Share

FIRST HEADACHE

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-03-30 17:49:26

Samantala, dumiretso si Vander sa isang theater upang tagpuin ang kaniyang kasintahan. Sa daming stress na ibinigay ng ama niya, ngayon ay kailangan naman niya ng stress reliever. Isa pa, kailangan niyang sabihin sa girlfriend ang sapilitang pagpapakasal sa kaniya sa babaeng kasama niya ngayon sa maliit na bahay na inilaan ng kaniyang Ama para sa kanila. Ewan ba niya sa daddy niya. Marami itong pera pero napakaliit ng bahay na ibinigay sa kanila ng babaeng ’yon. Wala tuloy siyang pagpipilian kundi makita palagi sa loob ng bahay ang pagmumukha ng babaeng ’yon.

“Sweetie!” masayang sinalubong si Vander ng kasintahan niyang si Thelma pagkarating sa theater.

“Let’s go?” nakangiti niyang paanyaya rito.

Tinawagan si Vander ng kasintahan kanina upang manood ng paborito nitong theater play. Kahit nakakaantok iyon para sa kaniya, hindi niya kayang tanggihan si Thelma. Kaya walang pagdadalawang isip siyang nagmadaling umalis makita lang ito. Isa pa naiirita siya sa babaeng kasama niya sa bahay. Hindi niya gusto ang kilos nito at masakit sa mata ang kulay pula nitong buhok.

Palihim na humikab si Vander sa kalagitnaan ng palabas. Matamis siyang ngumiti nang bumaling sa kaniya si Thelma.

“Nagustuhan mo ba ang play?” malambing nitong tanong.

“Of course!” kumpyansa niyang sagot kahit wala siyang naiintindihan.

Yumakap ito sa kaniyang braso habang nakangiting nanonood. Nang matapos ang play ay nagtungo na sila sa mamahaling restaurant para kumain.

“Hindi kita makontak kanina. Where did you go?” tila nagtatampo nitong tanong habang nag-d-dinner sila.

Huminga nang malalim si Vander. Kailangan niyang sabihin dito ang nangyari sa kaniya. Ayaw niyang maglihim sa kasintahan.

“I need to tell you something, Sweetheart.”

Mayuming uminom si Thelma bago hinintay ang kaniyang sasabihin.

“Sige. Ano ba ’yon?”

“I’m—” Naputol ang sasabihin ni Vander nang tumunog ang cellphone ni Thelma. “Any problem?” tanong niya nang mapansin ang pagbabago ng mood nito.

“N-nothing,” mabilis nitong pinatay ang tawag at ini-off ang cellphone. “What is it we’re talking about earlier?” muli nitong tanong sa kaniya pagkatapos ipatong ang cellphone sa mesa.

Pinagmasdan ni Vander ang kasintahan. Maamo pa rin ang mukha nito habang nakangiti sa kaniya, pero pakiramdam niya may bumabagabag dito. Hindi mapakali ang mga mata nito.

“I moved in another place,” sagot na lang niya. Ayaw niyang dagdagan ang alalahanin ni Thelma kaya mabuting hindi muna niya sabihin ang tungkol sa pangit na kondisyonis ng ama at panggigipit sa kaniya.

“Do you want a company to fix your things?” tanong nito. Bumalik na rin ito sa pagkain.

“No. Someone will do that for me,” sagot ni Vander patukoy sa iniwang babae sa bahay nilang maliit.

Ang totoo ay nagulat siya na ito ang babaeng muntik na niyang masagasaan at ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa photoshoot. Kahit ayaw niya wala siyang magagawa laban sa ama. Gagawin niya ang gusto nito para sa ikatatahimik ng pamilya ni Thelma at career niya. Wala rin siyang ideya sa plano ng Ama at pinagsama sila nang babae sa iisang bubong. Kung anuman iyon, siguradong tungkol na naman ’yon sa business.

Natapos lang ang dinner nila na hindi nasasabi kay Thelma ang kinakaharap niyang problema ngayon. Wala rin itong kaalam-alam na nakatali na siya sa iba.

