Share

Chapter 4

EVERLEIGH

"Anong ginagawa mo rito?!" gulat kong tanong kay Seven.

"Ako dapat ang magtanong niyan. Ano ang ginagawa mo rito?" pabalik niyang tanong sa akin habang si kuya naman ay nagpabalik-balik ang tingin sa amin.

"Magkakilala kayo?"

"Hindi, kuya."

"Oo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Magkakilala ba kami?! Wow ba't di ko man lang alam?

"Eve..." sa tonong iyon ni kuya ay pinagbabantaan niya na akong huwag akong magsisinungaling sa harap niya.

Umirap ako, "Kuya, hindi talaga. Ako hindi ko siya kilala, pero siya ay oo. Kilala niya raw ako."

"Paanong nakilala mo siya kung hindi ka naman pala niya kilala? Hindi naman artista 'yan." Si kuya.

"Kilala siya sa school namin. Hindi ba't isa ka sa mga estudyanteng p'wedeng maging valedictorian?" tanong niya at hindi ko naman siya sinagot.

"Ang talino naman pala niyan, lodi!"

"Uy! Patulong naman! 'Yong girlfriend ko kasi nahihirapan sa math, hindi ko alam anong gagawin ko, kaya lang naman niya ako sinagot gawa nung mga banat ko tungkol sa math-math na 'yan na nakuha ko lang naman sa bestfriend kong matalino, ang kaso pumanaw na. Mababaliw ako kaiisip kasi pinapasagot niya sa akin!"

Natahimik ang lugar sa mabilis na pagkakasabi na iyon ng isang lalaking kasama nila sa apartment.

"Kinginang 'yan..."

Naibulong ng unang nagsalita.

"Edi para saan pala 'yong mga libro mong binabasa? Hala kaloka ka bes!" pinigilan ko ang matawa sa salitang ginamit niya.

"Bl story talaga 'yon." Sagot ng lalaki.

"Ay gagu!"

"Yawa!" Si Seven.

"What the fuck!"

Napayakap ang unang lalaki sa kan'yang sarili. "Kingina, katabi pa man din kita matulog! May pagnanasa ka sa akin 'no?"

"Siraulo, wala!"

"Eve, pasok sa kwarto." Napalingon ako kay kuya matapos sabihin 'yon.

"Ha?"

"Pasok sa kwarto ko. Hintayin mo na lang ako roon." Pag-uulit ni kuya at napipilitang tumango ako.

"S-Sige," bulong ko at sinundan ang kwarto na tinuro niya.

Makalipas naman ang ilang minuto ay pumasok siya sa kwarto.

"Huwag mo na lang pansinin mga 'yon."

Tumango ako, "Nakakatawa sila ha."

Nahiga siya sa may sofa nitong kwarto, "Bakit nga pala pinalayas ka ng tita mo?"

"Pinagbintangan kasi ako ni Gale na ninakaw ko raw iyong isang libo niya." Nakabusangot kong sagot. "Hindi man lang ako hinayaan ni tita na makapagpaliwanag at patunayan ang sarili ko."

"Bakit ganoon ang tita mo? Pamangkin ka niya at anak ka ng kuya niya pero kung tratuhin ka niya ay parang hindi ka niya kamag-anak."

"Hindi ko alam..."

"May mga tao talaga na nakakayang saktan ang mga taong walang kalaban-laban sa kanila."

Natigilan ako. Napalunok at umiwas ng tingin. Ewan ko ba at parang natamaan ako sa sinabi niya.

Narinig ko ang pagbangon niya sa pagkakahiga sa sofa, "Ano nga pa lang gusto mong kainin, ha? Bibili ako sa labas."

"Gusto ko ng bulalo." Ngiti kong sagot.

Bahagya rin siyang ngumiti, "Sige."

"Sasama na ako, sabay na tayong kumain."

---

"burp! H-Hooo grabe ang sarap no'n!"

"Ang lakas ng boses mo." Pagsuway ni kuya sa akin.

"Masarap e! Isa pa nga!"

"Ano mo 'ko? Magulang? Tama na! Dumighay ka na nga! Malulugi ata ako sa 'yo!" Pagrereklamo niya at natawa ako.

"Biro lang naman! Napaka nito!"

Pauwi na kami sa apartment niya at mabagal lang kaming naglalakad.

"Ano bang tinatrabaho mo, kuya?" pagtatanong ko habang ang tingin ay nasa langit saglit.

Ang ganda ng langit, maraming bituin ngayon.

"Waiter lang. Kung saan-saan din ako napapadpad dito sa Manila kasi kung saan-saang party din ako nailalagay ng taong nagbibigay sa akin ng opurtunidad."

"Magkano nakukuha mo riyan?" pagtatanong kong muli.

"13k sa loob ng isang buwan." Sagot niya.

"Wow! Ang laki no'n!"

Natawa siya sa mukha ko, "Maliit 'yon para sa akin dahil sa marami akong bayarin. Pero marunong naman ako makuntento. Alam mo ba 'yong may dumaan na pera sa akin, dumaan lang, nag hi lang siya sa akin nan ha. Hindi pa ako nakaka-hello, wala na. Sumakabilang bulsa na siya."

"Hindi pa rin ba tapos naiwang utang ng papa mo?" mahina kong tanong.

"Tapos ko na. Kaya ngayon, nagsisimula na akong mag-ipon para makapunta tayong paris."

Sagot niya habang nakangiti, humikab naman ako. "Seryoso ka bang isasama mo ako?"

"Oo nga, sigurado akong mahahanap ko ang trulab doon kapag kasama ka."

Umasim ang mukha ko, "Ewan ko sa 'yo. Para ano lang at isama mo ako? Para ipakita mo lang sa akin na nahanap mo na? Tapos ako babalik dito sa pinas? Ha! Huwag na, maghanap ka mag-isa!"

Muli ay tumawa na naman siya nang tumawa.

Pagsapit ng kinaumagahan, paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong isang lalaking naka pormal na suot sa may sala.

Kasabay naman no'n ay nakita ko rin si kuya, "Kuya, sino 'yan?" bulong kong tanong habang ang tingin sa akin ng may katandaan ng lalaki ay nakakunot ang noo.

"Siya 'yong sinasabi ko sa 'yong lalaking nagbibigay sa akin ng trabaho kung saan-saang party."

Nagulat ako, "T-Talaga?" tumango siya.

Nilingon kong muli ang lalaki at pilit ngumiti sa kan'ya.

Lumapit ako at umupo sa kaharap na upuan nito. "Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin, hija. Ngayon lang kita nakita rito."

"A-Ah kaibigan ko po si kuya Aldrin. Ako po si Everleigh."

Ngumiti ito, "Kay gandang pangalan."

Natawa ako ng mahina, "Salamat po."

"Sir, okay na po ba ito?" nilingon ko ang nagsalita mula sa aking likod at si Seven iyon.

Nakapang-suot ito ng pang-waiter. Magtatrabaho rin siya?

"Okay na, hijo."

Nilingon ko muli ang lalaki, "Okay lang po kahit wala pang experience sa kahit anong trabaho?"

"P'wede naman, pero may iba na hindi. Sa experience kasi nababase kung paano ka magtrabaho. Ako naman ay tumutulong lang sa mga binatang ito para ang future nila ay gumanda."

Tumango ako at ngumiti. Hindi ko naman napigilang laruin ang mga daliri ko.

Gusto ko rin sanang sabihin na sana'y tulungan niya rin ako.

"Bakit? Gusto mo rin ba?"

Nabalik ang tingin ko sa lalaki, "Op-Opo. Gusto ko po sanang subukan."

"Ilang taon ka na ba?"

"22 na po."

"Parehas pala kayo ni Seven at Justin na estudyante pa. Paanong napunta ka rito?"

"Pinalayas po ako ng tiyahin ko."

"Aba ay bakit? Buntis ka ba?" nanlaki ang mga mata ko.

"Naku po, hindi!"

Tumawa naman siya, "Binibiro lamang kita. Sa tingin mo ba ay kaya mo? Matao ang pupuntahan namin at hindi p'wede roon ang mahiyain."

"Kaya ko po!"

Ngumiti ito, "Sige. Nandoon si Aldrin sa van sa labas. May mga uniform ako roon, humingi ka sa kan'ya."

"S-Salamat po, salamat!" natutuwa kong ani at nakipagkamay sa kan'ya.

Pagkatapos ko magpaalam ay dumeretso ako sa labas.

"Kuya!" tawag ko sa kan'ya at nilingon naman niya ako matapos isarado ang likod ng van.

Napatingin ako sa kan'yang mukha. Gumwapo ata si kuya ngayon? Pft!

"Bakit? Oo nga pala, maiiwan ka nga pala—"

"Hindi na dahil may trabaho na rin ako!" tuwa kong balita at kinindatan siya.

"Ano?! Kinausap mo ba si Sir Jefferson?"

"Jefferson ba pangalan niya? Oo, gusto kong subukan." Sagot ko.

"Baka hindi mo kayanin," bulong niya at sumandal sa likod ng van.

"Kaya ko 'yon kasi kasama kita." Ngiti kong sabi at tumawa.

Napangiti naman siya. "Ikaw talaga," siya at pinisil ang ilong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status