Marrying Rebellious Heiress

Marrying Rebellious Heiress

last updateHuling Na-update : 2025-04-03
By:  Maybel AbutarIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
91views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

He’s perfect and she’s not. He’s not an alcoholic but she is. He’s good at modeling but she’s better at drag racing and gambling. Everything he has, she doesn’t care. Vander Monterallo is a successful man and is well known as the most popular cover magazine and runway model. He is the epitome of the word perfection from head to toe. His perfect image helps him to reach what he has become. However, his excellent reputation will be put at risk when he forcibly married to Dawn Indiana Silueta, a girl with too many bad habits. Dawn Indiana Silueta is the unwanted daughter and the black sheep of the family. She’s a rebel and uncontrollable woman, that’s what her family thought about her. She’s just happy doing everything outside their perfect house. She loves to explore and tries anything that excites her. However, her freedom will soon end when she is forced to marry a “perfect” husband. Will Vander maintain his perfect image or be screwed up by Dawn? How about Dawn, will she stand being rebellious or will she change because of Vander? This story will prove if the opposite really attracts or if the opposite always fights.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

ACCIDENT

Malakas na musika at nagkakasiyahan na mga tao ang sumalubong kay Dawn pagpasok sa bar. Tila wala nang bukas ang mga ito habang sumayaw sa dance floor. Nakikita niya kung gaano ka-wild ang mga babae habang umiindayog ang balakang sa kapareha nitong lalaki. Nagustuhan naman iyon ng mga lalaki at sinasabayan ng paghaplos sa katawan ng mga babae. Inalis ni Dawn ang tingin sa mga sumasayaw. Hinanap ng kaniyang mga mata ang bulto ng kaibigang si Magnum. Tinawagan siya nito para uminom ngayong gabi, pero alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya. Sigurado brokenhearted na naman ang loko at gagawin siyang driver pabalik sa bahay nito.“Dawn!” Agaw pansin ang malakas na boses ni Magnum sa karamihan ng mga tao.Tumaas ang kilay ni Dawn nang makita ang itsura ni Magnum. Wala sa ayos ang suot nitong polo, may mga mantsa ng lipstick sa kuwelyo at namumungay na rin ang mga mata nito tanda ng labis na kalasingan. Hawak nito ang bote ng alak habang sunod-sunod na umiinom doon. Ku...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
8 Kabanata
ACCIDENT
Malakas na musika at nagkakasiyahan na mga tao ang sumalubong kay Dawn pagpasok sa bar. Tila wala nang bukas ang mga ito habang sumayaw sa dance floor. Nakikita niya kung gaano ka-wild ang mga babae habang umiindayog ang balakang sa kapareha nitong lalaki. Nagustuhan naman iyon ng mga lalaki at sinasabayan ng paghaplos sa katawan ng mga babae. Inalis ni Dawn ang tingin sa mga sumasayaw. Hinanap ng kaniyang mga mata ang bulto ng kaibigang si Magnum. Tinawagan siya nito para uminom ngayong gabi, pero alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagtawag nito sa kaniya. Sigurado brokenhearted na naman ang loko at gagawin siyang driver pabalik sa bahay nito.“Dawn!” Agaw pansin ang malakas na boses ni Magnum sa karamihan ng mga tao.Tumaas ang kilay ni Dawn nang makita ang itsura ni Magnum. Wala sa ayos ang suot nitong polo, may mga mantsa ng lipstick sa kuwelyo at namumungay na rin ang mga mata nito tanda ng labis na kalasingan. Hawak nito ang bote ng alak habang sunod-sunod na umiinom doon. Ku
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
A DEAL
“Something came up, but I’ll do everything to arrive on time,” paliwanag ni Vander sa kausap nito sa kabilang linya.“You must, Vander! Nakakahiya kay Miss Abegail kung male-late ka,” problemadong sabi ni Crista­, ang manager ni Vander.“I won’t disappoint her. I promise,” pangako niya rito bago siya pagbabaan ng tawag.Hinilot ni Vander ang sentido. Hindi niya pwedeng biguin si Miss Abegail dahil malaki ang magiging epekto niyon sa career niya. Miss Abegail is the most popular and respected person in modeling world. Sikat din itong fashion designer. Maraming modelo ang nais itong makatrabaho at isa na siya roon. Malaking oportunidad ang inihain sa kaniya para magkaroon ng pagkakataon na maging modelo ng isa nitong clothing line. Pupunta siya sa lokasyon ng photoshoot pero isang aksidente ang nangyari na nagpaantala sa lakad niya.“Excuse me, Sir. Kaano-ano mo po ang pasyente?” tanong ng lumapit na nurse kay Vander.“Ahm...” Hindi niya pwedeng sabihin na muntik na niya itong masagasaa
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
ABANDONED
Samantala, sa ospital ay may agad na bumisita kay Dawn. Hindi niya alam kung paano nakarating sa mga ito ang pagkaka-aksidente niya. Marahil nakuha ng nurse ang kaniyang wallet o kaya ay cellphone para kontakin ang taong naroon sa silid niya sa ospital.“Alam kong gising ka, Dawn.”Umikot ang mata ni Dawn kahit nakapikit nang marinig ang boses ng kaniyang Ama. Alam niyang na sa ospital siya kahit hindi magmulat ng mata. Amoy pa lang, kabisado na niya. Madalas kasi siyang manatili rito, pero nagtataka siya kung bakit ang kaniyang Ama ang kasama niya ngayon. Madalas katulong ang nag-aasikaso sa kaniya.“Hi, Pa! Napadalaw ka?” nakangiti niyang bati sa Ama pagmulat ng mga mata.Umiwas ng tingin si Dawn nang sinalubong siya nito ng galit na titig.“Huwag kang magalit. Hindi naman kita pinilit na dalawin ako, ’di ba?” Balewala siyang bumangon pero muli siyang humiga nang kumirot ang kaniyang katawan. Mukhang nabalian ako ng buto ah!“What happened to you? Bakit narito ka na naman sa ospital
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
THE AGREEMENT
“You can’t do this to me, Papa!” sigaw pa rin ni Dawn. Sobrang sama ng loob niya sa ginawa ng Ama. Sinagot naman siya ng echo ng kaniyang boses. Bonus pa ang galit na huni ng ibon at kulisap sa paligid.“Pa!” muli niyang sigaw nang maramdaman ang malamig na hangin. Sa huli ay tumigil na rin siya sa pagsigaw dahil hindi na niya natatanaw ang sasakyan ng magaling niyang Ama na natiis siyang iwan sa hindi pamilyar na lugar na iyon. “Putspa! Ano bang lugar ’to?” nakakunot ang noo at kinakabahan niyang sabi.Naghanap siya ng pwedeng pang-depensa sa paligid. Wala siyang makita kaya hinubad niya ang isa niyang tsinelas.“Masakit din itong ipalo. Siguradong mabubukulan ang sinuman na magtatangka sa akin dito,” pampalubag loob niya sa sarili para mawala ang namuong takot sa dibdib.Dahan-dahan siyang lumapit sa bahay habang nakahanda ang tsinelas sa kaniyang kamay. Hindi siya naniniwala sa multo lalo na’t tanghaling tapat, pero naniniwala siya sa mga masasamang loob. Bigla naman siyang napatig
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
SIGNED
Feeling ni Dawn nasa anit na niya ang kaniyang kilay dahil sa sobrang taas. Nagcross-arm pa siya para magmukha siyang matapang at hindi basta-bastang babae.“Sino bang dahilan kung bakit nahulog? Kung sinong naghagis, siya rin dapat ang dumampot,” saad niya.Hindi niya ugali ang akuin ang bagay na hindi niya ginawa. Kaya bahala ang lalaki na pulutin ang bagay na hinagis nito. Nakipaglaban pa siya ng titigan dito. Kahit naluluha na ang kaniyang mga mata, hindi siya kumurap at mas lalong hindi siya nag-iwas ng tingin. Ewan lang kung hindi pa ito ma-intimidate sa kaniya. Lihim siyang napangiti nang tumayo ito at kinuha ang nahulog nitong cellphone. Masamang tingin ang pinupukol nito nang nakangiti niyang tanggapin ang cellphone mula rito.“Miss Dawn Indiana Silueta,” seryosong boses ng matandang lalaki mula sa kabilang linya ang bumungad pagkatapat niya ng cellphone sa tainga. “If you don’t sign the marriage contract, you’re babies will explode in your garage,” may pananakot pa nitong sa
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
FIRST HEADACHE
Samantala, dumiretso si Vander sa isang theater upang tagpuin ang kaniyang kasintahan. Sa daming stress na ibinigay ng ama niya, ngayon ay kailangan naman niya ng stress reliever. Isa pa, kailangan niyang sabihin sa girlfriend ang sapilitang pagpapakasal sa kaniya sa babaeng kasama niya ngayon sa maliit na bahay na inilaan ng kaniyang Ama para sa kanila. Ewan ba niya sa daddy niya. Marami itong pera pero napakaliit ng bahay na ibinigay sa kanila ng babaeng ’yon. Wala tuloy siyang pagpipilian kundi makita palagi sa loob ng bahay ang pagmumukha ng babaeng ’yon.“Sweetie!” masayang sinalubong si Vander ng kasintahan niyang si Thelma pagkarating sa theater.“Let’s go?” nakangiti niyang paanyaya rito.Tinawagan si Vander ng kasintahan kanina upang manood ng paborito nitong theater play. Kahit nakakaantok iyon para sa kaniya, hindi niya kayang tanggihan si Thelma. Kaya walang pagdadalawang isip siyang nagmadaling umalis makita lang ito. Isa pa naiirita siya sa babaeng kasama niya sa bahay.
last updateHuling Na-update : 2025-03-30
Magbasa pa
BROKEN HEARTED
Masayang nagmamaneho si Dawn kahit ramdam pa rin niya ang kirot sa katawan dahil sa nangyaring aksidente. If she mastered how to drive, she also mastered to endure the pain physically. Walang mangyayari sa kaniya kung magpakalunod siya sa sakit. Gumagaling din naman iyon sa paglipas ng panahon. Masaya siya ngayon dahil sa tatlong bagay. Una, hindi na niya kasama sa bahay ang mangkukulam at bruha niyang madrasta. Tahimik na ang buhay niya at hindi na magkakaroon ng additional pain ang katawan niya lalo na ang utak niya. Kahit gusto niyang kausapin ang ama tungkol sa marriage contract, ipinagpaliban muna niya iyon. Maraming oras para roon. Pangalawa, natanggap niya ang tawag ni Magnum at magbabayad na raw ito ng utang sa kaniya at pangatlo, nasa garahe ang lahat ng babies niya!Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Dawn nang makarating sa seaside restaurant. Dito sila kakain ni Magnum ng dinner. Late dinner na nga. Si Magnum kasi late na kung magyaya kumain. Inayos muna niya ang park ng ka
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa
DRUNK
Gulo-gulo ang pula nitong buhok. Nagkalat din ang eyeliner nito sa mata.“S-saan ka pupunta?” Nakangisi nitong salubong sa kaniya habang namumungay ang mga mata.Naitakip naman ni Vander ang kamay sa ilong nang malanghap ang amoy ng alak sa bibig nito. “You’re drunk, Woman.” He stated the obvious.“N-nakainom lang, Mister. H-hindi nga ako lashing eh.” Inalalayan niya ito nang muntikan na itong natumba. “N-nahihilo lang ako ng konti. Pasensya na sa abala,” muli itong ngumisi sa kaniya.Napailing na lang si Vander at binitiwan ito para kumuha ng tubig fridge. Uhaw na uhaw talaga siya at malamang ang babaeng ito ay kailangan din ng tubig.Biglang naibuga ni Vander ang iniinom na malamig na tubig nang yumakap si Dawn sa kaniyang likuran.“A-ang init ng likuran mo, Mister. A-ang lapad pa. Payakap ha," sabi nito na tila wala sa sarili.“What are you doing?” Inalis niya ang kamay nitong nakapulupot sa kaniyang baywang. “Damn! Ano ba?” sambit niya nang yumakap ulit ito pagharap niya.“A-ang t
last updateHuling Na-update : 2025-04-03
Magbasa pa
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status