EVERLEIGH
"Heto na po ang pagkain mo, madame." Si Cheska at nakangiting lumapit sa akin.Nakangiting bumangon ako. Hindi katulad noong unang araw ay hindi na masakit gaano ang katawan ko."Salamat," bulong ko at nagsimulang kumain."Oo nga po pala, si sir Ezra po ay umalis na muna. Mahigpit niya pong ipinagbabantay na huwag kayong magkikilos muna rito kahit pa medyo magaling na kayo."Tumango lang ako, "Ilang araw na ata ako rito. Malapit na akong mabulok."Natawa siya, "Hayaan niyo po at pag gumaling naman na kayo ng tuluyan ay maaari ka ng lumabas ng kwarto."Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto ng kwarto matapos na may kumatok doon."Buksan ko po muna," pagpapaalam ni Cheska."Sige.""Oh Ryker?" mabilis na humaba ang leeg ko dahil sa narinig."P'wede ko bang makausap si madame Everleigh?" tanong nito.Nilingon naman ako saglit ni Cheska. Nanlalaking mataEVERLEIGHPagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto. Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari. Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon. "Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko. Hindi ako nagtitiwala. Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion. "Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k
EVERLEIGHNapapikit ako matapos akong hilahin ni Alcair at itago sa mga bisig niya. Anong nangyayari?! "Nabisto na tayo ng isa sa kanila!" sigaw ni Tobias.Tumakbo siya sa may gilid ng pinto ng mansyon. Nagsisulputan naman ang iba pang mga tauhan ni Alcair. Huli ko silang nakita ay sa isla pa. Kasabay siguro ni Alcair ang mga ito kanina. Hinila naman ako ni Alcair paakyat at pumasok kami sa kwarto ko. "Dito ka lang, we're not done." Mabilis niyang sabi at tumakbo palabas ng kwarto at isinara 'yon. "Itutuloy niya pa rin ang pagtatangkang pagpatay sa akin? Eh paano kung mauna pa siya sa akin doon sa labas? Tsk! Hindi nag-iisip." ALCAIR'S POV Tumakbo ako palabas ng mansyon para samahan ang mga kasama ko na naroon. "Marami pa sila, boss!" si Tobias. "Si Everleigh? Nasaan?" si Jair. "Nasa kwarto niya, safe siya roon. Maghiwa-hiwalay tayo. Dito ako sa harap at bawat isa sa inyo ay sa bawat bahagi ng labas ng man
EVERLEIGH"Mabuti at wala kang naging sugat, Everleigh." Si Alistair matapos na punasan ang kan'yang baril. "Wala nga pero tignan mo, ang mga kamay niya nanginginig pa rin." si Tobias. "You need to get used to this, Everleigh. Ganito ang buhay sa mundong 'to." Si Alcair at wala akong naging sagot doon. "Tubig," pag-alok ni Jair sa akin sa pangalawang pagkakataon na tinanggap ko namang muli. "An-Anong oras na?" tanong ko. "Alas-sais na ng gabi," sagot ni Alistair. Tumayo ako, "Aalis na ako." "Sa mall tayo magkita bukas." si Alcair at tanging pagtango lang ang sagot ko sa kan'ya at sinamahan na ako ni Tobias palabas dito sa underground ng mansyon. ---"Saan ka galing?" pagtatanong ni Ezra matapos kong makapasok sa mansion. "Sorry, ginabi ako." "Nung niyaya kita sa labas ay hindi ka pumayag pero ang lumabas ngayon at gabi na umuwi ay okay lang sa 'yo?" tanong niya dahilan para maiwan na nakatulala ako sa kan'ya. "Paano nama
EVERLEIGHSa totoo lang ay napapagod na akong magpabalik-balik sa lungga ni Alcair. Pero wala naman akong magawa dahil alipin niya lang ako kung tutuusin. "Ang mag asawa lang ang p'wede sa event na 'yon, boss." Iyon agad ang narinig ko matapos kong makapasok. "P'wede pala kami ni Everleigh?" Kumunot noo ako sa narinig. "Ha? Anong ako?" tanong ko. "Pft! Nakalimutan na naman niya boss!" si Jair. "Sakit no'n. Insulto na 'yon sa akin na asawa." si Tobias naman. "Paano, hindi naman nagpapaka-husband si Alcair," natatawang bulong ni Alistair."P'wede bang manahimik kayo?!" sigaw naming dalawa dahilan para magkatitigan kami. Umubo naman si Jair, "Nandoon ang target natin. Mag ce-celebrate sila ng anniversary nila sa event na 'yon kasama ang iba pang mag-asawa." "Ang plano, a-attend kayong dalawa ni Everleigh doon dahil mag-asawa naman kayo. Si Tobias ay nasa labas ng lugar para magbantay sa mangyayari at kung dadating na ang ta
