Hindi ko alam kung paano nangyari ’yon, pero eto kami ngayon—nasa tapat ng isang food truck, kumakain ng fries at hotdog na may cheese, habang nilalamon ako ng tanong sa utak ko:
Who the hell is Ethan? “Masarap ’to ah,” sabi niya habang inaagaw ang fries ko. “Hoy! Ako bumili niyan!” sabay hampas ko sa kamay niya. “Sharing is caring,” ngumiti siya na parang walang nangyari. Seriously? Ang lalaking ’to, may suot na relo na mukhang kaya kong pagkakasyahin ang tuition ko for two years, tapos nakikiagaw ng fries? “’Di ba dapat ikaw ’yung nagyayaya ng fine dining? Bakit dito mo ako dinala?” tanong ko, half-joking, half-curious. “Mas gusto ko ’to. Mas nakakakilala ng tao sa ganitong setting.” Tinitigan ko siya. Steady. Tahimik. Pero may kung anong tension sa mga mata niya—parang may binabasa siya sa akin na ako mismo, hindi ko pa maintindihan. “’Ikaw nga pala.” Sabay kuha niya ng tissue at pinunasan ang cheese sa gilid ng labi ko. Nag-freeze ako. What the— “Smooth move,” bulong ko. Ngumiti siya. “Hindi ko sinasadya.” Liar. Hindi ko alam kung bakit, pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko siya kilala. As in, hindi talaga. Wala siyang social media, hindi siya nagpapakilala nang buo, at ang tanging clue ko sa kung sino siya ay ’yung sinabi niyang he’s in the business of making people’s lives easier. Ano ’yon? Life coach? Sugar daddy? Assassin? “Pwede ko bang malaman kung anong trabaho mo talaga?” tanong ko, diretso. “Pwede,” sagot niya. Nag-antay ako. Pero wala siyang idinagdag. “Okay… kailan mo balak sabihin?” “Kapag ready ka nang marinig.” What does that even mean? “Alam mo, Ethan, ang dami mong red flags.” “Good thing red is my color.” Umiwas ako ng tingin pero hindi ko napigilang mapangiti. This guy is infuriating… but also weirdly charming. “Sigurado ka bang hindi ka stalker?” tanong ko ulit, kahit kalahati ng utak ko, seryoso na ang hinala. “Kung stalker ako, siguro alam ko na ang middle name mo, favorite mong K-pop group, at ’yung time ng alarm mo every morning.” Natahimik ako. “Wait. Do you?” Ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung joke ’yon o legit. Bago pa ako makapag-decide kung tatakbo ba ako o magpapatuloy sa pagkain, tumunog ang phone niya. One look and his face changed. “Luna, I have to go.” “Ngayon agad?” Tumango siya. “Emergency.” Naglakad siya palayo, mabilis. Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, lumingon siya. “I’ll text you.” At nawala siya parang multo. Just like that. Naiwan ako, tulala sa tapat ng food truck, may hawak pang kalahating hotdog, at puso kong unti-unting nawi-weirdohan sa sarili. Bakit parang gusto ko pa siyang makita kahit hindi ko alam kung dapat? At bakit parang may tinatago siya… na ayokong malaman, pero gusto ko ring tuklasin? “Minsan, hindi mo alam kung kinikilig ka o dapat ka nang tumakbo.” Pagkauwi ko, diretsong bagsak sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, pero ang utak ko, parang nagka-marathon sa sobrang dami ng tanong. Hindi dahil sa fries. Hindi dahil sa hotdog. Hindi rin dahil sa biglaan niyang pag-alis. Kundi dahil sa sarili kong kabog ng puso. Ilang oras na ang lumipas pero hawak ko pa rin ang phone—waiting. Baka mag-text. Baka mag-explain. O baka… wala lang talaga ’yon sa kanya. Tumunog bigla ang phone ko. Isang unknown number. “I told you I’d text.” Napaupo ako. Walang pangalan. Walang pic. Walang kahit ano. Pero sure ako—siya ’yon. Ethan? Seen. Walang kasunod. Walang emoji man lang. Okay. Creepy. Pero bago pa ako makabuo ng conclusion na part-time ghost siya, may pumasok ulit na message. “I enjoyed today. You’re not what I expected.” “In a good way.” Napakagat ako sa labi. Tangina. Ganito ba talaga ’yung kilig na may halong kaba? Sino ka ba talaga? Tumigil ang mundo ko kakahintay ng reply. Tinitigan ko lang ang screen hanggang parang gusto ko na siyang i-unsend. Pero pagkatapos ng ilang minuto, ayan na. “Someone who shouldn’t like you… but does.” What the— Anong ibig sabihin no’n? May asawa siya? May secret identity? May death threat? “Luna, stop,” bulong ko sa sarili. Pero kahit anong pilit kong maging logical, hindi ko maalis ’yung weird na kilig. Bawal ’to. Delikado ’to. Pero gusto ko pa rin siyang kausapin. At ’yun ang mas nakakatakot. “Minsan ’yung ayaw mong makita, siya pa ’yung biglang sumusulpot.” Nagising ako sa tunog ng alarm na hindi ko maalala kung kailan ko sinet. Five-thirty A.M. What the hell? Bumangon ako, mukhang multo. Gusto ko lang matulog at makalimutan ’yung mga cryptic text kagabi. Pero no. May group meeting kami sa school project. Required. At siyempre, ako ang assigned sa coffee run. “Thanks, universe,” reklamo ko habang lumalakad papuntang café malapit sa campus. Pagpasok ko, amoy pa lang ng kape, medyo gumaan na ang mood ko. Maaga pa, kaya konti lang ang tao. Tahimik. Chill. Hanggang sa may biglang nagsalita sa likod ko. “Large americano. One shot extra charm.” Napalingon ako. At ayun siya. Standing there like he didn’t disappear on me last night. “Ethan?!” Ngumiti siya, ’yung tipong effortless at borderline nakakainis. Naka-dark hoodie siya, messy hair na parang bagong gising pero modelesque pa rin. “Small world,” sabi niya, kunwari innocent. Small world? Hindi ito coincidence. Sinundan niya ba ako? “Ano’ng ginagawa mo dito?” “Coffee,” sabay turo sa menu. “Ikaw?” “Assignment. Ikaw ulit?” Tumawa siya. “Pwede bang destiny?” Umiwas ako ng tingin pero hindi ko mapigilang mapangiti ng konti. Damn it. Bakit ba ganun ’tong lalaki? “Seriously, Ethan. Anong ginagawa mo sa area ng school namin?” “Meeting.” “Sa ganito kaagang oras?” Tumango siya, casual lang. “Some people start early.” “Some people don’t answer straight.” “Some girls look cute when they’re annoyed.” Napasinghap ako. Napakamot siya sa batok, parang nagpipigil ng tawa. “Fine. Sige. You want honest?” Tumango ako, arms crossed. “Sinadya ko.” “What?” “Gusto kitang makita ulit.” Parang may humila sa bituka ko. “Bakit?” “Because I wasn’t finished with you yet.” Tahimik. Tumunog ’yung pangalan ko sa counter. Kinuha ko ’yung tray ng orders. Nanginginig pa kamay ko. Hindi dahil mabigat. Kundi dahil sa kanya. “Can I walk you back?” tanong niya. Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang siya. Sinusuri. Peligroso. Hindi klaro. Pero ang totoo? Gusto ko siyang makasama ulit.Sumakay ako sa passenger seat, tahimik lang kami sa unang ilang minuto.“Hindi mo man lang ako tinanong kung saan tayo pupunta,” sabi niya habang naka-focus sa daan.“Baka kasi hindi ko gusto ang sagot.”“Fair enough.”Lumiko siya sa daan na hindi ko pamilyar. Hindi ito papunta sa usual na food truck spot. Hindi rin mukhang may kainan sa lugar na ‘to.“Sigurado ka bang may fries dito?”“Mas maganda kaysa fries,” sabi niya.Mas lalo akong kinabahan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko ‘yung tipong parang may quiz ka na di mo alam.After ilang liko, huminto siya sa isang lumang building. Closed ang signage. Walang tao. Medyo creepy.“Okay… serial killer vibes ‘to, Ethan.”Tumawa siya.“Trust me.”Ayoko. Pero ginawa ko.Binuksan niya ang pinto, pinapasok ako. Madilim sa loob pero amoy na amoy ko ang bagong lutong tinapay at kape.Nagbukas siya ng ilaw.What the—A mini café. May fairy lights. May isang table sa gitna. At sa ibabaw ng mesa, fries, burgers, milkshake. Mukhang freshly made laha
Kinabukasan, parang ang bigat ng ulo ko. Kailangan ko ng kape. Diretso ako sa paborito kong café, hoping na sana ma-wash away ang weird vibes mula kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang saya ko, pero parang may mga tanong akong hindi ko kayang sagutin. Pagpasok ko sa café, may nakita akong familiar na mukha. “Luna!” Tawag ni Ethan. Napatingin ako. “Ethan?” tanong ko, parang di makapaniwala. Nakangiti siya. “Hindi ba’t ikaw ‘yung type na masarap ang kape dito?” “Baka,” sagot ko, “pero hindi ibig sabihin noon gusto ko mag-coffee date.” “Doon tayo sa counter.” He led the way. “Ano’ng order mo?” Nagkibit-balikat ako. “Same as usual na lang.” Habang naghihintay, ramdam ko pa rin ang awkwardness. Parang may tinatago siya parang hindi ko siya kilala, kahit pa ilang beses na kaming nagkita. Binigay niya ang kape ko. “Cheers?” “Cheers,” sagot ko, kahit na parang may something na hindi ko kayang i-ignore. Naglakad kami patungong mesa at naupo. Ta
Google, don’t fail me now.Nakatitig ako sa screen ng laptop ko habang nakapatong ang paa sa mesa. “Ethan Villareal scandal,” “Ethan Villareal past,” “Ethan Villareal girlfriend” wala. Puro business awards, charity events, at mga litrato niyang naka-suit na parang walking Wall Street magazine cover.“Seriously? Wala man lang chismis?” bulong ko.Pero hindi ako sumuko. Tinawagan ko ang isang kaibigan ng kaibigan na kaklase daw ni Ethan sa college.“Hi, ikaw ba si Maxine?” tanong ko agad sa call.“Oo, bakit? Sino ‘to?”“Friend of a friend. Gusto ko lang sanang uh, may tanong lang ako tungkol kay Ethan Villareal.”Tahimik.“Teka, si THE Ethan Villareal? Yung hot tech guy?”“Yup, yun nga.”“Girl, wala akong alam. I mean, tahimik siya. Pero... may isang babaeng malapit sa kanya noon—journalist. Sofia yata ang pangalan. Medyo... kakaiba rin ‘yun.”Bingo.---I found Sofia sa isang maliit na café malapit sa UP campus. Naka-shades siya kahit indoors, naka-red lipstick na parang kakagaling
“Luna,” seryoso ang tono ni Ethan.“May mga bagay tungkol sa pamilya ko na hindi mo gustong malaman.”Napatigil ako. Tumigil din ang paghinga ko.Pero syempre, mas lalo akong naintriga.“Too late,” sabi ko.“Nagsimula na ‘kong magtanong.”I mean, seriously, ang gwapo ni Ethan, pero parang may kasamang malaking tanong mark sa buhay niya... Kaya siguro siya nawawala sa limelight, hindi lang dahil business mogul siya, kundi baka may secret life siya na hindi ko kayang i-handle. But then again, baka hindi ko na kayang hindi hanapin kung ano yun... Gosh, Luna, ikaw na ang pinakamalupit na 'saksi' sa secretive billionaire world.“Kung ayaw mong malaman ko, huwag kang magpa-misterious.”Tahimik siya.“Fine,” dagdag ko.“Kung hindi mo sasabihin, ako na lang ang hahanap.”“Luna—”“Salamat sa coffee.” Tumalikod ako at tuluyang lumabas.---Pagbalik ko sa apartment, hindi ako tumigil. Agad kong binuksan ang laptop. Type. Click. Scroll.Villareal family missing connections.Villareal estate secre
Hindi ko na napigilan.“Ethan, bakit may litrato ako sa secret room niyo? May interrogation chair pa!”Tahimik siya. Mabigat ang mga hakbang niya papalapit. Gusto ko sanang umatras, pero hindi puwede. Nandito na ’ko.“Come with me,” sabi niya.Sumunod ako kahit libo-libo ang tanong sa utak ko. Mas malakas ang curiosity kaysa takot. (Bad idea? Probably.)Lumakad kami papasok sa mas madilim na bahagi ng ancestral house. Hindi ko alam kung horror movie o scavenger hunt ang pinasok ko, pero ang creepy vibes? Solid.Ang hallway? Sobrang tahimik. Marble ang sahig, may mga chandeliers na parang pag hinipan mo lang, babagsak. Sa gilid, mga painting ng ninuno nila—lahat seryoso, walang ngiti. Parang may galit sa mundo… o sa akin?“Ethan, kung jumpscare ’to, swear, magwawala ako.”Deadpan ang mukha niya. Oh no, seryoso ’to.Pagdating sa isang kwarto, binuksan niya ang pinto gamit ang fingerprint scanner. As in, high-tech meets haunted mansion. Wow.Pagpasok—boom. Isa pang library. Mas malaki, m
Sa isang madilim na pasilyo ng ancestral house, walang ilaw, may amoy alikabok, at ang tibok ng puso ko? Parang bass sa EDM concert. BANG. Napapitlag kami. "Alam kong nandiyan kayo," sabi ng lalaking may boses na parang halong padre at villain sa spy movie. Custodio. Ethan stepped in front of me, full-on bodyguard mode. "Stay behind me," bulong niya, hawak pa rin ang kamay ko. Mainit. Matatag. Okay, Luna. Breathe. Hindi ito multo. Hindi ito ex mo na nagparamdam. Custodio lumapit. Seryoso. Parang may sariling theme song. Nakasuot pa rin ng all black, may singsing na may V at ahas—classic. “You’re the key,” ulit niya, ngayon mas malapit. “Okay,” singit ni Maxine habang nakasilip sa likod. “Pero pwedeng huwag mo siyang tingnan na parang appetizer?” Custodio raised a brow. “Bastos ka.” “Salamat,” sagot ni Maxine, proud pa. Then suddenly—whip! May nilabas siyang kutsilyo. Diretso sa direksyon ko. “Aba!” napasigaw ako. “Kuya, ako lang ’to! Fake girlfriend lang po!” Ethan m
Tumakbo ako nang parang kasingbilis ng signal sa probinsya nawawala kada ikalawang segundo. “Luna, bilisan mo!” sigaw ni Ethan mula sa unahan habang binubuksan niya ang isa pang bakal na pinto. Hawak niya ang ancient-looking flashlight na nakuha namin mula sa altar, pero parang mas nag aalok ng dramatic lighting kaysa actual na ilaw. “Hindi ako ang mabagal, si Maxine 'yon!” sagot ko habang hinahatak ang best friend kong halos gumapang na sa sahig. “Girl,” hingal ni Maxine, “kung alam ko lang na may takbuhan, sana nag-jogging muna ako nung isang taon!” Bumungad sa amin ang madilim na tunnel na parang straight out of a horror film may cobwebs, dripping pipes, at ambiance ng isang haunted escape room. Pinilit kong hindi mag panic. Tapos na ang altar, may curse na, may halik pa... bakit parang nagsisimula pa lang ang nightmare ko? “Wait,” napahinto ako. “Nasaan si Custodio?” “Hindi ko alam,” sagot ni Ethan, tinulungan akong makatayo habang nanginginig ang tuhod ko. “But if he
“Hindi sila ang akala mong Villareal.”Biglang tumigil ang elevator.Tok. Tok. Tok.Sunod sunod ang tunog, parang may gumugulong sa loob ng pader. Napatingin kami sa paligid. Umilaw, pumikit, saka tuluyang pumanaw ang mga ilaw.“W What the hell was that?!” bulalas ni Maxine habang kumapit sa braso ko na parang stuffed toy ako."Custodio," ani Ethan. Malamig ang boses niya pero kita sa panga ang tensyon."What do you mean by that?"Pero wala na siyang sagot. Dead air. Parang multo lang siyang nagparamdam para manggulo, tapos nawala."Hello? Custodio?!" sigaw ni Ethan sa panel. Wala. Ni static, wala.Nag blink ang emergency lights. Red. Kulay panic. Ang tipo ng ilaw na parang eksena sa horror film bago may sumigaw ng “Run!”Napalunok ako.“Ethan… seryoso ka bang hindi ito scripted prank?”“Kung scripted ’to, sana may catering,” singit ni Maxine.“Or at least aircon.”“Guys,” sabay hila ko sa kamay ni Ethan,“baka... may ibang may kontrol sa elevator na ‘to?”He didn’t answer. Nakakunot
Mukhang may kasunduan sina langit at tadhana—kada kasama ko si Ethan, laging may ulan.Hindi ako makagalaw nang marinig ko siyang bigkasin ang pangalan ko habang nakatitig sa bracelet. Parang may ibang bigat 'yung simpleng “Luna” mula sa kanya. Hindi dahil dramatic, kundi dahil parang... totoo.“Uy,” sabay kurot ko sa braso niya.“Inaanalyze mo ba 'yang bracelet o tinitimbang mong fake gold siya?”Napangisi siya.“Genuine,” sagot niya.“Hindi lang 'yung bracelet. Pati ikaw.”Okay, wait. Bakit parang ako 'yung kinuryente?Pinilit kong tumawa.“Yuck. Cheesy. Sino'ng nagturo n’yan sa'yo? ChatGPT?”“Hindi,” sagot niya habang ibinabalik ang bracelet sa pulso ko.“Instinct.”At ngayon, pati pulso ko—may kasamang butterflies.Paglabas namin ng café, syempre, inabutan ulit kami ng ulan. Pero this time, handa siya. Nilabas niya ang payong, parang magic trick.“Let me guess,” simula ko,“biglaan ka na namang prepared?”“Strategic,” sagot niya.“Umuulan tuwing kasama kita. Pattern na 'yan.”“Pat
Hindi ko alam kung malamig lang talaga ang ulan o may kakaibang lamig na sa pagitan naming dalawa ni Ethan. Hawak pa rin niya ang kamay ko habang naglalakad kami pabalik sa condo niya, basang-basa pareho, pero parang wala lang—parang ang mahalaga, magkasama kami.“Okay ka lang?” tanong niya, habang pinupunasan ang buhok ko gamit ang panyo niya.“Okay lang,” sagot ko, sabay ngiti. “Medyo basa, medyo gutom, medyo confused sa feelings ko. Pero manageable.”Natawa siya, ‘yung tipong tawa na hindi pilit. “Puwede akong magluto. Gusto mo?”Napataas ang kilay ko. “Wow, marunong ka pala magluto? Kala ko alam mo lang mag-drive ng sports car at mag-wink nang nakakakilig.”“Multi-talented ako, Luna,” sabi niya, sabay kindat. “Specialty ko… corned beef with egg. May twist.”“Anong twist? May pa-‘I love you’ sa ketchup?” biro ko.“Secret,” sagot niya, sabay hatak sa kamay ko papasok ng building.**Sa loob ng unit niya, malamig at mabango. Lavender, may pagka-vanilla, at kung iisipin mo pa, par
