EVERLEIGH
Habang ako ay nasa banyo habang naliligo, bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang ginawang paghapit ni Alcair sa aking bewang kagabi.Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon. Nagpa-ulit-ulit pa sa akin ang mahinang sigaw ko.Napapikit ako ng mariin. Dapat talaga ay maiwasan ko siyang makita, maliban na lang kung tungkol sa trabaho ko kay Ezra.Umalis muli si Ezra at hindi ko na nagawa pang itanong kung saan iyon dahil matapos kong maligo ay umalis na raw siya.Pagdating sa paalis-alis ko sa mansyon, hindi iyon naging problema pagdating sa kan'ya dahil binibigyan niya ako ng kalayaan.Kahit papaano ay may safe place rito para sa akin.Ang mundong ito ay hindi naman pala gano'n kadelikado para sa akin.Ngayon ay sa ibang mall naman ang punta ko. Ang sabi sa akin ni Ryker ay pagmamay-ari ito ni Alcair ngunit sa ibang pangalan niya.Mas pinili niya na rito kami magkita upang hindi malaman ni Ezra na nagkEVERLEIGH"AY NASUNOG!" sigaw ko matapos makita ang pancake na aking ginawa. Ibibigay ko sana ito kay Ezra ngayong umaga, at makahingi na rin ng tawad dahil sa nagawa ko kagabi. Kung tutuusin, ako ang mali. Binili niya ako at wala akong karapatang tumutol sa gusto niyang gawin, kaso ay hindi pa ako handa sa ganoong bagay, at sana ay naiintindihan niya ako. Umaasa ako, na sana nga maintindihan niya ako. Bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya ay huminga muna ako ng malalim. Ngumiti ako at pinilit maging natural pagdating sa kan'ya ngayon para hindi siya mailang. Binuksan ko ang kurtina ng kwarto niya saka lumapit sa kan'ya habang dala-dala ang isang pancake at kape na aking ginawa para sa kan'ya. "Good morning." Ngiti kong sabi sa kan'ya at napatitig naman siya sa akin. "Coffee oh, Ezra." Pag-alok ko sa kan'ya at napatingin sa pancake na gawa ko at sunog pa talaga. Nag-aalangan akong ibigay iyon sa kan'ya ngunit n
EVERLEIGH"Bakit mo 'ko tuturuan ng self defense? Parang binibigyan mo na rin ako ng pagkakataon na makalaban sa 'yo kapag binalak mo na akong patayin."Tinignan niya ako, "Dahil sa sinabi mo, parang binigyan mo na rin ako ng pagkakataon na patayin na kita ngayon hangga't wala ka pang natututunan."Napaawang naman ang bibig ko at naiwang tameme."Magsimula na tayo," bulong niya at ilang hakbang mula sa akin ay tumayo siya roon."When someone has bad intention towards you, guard your face and maintain a defensive posture like this." Aniya at katulad ng sinabi niya ay hinarang niya ang braso sa mukha. Pero hindi naman ganoon nakaharang. Ang kaliwang paa naman niya ay medyo nasa unahan, habang ang kanan na paa niya ay nasa likuran nito at may pagitan din ang dalawa."Kung gusto mo agad matapos ang laban, patamaan mo sa mata o sa ilong. The eyes and nose are the most sensitive soft spots on your attacker's face. Pag-aaral
EVERLEIGHNanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit.Ang lakas ng loob niya!Sa papel lang naman kami mag-asawa at hindi niya ako pagmamay-ari."A-Aarrgghhh!" sigaw ko dala ng pagkairita.Mula sa labas ng Mall, sa gilid nito ay may tumatawag na bermuda grass. Maraming nagtatambay dito dahil sa sariwang hangin at pumunta ako rito para lang lumamig ang ulo ko.Binalewala ko ang tingin ng iba at kahit yayamanin ang suot ko ay nahiga ako roon at tinignan ang asul na kalangitan.Mula naman rito, ang isip ko lumipad na sa kabilang mundo.Oo, tinuring ko ng ibang mundo itong kinalalagyan ko ngayon.Dito na siguro ako mamamatay.At mamamatay ako na hindi pa rin naipapaliwanag kung ano ba talaga ang totoong nangyari.Bigla naman ay pumasok sa isipan ko si kuya. "Musta na kaya siya?" wala sa sariling naitanong ko.Nawala siya sa isip ko dahil sa mg
EVERLEIGHHindi pa ata ako umaabot ng isang linggo sa puder niya pero gumagaan na ang loob ko sa kan'ya. ‘Nasaan na ang astig na Everleigh na nakilala ko?’"Mukhang lumilipad ang isip mo, ah?" nagugulat na napalingon ako sa gilid ko. Si Alistair. Hindi naman ako nagsalita. "Habang naglalakad tayo papunta kay boss, may gusto sana akong itanong." Hindi ko siya nilingon, "Ano iyon?" tanong ko at nanatiling sa daan ang tingin. "Hindi ka naman siguro magugulat kung naghanap ako ng impormasyon tungkol sa 'yo, 'di ba?" tanong niya at tumango ako. "Iyon ba ang tanong mo? Hindi ko na siguro kailangan ng sagot diyan dahil madali lang naman malaman kung ano ang magiging sagot ko." "Tsk. Hindi iyon ang pinaka-tanong ko." "Ano pala kung gano'n?" "Wala akong nakuhang ano mang impormasyon tungkol sa 'yo. Ang tanong ko ay sino ka. Sino ka ba, Everleigh? At anong pagkatao mo?" Maliit na ngumiti ako, "Noong tinatanong niyo ako kung paano
EVERLEIGH "Everleigh, buksan mo na 'tong pinto, please?" si Ezra at sunod-sunod na ang pagkatok sa pinto. "W-Wait lang," Hindi na ako magkandaugaga sa paglalagay ng concealer na mahaharangan ang pasa ko sa may mukha. Hindi niya ako p'wedeng makitang ganito. Kahit pa wala naman akong kasiguraduhan kung may pakialam ba siya kung sakaling makita niya 'to. "Thanks God, binuksan niya rin!" si Ezra habang nakaupo sa sahig kaharap ng pinto ng kwarto. Natawa naman ako, "Bakit ka ba nagkakagan'yan?" tanong ko at tumayo naman siya. "Honey, I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya—" "Ano ka ba? Sinabi ko na sa 'yo, okay lang sa akin." "Liar. Kung gano'n ay bakit hindi mo man lang ako nilingon kanina? Umiyak ka ba? Sorry na," malungkot niyang ani. "H-Hindi. Ayos lang, walang problema sa akin 'yon. Bago pa ako dumating sa 'yo ay ganoon ka na talaga, 'di ba? Kaya wala akong karapatang pigilan ka dahil binili—" "So kung may karapatan k
EZRA"Napapansin ko na nagiging malapit ka na sa babae. Alam mong hindi 'yon maaari sa organisasyon natin." Komento ni Luther. Ang bago kong pinagkakatiwalaan sa pera na lumalabas at pumapasok sa organisasyon. "Stupid. Ganoon talaga si Ezra sa mga nagiging babae niya, 'di ba Ezra?" Pagtutol ni Chester. Tumango ako, "Kailangan na maipakita ko na siya ang kahinaan ko para malaman ko kung sino ang mga tunay kong kalaban." Pumalakpak si Chester na para bang tuwang-tuwa dahil tumumpak siya. "HAHAHAHA well," "About Everleigh, wala akong nakuhang impormasyon sa kan'ya. Alam kong hindi mo pinag-utos sa akin ang bagay na ito pero tinrabaho ko na dahil iniisip ko na baka masyado kang kampante sa babaeng 'yon." Si Archie. Magaling siya pagdating sa mga computer. Siya rin ang inaatasan ko pagdating sa pagkakalap ng ano mang impormasyon sa iba't ibang tao. "You don't need to do that. I know her, I know all about her." Mahinang sagot ko at napangiti ng
EVERLEIGH"H-Ha..." Mahinang hininga ang nilabas ng bibig ko matapos na magising. Mabilis na gumusot ang mukha ko sa naramdamang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko kahit pa hindi ko maimulat ng maayos ang kanan kong mata. "N-Nasa'n ako?" nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. "Ezra!" "Wala rito si Ezra." Nilingon ko ang lalaking nagsalita na 'yon. "Sino ka?! Anong ginawa ko sa 'yo?!" sigaw kong tanong at pilit kumakawala sa pagkakatali ng dalawa kong kamay. "Wala. Pero si Ezra meron." Sagot niya."Kung gano'n ay bakit ako ang kinuha niyo at hindi siya?" puno ng galit kong tanong 'yon. Natawa siya, "Bakit? Hahayaan mo bang makitang masasaktan siya?" pagtatanong nito at natigilan ako. Mas lumakas ang tawa niya, "Matagal ko 'tong hinintay! Sa lahat ng mga naging babae niya, ikaw lang napansin ko na tunay niyang pinahalagahan, hindi lang ang katawan mo. Tiyak na may nangyari na sa in—" "
EVERLEIGH"AAAAHHHHH!" todo kong sigaw matapos mabugbog ng sobra. "Kung papatayin niyo ako ay barilin niyo na ako!" "Hindi masaya ang gano'n, maganda ang dinadahan-dahan." Sinipa ako sa mukha ng isang lalaki. Sumunod ay tinuhod naman ako ng kasama pa nito sa tiyan. Napaubo na ako ng dugo. "Hindi naman siguro magagalit si boss kung galawin natin 'to, wala rin naman pakialam sa kan'ya si Ezra. Wala na ring kwenta pa ang babaeng 'to." Umiling ako, "Huwag. Nagmamakaawa ako, patayin niyo na lang ako ng walang ginagawang ganito." Pagmamakaawa ko at napaluhod na sa kanilang harap. Nginisihan lang ako ng isang lalaki at mabilis na lumapit. "Tumayo ka!" sigaw niya at hinila ang buhok ko paitaas. "Huwag!" sigaw ko at pinipigilan ang kamay nito na nasa aking damit. Pero wala akong nagawa at malaya niya iyong napunit. Nagsigawan silang tatlo na nasa aking harapan ngayon. Napatili ako matapos na ihiga ako nito sa sahig. "Huwag!" sigaw ko
EVERLEIGHHindi na mawala sa isipan ko ang huli naming naging pag-uusap ni Ezra.Tinatanong niya na ako ng mga ganoong bagay. Ibig sabihin ay may pag-aalinlangan na siya sa akin.Pero totoo naman ako pagdating sa kan'ya. Maliban na lang ang tungkol sa libro. Walang halong pagkukunwari lahat ng pag-aalala at mga sinasabi ko sa kan'ya.Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ulit ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Ezra. Siguro hanggang ngayon ay puno pa rin siya ng katanungan at hindi ako mapalagay na matutulog siya kasama ang mga tanong na 'yon."Honey?" pagtawag ko sa kan'ya mula rito sa pinto ng kan'yang kwarto. Dinikit ko naman ang kanan kong tainga upang marinig ang kan'yang sasabihin."Yes, honey? Pasok ka lang," rinig ko sa loob kaya naman marahan kong binuksan ang pinto nito. Sinarado ko muna iyon bago lumapit sa kan'ya na ngayon ay nakaupo at kaharap ang lamesa rito sa kwarto niya. "Hindi ba p'wedeng ipabukas mo na
EVERLEIGHLumipas ang mga araw na wala na akong naririnig tungkol sa kinakailangan kong pumunta kay Alcair. Ano kayang nangyari at biglang naging gano'n?Maging ang sa deadline ay wala rin nabanggit sa akin si Ryker na nangangahulugang naaalala ni Alcair. Nakalimutan niya kaya? Nawala sa isip niya? Mabuti 'yon hehe. "Ryker," pagtawag ko sa kan'ya. Nilingon naman ako nito at mabilis na nilapitan. "May kailangan ka po ba, madame Everleigh?" pagtatanong niya. "Wala bang pinag-uutos si Alcair?" "Bakit? Nami-miss mo na ba si boss?" Mabilis na gumusot ang mukha ko sa tanong niya. "Ano? Sira, hindi ah. Nanibago lang ako, parang nitong mga nakaraang araw kasi ay namaga ang paa ko kababalik sa kan'ya.""Tss, magpasalamat ka na lang." Ngisi niyang sagot."Oo na, sige na umalis ka na sa harap ko.""Magandang umaga, manang Mercelida." Ngiting bati ko rito. Ngumiti ito, "Magandang umaga rin. Kahahain ko lamang po ng pagka
EVERLEIGH"A-Argh..." daing ko at napahawak sa ulo habang ako ay bumangon sa pagkakahiga mula rito sa hindi ko kilalang kama. Dahan-dahan akong naglakad papuntang labas ng kwarto, napakabigat ng ulo ko at parang anumang oras ay matutumba ako. Paglabas ko naman ay nakita ko sila Jair, Tobias at Alistair. Naiwang tulala sa akin ang tatlo maging ako. "Anong nangyari?" tanong ko. Wala akong matandaan sa huling nangyari kagabi. Tinuro ni Alistair ang mukha ko, "Tumingin ka muna sa salamin bago ka lumabas ng kwarto.""H-Ha? Bakit?" pagtatanong ko. "May panis na laway ka, Everleigh." Natatawang pagsagot ni Jair sa akin at nanlalaking matang kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto. "Nakakahiyaaaa!" sigaw ko at pabagsak na hiniga ang sarili sa malambot na kama. "Hinga ng malalim, hinga." Ako at pinilit pakalmahin ang sarili. Matapos pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako. Hindi ko magawang maligo kahit gustuhin ko. Wala nama
ALCAIRLumipas ang dalawang oras mahigit at nakikita ko na kay Everleigh ang pagkalasing. Sunod-sunod na ang pagtungga nito at napapahiyaw na lang ang mga kasama ko lalo na si Tobias. Ano naman kayang problema ng babaeng 'to?"What the fuck?" naibulong ko na lang matapos na humagulgol 'to bigla.T*ng*na nakakatawa si Everleigh sa hilatsa ng mukha niya! "May problema 'to e, pagpasok pa lang dito umiiyak na. Ano ba ang problema, Everleigh?" pagtatanong ni Alistair. "Oo nga, Everleigh. Ano ba 'yon? Makikinig kami." Si Jair habang hinihimas ang likod nito.Tss kunwari pang dadamayan, gusto lang talaga mahawakan ang likod. "Birthday ng kuya ko," bulong niya at natigilan kami. "Kuya? May kuya ka?" tanong ni Jair. Tumango siya, "Meron. Kuya-kuyahan ko lang, pero matagal na panahon na kaming magkasama kaya ang turingan namin sa isa't isa ay magkapatid na." Sagot niya at muling umingay ang pag-iyak niya. "Nalulungkot ako ngayon kas
EVERLEIGHSa totoo lang ay napapagod na akong magpabalik-balik sa lungga ni Alcair. Pero wala naman akong magawa dahil alipin niya lang ako kung tutuusin. "Ang mag asawa lang ang p'wede sa event na 'yon, boss." Iyon agad ang narinig ko matapos kong makapasok. "P'wede pala kami ni Everleigh?" Kumunot noo ako sa narinig. "Ha? Anong ako?" tanong ko. "Pft! Nakalimutan na naman niya boss!" si Jair. "Sakit no'n. Insulto na 'yon sa akin na asawa." si Tobias naman. "Paano, hindi naman nagpapaka-husband si Alcair," natatawang bulong ni Alistair."P'wede bang manahimik kayo?!" sigaw naming dalawa dahilan para magkatitigan kami. Umubo naman si Jair, "Nandoon ang target natin. Mag ce-celebrate sila ng anniversary nila sa event na 'yon kasama ang iba pang mag-asawa." "Ang plano, a-attend kayong dalawa ni Everleigh doon dahil mag-asawa naman kayo. Si Tobias ay nasa labas ng lugar para magbantay sa mangyayari at kung dadating na ang ta
EVERLEIGH"Mabuti at wala kang naging sugat, Everleigh." Si Alistair matapos na punasan ang kan'yang baril. "Wala nga pero tignan mo, ang mga kamay niya nanginginig pa rin." si Tobias. "You need to get used to this, Everleigh. Ganito ang buhay sa mundong 'to." Si Alcair at wala akong naging sagot doon. "Tubig," pag-alok ni Jair sa akin sa pangalawang pagkakataon na tinanggap ko namang muli. "An-Anong oras na?" tanong ko. "Alas-sais na ng gabi," sagot ni Alistair. Tumayo ako, "Aalis na ako." "Sa mall tayo magkita bukas." si Alcair at tanging pagtango lang ang sagot ko sa kan'ya at sinamahan na ako ni Tobias palabas dito sa underground ng mansyon. ---"Saan ka galing?" pagtatanong ni Ezra matapos kong makapasok sa mansion. "Sorry, ginabi ako." "Nung niyaya kita sa labas ay hindi ka pumayag pero ang lumabas ngayon at gabi na umuwi ay okay lang sa 'yo?" tanong niya dahilan para maiwan na nakatulala ako sa kan'ya. "Paano nama
EVERLEIGHNapapikit ako matapos akong hilahin ni Alcair at itago sa mga bisig niya. Anong nangyayari?! "Nabisto na tayo ng isa sa kanila!" sigaw ni Tobias.Tumakbo siya sa may gilid ng pinto ng mansyon. Nagsisulputan naman ang iba pang mga tauhan ni Alcair. Huli ko silang nakita ay sa isla pa. Kasabay siguro ni Alcair ang mga ito kanina. Hinila naman ako ni Alcair paakyat at pumasok kami sa kwarto ko. "Dito ka lang, we're not done." Mabilis niyang sabi at tumakbo palabas ng kwarto at isinara 'yon. "Itutuloy niya pa rin ang pagtatangkang pagpatay sa akin? Eh paano kung mauna pa siya sa akin doon sa labas? Tsk! Hindi nag-iisip." ALCAIR'S POV Tumakbo ako palabas ng mansyon para samahan ang mga kasama ko na naroon. "Marami pa sila, boss!" si Tobias. "Si Everleigh? Nasaan?" si Jair. "Nasa kwarto niya, safe siya roon. Maghiwa-hiwalay tayo. Dito ako sa harap at bawat isa sa inyo ay sa bawat bahagi ng labas ng man
EVERLEIGHPagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto. Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari. Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon. "Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko. Hindi ako nagtitiwala. Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion. "Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k
EVERLEIGH"Heto na po ang pagkain mo, madame." Si Cheska at nakangiting lumapit sa akin. Nakangiting bumangon ako. Hindi katulad noong unang araw ay hindi na masakit gaano ang katawan ko."Salamat," bulong ko at nagsimulang kumain. "Oo nga po pala, si sir Ezra po ay umalis na muna. Mahigpit niya pong ipinagbabantay na huwag kayong magkikilos muna rito kahit pa medyo magaling na kayo." Tumango lang ako, "Ilang araw na ata ako rito. Malapit na akong mabulok." Natawa siya, "Hayaan niyo po at pag gumaling naman na kayo ng tuluyan ay maaari ka ng lumabas ng kwarto." Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto ng kwarto matapos na may kumatok doon. "Buksan ko po muna," pagpapaalam ni Cheska. "Sige." "Oh Ryker?" mabilis na humaba ang leeg ko dahil sa narinig. "P'wede ko bang makausap si madame Everleigh?" tanong nito. Nilingon naman ako saglit ni Cheska. Nanlalaking mata