“Isang fake na relasyon. Isang tunay na kilig. Paano kung ang puso ang unang bumigay?” Hindi inakala ni Luna Reyes na ang simpleng pagtatrabaho sa isang coffee shop ay mauuwi sa viral na love story—at hindi rin niya inakalang billionaire pala ang tinapunan niya ng kape. Enter Ethan Villareal—isang mysterious, drop-dead gorgeous CEO na may sariling tech empire. Sa isang maling akala at trending video, napagkamalan silang magkasintahan ng publiko. Imbes na itama ang lahat, may alok si Ethan: pumayag na lang sa fake relationship kapalit ng tulong sa pangarap ni Luna—ang sarili niyang café. Walang commitment, walang feelings. Acting lang. Pero habang tumatagal ang palabas nila, parang hindi na scripted ang mga ngiti, hawak-kamay, at titig. At kung dati, kunwari lang ang kilig… ngayon, parang totoo na. Sa isang mundo kung saan lahat ay pwedeng pekein, paano kung ang puso nila ang maging totoo?
Lihat lebih banyak“Ayoko ng toast na may kaluluwa,” reklamo ko habang hawak ang sunog kong tinapay.“Luna,” tawa ni Ethan, “paano ka naging café owner kung hindi mo kayang mag-toast?”“Barista ako, hindi chef. May division of labor ‘to.”Umikot siya papunta sa toaster, kinuha ang tinapay, at tumingin sa akin na para bang sinasabi, ‘Hayaan mo na, ako na bahala.’“Tingin mo ba pogi points ‘yan?” tanong ko, nag-aabang ng comeback niya.“Pwedeng pogi points. Pwede ring boyfriend goals. Depende sa mood mo.”Napangiti ako. “Hmm. Today feels like a boyfriend goals kind of day.”“Then let me earn it.”Lumapit siya, suot pa rin ang luma kong apron na may nakasulat na ‘Bean Me Up, Scotty.’ At kahit halatang awkward siyang isuot iyon, suot pa rin niya. For me.“Kape o halik?” tanong niya, nakangisi.“Caffeine muna bago affection, please,” sabi ko, sabay abot ng empty mug.“Coming right up, ma’am. One tall latte with a side of charm.”Nagkibit ako ng balikat. “Kung ganyan ka mag-deliver ng pick-up lines, baka m
Naglakad ako palayo sa garden, pero hindi ko kayang iwasan ang tanawin ng mga mata ni Ethan at Zack. Hindi ko maiwasang isipin ang mga saloobin nila habang nag-uusap sila sa likod ko. Parang may electric current na dumadaloy sa hangin. Ang bigat.Malamig na ang kape ko, pero hindi ko pa rin magawang uminom. Masyadong maraming nangyayari. Si Zack, ang ex ko, andito sa café ko ngayon, and Ethan, ang taong ngayon ay nagpapasaya sa buhay ko parehong naroroon, at ako, stuck sa gitna.Tumingin ako sa paligid, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kung anong pinag-uusapan nila ni Zack. Baka naman may hinahanap siya. Baka may balak pa siyang sirain sa buhay ko. Baka… baka hindi ko na kayang mag-move on kung hindi ko makakalimutan si Zack.Sakit sa ulo, lalo na’t nararamdaman ko ang presensya ni Ethan kahit malayo siya. Nandiyan siya sa likod ko, pero hindi ko pa kayang harapin siya ngayon. Ayoko ng tension. Ayoko ng drama.Hindi ko na napansin na naka-pose ako sa isang sulok ng café, par
“Wait lang, this café is real?! As in may swing, may fairy lights, at may espresso machine na mukhang spaceship?!”“Legit. Hindi hallucination ‘yan,” sagot ni Ethan habang inaayos ang upuan sa garden café na bagong bukas—technically soft opening lang, pero feel ko grand launch na agad sa puso ko.Pumikit ako sandali, sininghot ang aroma ng kape sa hangin.“Amoy future,” sabi ko. “At amoy slight panic.”“Bakit panic?” tanong niya habang nilalagay sa table ang dalawang baso ng kape.“Teka anong beans ‘to? ‘Wag mong sabihing experimental ha baka mamaya may chili flakes ‘yan.”“Chili espresso actually. New trend. Para sa mga heiress na adventurous.”“Ethan!” Halos ihagis ko ang baso sa kanya pero natawa ako. “Gusto mong mawala agad ‘yung customers natin?”“Hindi naman. Trial phase lang ‘yan. Hindi ko pa i-upload sa menu board sa social media. Unless gusto mong maging viral.”Umiling ako habang natawa. “Ang tag line: Café Heiress where trauma meets caffeine.”“Perfect. Ako na magde-desi
"Heiress."Ang lakas ng tunog niyan sa utak ko.Ako raw. Heiress. Apo ng donya. May fountain sa bahay. May pearls sa breakfast. At wait lang, may sariling tsaa na imported mula Paris?Pumikit ako sandali habang nakahiga sa guest room ni Ethan. Ang lambot ng kama. Parang tinapay na mamahalin. Pero kahit gano'ng kalambot, hindi makatulog ang utak ko.Ilang oras pa lang ang lumipas simula nang mareveal ang lahat, pero parang buong season na ng telenovela ang nangyari.May mama akong buhay. May lola akong fierce. At may Ethan akong… well, Ethan.Kumatok siya.“Hey. Gising ka pa?”“Unfortunately,” sagot ko.Dumungaw siya. May hawak na tray cookies at tsaa. Yung tsaa, mukhang hindi galing Paris. Galing convenience store. Mas gusto ko ‘yon.“Peace offering,” sabi niya.“Bakit, may kasalanan ka ba?” Umupo ako habang tinatanggap ‘yung tray.“Wala naman. Pero may instinct akong dapat kang pakalmahin bago mo pasabugin ang mansion.”Ngumiti ako kahit gustong umiyak.“Hindi ko alam kung iiyak ako
“Luna! Anak!”Napalingon ako, agad na bumigat ang dibdib ko. Si Mama?!As in totoong Mama. Buhay. Humihinga. May kilay. May buhok!Pero… teka lang.Bakit hawak siya ng dalawang lalaking mukhang auditionees para sa papel ng kontrabida sa telenovela?“Wait, wait, wait…” bulong ko sa sarili ko habang pilit kong sinisilip ang paligid, baka may hidden camera. “Baka prank lang ‘to. Maxine, sabihin mong prank lang ‘to—”“Bes,” bulong niya habang nakapulupot ang braso sa’kin, “kung prank ‘to, may Oscar award na ‘yung mga ‘yan. Tsaka bakit may baril?!”Si Ethan, alerto na agad. Para siyang superhero on standby mode. Literal na parang puputok ang ugat sa sentido niya habang hawak ang kamay ko.“Stay behind me,” bulong niya.Pero hindi ako nakinig.Kasi si Mama ‘yon. Mama ko.“MA—!”“Don’t move!” sigaw ng isa sa mga lalaking kasama ni Mama.Tumigil ako mid-step. Literal na parang may invisible na forcefield. Kahit ang kaluluwa ko, nag-preno.Si Mama, sinubukang makawala. “Wag niyo siyang sasak
“Aray ko… may narinig akong ‘crack.’ At hindi ‘yun sa puso ko, bes,” reklamo ni Maxine habang nakaupo sa damuhan, hawak-hawak ang paa niya.“Baka bali na yan,” sabi ko habang pinipilit huwag manginig ang boses. Kahit natatawa ako sa sinabi niya, ramdam ko pa rin ang lamig sa dibdib ko dahil sa mga natuklasan.Nasa tabi ko si Ethan, hawak-hawak pa rin ang envelope na may pangalan ni Mama. Parang ang bigat ng pangalan niya sa papel. Parang bigat din sa dibdib ko.“Elena Reyes…” bulong ko ulit. “Bakit hindi niya sinabi sa’kin ‘to? At bakit kailangan niya akong itago?”“Luna, hindi natin alam kung anong ibig sabihin ng sulat,” sabat ni Ethan, pero hindi ko siya tiningnan.“Hindi mo alam? O ayaw mong sabihin?” Tumayo ako, kahit nanginginig ang tuhod ko. “Laging may tinatago. Laging may ‘di mo sinasabi.”“Bes, hindi pa ba ito ‘yung part na nag-aaway kayo tapos biglang hahalikan mo siya dahil intense na ang moment?” singit ni Maxine, sabay pilit ngiti habang sinusubukan i-stretch ang paa n
LUNA“Maxine, tahimik lang tayo, please. May mga guard daw dito na parang extra sa John Wick, sabi ni Ethan,” bulong ko habang nakayuko kami sa loob ng sasakyan.Pero si Maxine, hindi mapigilan. “Eh paano kung may secret agent mode ako, bes? ‘Di ba nga sa Mission Impossible, may scene na may lipstick tas naging granada?”“Maxine…” Umiling ako, pero hindi ko rin napigilang mapangiti.“Eh ‘di ba ikaw, Luna, ikaw si ‘Coffee Girl’? Ako naman, si ‘Spy Girl’! Maxine, Queen of Disguises!” sabay tago niya sa likod ng isang jacket na parang cape. “Tada!”Napapitlag kami nang biglang tumunog ang kanyang phone full volume pa.“Kapag Tumibok ang Puso…” sigaw ng ringtone.“Maxine!” sabay naming sigaw ni Ethan mula sa unahan. Napaluhod ako sa likod ng seat habang sinusubukang pigilan ang tawa at kaba.“Ay, sorry, bes! Hindi ko na-mute…” bulong niya habang binubunot ang phone, nanginginig pa ang kamay sa kabado.Tumigil ang sasakyan. Lahat kami tahimik.Sa labas, may dumaan na flashlight. Isang an
“Ako na ba ang susunod?” tanong ko sa sarili habang nakatitig sa lalaking kararating lang matangkad, suot ang all-black suit na parang laging may lamay, at may presensya na kayang patigilin ang tibok ng puso mo… sa takot.“Uncle Mateo,” sabi ni Ethan, malamig ang boses. “You’re early.”“Apparently, I had to be,” sagot ng lalaki habang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. “So… she’s the girl?”Great. Ako na agad ang girl. Walang pangalan, walang intro. Just ‘the girl’.Tumayo si Maxine at halos sabay kaming lumapit ni Ethan. Pero bago pa kami makalapit ng tuluyan, biglang nagtanong si Max. “Excuse me po, Sir Mateo, pero may tanong lang ako… may part ba kayo sa bagong teleserye ni Coco Martin? Kasi grabe po 'yung entrance n’yo. Pang-primetime.”Napasinghal si Ethan. Ako naman, muntik nang matawa kung hindi lang nakakakilabot ang aura ni Uncle Mateo, baka pinapalakpakan na siya ni Maxine.“I don’t have time for jokes,” sabi niya, deadpan. “San Guillermo is compromised.”Napatingin ak
“Hindi sila ang akala mong Villareal.”Biglang tumigil ang elevator.Tok. Tok. Tok.Sunod sunod ang tunog, parang may gumugulong sa loob ng pader. Napatingin kami sa paligid. Umilaw, pumikit, saka tuluyang pumanaw ang mga ilaw.“W What the hell was that?!” bulalas ni Maxine habang kumapit sa braso ko na parang stuffed toy ako."Custodio," ani Ethan. Malamig ang boses niya pero kita sa panga ang tensyon."What do you mean by that?"Pero wala na siyang sagot. Dead air. Parang multo lang siyang nagparamdam para manggulo, tapos nawala."Hello? Custodio?!" sigaw ni Ethan sa panel. Wala. Ni static, wala.Nag blink ang emergency lights. Red. Kulay panic. Ang tipo ng ilaw na parang eksena sa horror film bago may sumigaw ng “Run!”Napalunok ako.“Ethan… seryoso ka bang hindi ito scripted prank?”“Kung scripted ’to, sana may catering,” singit ni Maxine.“Or at least aircon.”“Guys,” sabay hila ko sa kamay ni Ethan,“baka... may ibang may kontrol sa elevator na ‘to?”He didn’t answer. Nakakunot
Nakahilata ako sa sulok ng café, tinititigan ang orasan sa dingding. Blind date. Grabe, bakit ba ako pumayag dito? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko.Huminga ako nang malalim. Just smile, Luna.“Luna, right?” isang boses ang pumasok sa eksena. Paglingon ko ayun na siya, si Ethan. Matangkad, maayos ang suot… grabe, ang gwapo pala niya in person.“Ah, oo.”Pinilit kong ngumiti at iniabot ang kamay ko.“Ikaw siguro si Ethan.”Ngumiti siya. Para bang sinusuri ng mga mata niya ang buong pagkatao ko."You're not what I expected," sabi niya, may halong pagkabigla.Kumunot ang noo ko."What do you mean by that?""Well, I thought you'd be... I don't know, more..." nag-pause siya"Na bore sa buhay."What the heck?"Excuse me?""Haha, I didn’t mean it like that." Tinaas niya ang kamay niya, parang nagde-defend."You just look… different from what I imagined."Great. Real charmer ka pala ha."Yeah, right. You're a real charmer," sabi ko, rolling my eyes.Medyo awkward ang simula. Parang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen