Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
view moreYou and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi
The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos
One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy
"Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what
"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay
"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k
"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera."Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa."Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew."Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya."R
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny."I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!"Pero 'wag kang mag-alala---""Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely
"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew."Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag
"Buntis ka?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat matapos biglang bumungad si Tita Fely sa harapan ko."Ti-tita sorry po..." utal kong sabi. Nanginginig ko ring kinuha ang kamay ni Tita para mapakinggan niya ako ngunit hindi ko pa man iyon nahahawakan ay tinapik niya na ang kamay ko."Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang dulot sa 'yo ang lalaking 'yon!"Pak!Sampal na nagpaatras sa akin. Sapo-sapo ko ang nasaktang pisngi kasabay ng pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata."Tingnan mo, sinira niya ang buhay mo! Ang tigas kasi ng ulo mo!" sermon nito habang patuloy ang pagsampal sa akin."Ti-tita tama na po!" Pagmamakaawa ko dahil ayaw niya akong tigilan sa pagsampal."Mahal po ako ni Andrew, alam ko pong papanagutan niya ako at ang baby namin!" Lakas loob kong sabi. May tiwala ako sa boyfriend ko, at alam kong tatanggapin niya 'to."Mahal? Nagpapatawa ka ba, Sydney? Hindi mo kilala ang ugali ng mga m...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments