"Good morning, Momma! Good luck on your first day!"
Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil sa tamis nang bungad sa akin ni Sunny.
"Good morning too, baby." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at maraming kisses sa mukha niya.
"Ang aga yatang nagising ng baby ko?"
Alas sais pa lang ng umaga eh, may isa't kalahating oras pa siya para matulog dahil 7:30 pa naman 'yong pasok niya.
"Of course, Momma! Para po makapag-goodbye ako sa inyo," nakangiti niyang sabi.
"Aww." Pinisil ko ang pisngi niya, kagaya nang madalas kong gawin tuwing natutuwa ako sa kanya.
"Okay, basta pagkaalis ni Momma, mag-sleep ka ulit, ha?"
"Titingnan ko lang po, Momma."
Matapos naming magkulitan ay si Grace naman ang sunod kong kinausap para ibilin sa kanya kung anong oras ang pasok at labas ni Sunny sa school.
"Grace, since hindi mo pa naman alam 'yong school ni Sunny ang gawin mo ay mag tricycle na lang muna kayo. Sa Angel's Academy kamo sabihin mo sa driver ng tricycle na sasakyan n'yo," habilin ko sa kanya.
"7:30 AM 'yong pasok niya. Pagkahatid mo sa kanya sa school, para hindi ka ma-bored at magawa mo 'yong gusto mong gawin pwede mo siyang iwanan do'n tapos balikan mo na lang siya ng 10:00 AM."
"Sige po, ate noted po lahat, " sagot niya.
"Salamat, Grace. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko, ha? Mag-iingat kayo."
"Opo, ate. No problem po. Ingat din po kayo. Good luck po sa first day n'yo."
"Salamat," sagot ko.
Matapos kong ibilin ang lahat kay Grace ay kinuha ko na ang bag na dadalhin ko pagpasok.
I am wearing a corporate attire na provided ng company na papasukan ko. A color black skirt na above the knee at kapares nitong white longsleeve.
Dahil hindi ako sanay sa pagsusuot ng maiksi kaya naisipan kong magsuot ng stocking para hindi gaanong expose 'yong natural kong balat.
Itinali ko rin ang mahaba kong buhok para hindi ito maging sagabal sa aking mukha. At para maaliwalas ang mukha ko.
Lastly, I wear a black shoes na may taas na isang pulgada.
"Goodbye, baby! Magwo-work na si Momma." nakangiti kong paalam sa anak ko.
"Take care, Momma. I love you!" She gave me a kiss on my left and right cheeks.
"I love you too, baby!"
Paglabas ko ng bahay ay nakaparada na sa labas ang isang malaking kulay itim na van. Marahil ito na 'yong libreng sasakyan ng kompanya para sa mga empleyado nila.
Nakakatuwa nga dahil halos lahat libre. Imagine, pati 'yong transportation ay sila pa 'yong nag-provide. Mukhang galante ang may-ari ng Paradise Corporation.
Pagpasok ko sa loob ng van ay halos puno na ito. May sari-sarili din silang mundo kaya bale wala silang pakialam sa pag pasok ko.
Matagal na siguro silang empleyado ng company kaya naman parang close na silang lahat. Sabagay, ako lang naman itong baguhan dito.
Mahigit kalahating oras din ang byahe namin bago kami tuluyang nakarating sa kumpanya.
Pagkatigil na pagkatigil ng van ay nag-unahan silang bumaba, kagaya ng eksena kanina pagsundo sa akin ay parang hindi ako nag-e-exist. Ang seryoso naman yata nila masyado?
Parang nagsesenyasan lang sila tapos nagtatanguan, then, okay na nagkakaintindihan na sila.
"Good morning miss, bago ka lang?" tanong sa akin ng driver. Mabuti pa si manong napansin ako.
"Ah, opo. Ako nga po pala si Sydney Agustin." Pagpapakilala ko kay manong nang tuluyan na akong makababa.
"Kuya Bert na lang," ani niya matapos makipag-shake hands sa akin.
"Sige po, kuya Bert. Salamat po sa pagsundo sa akin ah? Pasok na po ako!"
Tinanguan lang ako ni kuya Bert kaya naman ay nagmadali na akong pumasok sa office.
"Good morning mga ate, kuya!" bati ko sa dalawang lalaki at isang babaeng guard na nakabantay sa entrance ng kompanya.
"Good morning!" Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga binati ko.
"Bakit po?" usisa ko."Sa tinagal-tagal na kasi naming nagta-trabaho rito, ngayon lang kami binati ng isa sa mga empleyado ng kompanya..." hindi makapaniwalang sabi ng babaeng guwardiya.
"Ah, gano'n po ba? Hindi bale po, mula ngayon masanay na kayo dahil araw-araw ko na po kayong babatiin," masaya kong sabi na ikinatuwa nilang tatlo.
"Bago ka lang ba rito, hija?"
"Opo. Actually, first day ko po ngayon," masaya kong sabi.
"Gano'n ba? Sige, good luck! Pasok ka na, baka mapagalitan ka pa."
"This way, Miss Agustin." Si ate na nag-interview sa akin noong nag-apply ako rito. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.
Sinamahan niya ako sa isang hiwalay na room, base sa itsura nito sa labas ay pang lalaki ang office room na ito.
"Pasok ka. Hinihintay ka na ng Boss mo," sabi niya. Tumango ako sa kanya. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagpasya na pihitin ang seradura ng pintuan.
"Good morning!" Isang pamilyar na boses ang nagpanatili sa akin sa aking kinatatayuan sa pintuan ng opisina.
Dahil sa tagpong ito ay pakiramdam ko'y unti-unti na naman akong bumalik sa aking nakaraan.
Saglit kong pinakiramdaman ang sarili ko, kung kamusta ako, ang puso ko...nang wala akong maramdamang kahit ano ay taas noo akong ngumiti at binati rin siya pabalik.
"Good morning—"
"Michelle Villafuerte Claveria..."
Talagang pinagdiinan niya 'yong last name niya. Mukhang gusto niya talagang ipamukha sa akin na kasal na sila ng dating kasintahan ko. Well, I don't f*cking care! Basta ako, kuntento na ako ngayon sa kung anong mayro'n ako. Masaya na ako sa buhay ko, kasama ang anak ko.
"Miss Michelle na lang ang itawag mo sa akin." Nginitian niya ako kaya ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Sa kabilang lamesa ang pansamantalang table mo." Ngumiti ulit siya. Naglakad at nagtungo ako sa itinuro niyang pwesto ko.
Base sa tono ng boses niya ngayon ay totoo ang ipinapakita niya. Palangiti at mahinahon ang boses niya, hindi katulad noong una naming pagkikita sa apartment ni Andrew.
"Uhm...Sydney?" Kaagad kong ibinaling ang atensyon ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso na tila ba ay may nais siyang sabihin.
"Yes po?" tanong ko.
"Uhm, wala. Nevermind, sige, gawin mo na lang pala 'yang mga nasa table mo." Hindi ko alam kung pina-plastic niya ba ako o ano, parang masyadong ang bait-bait kasi ng pakikitungo niya.
"Okay po."
Kagaya ng inutos niya ay isa-isa kong tiningnan ang mga papers na nasa table ko. Hindi ko pa man natatapos lahat iyon ay muli na naman siyang nagsalita.
"Uhm, I just want to ask if na bo-bothered ka ba? I mean...ano kasi, hindi maganda 'yong last encounter natin...six years ago? Hope you're okay working with me? I mean from the people in your past?"
Tumayo ako nang tuwid at buong-puso kong sinagot ang mga sinabi niya o sabihin na nating ang mga tanong niya.
"I understand your concern, Miss Michelle, but you have nothing to worry. Hindi ako 'yong tipo ng tao na dinadala sa trabaho iyong personal issues ko sa buhay. I know how to work professionally...kaya kung inaalala n'yo po na baka maapektuhan ang trabaho ko, nagkakamali po kayo."Napayuko siya dahil sa sinabi ko. Nang makabawi siya ay nginitian niya na naman ako.
"I'm sorry. Don't worry, hindi naman talaga ako ang boss mo. I mean, temporary lang 'yong trabaho mo sa akin, for now habang hindi pa nakakauwi ng bansa si Engineer Claveria ay sa akin ka muna...ikaw muna ang sekretarya ko."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam siya na lalabas muna siya.
Sandali, hindi siya 'yong Boss ko? Engineer Claveria? Don't tell me, I'm working with my Ex? What the hell!
"Sydney, I want you to send these papers to Claveria residence. Gusto kong personal mo itong iabot kay Chairman Alfred Claveria."Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maging reaksyon sa ipinag-uutos sa akin ni Miss Michelle. Hindi ko naman kasi alam na tungkulin ko na rin pala ang paghahatid ng mga importanteng dokumento sa mismong bahay ng mga nakatataas.
"Okay po." magalang kong sabi bago ko inabot ang mga papeles na nakalagay sa isang puting envelope.
"Don't worry, personal kang ihahatid ni Mang Bert. Personal driver siya ng pamilya Claveria." dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko.
"Okay po," Yumuko ako sa harapan niya bilang respeto sa aking pansamantalang paglisan sa opisina niya.
Paglabas ko ng opisina ni Miss Michelle ay kaagad akong naglakad sa hallway para magtungo sa elevator. Mabuti na lamang at kakabukas lang ng elevator kaya hindi na ako naghintay pa ng kahit ilang minuto.
Pagbukas nito ay nasa ground floor na kaagad ako ng building, sa parking lot kung nasaan si Kuya Bert.
"Sakay na po, Miss Sydney!" Nakahanda na pala siya sa ibaba, halatang hinihintay niya na lang ako. Siguro ay tinawagan na siya ni Miss Michelle na ihahatid ako sa mansion ng mga Claveria.
"Kuya Bert, gano'n po ba talaga sa office nila na kapag may importanteng papeles na kailangang pirmahan ay kailangan pang ihatid sa mismong bahay nila?" tanong ko.
"Noon po hindi naman, ngayon lang 'yang ganyang set up dahil hindi na nakakapasok ng opisina si Chairman," paliwanag niya na ikinatango ko na lang.
Habang nasa byahe kami ni kuya Bert ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ito nararamdaman.
"Ma'am Sydney, narito na po tayo." Napa kurap-kurap ako. Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami.
Nasa tapat kami ng malaking gate. Tatlong beses ang naging pagbusina ni kuya Bert sa labas ng gate bago ito binuksan ng dalawang guwardiya.
Namangha ako sa sobrang laki ng kanilang mansion. Gusto ko po sanang ilarawan ang kabuuan ng mansion ng mga Claveria ngunit bigla kong naalala na hindi iyon ang sadya ko rito. Naparito ako para sa papeles na kailangang pirmahan ni Chairman Alfred.
Hindi ko alam kung ano ang nilalaman no'n pero nasisiguro kong importante iyon...dahil hindi naman siguro ako pasusugurin dito ni Miss Michelle ng tanghaling tapat kung hindi iyon importante, diba?
"Pasok po tayo sa loob, Miss Sydney..." ani kuya Bert ng tuluyan na akong makababa ng van.
Nauna siya sa aking maglakad na tila ba sanay na sanay na siya rito. Naalala ko 'yong sinabi kanina ni Miss Michelle na family driver nga pala ng pamilya Claveria itong si Kuya Bert.
Ngunit nakakapagtaka naman na siya rin 'yong driver no'ng libreng transportation ng mga empleyado ng Paradise Corporation.
"Good afternoon po, Chairman," nahihiya kong bati sa lalaking nasa early 60's. Naka wheelchair siya at wala man lang siyang kasama rito sa sala.
"Good afternoon," seryoso nitong sabi. Nanginginig ang mga kamay kong iniabot sa kanya ang white envelope na pinapaabot ni Miss Michelle.
"Dad, who's there?"
Kaagad akong tumalikod ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin.
"Drew, anak, tara na? Kumain na tayo." Nasa sala lang kami kaya hindi ko gaanong nakita ang babaeng tumawag kay Andrew, dahilan nang hindi nito pagtuloy sa kinaroroonan namin ng Dad niya. Nakakasiguro akong mom niya ang tumawag sa kanya patungong dining area nila.
"Pakisabi sa boss mo na si Andrew na ang bahalang magdala ng mga papeles na ito sa opisina bukas."
Tumango ako rito.
"—also, tell her that..."
"Hon let's eat na. Enough with that business matter, it's already twelve!"
Natawa si Chairman sa sweet na sigaw ng asawa niya kaya naman humingi ito sa akin ng paumanhin.
"Naku, ayos lang po," kabado kong sabi.
"Sige po, aalis na po kami," pagpapaalam ko kay Chairman.
"Sandali lang hija, dito ka na kuma—"
"Hindi na po, Chairman, nakakahiya naman po!" Kinakabahan ako kaya halos tumaas na 'yong tono ng boses ko.
"Gano'n ba? Sige, at mukhang nagmamadali ka." sabi niya.
Kaagad akong tumalikod at tinahak ang daan palabas. Nang makalabas ako ng pintuan ay doon ko sinimulang lumanghap ng sariwang hangin.
Pakiramdam ko'y naubusan ako ng hangin kanina.
Nakita ko siya! Mabuti na lang at hindi niya ako nakita, God!'Parang sira...siya 'yong boss mo, 'diba? Magkikita at magkikita rin kayo!'Bigla kong tinampal ang noo ko dahil sa isiping iyon.
"Miss Sydney...okay lang kayo?"
Napakurap-kurap ako. "O-opo kuya Bert. Ta-tara na po," nauutal kong sabi.
Nang makapasok ako sa loob ng van ay nagsimula na namang lumipad ang utak ko.
"Accept it Sydney...kung talagang naka-move on ka na sa manlolokong 'yon, dapat hindi ka na apektado! Panindigan mo 'yong sinabi mo kay Miss Michelle na professional kang magtrabaho!"
"Hindi naman 'yon ang inaalala ko! Paano kung malaman niyang may anak kami...at—at kuhanin niya sa akin? Hindi pwede! Ayoko, hindi ako papayag!"
"Edi, mag-resign ka na lang sa trabaho mo!"
"Hindi pwede, paano na 'yong kinabukasan ni Sunny? Baka kapag bigla akong nag-resign ay paghinalaan nila ako, hindi pwede!"
"Miss Sydney, okay lang po ba talaga kayo?" Napatingin ako kay kuya Bert, ramdam kong nakatingin siya sa akin gamit ang front mirror ng sasakyan.
"O-opo...ayos lang ako,"
"Pero kanina pa kayo umiiyak..."
Napahawak ako sa pisngi ko. Basang-basa nga 'yon. Nagmamadali kong kinapa ang shoulder bag na dala ko para kuhanin ang panyo ko. Nang makita ko iyon ay kaagad kong pinahid ang mga luhang bumabasa sa aking pisngi.
Natatakot akong kuhanin nila sa akin ang anak ko. Hindi pwede, hindi ko kakayanin, hindi ako papayag!
Nang makabalik kami ni kuya Bert sa Opisina ay agad akong nagtungo sa office room ni Miss Michelle para sabihin sa kanya ang ipinapasabi sa kanya ni Chairman."Gano'n ba?" Tumango ako kay Miss Michelle.Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako nang makita kong bahagyang may gumuhit na ngiti sa labi niya."I didn't thought that he's going back this early. I thought he's still out of the country."halos pabulong niyang sinabi iyon ngunit malinaw ito sa pandinig ko."Po?" pag linaw ko sa sinasabi niya."Ibig sabihin, siya na 'yong boss mo bukas," Mataman akong pinakatitigan ni Miss Michelle, marahil hinuhuli niya ang magiging reaksyon ko.Pinigilan ko ang sarili na h'wag magpakita ng kahit na anong emosyon. Ayokong isipin niya na apektado ako, na maaapektuhan pa rin ako."Okay po," tipid kong sabi na sinabayan ko pa ng pagtango."Have you eat your lunch?" Bigla niyang pag-iiba sa usapan.
Kagaya ng ibinilin ni Miss Michelle, inagahan ko ang pagpasok sa Opisina. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Sunny dahil natutulog pa siya pag-alis ko.Pagdating ko sa opisina ay abala na ang lahat. Kaya pala mag-isa lang akong sinundo ni Kuya Bert, iyon ay dahil nauna na pala ang iba kong mga katrabaho'ng pumasok."Good morning, ate, kuya!" bati ko sa tatlong guard na nakabantay sa entrance ng opisina."Good morning, Miss Sydney!" masigla rin nilang bati sa akin pabalik.Dahil nagmamadali ako kaya hindi na ako masyadong nakipag-usap pa sa kanila.Dumiretso ako sa opisina ni Miss Michelle para ilagay ang mga gamit na dala-dala ko. Naabutan ko siyang nasa loob na at halatang problemado sa kung anomang inaasikaso n'ya."Thanks God, you're here!" unang bungad niya pagpasok ko."Good morning, Miss Michelle!" bati ko sa kanya."Good morning. Gusto ko sanang hingin ang opinyon mo dito,"Lumapit ako para tingnan kung an
"Why did you brought me here, Sir?" kalmado kong tanong sa kanya matapos n'ya akong dalhin sa office room niya. Nalaman kong opisina niya ang silid na ito dahil sa pangalang nakapatong sa table.'Engineer Michael Andrew Claveria'"I," Hindi niya ma ituloy ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. His stare was cold—yet lonely and it seems that he's in too much pain while staring at me straightly.Dahil sa lapit ng mga katawan namin, kaya malaya ko siyang naaamoy. Walang nagbago sa pabangong ginagamit niya, he still smells the same. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya. He's drunk. Sinadya niya ba'ng malasing? God!Dahan-dahan niyang niluwagan ang mahigpit na pagkakahawak n'ya sa braso ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nauna rin siyang nag-iwas ng tingin.Why is he like that? Bakit parang nasasaktan siyang nakikita ako? Galit ba siya sa akin? Then, why did he hired me as his secretary?
