Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong
Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An
“Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date
Nakahilata ako sa sulok ng café, tinititigan ang orasan sa dingding. Blind date. Grabe, bakit ba ako pumayag dito? Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko.Huminga ako nang malalim. Just smile, Luna.“Luna, right?” isang boses ang pumasok sa eksena. Paglingon ko ayun na siya, si Ethan. Matangkad, maayos ang suot… grabe, ang gwapo pala niya in person.“Ah, oo.”Pinilit kong ngumiti at iniabot ang kamay ko.“Ikaw siguro si Ethan.”Ngumiti siya. Para bang sinusuri ng mga mata niya ang buong pagkatao ko."You're not what I expected," sabi niya, may halong pagkabigla.Kumunot ang noo ko."What do you mean by that?""Well, I thought you'd be... I don't know, more..." nag-pause siya"Na bore sa buhay."What the heck?"Excuse me?""Haha, I didn’t mean it like that." Tinaas niya ang kamay niya, parang nagde-defend."You just look… different from what I imagined."Great. Real charmer ka pala ha."Yeah, right. You're a real charmer," sabi ko, rolling my eyes.Medyo awkward ang simula. Parang
Hindi ko alam kung paano nangyari ’yon, pero eto kami ngayon—nasa tapat ng isang food truck, kumakain ng fries at hotdog na may cheese, habang nilalamon ako ng tanong sa utak ko:Who the hell is Ethan?“Masarap ’to ah,” sabi niya habang inaagaw ang fries ko.“Hoy! Ako bumili niyan!” sabay hampas ko sa kamay niya.“Sharing is caring,” ngumiti siya na parang walang nangyari.Seriously? Ang lalaking ’to, may suot na relo na mukhang kaya kong pagkakasyahin ang tuition ko for two years, tapos nakikiagaw ng fries?“’Di ba dapat ikaw ’yung nagyayaya ng fine dining? Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko, half-joking, half-curious.“Mas gusto ko ’to. Mas nakakakilala ng tao sa ganitong setting.” Tinitigan ko siya. Steady. Tahimik. Pero may kung anong tension sa mga mata niya—parang may binabasa siya sa akin na ako mismo, hindi ko pa maintindihan.“’Ikaw nga pala.” Sabay kuha niya ng tissue at pinunasan ang cheese sa gilid ng labi ko.Nag-freeze ako.What the—“Smooth move,” bulong ko.Ngumiti s
Sumakay ako sa passenger seat, tahimik lang kami sa unang ilang minuto.“Hindi mo man lang ako tinanong kung saan tayo pupunta,” sabi niya habang naka-focus sa daan.“Baka kasi hindi ko gusto ang sagot.”“Fair enough.”Lumiko siya sa daan na hindi ko pamilyar. Hindi ito papunta sa usual na food truck spot. Hindi rin mukhang may kainan sa lugar na ‘to.“Sigurado ka bang may fries dito?”“Mas maganda kaysa fries,” sabi niya.Mas lalo akong kinabahan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko ‘yung tipong parang may quiz ka na di mo alam.After ilang liko, huminto siya sa isang lumang building. Closed ang signage. Walang tao. Medyo creepy.“Okay… serial killer vibes ‘to, Ethan.”Tumawa siya.“Trust me.”Ayoko. Pero ginawa ko.Binuksan niya ang pinto, pinapasok ako. Madilim sa loob pero amoy na amoy ko ang bagong lutong tinapay at kape.Nagbukas siya ng ilaw.What the—A mini café. May fairy lights. May isang table sa gitna. At sa ibabaw ng mesa, fries, burgers, milkshake. Mukhang freshly made laha
Kinabukasan, parang ang bigat ng ulo ko. Kailangan ko ng kape. Diretso ako sa paborito kong café, hoping na sana ma-wash away ang weird vibes mula kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang saya ko, pero parang may mga tanong akong hindi ko kayang sagutin. Pagpasok ko sa café, may nakita akong familiar na mukha. “Luna!” Tawag ni Ethan. Napatingin ako. “Ethan?” tanong ko, parang di makapaniwala. Nakangiti siya. “Hindi ba’t ikaw ‘yung type na masarap ang kape dito?” “Baka,” sagot ko, “pero hindi ibig sabihin noon gusto ko mag-coffee date.” “Doon tayo sa counter.” He led the way. “Ano’ng order mo?” Nagkibit-balikat ako. “Same as usual na lang.” Habang naghihintay, ramdam ko pa rin ang awkwardness. Parang may tinatago siya parang hindi ko siya kilala, kahit pa ilang beses na kaming nagkita. Binigay niya ang kape ko. “Cheers?” “Cheers,” sagot ko, kahit na parang may something na hindi ko kayang i-ignore. Naglakad kami patungong mesa at naupo. Ta
Google, don’t fail me now.Nakatitig ako sa screen ng laptop ko habang nakapatong ang paa sa mesa. “Ethan Villareal scandal,” “Ethan Villareal past,” “Ethan Villareal girlfriend” wala. Puro business awards, charity events, at mga litrato niyang naka-suit na parang walking Wall Street magazine cover.“Seriously? Wala man lang chismis?” bulong ko.Pero hindi ako sumuko. Tinawagan ko ang isang kaibigan ng kaibigan na kaklase daw ni Ethan sa college.“Hi, ikaw ba si Maxine?” tanong ko agad sa call.“Oo, bakit? Sino ‘to?”“Friend of a friend. Gusto ko lang sanang uh, may tanong lang ako tungkol kay Ethan Villareal.”Tahimik.“Teka, si THE Ethan Villareal? Yung hot tech guy?”“Yup, yun nga.”“Girl, wala akong alam. I mean, tahimik siya. Pero... may isang babaeng malapit sa kanya noon—journalist. Sofia yata ang pangalan. Medyo... kakaiba rin ‘yun.”Bingo.---I found Sofia sa isang maliit na café malapit sa UP campus. Naka-shades siya kahit indoors, naka-red lipstick na parang kakagaling
“Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date
Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An
Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong
Tahimik lang kami ni Ethan habang binabaybay ang madilim na hallway ng lumang bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya—parang may binubuhat siyang hindi ko pa lubos maintindihan. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya, pero naunahan ako ng kaba. Pagliko namin papunta sa sala, may narinig kaming kaluskos mula sa itaas. "May tao," mahina pero mariin na bulong ni Ethan. May halong takot ang tono niya—hindi ito ang normal na Ethan. Lumabas ang isang babae mula sa itaas. Matangkad, maitim ang buhok, at may matalim na tingin na parang bumabaon sa balat. Hindi namin siya kilala, pero nang tumigil siya sa tapat namin, alam kong hindi siya basta estranghero. "Pakilala ako," malamig niyang bungad. Walang emosyon, pero may lalim ang galit sa tono niya. "Anong pangalan mo?" tanong ni Ethan. Halata sa boses niya ang panginginig. "Nora." Parang na-freeze si Ethan. "Villareal?" tanong niya, halos pabulong. Hindi sumagot si Nora, pero ang titig niya ay sapat na sagot. Tila ba an
Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name
Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago
Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang paakyat na daan patungo sa bagong safehouse. Maliit lang ito—parang cabin sa bundok. Malayo sa lungsod, malayo sa gulo. Nasa passenger seat ako, nakayakap sa kumot na inabot ni Ethan kanina. Pero hindi lamig ang nangingibabaw—kundi ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko: bakit ako? Bakit ako nadamay? Bakit si Ethan? Pagdating sa cabin, binuksan ni Ethan ang pinto at pinalipat ako sa sofa. “Walang CCTV dito. Walang signal. Hindi nila tayo mahahanap.” “Nice. So kung mapeste ako ngayon, wala kang excuse.” “Actually, may excuse ako. Puyat, stress, at minor bullet trauma sa pride ko.” “Drama mo. Gusto mo ng ice pack para sa ego mo?” “Kung ikaw ang maglalagay, okay lang.” Napangiti ako, kahit punong-puno pa rin ng tanong ang dibdib ko. Nag-init si Ethan ng tubig, habang ako naman ay tahimik na tinitigan ang apoy sa fireplace. Para bang sinasalamin ng apoy ang loob kong gulong-gulo. “Ethan…” bulong ko. “Hmm?” “Sino ka ba
Kahit pa puno ng takot ang mga mata ko, hindi ko pa rin maiwasang magbiro. "Hindi ko alam kung magiging spy na ako o makikita ko na lang sa balita na 'The Case of Luna, The Accidental Sidekick'." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magbiro, pero sa mga oras na ito, parang mas kailangan ko pa yun kaysa sa lahat ng takot ko. Habang sinusundan namin ang madilim na daan papunta sa safehouse, ang mga heavy moments namin ni Ethan ay pinagaan ko ng ilang sarkastikong komento. Parang hindi pwedeng hindi magbiro kahit delikado. "Anong plan B mo, Ethan? Kung wala ka, baka magbalik na lang ako sa pagiging barista," sabi ko, halos magkasabay ang hininga namin sa bawat hakbang. "Ano, barista ka na ba? Puwede bang makapag-coffee muna habang nililinis ang buong sitwasyon?" sagot ni Ethan, na kahit seryoso pa rin, parang may kasamang konting tawa. Habang tumatakbo kami papuntang safehouse, mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan ko na parang may sumabog na vulkan sa tiyan ko. A
Sa gitna ng kaguluhan at umaalingasaw na usok mula sa sumasabog na rooftop ng building, mabilis kaming tumakbo palabas ni Ethan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, para bang takot siyang mawala ako sa gitna ng kaguluhan. Tumitibok ang puso ko nang parang may rally—hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa kaniya. “Ethan! Saan tayo pupunta?” “Sa kotse ko. Nasa basement parking.” “E paano kung nandun din si Lucas? Delikado!” “Mas delikado kung dito pa tayo magtagal. Kumapit ka lang.” “Kapag nasunog tayong dalawa, ibabaon kita sa tabi ko—promise!” “Sweet mo naman. Mamaya na tayo maglambingan. Takbo!” Nang marating namin ang parking, biglang lumamig ang paligid kahit mainit pa rin ang dibdib ko sa kaba. Tahimik. Walang tao. Parang multong lugar. Binuksan ni Ethan ang pinto ng SUV at itinulak ako sa loob. Mabilis siyang sumampa sa driver's seat, pero bago niya mapihit ang susi—Pak!—binasag ng bala mula sa silencer ang rearview mirror. Tumama agad kami pareho sa upuan. Si Luca