“Romano, stop it! Nakakahiya sa mga Monterallo,” pigil dito ni Maira, ang nagbabait-baitan niyang madrasta. “Dawn, change your clothes. Malapit na kayong ipakilala sa mga bisita.”“Ayoko!” matigas siyang tumutol.“Please, Dawn. Huwag mong ipahiya ang iyong ama sa mga bisita,” nakikiusap nitong sabi. Mabait lang naman ito dahil may ibang tao.“Bakit hindi niyo ipakilala ’yang anak mo?” tukoy niya sa kaniyang stepsister.“Sis, how I love to be Vander’s wife, but your marriage is done. You both signed your marriage contract and today is just formality of your wedding. So, I can’t get your position anymore,” sagot naman ni Amira.“No! Huwag niyo akong isali sa kalokohan niyo… Argh!” daing niya nang mahigpit na hawakan ng kaniyang ama ang mukha niya. Nalasahan niya ang dugo nang aksidente niyang nakagat ang dila niya.“Don’t try my patience, Dawn. Alam ko ang tinatago mo at hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag nagmatigas ka!”Napabaling ang ulo niya nang marahas nitong bitiwan ang mukh
“Thelma, please sweetie, hear me out!” nakikiusap na sabi ni Vander sa babae.Tumigil ito sa pagtakbo pero sinalubong siya ng malakas na sampal. “Why, Vander? Why did you do this to me?” umiiyak nitong tanong. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha nito sa pisngi. Mabilis niya itong niyakap dahil ayaw niyang makita ang luha nito pero pinagtulakan siya ni Thelma palayo.“Thelma, please! Let me explain.”“Get off me! Huwag mo akong hawakan!”Sinubukan pa rin itong hawakan ni Vander pero ginagawa nito ang lahat makaiwas lang.“I did this for you. Please believe me, Sweetie,” nagsusumamo niyang sabi.“For me?” Turo nito sa sarili, “Is it to hurt me?”“No!” mariin niyang tanggi. “It’s for you and for your family’s safety. Kilala mo ako. Alam mong mahal na mahal kita.”“Alam mo... dapat sinabi mo na lang na ayaw mo na sa ’kin. Mas matatanggap ko pa iyon kaysa sa walang kwenta mong palusot! Kailan mo pa ako niloloko, Vander? Kailan pa?!” nasasaktan nitong tanong.“Hindi kita niloloko. Mahirap
Lihim na umirap si Dawn. “Mabuti nga siya sinamahan ako, pero ikaw iniwan mo ’ko,” pabulong niyang maktol.“I like what you said,” bulong din ni Magnus sa kaniya.Nagpasalamat naman siya sa isip nang kusa itong umalis sa pagkaka-angkas sa motor niya.“Thank you for the ride, baby Indi.” Nakangiting sabi sa kaniya ni Magnus. Parang hindi sumuka kanina kung ngumiti ang loko.“Hindi ka na makakaulit, loko ka. ’Yong sinabi ko sa ’yo kanina, gawin mo. Para kang bata," sagot niya kay Magnus at hindi pinansin si Magnum.Seryoso namang nakatingin sa kaniya ang babaeng kasama nito. Dapat kasama ito ni Vander pero hindi niya alam ang nangyari sa dalawa at si Magnum ang kasama nito ngayon.“Sasanayin ko na ang sarili ko sa motorsiklo para ikaw naman ang iaangkas ko.” Kumindat pa si Magnus sa kaniya.“You have phobia in motorbikes, Magnus. Why did you ride with her?” seryosong tanong ni Magnum habang nakatingin sa kapatid.Ngayon alam na ni Dawn kung bakit takot si Magnus kanina. May phobia pala
Nagising si Vander dahil sa marahang hangin na dumadampi sa kaniyang noo. Kumilos siya habang nananatiling nakapikit. Nagtaka naman siya nang mahawakan ang mainit at malambot na bagay sa tabi niya. Nagmulat siya para tingnan iyon.“F*ck!” bulalas niya at tila napapasong inalis ang kamay sa dibdib ni Indiana. Inangat niya ang tingin sa babae nang bahagya itong gumalaw. Bahagya siyang ngumiti nang masilayan ang payapa at inosente nitong itsura habang nakapikit.“I didn’t know you’re like an angel while sleeping,” bulong ni Vander sa sarili.Maganda talaga ang babae. Lalo pa nga itong gumaganda kapag tinititigan. Hindi niya alam kung bakit naging pasaway itong anak at kung bakit hindi nito kasundo ang ama at madrasta. Wala naman siyang panahon para alamin iyon at lalong ayaw naman niya makipagkwentuhan kay Indiana tungkol sa buhay nito. Kalayaan lang niya ang gusto niya kaya nananatili siyang instant husband nito. At ngayon opisyal nang inanunsyo sa publiko ang pagiging mag-asawa nila, h
“Lasing ka pa ba? Hindi ako si Thelma, Vander. Baka akala mo ako pa rin siya?”Gustong magsisi ni Vander sa ginagawa niyang pang-aasar kay Indiana. Tila siya ang nadadala sa ginagawa niya. Malinaw sa kaniyang isip na hindi ito si Thelma. Kahit ang nangyaring paghalik niya rito kagabi ay alam niya. That was the most fantastic kiss ever. Hindi pa siya nadala ng ganoon sa isang halik, maybe he’s drunk pero malinaw sa kaniya ang nangyari.“Vander!” pukaw nito sa naglalakbay niyang diwa. “May lakad ako ngayon. Bitiwan mo na ako! Hindi mo ako madadala sa ginagawa mong paglalandi sa akin lalaki. Hindi ako marupok noh!”Bahagyang dumistansya si Vander kay Dawn pero nanatili siyang nakatingin sa napakaganda nitong mukha.“Give me my morning kiss, Wifey," biro niya rito na may ngiting nakakaloko.“Are you kidding me?” naiirita nitong tanong.Lihim na natutuwa si Vander sa reaksyon nito. “No,” tipid niyang sagot. “I’ll let you go after your kiss,” dugtong niya. Hindi naman ito makapaniwala haban
“Indiana, wake up!” gising ni Vander sa babae habang inaalog ang balikat nito.Hindi niya namalayan nang umuwi ito kagabi. Nakatulog na siya sa paghihintay dito para sana ipaalam na isasama niya ito sa fashion week ngayon. Kailangang-kailangan niya ngayon si Indiana para makabawi kay Miss Abegail. Wala siyang ideya kung bakit iyon ang kundisyon na gusto ng fashion icon, pero wala siyang magagawa kundi pagbigyan ito. Ang kailangan lang niya ay pilitin si Indiana, at kung hindi ito sasama, mapipilitan siyang buhatin ito patungo sa fashion show. Imposible man, pero kaya niyang gawin iyon para sa career niya.“Wake up, Indiana. May pupuntahan tayo ngayon,” muli niyang niyugyog ang balikat ni Dawn, pero tinabig lang nito ang kaniyang kamay at nagtalukbong ng kumot. Determinado siyang isama ito kaya hinila niya ang kumot nito. “Indiana! Bumangon ka na, mahuhuli tayo!”“Ano ba, Vander? Bakit ba ang kulit mo? Lumayas ka nga sa kwarto ko! Kita mong natutulog ang tao ginigising mo. Wala kang re
Sa ikatlong set naman ay nakasuot siya ng swimming trunks. May mga manonood ang impit na tumitili habang siya’y naglalakad sa runway. Hindi na iyon nakapagtataka dahil sa taglay niyang kakisigan.“Final set na!” sambit ng organizer ng event sa mga modelo sa dressing room. “Kasama niyong maglalakad si Miss Abegail. Teka, nasaan ang tatlong makakasama ni Miss Abegail sa paglalakad? Vander, Magnus and Thelma, come here!”Tahimik na lumapit si Vander. Nakita naman niyang nakangiti si Magnus sa kaniya habang hindi siya pinapansin ni Thelma.“Are you with her?” tanong ni Magnus paglapit sa kaniya.“Who?” Kunot noong tanong niya sa lalaki.Magnus is his number one rival in modeling kaya nagtataka siya nang kausapin siya nito ngayon. Karaniwan naman silang hindi nagpapansinan kapag nasa trabaho. Hindi rin niya intensyon na kausapin ito, dahil hindi niya gusto ang presko nitong ugali.“Si Baby Indi.”“I’m sorry, who?” ulit niyang tanong.Medyo lumakas pa ang boses niya kaya napatingin sa kanil