"Momma!" Kaagad gumuhit ang ngiti ko sa aking labi nang salubungin ako ng anak ko."Wow, you look stunning with your dress, Momma!" Puri niya sa suot ko. Wari isang propesyonal na siya habang sinusuri ito. Natawa na lamang ako sa ginawa n'ya."Thank you, baby." I kissed her on her cheeks. Pinisil ko rin iyon."Momma, teacher wants us to bring family picture. Dapat daw magkakasama 'yong baby, Mommy, and Daddy!"Nagkatinginan kami ni Grace sa sinabi ni Sunny. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan dahil hindi ako makapagsalita."Baby Sunny," Tawag ni Grace sa atensyon ng anak ko."Yes po, ate,""Si ate Grace na lang 'yong mag-aasikaso ng pinapagawa sa 'yo ni teacher, kasi tingnan mo oh, pagod si Momma,"Mukhang nakuha ni Grace ang dahilan ko kung bakit ako natahimik, kaya siya ang gumawa ng paraan para ma ilayo si Sunny sa pagtatanong tungkol sa ama n'ya.Alam kong darating kami sa puntong 'to,
"Peace be with you, baby!" Linggo ngayon at kakatapos lang ng misa. Kasalukuyan kaming naglalakad na ngayon palabas ng simbahan, kasama namin ng anak ko si Grace."Peace be with you momma. I love you!" Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong kiligin sa sweetness ni Sunny. Binuhat ko siya para madali kaming makalabas ng simbahan. Sa unahan pa kasi kami umupo para marinig namin ng malinaw si Father.Paglabas namin ng simbahan ay kaagad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa carnival park."Anong gusto mong kainin baby?" I asked her."Kahit ano po momma, kayo na po ang bahala." Masiglang sagot niya. Nakakapit lang siya sa gilid ko habang abala ako sa pagbili ng pagkain namin mamaya.Samantalang si Grace naman ay naiwan namin sa park, kung saan kami pupwesto para sa gagawin naming mini-picnic.Naisip ko kasing ipasyal muna sila ng ate Grace niya dahil tatlong buwan akong mawawala para sa renovation na gagawin ng Paradise I
Alas quatro y media pa lang nang umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang ma
"This is Paradise Hotel, and we're staying there for months." Si miss Michelle habang inililibot niya ako. "Tita Helen managed this before...no'ng hindi pa nagkakasakit si chairman. Kaya noong nagkasakit si chairman at hindi na magawang makalakad ay nagdesisyon siyang ipasa sa akin ang pamamahala rito." Kwento niya. "At first, I was like; seriously? I am managing this whole island? God! I'm a model not a business woman!" natatawa niyang sabi habang pinapa-ikot ang kanyang mga mata. "Y-you're a model?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya...of course she's beautiful. She's more than just a model! "Yeah. But that was just before...during my teenage. No'ng tumuntong kasi ako ng twenty doon na ako nagsimulang i-train ni tita Helen sa pagmamanage ng business." She smiled again. I smiled back. She continued sharing her experienced in managing this island habang ako naman ay patuloy lang sa pakikinig. "Ito 'yong magiging kwarto natin." May itinapat siyan
"Congratulations on our job well done!" Si Michelle na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng renovation."Group hug!" Dagdag niya pa kaya nag-group hug kami. Para kaming mga teenager na tuwang-tuwa sa natapos naming proyekto sa eskwela. Ang saya-saya sa pakiramdam no'n."At dahil d'yan, let's celebrate!" Si Gab iyon. Nagulat rin ako ng hawakan niya ako sa kamay pagkatapos ay hinalikan niya ako ng panakaw sa pisnge.Saglit akong natigilan. Napako rin ako sa aking kinatatayuan dahil sa hindi ko inaasahang ginawa niya.Ang kaninang masaya at maingay na si Michelle ay unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi. Maybe because she's shocked too? I don't know. But I feel it...she's hurt."T-thank you for the inspiration." Nahihiya niyang sabi. Nakakahiya naman kung magagalit ako. Siguro nabigla lang siya dahil sa labis na tuwa kaya ngumiti na lamang ako."It's okay...but don't do it next time without my permission." Sabi ko na ikinatango niya naman.
You and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi
The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos
One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy
"Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what
"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay
"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k
"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera."Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa."Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew."Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya."R
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny."I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!"Pero 'wag kang mag-alala---""Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely
"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew."Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag