"Buntis ka?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat matapos biglang bumungad si Tita Fely sa harapan ko.
"Ti-tita sorry po..." utal kong sabi. Nanginginig ko ring kinuha ang kamay ni Tita para mapakinggan niya ako ngunit hindi ko pa man iyon nahahawakan ay tinapik niya na ang kamay ko."Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang dulot sa 'yo ang lalaking 'yon!"
Pak!Sampal na nagpaatras sa akin. Sapo-sapo ko ang nasaktang pisngi kasabay ng pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.
"Tingnan mo, sinira niya ang buhay mo! Ang tigas kasi ng ulo mo!" sermon nito habang patuloy ang pagsampal sa akin.
"Ti-tita tama na po!" Pagmamakaawa ko dahil ayaw niya akong tigilan sa pagsampal.
"Mahal po ako ni Andrew, alam ko pong papanagutan niya ako at ang baby namin!" Lakas loob kong sabi. May tiwala ako sa boyfriend ko, at alam kong tatanggapin niya 'to.
"Mahal? Nagpapatawa ka ba, Sydney? Hindi mo kilala ang ugali ng mga mayayaman! Paano ka nakakasigurong tatanggapin ka ng lalaking 'yon ha? Hindi ka ba nag-iisip?!"
"A-aray! Tita tama na po!" Muli kong pagmamakaawa kay tita matapos niya akong itulak ng malakas.
"Lumayas ka dito! Layas!"
"Tita papatunayan ko po sa inyo na mabuting tao si Andrew!" Tumayo ako para muling kumbinsihin si tita na matatanggap ako ni Andrew.
"Sige, patunayan mo! Siguraduhin mo na pakakasalan ka ng lalaking 'yon. Dahil kapag hindi, huwag ka nang umasa na pababalikin pa kita dito, naiintindihan mo?!"
Matapos akong itapon ni Tita sa labas ng gate ay kaagad akong pumara ng tricycle. Kailangan kong puntahan si Andrew, kailangan niyang malaman na magkaka-anak na kami.
"Manong dito na lang po!" Nang makababa ako ng tricycle ay kaagad akong kumatok sa apartment ni Andrew.
Michael Andrew Claveria, ang nag-iisang anak ng mayamang pamilya Claveria. He's an engineering student. Third year college na siya samantalang ako naman ay graduating sa Senior High School.
Nagkakilala kami noong grade eleven ako, siya naman ay second year, and we're on a relationship for almost a year. Sa susunod na buwan na ang aming first anniversary, and I think, magandang balita at regalo para sa amin itong baby sa sinapupunan ko.
"Sydney? W-what are you doing here?" Kabado at gulat na gulat ang ekspresyon niya matapos niya akong pagbuksan ng pintuan.
"P-pwedeng pumasok? May importante akong sasabihin sa 'yo Andrew," kinakabahan at hinihingal kong sabi. Sinubukan kong ipasok ang sarili ko sa loob ngunit buong pwersa niyang ihinarang ang katawan niya sa pintuan.
"Sydney wait,"
"Ba-bakit? May problema ba?" Pakiramdam ko'y muli na namang namumuo ang mga luha ko, at anumang oras ay pwede na naman itong tumulo.
"Babe, who's there?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon ng isang babae.
"Sandali, sino 'yon? May kasama kang babae dito?"
Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa pintuan para tingnan kung sino ang babae.
"Oh, hi?"
Natigilan ako matapos bumungad sa akin ang isang magandang babae. Bagong paligo lang siya dahil basa pa ang mahabang buhok niya. Tanging puting tuwalya lang din ang nakatakip sa katawan niya.
"I'm sorry..."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata.
So, yeah. Karma ko na ba 'to dahil sa hindi ko pagsunod kay Tita Fely?
"Andrew, bakit?" Nanghihina kong tanong.
"We're getting married." Simple at mataray na sagot ng babae na hindi ko alam ang pangalan.
Lalong nanghina ang buong katawan ko nang ipakita nito ang engagement ring sa daliri niya.
Nakatingin lang ako kay Andrew habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko mabasa ang emosyong naroon sa mga mata niya, ngunit isa lang ang nasisigurado ko, at iyon ay totoo ang lahat ng sinasabi ng babaeng kasama niya rito sa apartment niya.
"I hate you!"Sinubukan kong sampalin si Andrew ngunit nang akmang i-aangat ko na ang kamay ko ay nanatili lang itong naka-angat, hindi ko siya magawang sampalin kahit na ang sakit-sakit nitong ginawa niya sa akin.
"I'm sorry Sydney...umalis ka na!"
Huling salitang sinabi niya bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng apartment niya.
Wala na akong nagawa kundi ang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Baby, promise ni mommy na aalagaan at palalakihin kitang masaya...hindi ko ipaparamdam sa iyo na may kulang sa 'yo...kahit na wala kang amang makikilala dahil niloko niya ako...hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para sabihin sa kaniya ang pagkabuo mo."Pinahid ko ang mga luhang bumabasa sa pisngi ko. Pagkatapos ay taas noo kong nilisan ang lugar na mula ngayon ay kasusuklaman ko na.
"I hate you Michael Andrew Claveria! Pinapangako kong pagsisisihan mong niloko mo ako! I hate you!"
"Good day Miss Claire Sydney Agustin! We would like to inform you that you passed your final interview in our company. We are hoping to see you working with us tomorrow or within this week. Congratulations and Good luck! Greetings from Paradise Island Corporation."Kakabukas ko lang ng email ko at ito ang unang bumungad sa akin. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ang email na 'yon. Parang maiiyak ako na matutuwa, na hindi ko alam."Ah! O M G! Wah! Natanggap ako! Natanggap ako!"Dahil sa labis na tuwa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw habang patalon-talon pa ako sa ibabaw ng kama ko."Yehey! Finally! Yes!"Todo talon pa rin ako habang nakayakap sa cellphone ko, kung saan ko na-recieved ang email na 'yon.Finally, after six years makakapagtrabaho na rin ako sa isang kompanya. Magagamit ko na rin ang kursong tinapos ko."Momma! Why are you so noisy in there? Gosh!"Isang nakabusangot na mukha
"Good morning, Momma! Good luck on your first day!"Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil sa tamis nang bungad sa akin ni Sunny."Good morning too, baby." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at maraming kisses sa mukha niya."Ang aga yatang nagising ng baby ko?"Alas sais pa lang ng umaga eh, may isa't kalahating oras pa siya para matulog dahil 7:30 pa naman 'yong pasok niya."Of course, Momma! Para po makapag-goodbye ako sa inyo," nakangiti niyang sabi."Aww." Pinisil ko ang pisngi niya, kagaya nang madalas kong gawin tuwing natutuwa ako sa kanya."Okay, basta pagkaalis ni Momma, mag-sleep ka ulit, ha?""Titingnan ko lang po, Momma."Matapos naming magkulitan ay si Grace naman ang sunod kong kinausap para ibilin sa kanya kung anong oras ang pasok at labas ni Sunny sa school."Grace, since hindi mo pa naman alam 'yong school ni Sunny ang gawin mo ay mag tricycle na lang muna kayo. Sa Angel's Acad
Nang makabalik kami ni kuya Bert sa Opisina ay agad akong nagtungo sa office room ni Miss Michelle para sabihin sa kanya ang ipinapasabi sa kanya ni Chairman."Gano'n ba?" Tumango ako kay Miss Michelle.Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako nang makita kong bahagyang may gumuhit na ngiti sa labi niya."I didn't thought that he's going back this early. I thought he's still out of the country."halos pabulong niyang sinabi iyon ngunit malinaw ito sa pandinig ko."Po?" pag linaw ko sa sinasabi niya."Ibig sabihin, siya na 'yong boss mo bukas," Mataman akong pinakatitigan ni Miss Michelle, marahil hinuhuli niya ang magiging reaksyon ko.Pinigilan ko ang sarili na h'wag magpakita ng kahit na anong emosyon. Ayokong isipin niya na apektado ako, na maaapektuhan pa rin ako."Okay po," tipid kong sabi na sinabayan ko pa ng pagtango."Have you eat your lunch?" Bigla niyang pag-iiba sa usapan.
Kagaya ng ibinilin ni Miss Michelle, inagahan ko ang pagpasok sa Opisina. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Sunny dahil natutulog pa siya pag-alis ko.Pagdating ko sa opisina ay abala na ang lahat. Kaya pala mag-isa lang akong sinundo ni Kuya Bert, iyon ay dahil nauna na pala ang iba kong mga katrabaho'ng pumasok."Good morning, ate, kuya!" bati ko sa tatlong guard na nakabantay sa entrance ng opisina."Good morning, Miss Sydney!" masigla rin nilang bati sa akin pabalik.Dahil nagmamadali ako kaya hindi na ako masyadong nakipag-usap pa sa kanila.Dumiretso ako sa opisina ni Miss Michelle para ilagay ang mga gamit na dala-dala ko. Naabutan ko siyang nasa loob na at halatang problemado sa kung anomang inaasikaso n'ya."Thanks God, you're here!" unang bungad niya pagpasok ko."Good morning, Miss Michelle!" bati ko sa kanya."Good morning. Gusto ko sanang hingin ang opinyon mo dito,"Lumapit ako para tingnan kung an
"Why did you brought me here, Sir?" kalmado kong tanong sa kanya matapos n'ya akong dalhin sa office room niya. Nalaman kong opisina niya ang silid na ito dahil sa pangalang nakapatong sa table.'Engineer Michael Andrew Claveria'"I," Hindi niya ma ituloy ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. His stare was cold—yet lonely and it seems that he's in too much pain while staring at me straightly.Dahil sa lapit ng mga katawan namin, kaya malaya ko siyang naaamoy. Walang nagbago sa pabangong ginagamit niya, he still smells the same. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya. He's drunk. Sinadya niya ba'ng malasing? God!Dahan-dahan niyang niluwagan ang mahigpit na pagkakahawak n'ya sa braso ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nauna rin siyang nag-iwas ng tingin.Why is he like that? Bakit parang nasasaktan siyang nakikita ako? Galit ba siya sa akin? Then, why did he hired me as his secretary?
"Momma!" Kaagad gumuhit ang ngiti ko sa aking labi nang salubungin ako ng anak ko."Wow, you look stunning with your dress, Momma!" Puri niya sa suot ko. Wari isang propesyonal na siya habang sinusuri ito. Natawa na lamang ako sa ginawa n'ya."Thank you, baby." I kissed her on her cheeks. Pinisil ko rin iyon."Momma, teacher wants us to bring family picture. Dapat daw magkakasama 'yong baby, Mommy, and Daddy!"Nagkatinginan kami ni Grace sa sinabi ni Sunny. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan dahil hindi ako makapagsalita."Baby Sunny," Tawag ni Grace sa atensyon ng anak ko."Yes po, ate,""Si ate Grace na lang 'yong mag-aasikaso ng pinapagawa sa 'yo ni teacher, kasi tingnan mo oh, pagod si Momma,"Mukhang nakuha ni Grace ang dahilan ko kung bakit ako natahimik, kaya siya ang gumawa ng paraan para ma ilayo si Sunny sa pagtatanong tungkol sa ama n'ya.Alam kong darating kami sa puntong 'to,
"Peace be with you, baby!" Linggo ngayon at kakatapos lang ng misa. Kasalukuyan kaming naglalakad na ngayon palabas ng simbahan, kasama namin ng anak ko si Grace."Peace be with you momma. I love you!" Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong kiligin sa sweetness ni Sunny. Binuhat ko siya para madali kaming makalabas ng simbahan. Sa unahan pa kasi kami umupo para marinig namin ng malinaw si Father.Paglabas namin ng simbahan ay kaagad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa carnival park."Anong gusto mong kainin baby?" I asked her."Kahit ano po momma, kayo na po ang bahala." Masiglang sagot niya. Nakakapit lang siya sa gilid ko habang abala ako sa pagbili ng pagkain namin mamaya.Samantalang si Grace naman ay naiwan namin sa park, kung saan kami pupwesto para sa gagawin naming mini-picnic.Naisip ko kasing ipasyal muna sila ng ate Grace niya dahil tatlong buwan akong mawawala para sa renovation na gagawin ng Paradise I
Alas quatro y media pa lang nang umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang ma
You and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi
The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos
One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy
"Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what
"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay
"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k
"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera."Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa."Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew."Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya."R
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny."I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!"Pero 'wag kang mag-alala---""Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely
"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew."Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag