Hindi ko na napigilan.
“Ethan, bakit may litrato ako sa secret room niyo? May interrogation chair pa!” Tahimik siya. Mabigat ang mga hakbang niya papalapit. Gusto ko sanang umatras, pero hindi puwede. Nandito na ’ko. “Come with me,” sabi niya. Sumunod ako kahit libo-libo ang tanong sa utak ko. Mas malakas ang curiosity kaysa takot. (Bad idea? Probably.) Lumakad kami papasok sa mas madilim na bahagi ng ancestral house. Hindi ko alam kung horror movie o scavenger hunt ang pinasok ko, pero ang creepy vibes? Solid. Ang hallway? Sobrang tahimik. Marble ang sahig, may mga chandeliers na parang pag hinipan mo lang, babagsak. Sa gilid, mga painting ng ninuno nila—lahat seryoso, walang ngiti. Parang may galit sa mundo… o sa akin? “Ethan, kung jumpscare ’to, swear, magwawala ako.” Deadpan ang mukha niya. Oh no, seryoso ’to. Pagdating sa isang kwarto, binuksan niya ang pinto gamit ang fingerprint scanner. As in, high-tech meets haunted mansion. Wow. Pagpasok—boom. Isa pang library. Mas malaki, mas moderno. Pero ang centerpiece? Isang malaking mapa ng buong bahay… with blinking red dots. “Anong—?” “Security system,” sagot niya. “May mga lugar sa bahay na hindi basta-basta pinapasok. Kahit ako.” “Bakit parang may ginagawang military op dito?” Tahimik ulit. Tumingin siya sa mapa, tapos sa akin. “Because it’s not just a house, Luna. It’s a vault.” Natawa ako. “Vault? As in... para saan? Family secrets? Or... family treasure?” Hindi siya natawa. Uh-oh. So… hindi joke? “Marami kang gustong malaman,” aniya. “Uh-huh.” “Pero dapat mong maintindihan… there are people watching. Listening.” Wait—what?! Napatingin ako sa paligid. Feeling ko may CCTV sa kilay ko. “Ethan, ano ba ’to? Illuminati?” “Luna, this family… may mga kasunduan silang ginawa noon pa. Mga bagay na hindi pwedeng ilabas sa mundo. Kaya lahat ng nagtangkang mag-imbestiga… either nawawala o nagiging bahagi ng kasunduan.” Bigla kong na-realize… hindi ko pala dapat ginawang G****e project ’tong mystery na ’to. Pero andito na ’ko. Hindi na ako puwedeng umatras. “So ano’ng part ko sa lahat ng ’to?” tanong ko. Tumigil siya. Tumingin sa akin. “Baka hindi ko na kayang itago pa.” Lumapit siya sa isang luma at bakal na drawer. Binuksan gamit ang susi na galing sa kwintas niya. At doon ko nakita… Mga lumang love letters. Old passports. Mga larawan ng babae—na kamukha ko. Oh. My. Gosh. “Who… who is she?” “Ang pangalan niya… Lucia. Laking Europe. Secret lover ng lolo ko.” Biglang TUUUT! Alarm. Red lights. Blinking. Sirens. Tumakbo si Ethan. “Someone breached the east wing!” Sabay kaming lalabas sana, pero may humarang na lalaki—naka-itim, may earpiece. “Tigil.” Natulala ako. Pero sa loob ko: Luna, girl, eto na ang action scene mo! “Kilala mo ba ’ko?” tanong ko, kunwari cool. Tahimik siya. Humakbang palapit. Pero bago siya makalapit— BLAG! Sinapak siya ni Maxine. “Surprise!” sigaw niya. “Akala niyo ako lang pang-meme!” Hinila niya ako palabas. “Next time, mag-research ka sa G****e Maps, hindi sa haunted mansion!” “Maxine?!” “Hi, bestie. You’re welcome.” May hawak siyang flashlight na parang galing pa sa apocalypse starter pack. “Don’t ask how I got in. Nai-sense ko danger mo.” Nag-panic si Ethan nang makita si Max. “You brought her here?!” “Excuse me?” taas-kilay ni Max. “Ako ang sidekick-slash-best friend ng bida. Obligado akong sumulpot kapag may sumisigaw ng ‘tulong!’ sa vibes.” “Hindi ako sumigaw,” protesta ko. “Eh ’yung mata mo? Parang tumatawag ng exorcist,” sagot niya. Ethan groaned. “We need to get out. Someone hacked the east wing’s system. At kung sino man ’yon… hindi basta intruder.” Max nudged me. “Pustahan tayo, may secret passage somewhere. Hanap tayo, Luna!” “Max, serious ’to—” Click. Whirrrrrk. Nag-slide open ang isang section ng bookshelf. Secret passage: confirmed. “Okay, fine. This just got ten times cooler,” bulong ni Max habang nililiwanagan ang loob. Makitid ang daanan. Gawa sa lumang kahoy. May cobwebs. Amoy alikabok. Parang hindi nalinis mula 1800s. “Guys, hindi tayo dapat pumapasok diyan,” seryoso si Ethan. Pero ako? “Too late.” Pumasok na ako. Sorry, instincts ko bilang bida ng rom-com thriller na ’to. Sa dulo ng corridor—may mga framed documents. Contracts. Black and white photos ng mga pormal na lalaking Villareal men. Lahat may pirma. Then my eyes landed on one word: “BINDING.” “Ethan…” tinuro ko. “What is this?” Tumigil siya sa tabi ko. Tahimik. “This house isn’t just holding history. It’s holding people. Secrets. Debts.” “Debts?” “To power. Influence. Protection. Lahat ng meron ang pamilyang ’to… may kapalit.” Maxine slowly backed away. “Okay, eto na nga ba sinasabi ko. Cult-level na ’to. Luna, baka ikaw na ang next pambayad—” BANG. Kalabog mula sa likod. “Ssshhh…” Patay ilaw. Hinga pigil. Tumitibok ang puso ko sa lalamunan. Footsteps. Then—isang boses ng lalaki. “Alam kong nandiyan kayo.” Hindi ko siya kilala. Pero mas kinilabutan ako—may suot siyang parehong singsing na nasa litrato ng lolo ni Ethan. “Oh my god…” bulong ko. “He looks exactly like the man in the painting.” Ethan stepped in front of me. “Stay behind me. No matter what.” Ang tono niya, malamig. Ngayon lang siya nagsalita nang ganito. Umangat lahat ng balahibo ko. “Who are you?” tanong ni Ethan. Lumapit ang lalaki. Tinamaan ng flashlight ni Max ang mukha niya. White hair. Sharp jaw. Matikas. Yung singsing, mas malinaw na: V intertwined with a snake. “I am Custodio,” aniya. “Tagabantay ng kasaysayan ng Villareal. Tagapaningil ng utang kapag nakakalimot ang susunod na henerasyon.” Maxine palihim na tinulak braso ko. “Girl, vibes to ng Assassin’s Creed meets The Conjuring.” Tama siya. Nakakatakot pero cinematic. “Hindi kami umiiwas sa responsibilidad,” balik ni Ethan, matatag. “But she has nothing to do with this.” Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa likod ng palad ko. Mahigpit. Protective. “Bakit ako nandito, Ethan?” tanong ko, marahan pero direkta. “Ano’ng role ko rito?” Tahimik. Parang sinasakal siya ng sarili niyang sagot. “You were never supposed to know,” he muttered. “But you’re not just a random girl, Luna. You’re the key.” “Wait, what?” sabay kaming ni Maxine. Custodio smiled faintly. “Ang huling Villareal na tunay na umiibig… ay magpapalaya sa sumpa.” Napalingon ako kay Ethan. “Sumpa? Anong… Wait—nagkataon lang ba ’tong fake relationship natin?” Ethan didn’t answer. Which only made it worse. “Sinungaling ka,” mahina kong bulong. “Alam mong lahat ng ’to… simula pa lang, scripted.” “Hindi,” mabilis niyang sagot. “Scripted ang simula, oo. Pero ’yung nararamdaman ko… hindi ko kayang i-fake.”** Maxine whispered, “Okay, I’m torn between swooning and running.” And then… BOOOOM. May umalingawngaw na tunog mula sa taas.Sa isang madilim na pasilyo ng ancestral house, walang ilaw, may amoy alikabok, at ang tibok ng puso ko? Parang bass sa EDM concert. BANG. Napapitlag kami. "Alam kong nandiyan kayo," sabi ng lalaking may boses na parang halong padre at villain sa spy movie. Custodio. Ethan stepped in front of me, full-on bodyguard mode. "Stay behind me," bulong niya, hawak pa rin ang kamay ko. Mainit. Matatag. Okay, Luna. Breathe. Hindi ito multo. Hindi ito ex mo na nagparamdam. Custodio lumapit. Seryoso. Parang may sariling theme song. Nakasuot pa rin ng all black, may singsing na may V at ahas—classic. “You’re the key,” ulit niya, ngayon mas malapit. “Okay,” singit ni Maxine habang nakasilip sa likod. “Pero pwedeng huwag mo siyang tingnan na parang appetizer?” Custodio raised a brow. “Bastos ka.” “Salamat,” sagot ni Maxine, proud pa. Then suddenly—whip! May nilabas siyang kutsilyo. Diretso sa direksyon ko. “Aba!” napasigaw ako. “Kuya, ako lang ’to! Fake girlfriend lang po!” Ethan m
Tumakbo ako nang parang kasingbilis ng signal sa probinsya nawawala kada ikalawang segundo. “Luna, bilisan mo!” sigaw ni Ethan mula sa unahan habang binubuksan niya ang isa pang bakal na pinto. Hawak niya ang ancient-looking flashlight na nakuha namin mula sa altar, pero parang mas nag aalok ng dramatic lighting kaysa actual na ilaw. “Hindi ako ang mabagal, si Maxine 'yon!” sagot ko habang hinahatak ang best friend kong halos gumapang na sa sahig. “Girl,” hingal ni Maxine, “kung alam ko lang na may takbuhan, sana nag-jogging muna ako nung isang taon!” Bumungad sa amin ang madilim na tunnel na parang straight out of a horror film may cobwebs, dripping pipes, at ambiance ng isang haunted escape room. Pinilit kong hindi mag panic. Tapos na ang altar, may curse na, may halik pa... bakit parang nagsisimula pa lang ang nightmare ko? “Wait,” napahinto ako. “Nasaan si Custodio?” “Hindi ko alam,” sagot ni Ethan, tinulungan akong makatayo habang nanginginig ang tuhod ko. “But if he
“Hindi sila ang akala mong Villareal.”Biglang tumigil ang elevator.Tok. Tok. Tok.Sunod sunod ang tunog, parang may gumugulong sa loob ng pader. Napatingin kami sa paligid. Umilaw, pumikit, saka tuluyang pumanaw ang mga ilaw.“W What the hell was that?!” bulalas ni Maxine habang kumapit sa braso ko na parang stuffed toy ako."Custodio," ani Ethan. Malamig ang boses niya pero kita sa panga ang tensyon."What do you mean by that?"Pero wala na siyang sagot. Dead air. Parang multo lang siyang nagparamdam para manggulo, tapos nawala."Hello? Custodio?!" sigaw ni Ethan sa panel. Wala. Ni static, wala.Nag blink ang emergency lights. Red. Kulay panic. Ang tipo ng ilaw na parang eksena sa horror film bago may sumigaw ng “Run!”Napalunok ako.“Ethan… seryoso ka bang hindi ito scripted prank?”“Kung scripted ’to, sana may catering,” singit ni Maxine.“Or at least aircon.”“Guys,” sabay hila ko sa kamay ni Ethan,“baka... may ibang may kontrol sa elevator na ‘to?”He didn’t answer. Nakakunot
“Ako na ba ang susunod?” tanong ko sa sarili habang nakatitig sa lalaking kararating lang matangkad, suot ang all-black suit na parang laging may lamay, at may presensya na kayang patigilin ang tibok ng puso mo… sa takot.“Uncle Mateo,” sabi ni Ethan, malamig ang boses. “You’re early.”“Apparently, I had to be,” sagot ng lalaki habang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. “So… she’s the girl?”Great. Ako na agad ang girl. Walang pangalan, walang intro. Just ‘the girl’.Tumayo si Maxine at halos sabay kaming lumapit ni Ethan. Pero bago pa kami makalapit ng tuluyan, biglang nagtanong si Max. “Excuse me po, Sir Mateo, pero may tanong lang ako… may part ba kayo sa bagong teleserye ni Coco Martin? Kasi grabe po 'yung entrance n’yo. Pang-primetime.”Napasinghal si Ethan. Ako naman, muntik nang matawa kung hindi lang nakakakilabot ang aura ni Uncle Mateo, baka pinapalakpakan na siya ni Maxine.“I don’t have time for jokes,” sabi niya, deadpan. “San Guillermo is compromised.”Napatingin ak
LUNA“Maxine, tahimik lang tayo, please. May mga guard daw dito na parang extra sa John Wick, sabi ni Ethan,” bulong ko habang nakayuko kami sa loob ng sasakyan.Pero si Maxine, hindi mapigilan. “Eh paano kung may secret agent mode ako, bes? ‘Di ba nga sa Mission Impossible, may scene na may lipstick tas naging granada?”“Maxine…” Umiling ako, pero hindi ko rin napigilang mapangiti.“Eh ‘di ba ikaw, Luna, ikaw si ‘Coffee Girl’? Ako naman, si ‘Spy Girl’! Maxine, Queen of Disguises!” sabay tago niya sa likod ng isang jacket na parang cape. “Tada!”Napapitlag kami nang biglang tumunog ang kanyang phone full volume pa.“Kapag Tumibok ang Puso…” sigaw ng ringtone.“Maxine!” sabay naming sigaw ni Ethan mula sa unahan. Napaluhod ako sa likod ng seat habang sinusubukang pigilan ang tawa at kaba.“Ay, sorry, bes! Hindi ko na-mute…” bulong niya habang binubunot ang phone, nanginginig pa ang kamay sa kabado.Tumigil ang sasakyan. Lahat kami tahimik.Sa labas, may dumaan na flashlight. Isang an
“Aray ko… may narinig akong ‘crack.’ At hindi ‘yun sa puso ko, bes,” reklamo ni Maxine habang nakaupo sa damuhan, hawak-hawak ang paa niya.“Baka bali na yan,” sabi ko habang pinipilit huwag manginig ang boses. Kahit natatawa ako sa sinabi niya, ramdam ko pa rin ang lamig sa dibdib ko dahil sa mga natuklasan.Nasa tabi ko si Ethan, hawak-hawak pa rin ang envelope na may pangalan ni Mama. Parang ang bigat ng pangalan niya sa papel. Parang bigat din sa dibdib ko.“Elena Reyes…” bulong ko ulit. “Bakit hindi niya sinabi sa’kin ‘to? At bakit kailangan niya akong itago?”“Luna, hindi natin alam kung anong ibig sabihin ng sulat,” sabat ni Ethan, pero hindi ko siya tiningnan.“Hindi mo alam? O ayaw mong sabihin?” Tumayo ako, kahit nanginginig ang tuhod ko. “Laging may tinatago. Laging may ‘di mo sinasabi.”“Bes, hindi pa ba ito ‘yung part na nag-aaway kayo tapos biglang hahalikan mo siya dahil intense na ang moment?” singit ni Maxine, sabay pilit ngiti habang sinusubukan i-stretch ang paa n
“Luna! Anak!”Napalingon ako, agad na bumigat ang dibdib ko. Si Mama?!As in totoong Mama. Buhay. Humihinga. May kilay. May buhok!Pero… teka lang.Bakit hawak siya ng dalawang lalaking mukhang auditionees para sa papel ng kontrabida sa telenovela?“Wait, wait, wait…” bulong ko sa sarili ko habang pilit kong sinisilip ang paligid, baka may hidden camera. “Baka prank lang ‘to. Maxine, sabihin mong prank lang ‘to—”“Bes,” bulong niya habang nakapulupot ang braso sa’kin, “kung prank ‘to, may Oscar award na ‘yung mga ‘yan. Tsaka bakit may baril?!”Si Ethan, alerto na agad. Para siyang superhero on standby mode. Literal na parang puputok ang ugat sa sentido niya habang hawak ang kamay ko.“Stay behind me,” bulong niya.Pero hindi ako nakinig.Kasi si Mama ‘yon. Mama ko.“MA—!”“Don’t move!” sigaw ng isa sa mga lalaking kasama ni Mama.Tumigil ako mid-step. Literal na parang may invisible na forcefield. Kahit ang kaluluwa ko, nag-preno.Si Mama, sinubukang makawala. “Wag niyo siyang sasak
"Heiress."Ang lakas ng tunog niyan sa utak ko.Ako raw. Heiress. Apo ng donya. May fountain sa bahay. May pearls sa breakfast. At wait lang, may sariling tsaa na imported mula Paris?Pumikit ako sandali habang nakahiga sa guest room ni Ethan. Ang lambot ng kama. Parang tinapay na mamahalin. Pero kahit gano'ng kalambot, hindi makatulog ang utak ko.Ilang oras pa lang ang lumipas simula nang mareveal ang lahat, pero parang buong season na ng telenovela ang nangyari.May mama akong buhay. May lola akong fierce. At may Ethan akong… well, Ethan.Kumatok siya.“Hey. Gising ka pa?”“Unfortunately,” sagot ko.Dumungaw siya. May hawak na tray cookies at tsaa. Yung tsaa, mukhang hindi galing Paris. Galing convenience store. Mas gusto ko ‘yon.“Peace offering,” sabi niya.“Bakit, may kasalanan ka ba?” Umupo ako habang tinatanggap ‘yung tray.“Wala naman. Pero may instinct akong dapat kang pakalmahin bago mo pasabugin ang mansion.”Ngumiti ako kahit gustong umiyak.“Hindi ko alam kung iiyak ako
Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong
Ang katahimikan ay bumalot sa lumang bahay na para bang isa itong eksenang sinadyang i-pause ng remote control ng isang multo. May lamat ang mga kahoy na sahig, at sa bawat hakbang ay nagproproduce ito ng tunog na parang concert ng lumang kasuotan sa closet. Sa isang sulok, may upuang may tatlong paa na lang, nakasandig sa pader na tila sumusuko na sa buhay. At sa gitna ng lahat ng ito, isang lumang larawan sa dingding ang nakabalandra—may lalaking nakangiti nang sobra na para bang may hawak siyang utot pero proud siya rito. Tahimik kaming nakatayo ni Ethan, parang mga contestant sa isang game show na walang alam kung saan ang buzzer. Si Ethan, habang sinusubukang magmukhang seryoso, ay biglang napaubo—siguro dahil nalunok niya ang sariling laway o dahil sa alikabok. Ako naman, pinipigil ang tawa habang tinititigan ang ekspresyon niyang mixed emotions: takot, kalituhan, at konting gutom. "So..." panimula ko, habang kumakalabit ng sapatos ko sa alikabok. "Sinasabi mong... anak ka ni
Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name
Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago
Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang paakyat na daan patungo sa bagong safehouse. Maliit lang ito—parang cabin sa bundok. Malayo sa lungsod, malayo sa gulo. Nasa passenger seat ako, nakayakap sa kumot na inabot ni Ethan kanina. Pero hindi lamig ang nangingibabaw—kundi ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko: bakit ako? Bakit ako nadamay? Bakit si Ethan? Pagdating sa cabin, binuksan ni Ethan ang pinto at pinalipat ako sa sofa. “Walang CCTV dito. Walang signal. Hindi nila tayo mahahanap.” “Nice. So kung mapeste ako ngayon, wala kang excuse.” “Actually, may excuse ako. Puyat, stress, at minor bullet trauma sa pride ko.” “Drama mo. Gusto mo ng ice pack para sa ego mo?” “Kung ikaw ang maglalagay, okay lang.” Napangiti ako, kahit punong-puno pa rin ng tanong ang dibdib ko. Nag-init si Ethan ng tubig, habang ako naman ay tahimik na tinitigan ang apoy sa fireplace. Para bang sinasalamin ng apoy ang loob kong gulong-gulo. “Ethan…” bulong ko. “Hmm?” “Sino ka ba
Kahit pa puno ng takot ang mga mata ko, hindi ko pa rin maiwasang magbiro. "Hindi ko alam kung magiging spy na ako o makikita ko na lang sa balita na 'The Case of Luna, The Accidental Sidekick'." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magbiro, pero sa mga oras na ito, parang mas kailangan ko pa yun kaysa sa lahat ng takot ko. Habang sinusundan namin ang madilim na daan papunta sa safehouse, ang mga heavy moments namin ni Ethan ay pinagaan ko ng ilang sarkastikong komento. Parang hindi pwedeng hindi magbiro kahit delikado. "Anong plan B mo, Ethan? Kung wala ka, baka magbalik na lang ako sa pagiging barista," sabi ko, halos magkasabay ang hininga namin sa bawat hakbang. "Ano, barista ka na ba? Puwede bang makapag-coffee muna habang nililinis ang buong sitwasyon?" sagot ni Ethan, na kahit seryoso pa rin, parang may kasamang konting tawa. Habang tumatakbo kami papuntang safehouse, mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan ko na parang may sumabog na vulkan sa tiyan ko. A
Sa gitna ng kaguluhan at umaalingasaw na usok mula sa sumasabog na rooftop ng building, mabilis kaming tumakbo palabas ni Ethan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, para bang takot siyang mawala ako sa gitna ng kaguluhan. Tumitibok ang puso ko nang parang may rally—hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa kaniya. “Ethan! Saan tayo pupunta?” “Sa kotse ko. Nasa basement parking.” “E paano kung nandun din si Lucas? Delikado!” “Mas delikado kung dito pa tayo magtagal. Kumapit ka lang.” “Kapag nasunog tayong dalawa, ibabaon kita sa tabi ko—promise!” “Sweet mo naman. Mamaya na tayo maglambingan. Takbo!” Nang marating namin ang parking, biglang lumamig ang paligid kahit mainit pa rin ang dibdib ko sa kaba. Tahimik. Walang tao. Parang multong lugar. Binuksan ni Ethan ang pinto ng SUV at itinulak ako sa loob. Mabilis siyang sumampa sa driver's seat, pero bago niya mapihit ang susi—Pak!—binasag ng bala mula sa silencer ang rearview mirror. Tumama agad kami pareho sa upuan. Si Luca
Nanigas ako sa kinatatayuan. “Undercover? As in... spy ka?”“Hindi spy. Investigator,” sagot niya agad, pero hindi pa rin makatingin nang diretso. “May mga anomalies sa accounting reports. Na-trace pabalik sa kompanya ni Carlo.”Napaatras ako ng bahagya. “So, ginamit mo ‘ko?”“Hindi, Luna. Oo, una, trabaho ‘to. Pero hindi ikaw ang target. Hindi dapat ikaw ang madadamay.”“Pero nadamay ako.” Iba ang pagkakabigkas ko—hindi galit, kundi puno ng hindi maipaliwanag na sakit.Tahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay tunog ng fountain sa likod namin. Tumitig ako sa milk tea na hawak ko. Nanlamig na rin, gaya ng pagitan naming dalawa.“Luna...” Nilapitan niya ako, dahan-dahan. “Gusto kong ipagtanggol ka. Pero kung may kinalaman si Carlo sa mga missing funds, kailangan ko ring gawin ang tama.”“Anong tama, Ethan? Ang paasahin ako habang iniimbestigahan mo ‘yung past ko?”Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang phone niya, pinakita ang isang email—company logo, confidential report, Carlo’s n
Nakahiga ako sa kama, ang utak ko’y muling naglalakbay sa mga alaala na ayaw ko nang balikan. Parang sinabugan ng confetti—pero ang mga piraso’y puro sakit, hindi saya. Kalahati ro’n kay Carlo, kalahati kay Ethan. Wala ni isa ang gusto kong pulutin. Ang tanging hinahanap ko lang ngayon—isang tahimik na umaga, o kahit isang tasa ng kape na walang mga pasakit sa isip. Pero hindi pala kape ang kailangan ko. Kundi clarity. Pero paano ka magkakaroon ng clarity kung dalawang lalaki ang dumaan sa buhay mo, at ang lahat ng nangyari parang isang malupit na telenovela finale? Bumangon ako at lumabas ng unit. Doon siya—si Carlo. Nakaupo sa hallway, parang hindi makapaniwala na may gano’n akong throw pillow na may mga pusa sa astronaut suits, na animo’y may sariling mundo sa likod ng mga mata niya. “Luna,” mahinang sabi niya, parang ang bigat ng bawat salita, ang mga mata niyang puno ng pasensya at pag-aalala. “Sorry kung ginulo kita kagabi,” sabi niya, ang boses niya puno ng paghingi ng