EVERLEIGH
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit.Ang lakas ng loob niya!
Sa papel lang naman kami mag-asawa at hindi niya ako pagmamay-ari.
"A-Aarrgghhh!" sigaw ko dala ng pagkairita.
Mula sa labas ng Mall, sa gilid nito ay may tumatawag na bermuda grass. Maraming nagtatambay dito dahil sa sariwang hangin at pumunta ako rito para lang lumamig ang ulo ko.
Binalewala ko ang tingin ng iba at kahit yayamanin ang suot ko ay nahiga ako roon at tinignan ang asul na kalangitan.
Mula naman rito, ang isip ko lumipad na sa kabilang mundo.
Oo, tinuring ko ng ibang mundo itong kinalalagyan ko ngayon.
Dito na siguro ako mamamatay.
At mamamatay ako na hindi pa rin naipapaliwanag kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
Bigla naman ay pumasok sa isipan ko si kuya. "Musta na kaya siya?" wala sa sariling naitanong ko.
Nawala siya sa isip ko dahil sa mg
EVERLEIGHHindi pa ata ako umaabot ng isang linggo sa puder niya pero gumagaan na ang loob ko sa kan'ya. ‘Nasaan na ang astig na Everleigh na nakilala ko?’"Mukhang lumilipad ang isip mo, ah?" nagugulat na napalingon ako sa gilid ko. Si Alistair. Hindi naman ako nagsalita. "Habang naglalakad tayo papunta kay boss, may gusto sana akong itanong." Hindi ko siya nilingon, "Ano iyon?" tanong ko at nanatiling sa daan ang tingin. "Hindi ka naman siguro magugulat kung naghanap ako ng impormasyon tungkol sa 'yo, 'di ba?" tanong niya at tumango ako. "Iyon ba ang tanong mo? Hindi ko na siguro kailangan ng sagot diyan dahil madali lang naman malaman kung ano ang magiging sagot ko." "Tsk. Hindi iyon ang pinaka-tanong ko." "Ano pala kung gano'n?" "Wala akong nakuhang ano mang impormasyon tungkol sa 'yo. Ang tanong ko ay sino ka. Sino ka ba, Everleigh? At anong pagkatao mo?" Maliit na ngumiti ako, "Noong tinatanong niyo ako kung paano
EVERLEIGH "Everleigh, buksan mo na 'tong pinto, please?" si Ezra at sunod-sunod na ang pagkatok sa pinto. "W-Wait lang," Hindi na ako magkandaugaga sa paglalagay ng concealer na mahaharangan ang pasa ko sa may mukha. Hindi niya ako p'wedeng makitang ganito. Kahit pa wala naman akong kasiguraduhan kung may pakialam ba siya kung sakaling makita niya 'to. "Thanks God, binuksan niya rin!" si Ezra habang nakaupo sa sahig kaharap ng pinto ng kwarto. Natawa naman ako, "Bakit ka ba nagkakagan'yan?" tanong ko at tumayo naman siya. "Honey, I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya—" "Ano ka ba? Sinabi ko na sa 'yo, okay lang sa akin." "Liar. Kung gano'n ay bakit hindi mo man lang ako nilingon kanina? Umiyak ka ba? Sorry na," malungkot niyang ani. "H-Hindi. Ayos lang, walang problema sa akin 'yon. Bago pa ako dumating sa 'yo ay ganoon ka na talaga, 'di ba? Kaya wala akong karapatang pigilan ka dahil binili—" "So kung may karapatan k
EZRA"Napapansin ko na nagiging malapit ka na sa babae. Alam mong hindi 'yon maaari sa organisasyon natin." Komento ni Luther. Ang bago kong pinagkakatiwalaan sa pera na lumalabas at pumapasok sa organisasyon. "Stupid. Ganoon talaga si Ezra sa mga nagiging babae niya, 'di ba Ezra?" Pagtutol ni Chester. Tumango ako, "Kailangan na maipakita ko na siya ang kahinaan ko para malaman ko kung sino ang mga tunay kong kalaban." Pumalakpak si Chester na para bang tuwang-tuwa dahil tumumpak siya. "HAHAHAHA well," "About Everleigh, wala akong nakuhang impormasyon sa kan'ya. Alam kong hindi mo pinag-utos sa akin ang bagay na ito pero tinrabaho ko na dahil iniisip ko na baka masyado kang kampante sa babaeng 'yon." Si Archie. Magaling siya pagdating sa mga computer. Siya rin ang inaatasan ko pagdating sa pagkakalap ng ano mang impormasyon sa iba't ibang tao. "You don't need to do that. I know her, I know all about her." Mahinang sagot ko at napangiti ng
EVERLEIGH"H-Ha..." Mahinang hininga ang nilabas ng bibig ko matapos na magising. Mabilis na gumusot ang mukha ko sa naramdamang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko kahit pa hindi ko maimulat ng maayos ang kanan kong mata. "N-Nasa'n ako?" nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. "Ezra!" "Wala rito si Ezra." Nilingon ko ang lalaking nagsalita na 'yon. "Sino ka?! Anong ginawa ko sa 'yo?!" sigaw kong tanong at pilit kumakawala sa pagkakatali ng dalawa kong kamay. "Wala. Pero si Ezra meron." Sagot niya."Kung gano'n ay bakit ako ang kinuha niyo at hindi siya?" puno ng galit kong tanong 'yon. Natawa siya, "Bakit? Hahayaan mo bang makitang masasaktan siya?" pagtatanong nito at natigilan ako. Mas lumakas ang tawa niya, "Matagal ko 'tong hinintay! Sa lahat ng mga naging babae niya, ikaw lang napansin ko na tunay niyang pinahalagahan, hindi lang ang katawan mo. Tiyak na may nangyari na sa in—" "
EVERLEIGH"AAAAHHHHH!" todo kong sigaw matapos mabugbog ng sobra. "Kung papatayin niyo ako ay barilin niyo na ako!" "Hindi masaya ang gano'n, maganda ang dinadahan-dahan." Sinipa ako sa mukha ng isang lalaki. Sumunod ay tinuhod naman ako ng kasama pa nito sa tiyan. Napaubo na ako ng dugo. "Hindi naman siguro magagalit si boss kung galawin natin 'to, wala rin naman pakialam sa kan'ya si Ezra. Wala na ring kwenta pa ang babaeng 'to." Umiling ako, "Huwag. Nagmamakaawa ako, patayin niyo na lang ako ng walang ginagawang ganito." Pagmamakaawa ko at napaluhod na sa kanilang harap. Nginisihan lang ako ng isang lalaki at mabilis na lumapit. "Tumayo ka!" sigaw niya at hinila ang buhok ko paitaas. "Huwag!" sigaw ko at pinipigilan ang kamay nito na nasa aking damit. Pero wala akong nagawa at malaya niya iyong napunit. Nagsigawan silang tatlo na nasa aking harapan ngayon. Napatili ako matapos na ihiga ako nito sa sahig. "Huwag!" sigaw ko
EVERLEIGH "Kahit nakahiga ka lang, nagawa mong inisin si Sylvie. Grabe tabas ng bibig mo, ah." Si Jair at natatawa. Huminga ako ng malalim, "Babalik ba ulit ako kay Ezra agad?" Umayos siya ng upo, "Sa tingin ko. Paniguradong hahanapin ka ni Ezra." "Hindi niya ako hahanapin. Hinayaan niya nga ako sa ganoong sitwasyon." Sagot ko at pumikit.Minulat ko rin agad ang mata ko, "Alam niyo ba ang dahilan kung bakit ako dinakip ng mga taong 'yon?" "Malaki ang kasalanan ni Ezra sa mga Williams—" "Jair, pinapatawag ka ni boss. Hayaan mo muna makapagpahinga si Everleigh." Pagsulpot ni Tobias. "Sige sige," si Jair at nilingon ako. "Labas muna ako, magpahinga ka." Tumango lang ako bago siya mawala sa paningin ko. Mas pinili ko muna ang matulog dahil sa paraan na 'to lang ako makakapagpahinga. Baka mamaya pag-gising ko ay kailangan ko na ulit makabalik kay Ezra. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko siya haharapin. Kung ano-ano a
EVERLEIGH"Heto na po ang pagkain mo, madame." Si Cheska at nakangiting lumapit sa akin. Nakangiting bumangon ako. Hindi katulad noong unang araw ay hindi na masakit gaano ang katawan ko."Salamat," bulong ko at nagsimulang kumain. "Oo nga po pala, si sir Ezra po ay umalis na muna. Mahigpit niya pong ipinagbabantay na huwag kayong magkikilos muna rito kahit pa medyo magaling na kayo." Tumango lang ako, "Ilang araw na ata ako rito. Malapit na akong mabulok." Natawa siya, "Hayaan niyo po at pag gumaling naman na kayo ng tuluyan ay maaari ka ng lumabas ng kwarto." Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto ng kwarto matapos na may kumatok doon. "Buksan ko po muna," pagpapaalam ni Cheska. "Sige." "Oh Ryker?" mabilis na humaba ang leeg ko dahil sa narinig. "P'wede ko bang makausap si madame Everleigh?" tanong nito. Nilingon naman ako saglit ni Cheska. Nanlalaking mata
EVERLEIGHPagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto. Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari. Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon. "Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko. Hindi ako nagtitiwala. Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion. "Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k