata 17: Huwag Mo Siyang PagsimulanMay humigit-kumulang tatlumpung baitang ang hagdan sa harapan ng gusali ng Civil Registry—at mula sa tuktok niyon, walang pag-aalinlangang itinulak ni Martina si Pia. Totoo ngang hindi na siya ang dating tahimik na babae. Sa isang iglap, parang naging bagyong walang awa si Martina—at ang babaeng minsang nang-api sa kanya, si Pia, ang naging biktima ng kanyang muling pagkabuhay.Gumulong si Pia pababa ng hagdan gaya ng isang basang manika—walang kontrol, walang dignidad. Nang huminto siya sa pinakababa, nanginginig itong napahandusay sa malamig na semento. Ang dati niyang maamong mukha ay halos hindi na makilala. Namamaga ang kaliwang pisngi, may gasgas sa noo, at dumadaloy ang manipis na dugo mula sa kanyang ilong.Nagmamadaling lumapit si Albert, nanlalaki ang mga mata. Agad niyang inalalayan si Pia, hawak sa siko, pero halatang pinipigilan ang sariling hindi tuluyang mainis.“Tumayo ka na, Pia,” malamig ang boses niya. “Pwede ka bang huwag na
Kabanata 1Habang masayang inaayos ni Martina ang huling niluto niyang putahe sa ibabaw ng mesa, para sa kanilang anniversary—tatlong taon na silang kasal ng asawa niyang si Albert Montenegro—napahinto siya ng pumasok ang asawa niyang lalapitan na sana niya ito at babatiin habang may matamis na ngiti sa kanyang labi ngunit mabilis na pawi ang kasiyahan niya ng pumasok si Pia Trinidad.Nakita ni Martina ang pagngiti ni Pia, isang ngiting alam niyang pang-aasar at pagmamayabang. Ang mga mata ni Pia ay nakatingin kay Martina, na para bang sinasabi, "Narito ako, at wala kang magagawa.”Sa loob ng tatlong taon nilang kasal, lagi na lang kasama ang kababata ng asawa niyang si Pia at ang dati nitong fiancé dahil sa kasalanan niyang nagawa napilitan si Albert na pakasalan siya kahit labag rito dahil sa isang gabi may nangyari sa kanilang dalawa.Ang bawat araw ay isang paalala kay Martina ng kanyang pagkakamali. Ang kanyang kasal kay Albert ay hindi kailanman batay sa pagmamahal, kundi sa isa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments