
The Unwanted Heiress
Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.
Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan.
Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya.
Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo.
Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam.
Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon.
Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.
Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya.
Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit.
At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim…
Isa siyang pamalit....
Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito.
At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila.
Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo.
Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti.
*****
Baca
Chapter: Kabanata 0019Hindi nagustuhan nila ang sinabi ni Luscious."Alamin mo ang kinatatayuan mo at wag mo kong bigyan ng sakit sa ulo sa hinaharap.""Dad!"Hindi mapigilan ni Lucien na sigawan ang dad nito, pumagitna siya at inilagay niya sa likuran si Felicia at kaharap niya ngayon ang ama niya."Alam mo ba na niligtas niya si Mom at yung adopted ninyo? Kasali na rin ang lahat ng tao sa mall at pati na rin kaming dalawa ni Vince. Alam mo ba yun? Kung hindi niya ginawa yun ay sigurado sabog na kaming lahat pati ang mall! Pero hindi nangyari ang lahat ng iyon dahil kay bunso!"Nagulat naman si Luscious dahil sinigawan siya ngayon ng anak."Lahat ng tao ay nagpapasalamat sa kanya at ang iba ay lumuhod na dahil iniligtas ang mga mahal nila sa buhay tapos ikaw? Anong ginagawa mo? Why do you blame her? Nakita mo ba ang sugat sa noo niya? Tinuring mo ba siyang anak!"Galit at halong lungkot ang nararamdaman niya ngayon, dahil pakiramdam niya na napaka-unfair kay Felicia ang nangyayari sa kanya na parang nasa
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 0018Mabilis na gumalaw si Felicia at agad niyang tinama ang maliit na katawan niya sa gilid at likod ng lalaki.At isang iglap ay tinapaan niya ang weak points sa pulsuhan nito na kinasigaw nito sa sakit.Nahulog naman ang baril at kasabay ng pagtumba ng lalaki sa sahig. Maraming mga tao ang palalapit sana sa kanya pero mabilis naman nitong kinuha ang baril na nasa sahig.Hindi na niya alam kung saan ang lakas niya nanggaling basta ang sa kanya ay makaganti siya ngayon sa batang nagpabagsak sa kanya.Ginamit niya ang isang kamay niya na humawak sa baril at tinapat niya ang bibig ng baril niya sa bomba na nasa katawan niya.Nakita ng mga police ang pangyayari kaya nagpanik sila at sumigaw."All get down!"Sabay naman silang lahat na napayuko at niyakap nila ang mga ulo nila.Hindi nila alam kung gaano kalakas ang bomba na nasa katawan ng lalaki. Kaya yun na lang ang ginawa nila para hindi masyadong malaki ang damage na mangyayari sa kanila.Pero sa seconds na nangyari iyon at narinig nila
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 0017Nakatingin lang ang itim na mga mata nito sa kanya na parang tinitingnan sila kung safe ba silang umalis.Nakikita niya na ang mukha at mga mata nito na parang sobrang lungkot nito at hindi niya alam ang dahilan, na parang iniisip ni Felicia na kung sino rin ba ang magliligtas sa kanya pag siya na ang maghahanap ng tulong."Lucia..." walang boses na sambit niya pero hindi niya pinarinig.At tatawagin sana niya ito para sumama sa kanila pero nag-sign ito na wag maingay at dahan-dahan na lang itong umiling na nagsasabi na umuna na kayong lumabas.'No, let's go together.'Gusto niyang sabihin ang katagang iyon pero napatingin siya kay Shia na buhat-buhat niya ngayon. Nakaramdam na naman siya ng takot na baka mawalan na naman siya ng anak.Tiningnan na lang niya si Felicia at selfish na umalis na lang at hindi na tumingin kay Felicia at umalis na sa lugar na yun ng ligtas.Nakikita iyon lahat ni Lucien ang ginagawa ng Ina niya sa kinatatayuan niya. Napakamao siya, at namumula ang mata niy
Terakhir Diperbarui: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 0016Nagpapanik naman silang dalawa ni Vince dahil tumakbo nga si Felicia na walang pasabi."F*ck! Isulat mo na!"Natatakot si Vince kung ano ang mangyayari kay Felicia, napakagat siya sa labi niya at agad niyang sinulat ang sinabi ni Felicia sa salamin na naka-iwan ng pagkagulat sa mga pulis sa labas. At agad na nilang sinundan si Felicia. Sa second floor pa rin ay tinantya ni Felicia ang paglapag niya sa lalaking nasa second floor. At kinuha niya ang tali sa likuran niya at tinali sa railing sa second floor.Tutulong sana si Lucien sa tali pero mabilis naman iyong nagawa ni Felicia at nanlalaki ang mga mata niya na matibay ang pagkakagawa nito kahit anong tanggal niya.At nung nakita nila na hahawakan na ni Felicia ang lubid at tatalon na sana siya na kinagulat niya kaya mabilis niya iyong pinigilan.Kalma namang napatingin sa kanya si Felicia."Bakit?""At least magsuot ka rin ng safety lock o itali mo man lang sa bewang mo para safe ka. Ako na ang bababa sayo."Mababaliw na talaga si
Terakhir Diperbarui: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 0015Makalipas ang ilang minuto, maraming mga pulis ang dumating sa labas ng mall. At agad nitong binuksan ang loudspeaker nito at maririnig ang malakas na boses ng pulis sa labas na mas lalong kina-excited ng lalaking may baril.Mabilis nitong niyakap sa leeg ang isang clerk at tinutukan nito ng baril ang ulo nito."Mukhang may pinindot kayo ha para pumunta ang mga pulis dito!""H-Hindi po!""Sinungaling!"At isang iglap ay pinindot nito ang trigger na walang dala-dalawang isip at gulat ang lahat sa mga sunod na eksena.Tinamaan ang babaeng clerk sa braso nito na kinasigaw ng lahat at nawalan ng malay ang clerk dahil sa takot. Malakas na nag-iyakan ang mga bata malapit sa armadong lalaki dahil sa nasaksihan nila.Napatingin ang lalaki sa kanila nung nakita niya ang mga bata na magkasama sa gilid niya.Lumapit siya sa mga bata at agad tinutukan niya ng baril ang mga bata."Wag kayong umiyak! Ang iingay ninyo!" sigaw niya.Nakita ni Felicia na ang mga batang nandodoon ay ang mga kaklase n
Terakhir Diperbarui: 2025-04-12
Chapter: Kabanata 0014"Nonsense! Alam niyo naman na walang kapatid na babae si Vincenzo."Natigilan naman si Shia na nag-iisip ng palusot. Natatakot siya na baka malaman ng mga kasama niya na adopted lang siya ng Moretti Family."Anak siya ng katulong namin! At bago lang siya dito."Napatingin naman sila kay Shia at kay Felicia na kumakain pa rin ng ice cream at walang pakealam sa kanila. Bumaba naman ang tingin nila kay Felicia dahil isa lamang itong anak ng katulong."Kaya pala ang itim niya at ang damit naman niya ay hindi maganda.""Oo nga. Ang bait naman ng brother mo dahil sinama pa nito ang anak ng katulong ninyo para kumain pero bakit hindi tayo inimbita para kumain rin?"Hindi naman sa hindi sila makakabayad sa isang ice cream lang, pero anak sila ng mayamang pamilya at sanay na sila na hindi hinihindian ang kagustuhan nila.At isa pa alam nila na mas mataas sila kay Felicia kaya dapat sila ang nasa position ngayon at ito naman ay nakatayo lamang sa gilid.Bago magsalita si Shia ay biglang nagula
Terakhir Diperbarui: 2025-04-12