“Good night!” paalam ni Thelma pagkahatid niya rito. Humalik lang ito sa kaniyang pisngi bago pumasok sa loob ng bahay.

***

Habang nagmamaneho ay iniisip ni Vander ang naging kilos ni Thelma kanina. Alam niyang may problema ito pero hihintayin niyang ito mismo ang magsabi sa kaniya. Iyon ang naglalaro sa isip niya hanggang makarating sa maliit nilang tahanan. Kumunot ang noo ni Vander nang makitang madilim ang buong bahay.

“Hindi ba marunong magbukas ng ilaw ang babaeng ’yon?” tanong niya sa sarili pagbukas ng front door.

Kinapa niya ang switch ng ilaw pagpasok sa loob ng bahay. Namilog ang mga mata niya nang biglang nagliwanag ang buong bahay.

“What the hell?” bulalas niya nang makitang nagkalat sa loob ang mga appliances, groceries at iba’t-ibang mga kagamitan.

“Indiana!” tawag niya sa babae.

Kinatok niya ang nag-iisang silid doon.

“Indiana!” muli niyang tawag dito.

Bumukas naman ang pintuan at kunot noo niya itong tiningnan. Hindi niya sigurado kung kararating lang nito o aalis pa lang dahil sa bihis nito ngayon.

“What is this?” turo niya sa nagkalat na bagay sa loob.

“I brought everything needed in this house,” balewala nitong sagot.

Hinilot ni Vander ang sentido. Unang araw pa lang sumasakit na ang ulo niya sa babaeng ito.

“Then?”tanong niya. Gusto niyang maisip nito na dapat inaayos nito ang mga iyon at hindi hinahayaang nakakalat lang.

“I brought everything and then, you will put everything in place. I need to go. Bye, Mister! It’s my turn to go out. Total ikaw ang naunang lumabas kanina, ikaw na ang bahala sa mga ’yan. My part in the house is done today. Isa pa, hindi mo ako katulong, Mister.”

Napanganga na lang si Vander nang bigla siya nitong iwan.

“Argh! I can’t take you anymore, Woman. I can’t believe this. You’re unbelievable!” frustrated na sigaw ni Vander pag-alis ni Dawn. Mukhang maha-highblood siya sa babaeng ’yon. Sobrang pasaway! Kaya kailangan niyang madaliin ang Daddy niya na makuha nito ang gusto nito sa pamilya ni Dawn Indiana para makalaya na siya at hindi na makasama pa ang babaeng iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marrying Rebellious Heiress   BROKEN HEARTED

    Masayang nagmamaneho si Dawn kahit ramdam pa rin niya ang kirot sa katawan dahil sa nangyaring aksidente. If she mastered how to drive, she also mastered to endure the pain physically. Walang mangyayari sa kaniya kung magpakalunod siya sa sakit. Gumagaling din naman iyon sa paglipas ng panahon. Masaya siya ngayon dahil sa tatlong bagay. Una, hindi na niya kasama sa bahay ang mangkukulam at bruha niyang madrasta. Tahimik na ang buhay niya at hindi na magkakaroon ng additional pain ang katawan niya lalo na ang utak niya. Kahit gusto niyang kausapin ang ama tungkol sa marriage contract, ipinagpaliban muna niya iyon. Maraming oras para roon. Pangalawa, natanggap niya ang tawag ni Magnum at magbabayad na raw ito ng utang sa kaniya at pangatlo, nasa garahe ang lahat ng babies niya!Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Dawn nang makarating sa seaside restaurant. Dito sila kakain ni Magnum ng dinner. Late dinner na nga. Si Magnum kasi late na kung magyaya kumain. Inayos muna niya ang park ng ka

    Last Updated : 2025-04-03
  • Marrying Rebellious Heiress   DRUNK

    Gulo-gulo ang pula nitong buhok. Nagkalat din ang eyeliner nito sa mata.“S-saan ka pupunta?” Nakangisi nitong salubong sa kaniya habang namumungay ang mga mata.Naitakip naman ni Vander ang kamay sa ilong nang malanghap ang amoy ng alak sa bibig nito. “You’re drunk, Woman.” He stated the obvious.“N-nakainom lang, Mister. H-hindi nga ako lashing eh.” Inalalayan niya ito nang muntikan na itong natumba. “N-nahihilo lang ako ng konti. Pasensya na sa abala,” muli itong ngumisi sa kaniya.Napailing na lang si Vander at binitiwan ito para kumuha ng tubig fridge. Uhaw na uhaw talaga siya at malamang ang babaeng ito ay kailangan din ng tubig.Biglang naibuga ni Vander ang iniinom na malamig na tubig nang yumakap si Dawn sa kaniyang likuran.“A-ang init ng likuran mo, Mister. A-ang lapad pa. Payakap ha," sabi nito na tila wala sa sarili.“What are you doing?” Inalis niya ang kamay nitong nakapulupot sa kaniyang baywang. “Damn! Ano ba?” sambit niya nang yumakap ulit ito pagharap niya.“A-ang t

    Last Updated : 2025-04-03
  • Marrying Rebellious Heiress   REBEL WIFE

    Masakit ang ulo ni Dawn paggising kinabukasan. Humihikab siyang lumabas sa silid at nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Matamlay siyang umupo sa harapan ng mesa pagkainom. Nilapag niya ang bottled water at tumalungko sa mesa. Doon pa lang niya napansin ang masamang tingin ng kaniyang kasama habang nagkakape.“Agang-aga menopause ka,” puna niya rito na may kasama pang irap.Mas lalo namang sumama ang tingin nito sa kaniya. Kung siguro nakamamatay ’yon kanina pa siyang bumulagta sa sahig. Masyado kasing matalim.“Did you know what happened last night?” Nag-echo sa pandinig niya ang sinabi nito.Umayos ng upo si Dawn at niyakap ang sarili. “M-may nangyari sa atin? Sh*t! Kinuha mo ang v-card ko? Walang hiya ka! Sinamantala mo ang kainosentihan ko!” hystherical niyang sabi rito.“Will you please shut up, woman!” sigaw nito sa kaniya. Halata ang inis sa mukha. Tulad noong una, natameme na naman si Dawn. Bakit ba nakakatakot ang boses nito kapag

    Last Updated : 2025-04-04
  • Marrying Rebellious Heiress   JEALOUS

    Napatitig naman si Dawn sa nakangiti nitong mukha. Parang may kakaiba rito ngayon o guni-guni lang niya. Para kasing may something sa mata nito na pamilyar sa kaniya.“Oh, in love ka na ba sa ’kin?” biro nito.Umiwas naman ng tingin si Dawn dito. Guni-guni lang talaga niya iyon. Bakit naman niya makikita sa mata ni Magnus ang katulad ng mata niya kapag nasasaktan? Imposible naman ’yon. Magnus is a heartthrob at alam niyang maraming babae ang nahuhumaling dito. Papalit-palit nga ito ng babae. Imposibleng kapareho niya ito na umiibig sa taong hindi naman ito mahal.“Pasyal tayo!” Walang paalam naman siya nitong hinila palabas ng restaurant.“H-hey, wait!” Napabilis ang kaniyang hakbang dahil sa mabilis nitong paglalakad. “Bitiwan mo nga ako!”“Hawak na kita kaya hindi ko gugustuhing bitiwan ka, Baby.” Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. “Uy, kinilig ’yan!” tudyo nito sa kaniya na may pagsundot pa sa tagiliran niya. Pinaghahampas niya ito nang malakas siyang tawanan. Madalas talaga

    Last Updated : 2025-04-04
  • Marrying Rebellious Heiress   FORCE WEDDING FORMALITY

    Sinadya ni Dawn na maagang pumunta sa lugar na sinabi ng kaniyang Ama. Hindi dahil takot siya sa babala nito kundi dahil gusto niyang malaman ang plano nito. Nagpaalam agad siya kay Magnus pagkatapos ng tawag ng ama. Hindi naman ito nangulit pa at pumayag na lang. Suot niya ang crop top sleeveless with two strings na nakapulupot sa kaniyang baywang with leather jacket and pants matching with her high cut boots. Disente naman para sa kaniya ang suot niya kaya siguro hindi naman magagalit ang kaniyang Ama. Hinayaan niya rin na nakalugay ang pula niyang buhok. Namumula rin ang kaniyang labi dahil sa ginamit na bloody red lipstick. At syempre ang paborito niyang eyeliner na hindi nawawala sa kaniyang mata. Mas pinapatingkad nito ang angas ng mga mata niya.Pinagmasdan ni Dawn ang paligid. Parang isang event ang mangyayari sa lugar. Nilapitan niya ang isang babae na may dalang bulaklak.“Excuse me, Miss!” tawag pansin niya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya. “Anong meron dito?”“Para po ito

    Last Updated : 2025-04-05
  • Marrying Rebellious Heiress   CRY OVER HURTFUL WORDS

    “Romano, stop it! Nakakahiya sa mga Monterallo,” pigil dito ni Maira, ang nagbabait-baitan niyang madrasta. “Dawn, change your clothes. Malapit na kayong ipakilala sa mga bisita.”“Ayoko!” matigas siyang tumutol.“Please, Dawn. Huwag mong ipahiya ang iyong ama sa mga bisita,” nakikiusap nitong sabi. Mabait lang naman ito dahil may ibang tao.“Bakit hindi niyo ipakilala ’yang anak mo?” tukoy niya sa kaniyang stepsister.“Sis, how I love to be Vander’s wife, but your marriage is done. You both signed your marriage contract and today is just formality of your wedding. So, I can’t get your position anymore,” sagot naman ni Amira.“No! Huwag niyo akong isali sa kalokohan niyo… Argh!” daing niya nang mahigpit na hawakan ng kaniyang ama ang mukha niya. Nalasahan niya ang dugo nang aksidente niyang nakagat ang dila niya.“Don’t try my patience, Dawn. Alam ko ang tinatago mo at hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag nagmatigas ka!”Napabaling ang ulo niya nang marahas nitong bitiwan ang mukh

    Last Updated : 2025-04-05
  • Marrying Rebellious Heiress   A COMPANION

    “Thelma, please sweetie, hear me out!” nakikiusap na sabi ni Vander sa babae.Tumigil ito sa pagtakbo pero sinalubong siya ng malakas na sampal. “Why, Vander? Why did you do this to me?” umiiyak nitong tanong. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha nito sa pisngi. Mabilis niya itong niyakap dahil ayaw niyang makita ang luha nito pero pinagtulakan siya ni Thelma palayo.“Thelma, please! Let me explain.”“Get off me! Huwag mo akong hawakan!”Sinubukan pa rin itong hawakan ni Vander pero ginagawa nito ang lahat makaiwas lang.“I did this for you. Please believe me, Sweetie,” nagsusumamo niyang sabi.“For me?” Turo nito sa sarili, “Is it to hurt me?”“No!” mariin niyang tanggi. “It’s for you and for your family’s safety. Kilala mo ako. Alam mong mahal na mahal kita.”“Alam mo... dapat sinabi mo na lang na ayaw mo na sa ’kin. Mas matatanggap ko pa iyon kaysa sa walang kwenta mong palusot! Kailan mo pa ako niloloko, Vander? Kailan pa?!” nasasaktan nitong tanong.“Hindi kita niloloko. Mahirap

    Last Updated : 2025-04-06
  • Marrying Rebellious Heiress   TEARS OF PAIN

    Lihim na umirap si Dawn. “Mabuti nga siya sinamahan ako, pero ikaw iniwan mo ’ko,” pabulong niyang maktol.“I like what you said,” bulong din ni Magnus sa kaniya.Nagpasalamat naman siya sa isip nang kusa itong umalis sa pagkaka-angkas sa motor niya.“Thank you for the ride, baby Indi.” Nakangiting sabi sa kaniya ni Magnus. Parang hindi sumuka kanina kung ngumiti ang loko.“Hindi ka na makakaulit, loko ka. ’Yong sinabi ko sa ’yo kanina, gawin mo. Para kang bata," sagot niya kay Magnus at hindi pinansin si Magnum.Seryoso namang nakatingin sa kaniya ang babaeng kasama nito. Dapat kasama ito ni Vander pero hindi niya alam ang nangyari sa dalawa at si Magnum ang kasama nito ngayon.“Sasanayin ko na ang sarili ko sa motorsiklo para ikaw naman ang iaangkas ko.” Kumindat pa si Magnus sa kaniya.“You have phobia in motorbikes, Magnus. Why did you ride with her?” seryosong tanong ni Magnum habang nakatingin sa kapatid.Ngayon alam na ni Dawn kung bakit takot si Magnus kanina. May phobia pala

    Last Updated : 2025-04-06

Latest chapter

  • Marrying Rebellious Heiress   GETTING BACK TOGETHER

    “Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta

  • Marrying Rebellious Heiress   THE HEIRESS MOTHER

    Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la

  • Marrying Rebellious Heiress   UNEXPECTED VISITOR

    Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng

  • Marrying Rebellious Heiress   THE HEIR AND THE HEIRESS

    “You’re not needed here, Amara. Bring her back home, Vander,” matigas nitong utos sa kaniya. “Let’s continue our meeting,” baling nito sa board members.“I think, Mrs. Monterallo has something to say, Mr. Monterallo,” sambit ng isang board member.Muling bumaling ang tingin ni Alero sa kanilang dalawa. Nagbabanta ang tingin nito, pero malakas ang loob ng kaniyang ina at tumayo ito. Inalalayan naman niya ito patungo sa unahan ng mahabang mesa sa loob ng conference room.“As the legal heiress of Katnis Corporation, me, Amara Katnis Monterallo will be removing Alero Monterallo in the position of the company’s President and my son, Vander Monterallo will take over the company from now on,” anunsyo nito sa lahat na hindi nagustuhan ni Alero.“What are you doing, Amara?” sigaw ni Alero.“Dad!” awat ni Vander sa ama nang tangkain nitong hilahin ang kaniyang ina.“At ikaw naman na nagmamagaling, anong malay mong magpatakbo ng kompanya, huh?! Hindi photoshoot ang trabaho rito na p’wede kang ma

  • Marrying Rebellious Heiress   THE TRUTH

    “Thelma, what is it?” tanong ni Maira nang sagutin ang tawag ng pamangkin. “Alero, stop it!” Nakikiliti nitong saway sa lalaki nang halikan nito ang leeg niya.“You’re with Tito Alero, Tita?”“Yeah at iniistorbo mo kami. Bakit ka ba kasi tumawag? Busy kami ni Alero ngayon,” sagot ni Maira sa pamangkin.“We have a problem, Tita!”Umayos ng upo si Maira. “What problem?” nagtatakang tanong ni Maira habang hinayaan si Alero na haplusin ang parte ng katawan niya.“Search what’s the trend today even the news. Bilisan mo, Tita,” taranta nitong sabi.“Okay, I’ll be right back.” Pinatay ni Maira ang tawag at nagtungo sa search engine ng kaniyang cellphone.“What’s the matter, honey?” tanong ni Alero na napahinto sa ginagawa.“I’m trying to know what Thelma’s talking about,” sagot niya habang hinihintay ang result sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata nito sa bumungad na article. “What is this?” gulat niyang tanong.Sinilip ni Alero ang tinitingnan niya sa phone. “Silueta heiress?” basa nit

  • Marrying Rebellious Heiress   FATHER'S LOVE

    Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya. “Tama ang sabi nila, wala kang modo!” madiin nitong sabi.“Huwag kang maniwala sa sabi-sabi, tanda. Masama iyan. Baka kung saan ka pulutin,” nakangisi niyang pang-aasar dito. Hindi pala ito nararapat na tawaging ginang, ang sama ng ugali. Ginagalang na nga niya, sinabihan pa siya ng walang modo.“You—”“Halina kayo. Makakalabas na tayo.”Narinig niyang sabi ni Vander na nagpaputol sa sasabihin ni Manager Crista.“Ikaw na ang mauna, tanda, baka masabihan mo pa ako ng walang modo kapag inunahan kita, eh. Oldest first,” nakangiti niyang sabi sa nanggigil sa inis na manager at itinuro rito ang daan.Matalim siya nitong tiningnan bago talikuran.“Did she say something to you?” nag-aalalang tanong ni Vander sa kaniya.“Nothing,” tipid niyang sagot.She can handle that old lady. Hindi niya ito kailangan para lang sa walang kwentang sinasabi ng manager nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Vander sa kaniyang siko, pero marahan niya iyong inalis.“I can

  • Marrying Rebellious Heiress   A THREAT

    “Vander! Are you out of your mind? Bakit mo ito ginagawa, huh?!” salubong na tanong ni Manager Crista kay Vander matapos nitong asikasuhin ang piyansa ng binata. “Kalat na kalat ang ginawa mo kagabi sa social media, at nagkalat din ang reporters sa labas. Malaking gulo ang pinasukan mo Vander!” galit nitong dugtong.Nanatiling tahimik si Vander habang nakatingin kay Indiana. Hindi pamilyar sa kaniya ang nag-asikaso para makalabas ang dalaga. Mukhang close na close ang dalawa at hindi niya gusto na may isang lalaki na naman ang malapit kay Dawn.“Nakikinig ka ba?” muling singhal sa kaniya ni Manager Crista.“I don’t care about it,” sagot niya.“Vander! Malaki ang epekto nito sa karera mo. May pinirmahan na tayong kontrata sa malalaking kompanya. Paano kapag kinasuhan nila tayo? Masisira ang career mo, alam mo ’yan! Iyan ba ang gusto mo? Matagal mong iningatan ang career mo, pero bakit ngayon ka pa nagkaganito? Kung kailan naman nasa rurok ka na ng tagumpay, hindi mo pa ingatan. Mas gus

  • Marrying Rebellious Heiress   ASKING FOR SECOND CHANCE

    Pantay ang pagpapatakbo nila sa mga motosiklo habang nasa likuran nila ang police mobile. Marami silang nilabag na batas ng kalsada ngayon at siguradong deretso sila sa kulungan kapag inabutan ng mga ito. Sumunod si Dawn nang lumiko ang kalaban niya. Ayaw niyang maunahan siya nito at hindi niya hahayaang matalo ng isang baguhang kagaya nito.“Sh*t!” bulalas niya nang makita ang nag-aabang na mga pulis sa unahan nila.Naghanap siya ng pwedeng likuan, pero wala silang lusot ng kalaban. Nasa likuran nila ang humahabol na pulis tapos may nakaabang pa sa kanila sa unahan.“Lagot na. Yari ka ngayon, Dawn.” Naibulalas niya habang patuloy sa pagpapatakbo ng motor.“Tigil!” sigaw ng isang pulis habang nakatutok ang baril sa kanila.Magkasabay silang tumigil ng kalaban sa karera. Sabay din silang nagtaas ng kamay. Mabilis silang pinosasan ng mga pulis.“Tanggalin ang mga helmet nila at dalhin sa presinto,” utos ng isang pulis sa kasamahan nito.Tumalim ang tingin ni Dawn nang makita ang mukha n

  • Marrying Rebellious Heiress   NEWBIE RACER

    Malakas ang ginawang pag-preno ni Dawn nang makita ang taong hindi niya inaasahang makita sa race lane. Seryoso ang tingin nito taliwas sa gulat niyang ekspresyon. Akala niya kung ano ang gagawin nito, pero nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kaniya.“You’re causing my heart failure, Indiana. You scared me to death!”Hindi niya napigilan ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa nag-aalala nitong boses. Ang mahigpit nitong yakap ay nagbibigay ng kiliti sa kaniyang sikmura.“V-Vander,” mahina niyang sabi. “What are you doing here?” Bahagya itong lumayo sa kaniya. “Don’t do that!” pigil niya nang tangkain nitong alisin ang kaniyang helmet. “Back off!” seryoso niyang sabi bago muling paandarin ang kaniyang motor.“Indiana, please stop!” Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kaniya.Huminto si Dawn sa kasamahan niyang naghihintay sa kaniya.“Kilala mo ’yong pogi na iyon?” salubong na tanong sa kaniya ni Litos.Tumingin siya sa itinuro nitong direksyon. Napataas ang kaniyang kilay na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status