EVERLEIGH"A-Argh..." daing ko at napahawak sa ulo habang ako ay bumangon sa pagkakahiga mula rito sa hindi ko kilalang kama. Dahan-dahan akong naglakad papuntang labas ng kwarto, napakabigat ng ulo ko at parang anumang oras ay matutumba ako. Paglabas ko naman ay nakita ko sila Jair, Tobias at Alistair. Naiwang tulala sa akin ang tatlo maging ako. "Anong nangyari?" tanong ko. Wala akong matandaan sa huling nangyari kagabi. Tinuro ni Alistair ang mukha ko, "Tumingin ka muna sa salamin bago ka lumabas ng kwarto.""H-Ha? Bakit?" pagtatanong ko. "May panis na laway ka, Everleigh." Natatawang pagsagot ni Jair sa akin at nanlalaking matang kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto. "Nakakahiyaaaa!" sigaw ko at pabagsak na hiniga ang sarili sa malambot na kama. "Hinga ng malalim, hinga." Ako at pinilit pakalmahin ang sarili. Matapos pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako. Hindi ko magawang maligo kahit gustuhin ko. Wala nama
EVERLEIGHLumipas ang mga araw na wala na akong naririnig tungkol sa kinakailangan kong pumunta kay Alcair. Ano kayang nangyari at biglang naging gano'n?Maging ang sa deadline ay wala rin nabanggit sa akin si Ryker na nangangahulugang naaalala ni Alcair. Nakalimutan niya kaya? Nawala sa isip niya? Mabuti 'yon hehe. "Ryker," pagtawag ko sa kan'ya. Nilingon naman ako nito at mabilis na nilapitan. "May kailangan ka po ba, madame Everleigh?" pagtatanong niya. "Wala bang pinag-uutos si Alcair?" "Bakit? Nami-miss mo na ba si boss?" Mabilis na gumusot ang mukha ko sa tanong niya. "Ano? Sira, hindi ah. Nanibago lang ako, parang nitong mga nakaraang araw kasi ay namaga ang paa ko kababalik sa kan'ya.""Tss, magpasalamat ka na lang." Ngisi niyang sagot."Oo na, sige na umalis ka na sa harap ko.""Magandang umaga, manang Mercelida." Ngiting bati ko rito. Ngumiti ito, "Magandang umaga rin. Kahahain ko lamang po ng pagka
EVERLEIGHHindi na mawala sa isipan ko ang huli naming naging pag-uusap ni Ezra.Tinatanong niya na ako ng mga ganoong bagay. Ibig sabihin ay may pag-aalinlangan na siya sa akin.Pero totoo naman ako pagdating sa kan'ya. Maliban na lang ang tungkol sa libro. Walang halong pagkukunwari lahat ng pag-aalala at mga sinasabi ko sa kan'ya.Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ulit ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Ezra. Siguro hanggang ngayon ay puno pa rin siya ng katanungan at hindi ako mapalagay na matutulog siya kasama ang mga tanong na 'yon."Honey?" pagtawag ko sa kan'ya mula rito sa pinto ng kan'yang kwarto. Dinikit ko naman ang kanan kong tainga upang marinig ang kan'yang sasabihin."Yes, honey? Pasok ka lang," rinig ko sa loob kaya naman marahan kong binuksan ang pinto nito. Sinarado ko muna iyon bago lumapit sa kan'ya na ngayon ay nakaupo at kaharap ang lamesa rito sa kwarto niya. "Hindi ba p'wedeng ipabukas mo na
EVERLEIGHMula rito sa bakanteng lote, katabing barangay ng university na aking pinapasukan, narito ako upang bigyan leksyon si Anitha.Pinahiya niya ako sa maraming tao at kahit na sino ay hindi matutuwa roon.Hindi ko alam kung ano at saan siya kumukuha ng lakas ng loob sa bawat araw na sinasaktan ko siya.Sa tuwing magkakaharap kami ay balewala lamang sa kaniya ang presensya ko. Hindi man lang tinatablan ng takot sa tuwing siya'y pinagbabantaan ko. "Talaga bang 'di ka nasisindak sa akin?"Matalas na titig ang ginawad ko sa kaniya, habang binibitawan ang mga katagang yonBinigyan niya lang din ako tulad sa 'kin at ngumisi, "Hindi."Nanginig ang mga kamay ko dahil sa inis at galit. Mariin kong hinawakan ang kanyang mga buhok sa tuktok ng kaniyang ulo at hinila iyon pababa.Napapikit naman siya sa sakit no'n."Kung gano'n, hindi matatapos ang araw na ito na hindi nababahiran ng takot ang dibdib mo dahil sa 'kin."
EVERLEIGH"I just wanna say sorry about yesterday, miss Everleigh. Ako ang mali, si Miss Anitha ay walang ginawang masama. Sa tingin ko ay na-offend ka dahil sa paraan ko ng pagpuri ko kay Anitha habang ikaw ---"Okay lang po," sagot ko habang ang tingin sa kanya ay deretso.Ngumiti siya ng malit, "You're doing great sa klase ko, manatili ka lang sa gano'n, bibigyan kita ng malaking grades."Tumango ako," Salamat po.""Salamat sa pag-intindi. Sige na, maupo ka na sa upuan mo. I'm about to start na rin naman after 5 minutes."Makalipas ang dalawang oras ay break time na namin.Ang weird lang kasi nakita ko si Anitha kanina bago ako pumasok pero di siya umattend ng unang klase namin.Bakit ko naman na iniisip? Mabuti ngang wala siya, umiinit lang ang ulo ko kapag nakikita siya.Siguro'y natakot na siya. Wala sa sariling napangiti ako."Hindi, Everleigh. Dahil wala ka ng pinagkaiba sa kanila."'Wala kang alam
EVERLEIGHWala akong pinagsasabihan tungkol sa buhay ko sa loob ng bahay. Maging si Anitha ay alam din. Sa mga taong kilala ko, siya ang taong malabo kong pagsabihan nito dahil magkaaway kami. Ang lalaking nagngangalang Seven.Napabuga ako ng tawa. Isa pa iyon. Hindi ko siya kilala. FLASHBACK"Sino ka ba?" iritadong tanong ko. "Hindi naman siguro kailangan na kilala mo muna ako bago ko malaman ang kalagayan mo." Sagoy niya atsaka lamang tumayo ng ayos. "Isa kang babaeng 'di makabasag pinggan. Sa ganiyan kita unang nakilala, pero 'yong nakita ko kahapon? Kung gaano kalupit ang tita mo ay siya ring lupit mo sa—""Huwag mo akong ihalintulad sa kan'ya." Sagoy ko at umiwas ng tingin.END OF FLASHBACKNilayasan ko na siya na'n at hindi pinatapos sa pagsasalita.Hindi ko kailangan ng tulong ng iba, lalo na kung nakikita lang ako bilang isang babaeng walang awa. Hindi na ako sumipot pa sa mga susunod na klase.Bukod sa nahihiya na ako,
EVERLEIGH"Anong ginagawa mo rito?!" gulat kong tanong kay Seven. "Ako dapat ang magtanong niyan. Ano ang ginagawa mo rito?" pabalik niyang tanong sa akin habang si kuya naman ay nagpabalik-balik ang tingin sa amin. "Magkakilala kayo?" "Hindi, kuya.""Oo." Sinamaan ko siya ng tingin. Magkakilala ba kami?! Wow ba't di ko man lang alam?"Eve..." sa tonong iyon ni kuya ay pinagbabantaan niya na akong huwag akong magsisinungaling sa harap niya. Umirap ako, "Kuya, hindi talaga. Ako hindi ko siya kilala, pero siya ay oo. Kilala niya raw ako." "Paanong nakilala mo siya kung hindi ka naman pala niya kilala? Hindi naman artista 'yan." Si kuya. "Kilala siya sa school namin. Hindi ba't isa ka sa mga estudyanteng p'wedeng maging valedictorian?" tanong niya at hindi ko naman siya sinagot. "Ang talino naman pala niyan, lodi!" "Uy! Patulong naman! 'Yong girlfriend ko kasi nahihirapan sa math, hindi ko alam
EVERLEIGHMaingay. Maraming tao. Masikip. Kaya naman kagat-kagat ko ang labi at pinipilit huwag mahulog ang mga alak sa manipis na baso na iaabot sa mga bisita. Isa itong party at lahat ng mga tao rito ay talaga namang mamahalin ang suot. "Ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Seven at nakangiting tumango."Oo, ayos lang.""This is your wine, ma'am and sir." Nakangiting saad ko at tumango naman ang dalawa. Napatingin ako sa labas ng mansion at dahil salamin lang naman ang nagsilbing dingding ng mansion, mula rito sa loob ay kita mo ang malaking swimming pool na nagliliwanag dala ng ilaw mula sa ilalim nito.Wala pang lumalangoy, ang alam ko'y mamaya pa. Tulad ngayon, mag aabot din ako ng mga alak sa kanila mamaya habang sila ay nasa swimming pool.Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho at maingat na inaabot sa mga bisita ang mga alak. Natutuwa na akong isipin na ang magiging pera ko sa trabaho