“Silueta, may dalaw ka,” sabi ng isang pulis bago nito buksan ang pintuan ng selda.Bumangon si Dawn sa hinihigaang karton at sumunod palabas sa pulis. Ito ang ikatlong araw niya sa kulungan, pero hindi siya nag-aalala. Libre ang pagkain at tulugan sa selda. Mas gusto niya rito para malayo siya sa mga taong ayaw niyang makita.Tumawag siya ng pulis noong nasa pasugalan siya, nang sa ganoon ay may matuluyan siya. Kaya nasabi nang babaeng kasama niya na hindi siya nito maintindihan sa mga pinaggagawa niya. Pwede naman siyang tumuloy sa mga hotel, pero mas gusto pa niyang manatili sa kulungan. Iyon ay dahil nakokonsensya rin siya sa mga pasugalang pinapahuli sa mga pulis. Dahil sa kaniya nawalan ng hanapbuhay ang mga ito at ito ang paraan niya para mabawasan kahit kaunti ang konsensya niya. Hindi siya maaaring magbulag-bulagan sa negosyo ng mga ito. Kailangan ng mga itong maturuan ng leksyon. Kung hindi, maraming kabataan ang mapapariwara at malululong sa sugal. Masisira ang kinabukasan
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng
“You’re not needed here, Amara. Bring her back home, Vander,” matigas nitong utos sa kaniya. “Let’s continue our meeting,” baling nito sa board members.“I think, Mrs. Monterallo has something to say, Mr. Monterallo,” sambit ng isang board member.Muling bumaling ang tingin ni Alero sa kanilang dalawa. Nagbabanta ang tingin nito, pero malakas ang loob ng kaniyang ina at tumayo ito. Inalalayan naman niya ito patungo sa unahan ng mahabang mesa sa loob ng conference room.“As the legal heiress of Katnis Corporation, me, Amara Katnis Monterallo will be removing Alero Monterallo in the position of the company’s President and my son, Vander Monterallo will take over the company from now on,” anunsyo nito sa lahat na hindi nagustuhan ni Alero.“What are you doing, Amara?” sigaw ni Alero.“Dad!” awat ni Vander sa ama nang tangkain nitong hilahin ang kaniyang ina.“At ikaw naman na nagmamagaling, anong malay mong magpatakbo ng kompanya, huh?! Hindi photoshoot ang trabaho rito na p’wede kang ma
“Thelma, what is it?” tanong ni Maira nang sagutin ang tawag ng pamangkin. “Alero, stop it!” Nakikiliti nitong saway sa lalaki nang halikan nito ang leeg niya.“You’re with Tito Alero, Tita?”“Yeah at iniistorbo mo kami. Bakit ka ba kasi tumawag? Busy kami ni Alero ngayon,” sagot ni Maira sa pamangkin.“We have a problem, Tita!”Umayos ng upo si Maira. “What problem?” nagtatakang tanong ni Maira habang hinayaan si Alero na haplusin ang parte ng katawan niya.“Search what’s the trend today even the news. Bilisan mo, Tita,” taranta nitong sabi.“Okay, I’ll be right back.” Pinatay ni Maira ang tawag at nagtungo sa search engine ng kaniyang cellphone.“What’s the matter, honey?” tanong ni Alero na napahinto sa ginagawa.“I’m trying to know what Thelma’s talking about,” sagot niya habang hinihintay ang result sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata nito sa bumungad na article. “What is this?” gulat niyang tanong.Sinilip ni Alero ang tinitingnan niya sa phone. “Silueta heiress?” basa nit
Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya. “Tama ang sabi nila, wala kang modo!” madiin nitong sabi.“Huwag kang maniwala sa sabi-sabi, tanda. Masama iyan. Baka kung saan ka pulutin,” nakangisi niyang pang-aasar dito. Hindi pala ito nararapat na tawaging ginang, ang sama ng ugali. Ginagalang na nga niya, sinabihan pa siya ng walang modo.“You—”“Halina kayo. Makakalabas na tayo.”Narinig niyang sabi ni Vander na nagpaputol sa sasabihin ni Manager Crista.“Ikaw na ang mauna, tanda, baka masabihan mo pa ako ng walang modo kapag inunahan kita, eh. Oldest first,” nakangiti niyang sabi sa nanggigil sa inis na manager at itinuro rito ang daan.Matalim siya nitong tiningnan bago talikuran.“Did she say something to you?” nag-aalalang tanong ni Vander sa kaniya.“Nothing,” tipid niyang sagot.She can handle that old lady. Hindi niya ito kailangan para lang sa walang kwentang sinasabi ng manager nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Vander sa kaniyang siko, pero marahan niya iyong inalis.“I can
“Vander! Are you out of your mind? Bakit mo ito ginagawa, huh?!” salubong na tanong ni Manager Crista kay Vander matapos nitong asikasuhin ang piyansa ng binata. “Kalat na kalat ang ginawa mo kagabi sa social media, at nagkalat din ang reporters sa labas. Malaking gulo ang pinasukan mo Vander!” galit nitong dugtong.Nanatiling tahimik si Vander habang nakatingin kay Indiana. Hindi pamilyar sa kaniya ang nag-asikaso para makalabas ang dalaga. Mukhang close na close ang dalawa at hindi niya gusto na may isang lalaki na naman ang malapit kay Dawn.“Nakikinig ka ba?” muling singhal sa kaniya ni Manager Crista.“I don’t care about it,” sagot niya.“Vander! Malaki ang epekto nito sa karera mo. May pinirmahan na tayong kontrata sa malalaking kompanya. Paano kapag kinasuhan nila tayo? Masisira ang career mo, alam mo ’yan! Iyan ba ang gusto mo? Matagal mong iningatan ang career mo, pero bakit ngayon ka pa nagkaganito? Kung kailan naman nasa rurok ka na ng tagumpay, hindi mo pa ingatan. Mas gus
Pantay ang pagpapatakbo nila sa mga motosiklo habang nasa likuran nila ang police mobile. Marami silang nilabag na batas ng kalsada ngayon at siguradong deretso sila sa kulungan kapag inabutan ng mga ito. Sumunod si Dawn nang lumiko ang kalaban niya. Ayaw niyang maunahan siya nito at hindi niya hahayaang matalo ng isang baguhang kagaya nito.“Sh*t!” bulalas niya nang makita ang nag-aabang na mga pulis sa unahan nila.Naghanap siya ng pwedeng likuan, pero wala silang lusot ng kalaban. Nasa likuran nila ang humahabol na pulis tapos may nakaabang pa sa kanila sa unahan.“Lagot na. Yari ka ngayon, Dawn.” Naibulalas niya habang patuloy sa pagpapatakbo ng motor.“Tigil!” sigaw ng isang pulis habang nakatutok ang baril sa kanila.Magkasabay silang tumigil ng kalaban sa karera. Sabay din silang nagtaas ng kamay. Mabilis silang pinosasan ng mga pulis.“Tanggalin ang mga helmet nila at dalhin sa presinto,” utos ng isang pulis sa kasamahan nito.Tumalim ang tingin ni Dawn nang makita ang mukha n
Malakas ang ginawang pag-preno ni Dawn nang makita ang taong hindi niya inaasahang makita sa race lane. Seryoso ang tingin nito taliwas sa gulat niyang ekspresyon. Akala niya kung ano ang gagawin nito, pero nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kaniya.“You’re causing my heart failure, Indiana. You scared me to death!”Hindi niya napigilan ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa nag-aalala nitong boses. Ang mahigpit nitong yakap ay nagbibigay ng kiliti sa kaniyang sikmura.“V-Vander,” mahina niyang sabi. “What are you doing here?” Bahagya itong lumayo sa kaniya. “Don’t do that!” pigil niya nang tangkain nitong alisin ang kaniyang helmet. “Back off!” seryoso niyang sabi bago muling paandarin ang kaniyang motor.“Indiana, please stop!” Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kaniya.Huminto si Dawn sa kasamahan niyang naghihintay sa kaniya.“Kilala mo ’yong pogi na iyon?” salubong na tanong sa kaniya ni Litos.Tumingin siya sa itinuro nitong direksyon. Napataas ang kaniyang kilay na