“Okay ka lang?” tanong ni Ethan habang hawak ko pa ang mug na may natitirang cinnamon heart.“Hindi ko alam kung kinikilig ako o kinakabahan,” sagot ko, sabay higop ulit.“Both is good,” bulong niya.Tinakpan ko ang mukha ko ng palad.“Stop. Mas maraming asukal ‘tong kape kaysa sa dessert sa café natin.”Tatawa na sana siya, pero bigla siyang natigilan.“Wait… Luna.” Tumitig siya sa akin. “Have we met before the blind date?”Napakunot-noo ako. “Like… sa dream mo?”“Hindi. I swear, parang pamilyar ka na kahit noon pa. May isang beses, nasa bookstore ako, tapos may girl na tumakbo at nabangga ako—”“Wait,” napalakas ang boses ko. “May bitbit akong limang libro no’n, tapos natapon lahat!”“YES! Ako ‘yung nabuhusan ng coffee mo!”Napanganga ako. “Tapos ikaw ‘yung hindi nagalit, binigyan mo pa ako ng tissue!”“Akala ko nun, ang bait ko. Pero totoo pala, natulala lang ako.”Sabay kaming natawa.“Akala ko dati, small moment lang ‘yon,” sabi ko.“Baka malaking hint na pala.” Tumingin siya
“Sino ‘yung tumatawag ng 7 a.m.?” reklamo ko habang pilit inaabot ang cellphone na nagva-vibrate sa tabi ng unan ko.Ethan.“Good morning, Miss ‘Certified Wala Nang Balikan,’” bungad niya, boses niya mas fresh pa sa brewed kong kape.“Ethan, sinong normal na tao ang tumatawag ng ganito kaaga?”“Yung boyfriend mong may surprise date. 9 a.m. sharp. Wear something comfy.”“Wait—ano?! Anong—Ethan!”Click. Binaba niya.9:01 a.m. Ako, naka-crocs, hoodie, at mukhang hindi sure kung pupunta sa grocery o magtatago sa ex.Bumusina si Ethan sa labas ng café, nakangisi sa loob ng kotse.“Late ka,” asar niya.“Hindi ko alam na kailangan kong mag-ayos!”“Tamang-tama. Hindi ito fashion show. It’s a... banana papaya mission.”Napakunot-noo ako. “Banana—ano?”Next thing I knew, nasa palengke na kami. Si Ethan, naka sunglasses at parang out-of-place billionaire sa gitna ng mga tinderang galit sa sukli.“Kailangan ko ng papaya,” seryoso niyang sabi.“Para saan?”“Secret recipe ko sa smoothie.”“Smoothie
“Ayoko ng toast na may kaluluwa,” reklamo ko habang hawak ang sunog kong tinapay.“Luna,” tawa ni Ethan, “paano ka naging café owner kung hindi mo kayang mag-toast?”“Barista ako, hindi chef. May division of labor ‘to.”Umikot siya papunta sa toaster, kinuha ang tinapay, at tumingin sa akin na para bang sinasabi, ‘Hayaan mo na, ako na bahala.’“Tingin mo ba pogi points ‘yan?” tanong ko, nag-aabang ng comeback niya.“Pwedeng pogi points. Pwede ring boyfriend goals. Depende sa mood mo.”Napangiti ako. “Hmm. Today feels like a boyfriend goals kind of day.”“Then let me earn it.”Lumapit siya, suot pa rin ang luma kong apron na may nakasulat na ‘Bean Me Up, Scotty.’ At kahit halatang awkward siyang isuot iyon, suot pa rin niya. For me.“Kape o halik?” tanong niya, nakangisi.“Caffeine muna bago affection, please,” sabi ko, sabay abot ng empty mug.“Coming right up, ma’am. One tall latte with a side of charm.”Nagkibit ako ng balikat. “Kung ganyan ka mag-deliver ng pick-up lines, baka m
Naglakad ako palayo sa garden, pero hindi ko kayang iwasan ang tanawin ng mga mata ni Ethan at Zack. Hindi ko maiwasang isipin ang mga saloobin nila habang nag-uusap sila sa likod ko. Parang may electric current na dumadaloy sa hangin. Ang bigat.Malamig na ang kape ko, pero hindi ko pa rin magawang uminom. Masyadong maraming nangyayari. Si Zack, ang ex ko, andito sa café ko ngayon, and Ethan, ang taong ngayon ay nagpapasaya sa buhay ko parehong naroroon, at ako, stuck sa gitna.Tumingin ako sa paligid, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kung anong pinag-uusapan nila ni Zack. Baka naman may hinahanap siya. Baka may balak pa siyang sirain sa buhay ko. Baka… baka hindi ko na kayang mag-move on kung hindi ko makakalimutan si Zack.Sakit sa ulo, lalo na’t nararamdaman ko ang presensya ni Ethan kahit malayo siya. Nandiyan siya sa likod ko, pero hindi ko pa kayang harapin siya ngayon. Ayoko ng tension. Ayoko ng drama.Hindi ko na napansin na naka-pose ako sa isang sulok ng café, par
“Wait lang, this café is real?! As in may swing, may fairy lights, at may espresso machine na mukhang spaceship?!”“Legit. Hindi hallucination ‘yan,” sagot ni Ethan habang inaayos ang upuan sa garden café na bagong bukas—technically soft opening lang, pero feel ko grand launch na agad sa puso ko.Pumikit ako sandali, sininghot ang aroma ng kape sa hangin.“Amoy future,” sabi ko. “At amoy slight panic.”“Bakit panic?” tanong niya habang nilalagay sa table ang dalawang baso ng kape.“Teka anong beans ‘to? ‘Wag mong sabihing experimental ha baka mamaya may chili flakes ‘yan.”“Chili espresso actually. New trend. Para sa mga heiress na adventurous.”“Ethan!” Halos ihagis ko ang baso sa kanya pero natawa ako. “Gusto mong mawala agad ‘yung customers natin?”“Hindi naman. Trial phase lang ‘yan. Hindi ko pa i-upload sa menu board sa social media. Unless gusto mong maging viral.”Umiling ako habang natawa. “Ang tag line: Café Heiress where trauma meets caffeine.”“Perfect. Ako na magde-desi
"Heiress."Ang lakas ng tunog niyan sa utak ko.Ako raw. Heiress. Apo ng donya. May fountain sa bahay. May pearls sa breakfast. At wait lang, may sariling tsaa na imported mula Paris?Pumikit ako sandali habang nakahiga sa guest room ni Ethan. Ang lambot ng kama. Parang tinapay na mamahalin. Pero kahit gano'ng kalambot, hindi makatulog ang utak ko.Ilang oras pa lang ang lumipas simula nang mareveal ang lahat, pero parang buong season na ng telenovela ang nangyari.May mama akong buhay. May lola akong fierce. At may Ethan akong… well, Ethan.Kumatok siya.“Hey. Gising ka pa?”“Unfortunately,” sagot ko.Dumungaw siya. May hawak na tray cookies at tsaa. Yung tsaa, mukhang hindi galing Paris. Galing convenience store. Mas gusto ko ‘yon.“Peace offering,” sabi niya.“Bakit, may kasalanan ka ba?” Umupo ako habang tinatanggap ‘yung tray.“Wala naman. Pero may instinct akong dapat kang pakalmahin bago mo pasabugin ang mansion.”Ngumiti ako kahit gustong umiyak.“Hindi ko alam kung iiyak ako
“Luna! Anak!”Napalingon ako, agad na bumigat ang dibdib ko. Si Mama?!As in totoong Mama. Buhay. Humihinga. May kilay. May buhok!Pero… teka lang.Bakit hawak siya ng dalawang lalaking mukhang auditionees para sa papel ng kontrabida sa telenovela?“Wait, wait, wait…” bulong ko sa sarili ko habang pilit kong sinisilip ang paligid, baka may hidden camera. “Baka prank lang ‘to. Maxine, sabihin mong prank lang ‘to—”“Bes,” bulong niya habang nakapulupot ang braso sa’kin, “kung prank ‘to, may Oscar award na ‘yung mga ‘yan. Tsaka bakit may baril?!”Si Ethan, alerto na agad. Para siyang superhero on standby mode. Literal na parang puputok ang ugat sa sentido niya habang hawak ang kamay ko.“Stay behind me,” bulong niya.Pero hindi ako nakinig.Kasi si Mama ‘yon. Mama ko.“MA—!”“Don’t move!” sigaw ng isa sa mga lalaking kasama ni Mama.Tumigil ako mid-step. Literal na parang may invisible na forcefield. Kahit ang kaluluwa ko, nag-preno.Si Mama, sinubukang makawala. “Wag niyo siyang sasak