ALCAIRLumipas ang dalawang oras mahigit at nakikita ko na kay Everleigh ang pagkalasing. Sunod-sunod na ang pagtungga nito at napapahiyaw na lang ang mga kasama ko lalo na si Tobias. Ano naman kayang problema ng babaeng 'to?"What the fuck?" naibulong ko na lang matapos na humagulgol 'to bigla.T*ng*na nakakatawa si Everleigh sa hilatsa ng mukha niya! "May problema 'to e, pagpasok pa lang dito umiiyak na. Ano ba ang problema, Everleigh?" pagtatanong ni Alistair. "Oo nga, Everleigh. Ano ba 'yon? Makikinig kami." Si Jair habang hinihimas ang likod nito.Tss kunwari pang dadamayan, gusto lang talaga mahawakan ang likod. "Birthday ng kuya ko," bulong niya at natigilan kami. "Kuya? May kuya ka?" tanong ni Jair. Tumango siya, "Meron. Kuya-kuyahan ko lang, pero matagal na panahon na kaming magkasama kaya ang turingan namin sa isa't isa ay magkapatid na." Sagot niya at muling umingay ang pag-iyak niya. "Nalulungkot ako ngayon kas
EVERLEIGH"A-Argh..." daing ko at napahawak sa ulo habang ako ay bumangon sa pagkakahiga mula rito sa hindi ko kilalang kama. Dahan-dahan akong naglakad papuntang labas ng kwarto, napakabigat ng ulo ko at parang anumang oras ay matutumba ako. Paglabas ko naman ay nakita ko sila Jair, Tobias at Alistair. Naiwang tulala sa akin ang tatlo maging ako. "Anong nangyari?" tanong ko. Wala akong matandaan sa huling nangyari kagabi. Tinuro ni Alistair ang mukha ko, "Tumingin ka muna sa salamin bago ka lumabas ng kwarto.""H-Ha? Bakit?" pagtatanong ko. "May panis na laway ka, Everleigh." Natatawang pagsagot ni Jair sa akin at nanlalaking matang kumaripas ako ng takbo papasok ng kwarto. "Nakakahiyaaaa!" sigaw ko at pabagsak na hiniga ang sarili sa malambot na kama. "Hinga ng malalim, hinga." Ako at pinilit pakalmahin ang sarili. Matapos pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako. Hindi ko magawang maligo kahit gustuhin ko. Wala nama
EVERLEIGHLumipas ang mga araw na wala na akong naririnig tungkol sa kinakailangan kong pumunta kay Alcair. Ano kayang nangyari at biglang naging gano'n?Maging ang sa deadline ay wala rin nabanggit sa akin si Ryker na nangangahulugang naaalala ni Alcair. Nakalimutan niya kaya? Nawala sa isip niya? Mabuti 'yon hehe. "Ryker," pagtawag ko sa kan'ya. Nilingon naman ako nito at mabilis na nilapitan. "May kailangan ka po ba, madame Everleigh?" pagtatanong niya. "Wala bang pinag-uutos si Alcair?" "Bakit? Nami-miss mo na ba si boss?" Mabilis na gumusot ang mukha ko sa tanong niya. "Ano? Sira, hindi ah. Nanibago lang ako, parang nitong mga nakaraang araw kasi ay namaga ang paa ko kababalik sa kan'ya.""Tss, magpasalamat ka na lang." Ngisi niyang sagot."Oo na, sige na umalis ka na sa harap ko.""Magandang umaga, manang Mercelida." Ngiting bati ko rito. Ngumiti ito, "Magandang umaga rin. Kahahain ko lamang po ng pagka
EVERLEIGHHindi na mawala sa isipan ko ang huli naming naging pag-uusap ni Ezra.Tinatanong niya na ako ng mga ganoong bagay. Ibig sabihin ay may pag-aalinlangan na siya sa akin.Pero totoo naman ako pagdating sa kan'ya. Maliban na lang ang tungkol sa libro. Walang halong pagkukunwari lahat ng pag-aalala at mga sinasabi ko sa kan'ya.Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ulit ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Ezra. Siguro hanggang ngayon ay puno pa rin siya ng katanungan at hindi ako mapalagay na matutulog siya kasama ang mga tanong na 'yon."Honey?" pagtawag ko sa kan'ya mula rito sa pinto ng kan'yang kwarto. Dinikit ko naman ang kanan kong tainga upang marinig ang kan'yang sasabihin."Yes, honey? Pasok ka lang," rinig ko sa loob kaya naman marahan kong binuksan ang pinto nito. Sinarado ko muna iyon bago lumapit sa kan'ya na ngayon ay nakaupo at kaharap ang lamesa rito sa kwarto niya. "Hindi ba p'wedeng ipabukas mo na