Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan. Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira. Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Lihat lebih banyakNakatingin lang ang itim na mga mata nito sa kanya na parang tinitingnan sila kung safe ba silang umalis.Nakikita niya na ang mukha at mga mata nito na parang sobrang lungkot nito at hindi niya alam ang dahilan, na parang iniisip ni Felicia na kung sino rin ba ang magliligtas sa kanya pag siya na ang maghahanap ng tulong."Lucia..." walang boses na sambit niya pero hindi niya pinarinig.At tatawagin sana niya ito para sumama sa kanila pero nag-sign ito na wag maingay at dahan-dahan na lang itong umiling na nagsasabi na umuna na kayong lumabas.'No, let's go together.'Gusto niyang sabihin ang katagang iyon pero napatingin siya kay Shia na buhat-buhat niya ngayon. Nakaramdam na naman siya ng takot na baka mawalan na naman siya ng anak.Tiningnan na lang niya si Felicia at selfish na umalis na lang at hindi na tumingin kay Felicia at umalis na sa lugar na yun ng ligtas.Nakikita iyon lahat ni Lucien ang ginagawa ng Ina niya sa kinatatayuan niya. Napakamao siya, at namumula ang mata niy
Nagpapanik naman silang dalawa ni Vince dahil tumakbo nga si Felicia na walang pasabi."F*ck! Isulat mo na!"Natatakot si Vince kung ano ang mangyayari kay Felicia, napakagat siya sa labi niya at agad niyang sinulat ang sinabi ni Felicia sa salamin na naka-iwan ng pagkagulat sa mga pulis sa labas. At agad na nilang sinundan si Felicia. Sa second floor pa rin ay tinantya ni Felicia ang paglapag niya sa lalaking nasa second floor. At kinuha niya ang tali sa likuran niya at tinali sa railing sa second floor.Tutulong sana si Lucien sa tali pero mabilis naman iyong nagawa ni Felicia at nanlalaki ang mga mata niya na matibay ang pagkakagawa nito kahit anong tanggal niya.At nung nakita nila na hahawakan na ni Felicia ang lubid at tatalon na sana siya na kinagulat niya kaya mabilis niya iyong pinigilan.Kalma namang napatingin sa kanya si Felicia."Bakit?""At least magsuot ka rin ng safety lock o itali mo man lang sa bewang mo para safe ka. Ako na ang bababa sayo."Mababaliw na talaga si
Makalipas ang ilang minuto, maraming mga pulis ang dumating sa labas ng mall. At agad nitong binuksan ang loudspeaker nito at maririnig ang malakas na boses ng pulis sa labas na mas lalong kina-excited ng lalaking may baril.Mabilis nitong niyakap sa leeg ang isang clerk at tinutukan nito ng baril ang ulo nito."Mukhang may pinindot kayo ha para pumunta ang mga pulis dito!""H-Hindi po!""Sinungaling!"At isang iglap ay pinindot nito ang trigger na walang dala-dalawang isip at gulat ang lahat sa mga sunod na eksena.Tinamaan ang babaeng clerk sa braso nito na kinasigaw ng lahat at nawalan ng malay ang clerk dahil sa takot. Malakas na nag-iyakan ang mga bata malapit sa armadong lalaki dahil sa nasaksihan nila.Napatingin ang lalaki sa kanila nung nakita niya ang mga bata na magkasama sa gilid niya.Lumapit siya sa mga bata at agad tinutukan niya ng baril ang mga bata."Wag kayong umiyak! Ang iingay ninyo!" sigaw niya.Nakita ni Felicia na ang mga batang nandodoon ay ang mga kaklase n
"Nonsense! Alam niyo naman na walang kapatid na babae si Vincenzo."Natigilan naman si Shia na nag-iisip ng palusot. Natatakot siya na baka malaman ng mga kasama niya na adopted lang siya ng Moretti Family."Anak siya ng katulong namin! At bago lang siya dito."Napatingin naman sila kay Shia at kay Felicia na kumakain pa rin ng ice cream at walang pakealam sa kanila. Bumaba naman ang tingin nila kay Felicia dahil isa lamang itong anak ng katulong."Kaya pala ang itim niya at ang damit naman niya ay hindi maganda.""Oo nga. Ang bait naman ng brother mo dahil sinama pa nito ang anak ng katulong ninyo para kumain pero bakit hindi tayo inimbita para kumain rin?"Hindi naman sa hindi sila makakabayad sa isang ice cream lang, pero anak sila ng mayamang pamilya at sanay na sila na hindi hinihindian ang kagustuhan nila.At isa pa alam nila na mas mataas sila kay Felicia kaya dapat sila ang nasa position ngayon at ito naman ay nakatayo lamang sa gilid.Bago magsalita si Shia ay biglang nagula
Nakatingin ngayon si Lucien sa kanila. At magsasalita sana si Felicia nang magsalita si Vince."Hindi mo ba alam na yan ang pangalan niya nung nasa baryo siya? Nakasanayan na rin niya na Felicia ang pangalan niya at hindi Lucia.Natigilan naman si Lucien."What? Totoo ba na Felicia ang tawag sayo?"Tumango naman si Felicia habang nakatingin kay Lucien at napatulala na lang ito."Let's go, Felicia."Isang iglap ay nasa harapan na sila ng store ng ice cream."That thing is not very sweet. What's so delicious about it."Ayaw na ayaw ni Lucien na kumain ng sweets at pati na rin ang ice cream ay ayaw din niya. Napatingin siya sa unahan at nakita niya na may malaki at maliit na bata na nakatayo sa may pintuan ng store.Hindi naman sila nakinig sa reklamo ni Lucien sa gilid. "May gusto ka bang flavor ng ice cream?"Dahan-dahan namang umiling si Felicia sa tanong ni Vince habang nakatingin siya sa colorful flavor map habang nagtataka pa ring nakatingin doon."Hindi pa ako nakakatikim ng ice
"Bunso, may nagustuhan ka na ba?" Napatingin ang store owner kay Lucien. Hindi pa rin siya makapaniwala dahil ibang Lucien ang nakikita niya ngayon sa harapan niya.Narinig niya noon ang nangyaring pagkawala ng kapatid ng kaibigan at malaki ang epekto nun sa buhay nila.Hindi nito tanggap ang adopted ng pamilya nila na si Shia pero iba sa batang kasama niya. Nakikita niya na mahal na mahal niya ang batang nasa tabi nito at naging iba ang ugali ng kaibigan niya.Isa-isang pinakilala ni Lucien ang mga computer kay Felicia pati na rin ang mga keyboard model, hanggang sa malibot nila ang boung store."Namamangha ka ba? Ang daming computers diba? May nagustuhan ka na ba?" Tiningnan ni Felicia ang mga computers at hindi iyon naiwasan sa paningin ng kaibigan ni Lucien.Hindi siya makapaniwala na ang batang kasama niya na kakarating lang sa buhay nila at kalma lang ang reaksyon nito. Ibang iba ito sa isang kapatid nila na palaging nagpapansin at kinukuha ang simpatya ng lahat.Umupo si F
Dahan-dahan siyang napatingin kay Felicia, biglang naging iba ang mood nito sa kay Felicia."Uhmm... Little sister, gusto mo ba ng computer na kagaya nito kalaki o gadgets? B-Bibilhan kita."Nahihiyang napakamot na lang si Lucien sa batok nito na parang nahihiya.Hindi siya proud na nanalo sila sa laro dahil alam na alam niya na itong batang nasa tabi niya ang nagpanalo sa grupo nila.Sinasabi niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat makabawi lang kay Felicia.Hindi naintindihan ni Felicia kung ano ang nilaro ni Lucien na laro ngayon, pero alam na alam niya na malaki ang natulong niya sa kanya kaya hindi siya nagdadalawang isip na sumagot sa tanong niya na kung gusto ba niya ng computer o gadgets."Oo, gusto ko ang mga iyon."Napangiti naman ng malaki si Lucien at binuhat niya si Felicia at inikot-ikot ito dahil sa tuwa.Matapos bihisan si Felicia ng katulong na tumulong sa kanya ay nag-aalala pa ring nakatingin ito sa kanya."Sigurado ka bang walang ginawa na masama si young mas
Nakatingin ngayon si Lucien habang nakadewatro na nakaupo sa upuan katabi kay Felicia at naghihintay siya kung kailan ito susuko sa ginagawa nito ngayon. Hindi kailanman nakahawak si Felicia ng mga gadgets pero nakakita na siya ng ganito noon sa mga kriminal na dumadayo sa lugar nila. Nabalitaan din niya na marami ang mga ganitong bagay labas sa baryo nila. Gustong-gusto niyang bilhin ang mga bagay na iyon dahil pakiramdam niya ay marami siyang magagawa once makabili siya ng ganung gadget. Nung unang pindot niya sa keyboard ay parang hindi pa siya sanay lalo na't hindi pa niya memorize kung saan nakalagay ang mga letters pero matalas ang kanyang memorya. Isa-isa niyang pinag-combine ang image at programming hanggang sa ang pagtitipa niya ay parang kagaya na sa paglagay ni Lucien sa mga letter sa screen. Sa simula ay di pa masyadong mabilis ang pagtitipa niya hanggang sa masanay ang kanyang daliri at memorya sa mga letters kung saan ito nakalagay. Hanggang sa bumilis ng bumilis a
Nakakunot noo itong nakatingin sa kanya na parang nakakita ito ng insekto sa harapan nito. Hindi na lang siya pinansin nito at humarap sa katulong. "Ayoko ng sandwich ngayon, fry me a steak, ngayon na at dalian mo dahil nagugutom na ako." "M-masusunod po, young master." Nagmamadaling umalis ang isang katulong dahil sa inutos niya. Napatingin ulit ito sa kanya na parang binabasa ang isipan niya. "Young master, ito po si Young lady Lucia, kakabalik lang po niya kahapon. And milady, ito po ang nakakatandang kapatid ninyo si young master Lucien." Pero hindi naman pinansin ni Lucien ang sinabi ng katulong. "Hindi ko na alam kung ano na ang pinagsasabi ng mga magulang ko. Ang sabi nila ay nawala na siya at di na kailanman mahahanap pero ano itong nasa harapan ko?" Napatingin naman ang katulong kay Felicia dahil naaawa na siya sa batang ito. Kahit bata pa ay naririnig na nito ang lahat ng insulto ng pamilyang ito. Hindi niya alam kung mabilis bang makaka-adapt agad ang bata sa baha
3rd Person's Point of View*Mabilis na hinahabol ng police car ang isang sa malaking van sa highway.May nag-report kasi sa kanila ito yung puting van na kumukuha ng mga bata.Mabilis nilang nalulusutan ang mga pasikot-sikot na dinaanan ng mga kidnappers hanggang sa makalabas sila sa lungsod at patuloy pa rin sila sa paghahabol.Biglang tumunog ang telecom nila na kinatingin ng mga pulis doon, "May higit na limampung kilo ng droga at dosenang mga batang kinidnap ng armadong grupo ang nasa loob ng van.”"Mayaman ang mga magulang ng mga batang 'yon. Nanghihingi pa ng ramson ang mga kidnappers para mabalik ang mga bata sa mga magulang nito.”"Mga halimaw talaga ang mga hayop na 'yan!" galit na sigaw ng isa sa mga pulis sa loob ng sasakyan sabay hampas sa manibela.Tatapakan sana niya ang accelerator nang mapansin niyang may grupo ng mga taong nakaharang sa daanan.Kahit anong busina ang gawin niya, tila walang nakakarinig sa kanila."Put--!"Galit na mura ng bagong pulis habang pasigaw n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen