Share

Chapter 2

EVERLEIGH

"I just wanna say sorry about yesterday, miss Everleigh. Ako ang mali, si Miss Anitha ay walang ginawang masama. Sa tingin ko ay na-offend ka dahil sa paraan ko ng pagpuri ko kay Anitha habang ikaw ---

"Okay lang po," sagot ko habang ang tingin sa kanya ay deretso.

Ngumiti siya ng malit, "You're doing great sa klase ko, manatili ka lang sa gano'n, bibigyan kita ng malaking grades."

Tumango ako," Salamat po."

"Salamat sa pag-intindi. Sige na, maupo ka na sa upuan mo. I'm about to start na rin naman after 5 minutes."

Makalipas ang dalawang oras ay break time na namin.

Ang weird lang kasi nakita ko si Anitha kanina bago ako pumasok pero di siya umattend ng unang klase namin.

Bakit ko naman na iniisip? Mabuti ngang wala siya, umiinit lang ang ulo ko kapag nakikita siya.

Siguro'y natakot na siya. Wala sa sariling napangiti ako.

"Hindi, Everleigh. Dahil wala ka ng pinagkaiba sa kanila."

'Wala kang alam sa akin, Anitha.'

"Hey, Everleigh."

Napalingon ako matapos kong makapasok sa cafeteria sa taong tumawag sa akin.

Kumunot ang noo ko. Nakita ko ang grupo ng kalalakihan at nakangiti ng nakaloloko ang nasa gitna.

Binalik kong muli ang paningin sa aking nilalakaran at pumila na upang bumili ng pagkain.

Nagitla ako matapos na may bumulong sa akin mula sa likuran.

Mabilis na nangatal ang magkabila kong kamay dahil sa kaba, sakadahilanang naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa aking tainga.

"I saw what you did yesterday," bulong nito sa akin.

Siya 'yong lalaking tumawag sa akin kanina.

"Pero hindi ko naman sinasadya at inaakala. Masyado mo akong ginulat na hanggang ngayon ay dala ko pa rin."

Nilingon ko siya at mahinang tinulak. "Hindi kita kilala kaya huwag kang lumapit sa akin."

"Pero ako, kilala kita kaya lalapitan kita kailan ko man gustuhin."

Mabilis niyang sagot at mabilis akong nasura sa kan'yang pagmumukha kaya nilayasan ko siya at umalis na lang sa Cafeteria.

Hindi ko man nagustuhan ang kanyang ginawa sa akin, mas nangibabaw naman ang kaba sa aking dibdib dahil sa kan'yang sinabi.

Hindi tama na may nakakita sa akin. Walang sinuman dapat ang nakakaalam na gano'n ako pagdating sa labas ng iskwelahan.

Lalo na ngayon, graduating ako at tanging scholarship lang ang dahilan kung bakit pa ako nakakapag-aral.

Napapikit ako ng mariin at kinuyom ang magkabilang kamao.

Kapag may nakaalam pa tungkol sa bagay na you, ang scolarship ko ay mawawala, maging ang Allowance na galing sa pagiging scholar ko. Allowance na kung saan hindi alam ng tiyahin ko.

Nagbalik tanaw naman sa akin lahat ng ginawa ko kay Anitha.

Si Anitha ay kalaban ko sa pagiging Valedictorian.

Gusto bang makuha iyon kaya gano'n na lamang ang galit ko sa kaniya.

Nakakapagtakha nga lang dahil hindi man lang siya nagsusumbong kahit na kanino.

Ano kayang pinaplano niya? Hindi ko na kailangan tanungin pa, alam kong may galt din siya sa akin. Sa paraan pa lang ng tingin niya sa akin sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa, alam kong katulad ko, grabe din ang galit niya sa akin.

"Good morning, Dean."

Nandito ako sa Dean's office para kunin ang allowance ko.

Bago pa man ako pumunta rito ipinatawag niya na talaga ako.

Sinuklian niya rin ako ng ngiti, "Have a sit."

"I heard that you're doing great, miss Evangelista. Natutuwa akong malaman iyon. Ipagpatulot mo lang iyon, ang school na 'to ang tutulong sa 'yo na mapaganda ang future mo."

Tumayo ako at yumuko, "Maraming salamat po talaga."

"Walang anuman, hindi lang naman ang university na 'to ang nakatutulong sa 'yo, maging ikaw, malaki ang tulong mo sa university. Sige na, maupo ka muna at hintayin natin si miss Reyes."

"P-Po?" gulat kong tanong.

"Hintayin natin si miss Reyes." Pag-uulit nito.

Si Anitha.

"A-Ah, sige po." Sagoy ko at bumalik sa pagkakaupo.

Hindi ko alam pero kinabahan ako ng marinig ang pangalan niya.

Pinagpapawisan ako ng malamig, hindi lang dahil sa naka-aircon, kun'di sa takot.

Mabilis akong napalingon sa pinto matapos marinig 'yon na bumukas.

"Miss Reyes! Mabuto at nandito—Oh My! What happened to you?!" bulalas ni Dean at mabilis na nilapitan si Anitha.

Bumalik ako sa pagkakayuko.

'Sana 'di siya mag-sumbong.'

Sabi ko sa aking sarili at napapikit ng mariin.

'Kasalanan mo! Nagpadala ka sa galit mo, Everleigh!'

"Tell me, miss Reyes. A-Anong nangyari? Sino gumawa sa 'yo nito? Miss Evangelista?"

"Hindi ko po alam—"

"Siya."

Nanlalaking matang nilingon ko siya. Nanginginig ang labi ko at hindi makabitaw ng ano mang salita.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napako sa aking inuupuan. Hindi ko alam kung paano makagalaw.

"What, miss Reyes? Anong siya? si miss Evangelista?"

Nilingon ako ni Anitha habang siya'y nakangiti ng nakaloloko.

Bahagyang umiling ako upang ipabatid sa kan'ya na huwag siyang magsusumbong.

Bigla ay napalitan iyon ng walang emosyong mukha.

"She made my life miserable."

"A-Ano?"

"Siya ang gumawa lahat ng pasa at sugat ko. Ayaw niya sa akin. Galit siya sa akin. Naiinggit siya sa akin. Ngayon mo sabihin, ako nga ba dapat ang matakot sa 'yo o ikaw? Dahil sa ating dalawa, alam mong ikaw ang mawawalan.

Ramdam ko ang pang-aasar niya sa mga katagang iyon. Hindi ko napigilang magkuyom ng kamao.

"Miss Evangelista, totoo ba iyon?" pagtatanong ng Dean sa akin.

Tumulo ang kaninang namuo kong luha sa mata, "I'm sorry, Dean."

"Diyos ko..."

Sa isang iglap nawala ang scholarship ko.

Wala akong pakialam sa allowance pero sa scholarship.

Hindi ko napagilang mapahagulgol habang pababa ako ng hagdan.

Sapo-sapo ko ang aking mukha at naupo sa gilid.

Narinig ko ang bawat hakbang ng mga tao na pababa at paakyat.

Pinagbubulubgan nila ako pero wala iyon sa akin.

Nagmakaawa ako para sa scholarship pero 'di ko na nabawi.

Kahit saan tignan, ako ang mali, ako ang masama, ako ang may kasalanan.

"Panindigan mo. Wala ka namang pinagsisisihan, 'di ba?" napatingala ako sa lalaking nagtanong no'n.

"Dumeretso ka na lang sa taas at huwag mo akong pansinin."

"Uhh, actually, pababa na talaga ako rito sa first floor." Sagot niya agad.

"Kung gano'n ay huwag ka ng tumigil dito, umalis ka na." Matigas kong ani.

Wala naman akong nakuhang tugon sa kan'ya at sumandal lang siya sa pader.

Doon lang tumahimik, hindi naman nakatakas sa akin ang pangyayari kanina.

Dahil doon ay muling namuo ang mga luha sa aking mata at sa huli, umagos ulit iyon ng walang tigil.

Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang akong umiyak.

Halos kalahating oras din akong umiyak, pinilit kong tumigil na at tumayo.

Doon lamang siya nagsalita.

"Kata kitang tulungan kung gugustuhin mo." Aniya at tingin niya lamang ang gumalaw.

"Ayoko. Hindi ko kailangan ng tulong." Sagot ko at humakbang ulit paibaba.

"Alam ko kalagayan ng buhay mo."

Natigilan ako at doon lamang hinarap sa kan'ya ang katawan ko.

"Sino ka ba?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status