Share

The Billionaire's Puppet
The Billionaire's Puppet
Author: Crysineee

Chapter 1

EVERLEIGH

Mula rito sa bakanteng lote, katabing barangay ng university na aking pinapasukan, narito ako upang bigyan leksyon si Anitha.

Pinahiya niya ako sa maraming tao at kahit na sino ay hindi matutuwa roon.

Hindi ko alam kung ano at saan siya kumukuha ng lakas ng loob sa bawat araw na sinasaktan ko siya.

Sa tuwing magkakaharap kami ay balewala lamang sa kaniya ang presensya ko. Hindi man lang tinatablan ng takot sa tuwing siya'y pinagbabantaan ko.

"Talaga bang 'di ka nasisindak sa akin?"

Matalas na titig ang ginawad ko sa kaniya, habang binibitawan ang mga katagang yon

Binigyan niya lang din ako tulad sa 'kin at ngumisi, "Hindi."

Nanginig ang mga kamay ko dahil sa inis at galit. Mariin kong hinawakan ang kanyang mga buhok sa tuktok ng kaniyang ulo at hinila iyon pababa.

Napapikit naman siya sa sakit no'n.

"Kung gano'n, hindi matatapos ang araw na ito na hindi nababahiran ng takot ang dibdib mo dahil sa 'kin."

Buong lakas ko siyang sinampal sa kanang pisngi, dahilan upang siya'y mapadapa sa lupa.

Narinig ko ang mahina niyang pag-hinga Humakbang ako palapit sa kaniya at hinawakan ang balikat niya at pinaharap sa akin.

Nasilayan ko naman ang kaunting dugo sa gilid ng labi niya at pamumula ng pisngi.

"Gaano ba kakapal ang mukha mo at hindi ka man lang uminda sa ginagawa ko sa 'yo, ha?"

"Gaano ka rin ba kahayop para gawin mo sa akin ang mga ito, ha?" mabilis na kanyang tanong.

Muling sinampal ko siya at namanhid na ang kanang palad ko dahil sa lakas ng sampal ko sa kanya.

"Wala kang konsensya. Akala mo ba ay walang masama sa ginagawa mong ito dahil lang sa hindi ka makalaban sa mga nang-aapi sa 'yo? Anong tingin mo sa ginagawa mo? Ganti?"

Nagulat ako. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Akala mo ba ay lagi kang tama kasi ikaw ang naapi? Kasi palaging ikaw ang kawawa?" Sunod niyang tanong.

"T-Tumigil ka," bulong ko at doon lang napansin na mas tumindi ang panginginig ng dalawa kong kamay.

"Hindi, Everleigh." Nakalolokong tawang aniya. "Dahil wala ka ng pinagkaiba sa kanila." Dagdag niya at nanlalaking matang tiningnan siya.

"Manahimik ka! Wala kang alam!" sigaw ko at sinipa siya sa dibdib dahilan upang siya'y mapahiga sa lupa.

---

"Umuwi ka pa?"

Napayuko ako sa bungad na iyon ng aking tiyahin.

"Tita, alam mo naman na wala na akong matutuluyang iba," bulong ko.

"Oo, alam ko. Kaya nga gustong gusto kitang itinataboy dito sa pamamahay ko dahil alam kong wala kang matutuluyang ibang bahay." Sagot niya at mabilis na namuo ang mga luha sa aking mga mata.

"Sorry, tita." Lumumok muna ako bago sabihin 'yan.

Wala akong kasalanan, pero na sa akin ang sisi.

Wala akong ginagawa pero palaging ako ang mali.

Maging ako ba ako ba ay katulad na rin nila? Hindi. Dahil mas masahol pa sila sa hayop.

"Sige. Magpalit ka na damit at ayon, simulan mo na mga labahin ko."

"Opo, tita."

Kasalukuyan kong tinitignan bawat bulsa ng aking mga lalabhan, baka kasi may importanteng papel at malabhan ko pa, tiyak na mayayari ako nito kay tiyahin.

Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ni Gillaine - anak ni tita, at may nakuha akong para doon na halagang isang libo.

Kasabay no'n ay ang pagsigaw ni Gillaine mula sa kanyang kwarto. "Nasaan ang pera ko?!" Sigaw niya at narinig ko ang pagtakbo niya pababa rito.

Dali-dali ko namang kinuha ang pantalon niya sa planggana at ibabalik ulit ang pera kung saan ko iyon nakuha.

" H-Hoy:Hoy!"

Mabilis akong napalingon at galit na nakaturo siya sa akin.

"Kinuha mo?" sigaw na kan'yang tanong at mabilis akong umiling.

"H-Hindi—"

"Kinuha mo! At kunwari ka pang ilalagay mo sa pantalon ko? Para ano? Para kunwari 'di mo kinuha?!" sigaw niya at padarag na kinuha sa akin ang pera at pantalon.

"H-Hindi! Hindi ko kinuha 'yan! Talagang na sa loob 'yan ng pantalon mo!"

"Sinungaling! Magnanakaw ko!" Sigaw niya at pinaghahampas sa akin ang pantalon.

"Aray! Hindi ko nga sabi kinuha—"

"ANO NA NAMAN 'YAN?!" sigaw ni tita Gale

Nagsimula namang kumabog ang dibdib ko. Sa sigaw pa lang ni tita ay natatakot na ako.

"Mama, ninakaw niya itong isang libo ko! pang-project ko to at allowance ko!"

" T-Tita—"

"ANO?!" sigaw ni tita at tinignan ako ng masama.

Hindi pa man ako nakakapagpaliwanag ay umiiyak na ako sa takot. Natatakot ako na baka ay tuluyan akong palayasin sa bahay.

"T-Tita, hindi. Hindi ko po 'yon magagawa." Umiiling na aking depensa pero sampal lang ang natamo ko sa kanya, imbes na pagtatanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

"Ang kapal ng mukha mong gawin 'yon! Ha bakit?! Dahil ba sa hindi kita binibigyan ng allowance mo?!'

Umiling ako, "Hindi, tita. Hindi po gano'n." Pagsagot ko habang kinikiskis ang magkabila kong palad.

"Please, tita Pakinggan mo muna ako."

"Pakinggan?! Eh kita na nga mismo ng dalawa kong mata na hawak-hawak mo itong pera ko at balak mo pang ilagay sa bulsa ng pantalon ko? Para ano? Para 'di namin malaman na magnanakaw ka?!" Pagsingit ni Gillaine dahilan upang lingunin ko siya.

"G-Gillaine naman," pagmamakaawang tawag ko sa kanya

"Nagmamakaawa ako, sabihin mo kay tita na hindi totoo ang mga bintang mo."

"Ha? Ano ako tanga? Eh nahuli na nga..."

Hindi niya na nasundan pa ang sinabi. Marahil naalala niya na na naisilid niya ang pera niya sa kan'yang pantalon.

"Gillaine, t-tita, tinitignan ko muna bawat bulsa ng pantalon, bago ko labhan at sa pantalon ko po iyon nakuha. Ibabalik ko na nga po sa kanya."

Pagtatanggol ko sa aking sarili at nilingon naman niya ang kanyang anak.

Nanlalaking matang umiling siya. "Syempre hindi yon totoo, mama! Kilala mo yan si Everleigh, ma. Sinungaling 'yan!"

Dinuro ako ni tita at matigas na sinabing, " Bukas ng gabi ay ayaw ko ng makita ра аng pagmumukha mo."

---

"HaHaHa yup. You're right, nasa pantalon ko nga ang pera. Thanks, pinaalala mo sa akin," bulong niya matapos akong lagpasan sa paglalakad patungong Iskwelahan.

Naiyakom ko ang kamao ko at hinabol siya "Bakit hindi mo sinabi kay tita ang totoo?"

Napaamang siya. "Just like what I said yesterday, ano ako tanga? Pft! Bye bye, loser." Maarteng sagot niya at tinalikuran na ako.

Nakakaisang hakbang pa lang siya ay nilingon niyang muli ako.

"Mabuti na rin 'yon ng mawala ka na sa bahay. Surang sura na kasi ako sa mukha mo."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. Mula naman sa convenience store ay nakita ko roon si Anitha sa gilid na nakatingin sa akin.

Nalagpasan siya ng tingin ko kaya mabilis kong binalik doon ang tingin at si Anitha nga.

Tatawid na sana ako para puntahan siya ngunit napabalik din ako matapos na pumreno ang kotse sa gilid ko.

"Mag papakamatay ka ba?" Inis na tanong ng driver pero 'di ko siya pinansin at naglakad na lang ulit papuntang university.

Mukha siyang tangang nakatingin sa akin sa malayo tss.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mea Alegrado Malalis
yieee ito ba yun ehe HAHAHHAA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status