Walang ibang ginugusto, kun’di ang tahimik at magandang buhay ang dalaga na si Everleigh Evangelista. Wala sa kan’yang bokabularyo ang pag-ibig ngunit paano kung makatagpo siyang dalawang bilyonaryong lalaki na mag mamay-ari sa kan’ya? Ang bilyonaryong si Ezra Parker na bumili sa kan’yang pagkatao at si Alcair Carson na kan’yang asawa ngunit sa papel lang. Paano kung mabuo ang pagmamahal ng dalawang bilyonaryo sa kan’ya? Sino ang pipiliin niya?
View MoreEVERLEIGH
Mula rito sa bakanteng lote, katabing barangay ng university na aking pinapasukan, narito ako upang bigyan leksyon si Anitha.Pinahiya niya ako sa maraming tao at kahit na sino ay hindi matutuwa roon.Hindi ko alam kung ano at saan siya kumukuha ng lakas ng loob sa bawat araw na sinasaktan ko siya.Sa tuwing magkakaharap kami ay balewala lamang sa kaniya ang presensya ko. Hindi man lang tinatablan ng takot sa tuwing siya'y pinagbabantaan ko."Talaga bang 'di ka nasisindak sa akin?"Matalas na titig ang ginawad ko sa kaniya, habang binibitawan ang mga katagang yonBinigyan niya lang din ako tulad sa 'kin at ngumisi, "Hindi."Nanginig ang mga kamay ko dahil sa inis at galit. Mariin kong hinawakan ang kanyang mga buhok sa tuktok ng kaniyang ulo at hinila iyon pababa.Napapikit naman siya sa sakit no'n."Kung gano'n, hindi matatapos ang araw na ito na hindi nababahiran ng takot ang dibdib mo dahil sa 'kin."Buong lakas ko siyang sinampal sa kanang pisngi, dahilan upang siya'y mapadapa sa lupa.Narinig ko ang mahina niyang pag-hinga Humakbang ako palapit sa kaniya at hinawakan ang balikat niya at pinaharap sa akin.Nasilayan ko naman ang kaunting dugo sa gilid ng labi niya at pamumula ng pisngi."Gaano ba kakapal ang mukha mo at hindi ka man lang uminda sa ginagawa ko sa 'yo, ha?""Gaano ka rin ba kahayop para gawin mo sa akin ang mga ito, ha?" mabilis na kanyang tanong.Muling sinampal ko siya at namanhid na ang kanang palad ko dahil sa lakas ng sampal ko sa kanya."Wala kang konsensya. Akala mo ba ay walang masama sa ginagawa mong ito dahil lang sa hindi ka makalaban sa mga nang-aapi sa 'yo? Anong tingin mo sa ginagawa mo? Ganti?"Nagulat ako. Anong ibig niyang sabihin doon?"Akala mo ba ay lagi kang tama kasi ikaw ang naapi? Kasi palaging ikaw ang kawawa?" Sunod niyang tanong."T-Tumigil ka," bulong ko at doon lang napansin na mas tumindi ang panginginig ng dalawa kong kamay."Hindi, Everleigh." Nakalolokong tawang aniya. "Dahil wala ka ng pinagkaiba sa kanila." Dagdag niya at nanlalaking matang tiningnan siya."Manahimik ka! Wala kang alam!" sigaw ko at sinipa siya sa dibdib dahilan upang siya'y mapahiga sa lupa.---"Umuwi ka pa?"Napayuko ako sa bungad na iyon ng aking tiyahin."Tita, alam mo naman na wala na akong matutuluyang iba," bulong ko."Oo, alam ko. Kaya nga gustong gusto kitang itinataboy dito sa pamamahay ko dahil alam kong wala kang matutuluyang ibang bahay." Sagot niya at mabilis na namuo ang mga luha sa aking mga mata."Sorry, tita." Lumumok muna ako bago sabihin 'yan.Wala akong kasalanan, pero na sa akin ang sisi.Wala akong ginagawa pero palaging ako ang mali.Maging ako ba ako ba ay katulad na rin nila? Hindi. Dahil mas masahol pa sila sa hayop."Sige. Magpalit ka na damit at ayon, simulan mo na mga labahin ko.""Opo, tita."Kasalukuyan kong tinitignan bawat bulsa ng aking mga lalabhan, baka kasi may importanteng papel at malabhan ko pa, tiyak na mayayari ako nito kay tiyahin.Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ni Gillaine - anak ni tita, at may nakuha akong para doon na halagang isang libo.Kasabay no'n ay ang pagsigaw ni Gillaine mula sa kanyang kwarto. "Nasaan ang pera ko?!" Sigaw niya at narinig ko ang pagtakbo niya pababa rito.Dali-dali ko namang kinuha ang pantalon niya sa planggana at ibabalik ulit ang pera kung saan ko iyon nakuha." H-Hoy:Hoy!"Mabilis akong napalingon at galit na nakaturo siya sa akin."Kinuha mo?" sigaw na kan'yang tanong at mabilis akong umiling."H-Hindi—""Kinuha mo! At kunwari ka pang ilalagay mo sa pantalon ko? Para ano? Para kunwari 'di mo kinuha?!" sigaw niya at padarag na kinuha sa akin ang pera at pantalon."H-Hindi! Hindi ko kinuha 'yan! Talagang na sa loob 'yan ng pantalon mo!""Sinungaling! Magnanakaw ko!" Sigaw niya at pinaghahampas sa akin ang pantalon."Aray! Hindi ko nga sabi kinuha—""ANO NA NAMAN 'YAN?!" sigaw ni tita GaleNagsimula namang kumabog ang dibdib ko. Sa sigaw pa lang ni tita ay natatakot na ako."Mama, ninakaw niya itong isang libo ko! pang-project ko to at allowance ko!"" T-Tita—""ANO?!" sigaw ni tita at tinignan ako ng masama.Hindi pa man ako nakakapagpaliwanag ay umiiyak na ako sa takot. Natatakot ako na baka ay tuluyan akong palayasin sa bahay."T-Tita, hindi. Hindi ko po 'yon magagawa." Umiiling na aking depensa pero sampal lang ang natamo ko sa kanya, imbes na pagtatanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari."Ang kapal ng mukha mong gawin 'yon! Ha bakit?! Dahil ba sa hindi kita binibigyan ng allowance mo?!'Umiling ako, "Hindi, tita. Hindi po gano'n." Pagsagot ko habang kinikiskis ang magkabila kong palad."Please, tita Pakinggan mo muna ako.""Pakinggan?! Eh kita na nga mismo ng dalawa kong mata na hawak-hawak mo itong pera ko at balak mo pang ilagay sa bulsa ng pantalon ko? Para ano? Para 'di namin malaman na magnanakaw ka?!" Pagsingit ni Gillaine dahilan upang lingunin ko siya."G-Gillaine naman," pagmamakaawang tawag ko sa kanya"Nagmamakaawa ako, sabihin mo kay tita na hindi totoo ang mga bintang mo.""Ha? Ano ako tanga? Eh nahuli na nga..."Hindi niya na nasundan pa ang sinabi. Marahil naalala niya na na naisilid niya ang pera niya sa kan'yang pantalon."Gillaine, t-tita, tinitignan ko muna bawat bulsa ng pantalon, bago ko labhan at sa pantalon ko po iyon nakuha. Ibabalik ko na nga po sa kanya."Pagtatanggol ko sa aking sarili at nilingon naman niya ang kanyang anak.Nanlalaking matang umiling siya. "Syempre hindi yon totoo, mama! Kilala mo yan si Everleigh, ma. Sinungaling 'yan!"Dinuro ako ni tita at matigas na sinabing, " Bukas ng gabi ay ayaw ko ng makita ра аng pagmumukha mo."---"HaHaHa yup. You're right, nasa pantalon ko nga ang pera. Thanks, pinaalala mo sa akin," bulong niya matapos akong lagpasan sa paglalakad patungong Iskwelahan.Naiyakom ko ang kamao ko at hinabol siya "Bakit hindi mo sinabi kay tita ang totoo?"Napaamang siya. "Just like what I said yesterday, ano ako tanga? Pft! Bye bye, loser." Maarteng sagot niya at tinalikuran na ako.Nakakaisang hakbang pa lang siya ay nilingon niyang muli ako."Mabuti na rin 'yon ng mawala ka na sa bahay. Surang sura na kasi ako sa mukha mo."Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. Mula naman sa convenience store ay nakita ko roon si Anitha sa gilid na nakatingin sa akin.Nalagpasan siya ng tingin ko kaya mabilis kong binalik doon ang tingin at si Anitha nga.Tatawid na sana ako para puntahan siya ngunit napabalik din ako matapos na pumreno ang kotse sa gilid ko."Mag papakamatay ka ba?" Inis na tanong ng driver pero 'di ko siya pinansin at naglakad na lang ulit papuntang university.Mukha siyang tangang nakatingin sa akin sa malayo tss.EVERLEIGHHindi na mawala sa isipan ko ang huli naming naging pag-uusap ni Ezra.Tinatanong niya na ako ng mga ganoong bagay. Ibig sabihin ay may pag-aalinlangan na siya sa akin.Pero totoo naman ako pagdating sa kan'ya. Maliban na lang ang tungkol sa libro. Walang halong pagkukunwari lahat ng pag-aalala at mga sinasabi ko sa kan'ya.Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ulit ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Ezra. Siguro hanggang ngayon ay puno pa rin siya ng katanungan at hindi ako mapalagay na matutulog siya kasama ang mga tanong na 'yon."Honey?" pagtawag ko sa kan'ya mula rito sa pinto ng kan'yang kwarto. Dinikit ko naman ang kanan kong tainga upang marinig ang kan'yang sasabihin."Yes, honey? Pasok ka lang," rinig ko sa loob kaya naman marahan kong binuksan ang pinto nito. Sinarado ko muna iyon bago lumapit sa kan'ya na ngayon ay nakaupo at kaharap ang lamesa rito sa kwarto niya. "Hindi ba p'wedeng ipabukas mo na
EVERLEIGHLumipas ang mga araw na wala na akong naririnig tungkol sa kinakailangan kong pumunta kay Alcair. Ano kayang nangyari at biglang naging gano'n?Maging ang sa deadline ay wala rin nabanggit sa akin si Ryker na nangangahulugang naaalala ni Alcair. Nakalimutan niya kaya? Nawala sa isip niya? Mabuti 'yon hehe. "Ryker," pagtawag ko sa kan'ya. Nilingon naman ako nito at mabilis na nilapitan. "May kailangan ka po ba, madame Everleigh?" pagtatanong niya. "Wala bang pinag-uutos si Alcair?" "Bakit? Nami-miss mo na ba si boss?" Mabilis na gumusot ang mukha ko sa tanong niya. "Ano? Sira, hindi ah. Nanibago lang ako, parang nitong mga nakaraang araw kasi ay namaga ang paa ko kababalik sa kan'ya.""Tss, magpasalamat ka na lang." Ngisi niyang sagot."Oo na, sige na umalis ka na sa harap ko.""Magandang umaga, manang Mercelida." Ngiting bati ko rito. Ngumiti ito, "Magandang umaga rin. Kahahain ko lamang po ng pagka
EVERLEIGH"A-Argh..." daing ko at napahawak sa ulo habang ako ay bumangon sa pagkakahiga mula rito sa hindi ko kilalang kama. Dahan-dahan akong naglakad papuntang labas ng kwarto, napakabigat ng ulo ko at parang anumang oras ay matutumba ako. Paglabas ko naman ay nakita ko sila Jair, Tobias at Alistair. Naiwang tulala sa akin ang tatlo maging ako. "Anong nangyari?" tanong ko. Wala akong matandaan sa huling nangyari kagabi. Tinuro ni Alistair ang mukha ko, "Tumingin ka muna sa salamin bago ka lumabas ng kwarto.""H-Ha? Bakit?" pagtatanong ko. "May panis na laway ka, Everleigh." Natatawang pagsagot ni Jair sa akin at nanlalaking matang kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto. "Nakakahiyaaaa!" sigaw ko at pabagsak na hiniga ang sarili sa malambot na kama. "Hinga ng malalim, hinga." Ako at pinilit pakalmahin ang sarili. Matapos pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako. Hindi ko magawang maligo kahit gustuhin ko. Wala nama
ALCAIRLumipas ang dalawang oras mahigit at nakikita ko na kay Everleigh ang pagkalasing. Sunod-sunod na ang pagtungga nito at napapahiyaw na lang ang mga kasama ko lalo na si Tobias. Ano naman kayang problema ng babaeng 'to?"What the fuck?" naibulong ko na lang matapos na humagulgol 'to bigla.T*ng*na nakakatawa si Everleigh sa hilatsa ng mukha niya! "May problema 'to e, pagpasok pa lang dito umiiyak na. Ano ba ang problema, Everleigh?" pagtatanong ni Alistair. "Oo nga, Everleigh. Ano ba 'yon? Makikinig kami." Si Jair habang hinihimas ang likod nito.Tss kunwari pang dadamayan, gusto lang talaga mahawakan ang likod. "Birthday ng kuya ko," bulong niya at natigilan kami. "Kuya? May kuya ka?" tanong ni Jair. Tumango siya, "Meron. Kuya-kuyahan ko lang, pero matagal na panahon na kaming magkasama kaya ang turingan namin sa isa't isa ay magkapatid na." Sagot niya at muling umingay ang pag-iyak niya. "Nalulungkot ako ngayon kas
EVERLEIGHSa totoo lang ay napapagod na akong magpabalik-balik sa lungga ni Alcair. Pero wala naman akong magawa dahil alipin niya lang ako kung tutuusin. "Ang mag asawa lang ang p'wede sa event na 'yon, boss." Iyon agad ang narinig ko matapos kong makapasok. "P'wede pala kami ni Everleigh?" Kumunot noo ako sa narinig. "Ha? Anong ako?" tanong ko. "Pft! Nakalimutan na naman niya boss!" si Jair. "Sakit no'n. Insulto na 'yon sa akin na asawa." si Tobias naman. "Paano, hindi naman nagpapaka-husband si Alcair," natatawang bulong ni Alistair."P'wede bang manahimik kayo?!" sigaw naming dalawa dahilan para magkatitigan kami. Umubo naman si Jair, "Nandoon ang target natin. Mag ce-celebrate sila ng anniversary nila sa event na 'yon kasama ang iba pang mag-asawa." "Ang plano, a-attend kayong dalawa ni Everleigh doon dahil mag-asawa naman kayo. Si Tobias ay nasa labas ng lugar para magbantay sa mangyayari at kung dadating na ang ta
EVERLEIGH"Mabuti at wala kang naging sugat, Everleigh." Si Alistair matapos na punasan ang kan'yang baril. "Wala nga pero tignan mo, ang mga kamay niya nanginginig pa rin." si Tobias. "You need to get used to this, Everleigh. Ganito ang buhay sa mundong 'to." Si Alcair at wala akong naging sagot doon. "Tubig," pag-alok ni Jair sa akin sa pangalawang pagkakataon na tinanggap ko namang muli. "An-Anong oras na?" tanong ko. "Alas-sais na ng gabi," sagot ni Alistair. Tumayo ako, "Aalis na ako." "Sa mall tayo magkita bukas." si Alcair at tanging pagtango lang ang sagot ko sa kan'ya at sinamahan na ako ni Tobias palabas dito sa underground ng mansyon. ---"Saan ka galing?" pagtatanong ni Ezra matapos kong makapasok sa mansion. "Sorry, ginabi ako." "Nung niyaya kita sa labas ay hindi ka pumayag pero ang lumabas ngayon at gabi na umuwi ay okay lang sa 'yo?" tanong niya dahilan para maiwan na nakatulala ako sa kan'ya. "Paano nama
EVERLEIGHNapapikit ako matapos akong hilahin ni Alcair at itago sa mga bisig niya. Anong nangyayari?! "Nabisto na tayo ng isa sa kanila!" sigaw ni Tobias.Tumakbo siya sa may gilid ng pinto ng mansyon. Nagsisulputan naman ang iba pang mga tauhan ni Alcair. Huli ko silang nakita ay sa isla pa. Kasabay siguro ni Alcair ang mga ito kanina. Hinila naman ako ni Alcair paakyat at pumasok kami sa kwarto ko. "Dito ka lang, we're not done." Mabilis niyang sabi at tumakbo palabas ng kwarto at isinara 'yon. "Itutuloy niya pa rin ang pagtatangkang pagpatay sa akin? Eh paano kung mauna pa siya sa akin doon sa labas? Tsk! Hindi nag-iisip." ALCAIR'S POV Tumakbo ako palabas ng mansyon para samahan ang mga kasama ko na naroon. "Marami pa sila, boss!" si Tobias. "Si Everleigh? Nasaan?" si Jair. "Nasa kwarto niya, safe siya roon. Maghiwa-hiwalay tayo. Dito ako sa harap at bawat isa sa inyo ay sa bawat bahagi ng labas ng man
EVERLEIGHPagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto. Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari. Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon. "Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko. Hindi ako nagtitiwala. Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion. "Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k
EVERLEIGH"Heto na po ang pagkain mo, madame." Si Cheska at nakangiting lumapit sa akin. Nakangiting bumangon ako. Hindi katulad noong unang araw ay hindi na masakit gaano ang katawan ko."Salamat," bulong ko at nagsimulang kumain. "Oo nga po pala, si sir Ezra po ay umalis na muna. Mahigpit niya pong ipinagbabantay na huwag kayong magkikilos muna rito kahit pa medyo magaling na kayo." Tumango lang ako, "Ilang araw na ata ako rito. Malapit na akong mabulok." Natawa siya, "Hayaan niyo po at pag gumaling naman na kayo ng tuluyan ay maaari ka ng lumabas ng kwarto." Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto ng kwarto matapos na may kumatok doon. "Buksan ko po muna," pagpapaalam ni Cheska. "Sige." "Oh Ryker?" mabilis na humaba ang leeg ko dahil sa narinig. "P'wede ko bang makausap si madame Everleigh?" tanong nito. Nilingon naman ako saglit ni Cheska. Nanlalaking mata
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments