EVERLEIGH
"Ako nga pala si Tobias at iyong lalaking hindi man lang nagdahan-dahan sa 'yo ay si Alistair. Pinsan niya si boss Alcair.""Wala akong paki," bulong ko at narinig ko ang mahina niyang tawa at ramdam na ramdam ko ro'n ang inis."Bago pa kayo magkwentuhan ni boss, bakit hindi muna tayo ang magkwentuhan, 'di ba?" tanong ni Tobias ngunit 'di ko siya pinansin at sinuksok pa lalo ang sarili sa isang sulok."H-Huwag mo 'kong hawakan," nandidiring bulong ko at iniiwas sa kan'ya ang aking mukha matapos niyang ipadulas ang hintuturo niya pababa sa aking ilong.Nakakadiri ang pagiging malambing ng boses niya. "Lumayo ka sa a-akin!" sigaw ko at itinulak siya. "Huwag mo akong lalapitan!""Ang arte mo, ah! Diring-diri?!" sigaw na tanong niya at nang akmang sasampalin niya ako ay may biglang dumating."May permiso ko ba para pagbuhatan mo siya ng kamay o ang kahit idampi ang balat mo sa balat niya?" nanindig ang balahibo ko sa bEVERLEIGH"H-Hindi ako sanay sa mga ganiyang damit. Sayang lang ang pera—" "Nagagawa mo pang manghinayang sa pera ngayong isang bilyonaryo naman ang gagastos para sa 'yo, kakaiba ka." Nakalolokong sabi ng designer at napabuntong hininga na lang ako. Saan ko naman susuutin ang mga ganoong damit? Mamahalin at talagang hindi bagay sa akin. "Hindi naman bagay sa akin," bulong ko at napatingin siya sa akin. "Insulto na sa akin 'yan, miss Evangelista. Hindi ako ang tatawagan ni sir Parker kung hindi ko alam kung ano ang damit na babagay sa 'yo. Tiwala ka lang sa akin." Taas noong sagot niya at hindi na ako nagsalita pa. "Sa susunod na ang singsing, for now, I should probably kiss my wife, right?" Parang sirang plakang umulit na naman 'yan sa isipan ko. Sir*ulo ba siya? Oo, sir*ulo ngang talaga siya. Kahit ang first kiss ko ay kinuha niya pa sa akin! Sir*ulo! Sir*ulo! Sir—"Aaaiissshhh!" sigaw ko na dahil sa inis.
EVERLEIGH Inilibot ko ang paningin ko at mula sa ilalim ng hagdan papuntang pangalawang palapag na kinalalagyan mismo ng casino, nakita ko roon ang iilang tubo. Kinalabit ko si Mateo. "Bakit po, madame?" tanong niya. "Sugurin mo sila," bulong ko at napaamang siya. "Pero 'di ko sila kaya." Sagot niya at pinarinig sa kan'ya ang buntong hininga ko na nagpapakita ng pagkadismaya. "Anong kwenta pala na ikaw ang kanang kamay ni Ezra kung 'di mo sila kaya?" tanong ko at nagulat naman siya. "W-What?!" "Babae ako ng boss mo at sa tingin ko ay nararapat na sundin mo ako." Mapag-utos kong sabi at no choice na sinunod ako. Matapos na siya'y sumugod, nakuha agad ni Mateo ang atensyon ng mga ito, dahilan upang magkaroon naman ako ng tyansa upang makatakbo at makuha ang tubong aking nakita mula sa sulok. At gusto kong ipagpasalamat na hindi iyon mabigat para sa akin. Pero bago
EVERLEIGH"Okay. Just please, you must come here at the right time. Alam niyo ang mga ayaw ko." Hanggang sa makababa sa hagdan, ang paningin ko ay nasa likod lamang ni Ezra na ngayon ay kapapatay lang ng tawag. Nilapitan ko siya mula sa dingding ng mansyon na salamin at katulad niya, pinagmasdan ko ang bawat tubig ulan na dumudulas mula roon. "We're leaving later, and the ones I assigned to choose what you'll wear are also coming." Mabilis na lumipas ang oras at mula rito sa ikalawang palapag ng mansion ay kalalabas ko lang ng kwarto matapos maayos ang aking suot. Pagdating ko sa unahan ng hagdan, mula rito ay nakita ko si Ezra na naghihintay sa akin sa pinakadulo ng hagdan. Pumalakpak naman ang babaeng pumili sa damit ko dahilan upang mapalingon sa amin si Ezra at nauwing nakatingin sa akin. "Madame Evangelista was wearing a red velvet off-shoulder long sleeves and a butterfly-shaped red and black mask. Mister Parke
EVERLEIGHHabang ako ay nasa banyo habang naliligo, bigla ay lumitaw na naman sa isip ko ang ginawang paghapit ni Alcair sa aking bewang kagabi. Kinilabutan ako sa ginawa niyang iyon. Nagpa-ulit-ulit pa sa akin ang mahinang sigaw ko. Napapikit ako ng mariin. Dapat talaga ay maiwasan ko siyang makita, maliban na lang kung tungkol sa trabaho ko kay Ezra. Umalis muli si Ezra at hindi ko na nagawa pang itanong kung saan iyon dahil matapos kong maligo ay umalis na raw siya. Pagdating sa paalis-alis ko sa mansyon, hindi iyon naging problema pagdating sa kan'ya dahil binibigyan niya ako ng kalayaan. Kahit papaano ay may safe place rito para sa akin. Ang mundong ito ay hindi naman pala gano'n kadelikado para sa akin. Ngayon ay sa ibang mall naman ang punta ko. Ang sabi sa akin ni Ryker ay pagmamay-ari ito ni Alcair ngunit sa ibang pangalan niya. Mas pinili niya na rito kami magkita upang hindi malaman ni Ezra na nagk
EVERLEIGH"AY NASUNOG!" sigaw ko matapos makita ang pancake na aking ginawa. Ibibigay ko sana ito kay Ezra ngayong umaga, at makahingi na rin ng tawad dahil sa nagawa ko kagabi. Kung tutuusin, ako ang mali. Binili niya ako at wala akong karapatang tumutol sa gusto niyang gawin, kaso ay hindi pa ako handa sa ganoong bagay, at sana ay naiintindihan niya ako. Umaasa ako, na sana nga maintindihan niya ako. Bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya ay huminga muna ako ng malalim. Ngumiti ako at pinilit maging natural pagdating sa kan'ya ngayon para hindi siya mailang. Binuksan ko ang kurtina ng kwarto niya saka lumapit sa kan'ya habang dala-dala ang isang pancake at kape na aking ginawa para sa kan'ya. "Good morning." Ngiti kong sabi sa kan'ya at napatitig naman siya sa akin. "Coffee oh, Ezra." Pag-alok ko sa kan'ya at napatingin sa pancake na gawa ko at sunog pa talaga. Nag-aalangan akong ibigay iyon sa kan'ya ngunit n
EVERLEIGH"Bakit mo 'ko tuturuan ng self defense? Parang binibigyan mo na rin ako ng pagkakataon na makalaban sa 'yo kapag binalak mo na akong patayin."Tinignan niya ako, "Dahil sa sinabi mo, parang binigyan mo na rin ako ng pagkakataon na patayin na kita ngayon hangga't wala ka pang natututunan."Napaawang naman ang bibig ko at naiwang tameme."Magsimula na tayo," bulong niya at ilang hakbang mula sa akin ay tumayo siya roon."When someone has bad intention towards you, guard your face and maintain a defensive posture like this." Aniya at katulad ng sinabi niya ay hinarang niya ang braso sa mukha. Pero hindi naman ganoon nakaharang. Ang kaliwang paa naman niya ay medyo nasa unahan, habang ang kanan na paa niya ay nasa likuran nito at may pagitan din ang dalawa."Kung gusto mo agad matapos ang laban, patamaan mo sa mata o sa ilong. The eyes and nose are the most sensitive soft spots on your attacker's face. Pag-aaral
EVERLEIGHNanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit.Ang lakas ng loob niya!Sa papel lang naman kami mag-asawa at hindi niya ako pagmamay-ari."A-Aarrgghhh!" sigaw ko dala ng pagkairita.Mula sa labas ng Mall, sa gilid nito ay may tumatawag na bermuda grass. Maraming nagtatambay dito dahil sa sariwang hangin at pumunta ako rito para lang lumamig ang ulo ko.Binalewala ko ang tingin ng iba at kahit yayamanin ang suot ko ay nahiga ako roon at tinignan ang asul na kalangitan.Mula naman rito, ang isip ko lumipad na sa kabilang mundo.Oo, tinuring ko ng ibang mundo itong kinalalagyan ko ngayon.Dito na siguro ako mamamatay.At mamamatay ako na hindi pa rin naipapaliwanag kung ano ba talaga ang totoong nangyari.Bigla naman ay pumasok sa isipan ko si kuya. "Musta na kaya siya?" wala sa sariling naitanong ko.Nawala siya sa isip ko dahil sa mg
EVERLEIGHHindi pa ata ako umaabot ng isang linggo sa puder niya pero gumagaan na ang loob ko sa kan'ya. ‘Nasaan na ang astig na Everleigh na nakilala ko?’"Mukhang lumilipad ang isip mo, ah?" nagugulat na napalingon ako sa gilid ko. Si Alistair. Hindi naman ako nagsalita. "Habang naglalakad tayo papunta kay boss, may gusto sana akong itanong." Hindi ko siya nilingon, "Ano iyon?" tanong ko at nanatiling sa daan ang tingin. "Hindi ka naman siguro magugulat kung naghanap ako ng impormasyon tungkol sa 'yo, 'di ba?" tanong niya at tumango ako. "Iyon ba ang tanong mo? Hindi ko na siguro kailangan ng sagot diyan dahil madali lang naman malaman kung ano ang magiging sagot ko." "Tsk. Hindi iyon ang pinaka-tanong ko." "Ano pala kung gano'n?" "Wala akong nakuhang ano mang impormasyon tungkol sa 'yo. Ang tanong ko ay sino ka. Sino ka ba, Everleigh? At anong pagkatao mo?" Maliit na ngumiti ako, "Noong tinatanong niyo ako kung paano