EVERLEIGH"H-Ha..." Mahinang hininga ang nilabas ng bibig ko matapos na magising. Mabilis na gumusot ang mukha ko sa naramdamang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko kahit pa hindi ko maimulat ng maayos ang kanan kong mata. "N-Nasa'n ako?" nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. "Ezra!" "Wala rito si Ezra." Nilingon ko ang lalaking nagsalita na 'yon. "Sino ka?! Anong ginawa ko sa 'yo?!" sigaw kong tanong at pilit kumakawala sa pagkakatali ng dalawa kong kamay. "Wala. Pero si Ezra meron." Sagot niya."Kung gano'n ay bakit ako ang kinuha niyo at hindi siya?" puno ng galit kong tanong 'yon. Natawa siya, "Bakit? Hahayaan mo bang makitang masasaktan siya?" pagtatanong nito at natigilan ako. Mas lumakas ang tawa niya, "Matagal ko 'tong hinintay! Sa lahat ng mga naging babae niya, ikaw lang napansin ko na tunay niyang pinahalagahan, hindi lang ang katawan mo. Tiyak na may nangyari na sa in—" "
EVERLEIGH"AAAAHHHHH!" todo kong sigaw matapos mabugbog ng sobra. "Kung papatayin niyo ako ay barilin niyo na ako!" "Hindi masaya ang gano'n, maganda ang dinadahan-dahan." Sinipa ako sa mukha ng isang lalaki. Sumunod ay tinuhod naman ako ng kasama pa nito sa tiyan. Napaubo na ako ng dugo. "Hindi naman siguro magagalit si boss kung galawin natin 'to, wala rin naman pakialam sa kan'ya si Ezra. Wala na ring kwenta pa ang babaeng 'to." Umiling ako, "Huwag. Nagmamakaawa ako, patayin niyo na lang ako ng walang ginagawang ganito." Pagmamakaawa ko at napaluhod na sa kanilang harap. Nginisihan lang ako ng isang lalaki at mabilis na lumapit. "Tumayo ka!" sigaw niya at hinila ang buhok ko paitaas. "Huwag!" sigaw ko at pinipigilan ang kamay nito na nasa aking damit. Pero wala akong nagawa at malaya niya iyong napunit. Nagsigawan silang tatlo na nasa aking harapan ngayon. Napatili ako matapos na ihiga ako nito sa sahig. "Huwag!" sigaw ko
EVERLEIGH "Kahit nakahiga ka lang, nagawa mong inisin si Sylvie. Grabe tabas ng bibig mo, ah." Si Jair at natatawa. Huminga ako ng malalim, "Babalik ba ulit ako kay Ezra agad?" Umayos siya ng upo, "Sa tingin ko. Paniguradong hahanapin ka ni Ezra." "Hindi niya ako hahanapin. Hinayaan niya nga ako sa ganoong sitwasyon." Sagot ko at pumikit.Minulat ko rin agad ang mata ko, "Alam niyo ba ang dahilan kung bakit ako dinakip ng mga taong 'yon?" "Malaki ang kasalanan ni Ezra sa mga Williams—" "Jair, pinapatawag ka ni boss. Hayaan mo muna makapagpahinga si Everleigh." Pagsulpot ni Tobias. "Sige sige," si Jair at nilingon ako. "Labas muna ako, magpahinga ka." Tumango lang ako bago siya mawala sa paningin ko. Mas pinili ko muna ang matulog dahil sa paraan na 'to lang ako makakapagpahinga. Baka mamaya pag-gising ko ay kailangan ko na ulit makabalik kay Ezra. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko siya haharapin. Kung ano-ano a
EVERLEIGH"Heto na po ang pagkain mo, madame." Si Cheska at nakangiting lumapit sa akin. Nakangiting bumangon ako. Hindi katulad noong unang araw ay hindi na masakit gaano ang katawan ko."Salamat," bulong ko at nagsimulang kumain. "Oo nga po pala, si sir Ezra po ay umalis na muna. Mahigpit niya pong ipinagbabantay na huwag kayong magkikilos muna rito kahit pa medyo magaling na kayo." Tumango lang ako, "Ilang araw na ata ako rito. Malapit na akong mabulok." Natawa siya, "Hayaan niyo po at pag gumaling naman na kayo ng tuluyan ay maaari ka ng lumabas ng kwarto." Sabay kaming napalingong dalawa sa pinto ng kwarto matapos na may kumatok doon. "Buksan ko po muna," pagpapaalam ni Cheska. "Sige." "Oh Ryker?" mabilis na humaba ang leeg ko dahil sa narinig. "P'wede ko bang makausap si madame Everleigh?" tanong nito. Nilingon naman ako saglit ni Cheska. Nanlalaking mata
EVERLEIGHPagsapit ng kinaumagahan, dahil magaling na ako ay p'wede na ako muling lumabas ng kwarto. Pero hanggang dito lang ako sa loob ng mansion. Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa rin akong lumabas-labas matapos ng nangyari. Ayokong maulit 'yon o may mangyari ulit na mas malala pa roon. "Labas tayo?" napatingin ako kay Ezra nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin. Okay na ang isang beses na lumabas kami para matakot ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Matapos ng mga binitawan mong salita nang kasalukuyan akong nasa impyerno. Maibibigay ko pa rin ba ng buo ang tiwala ko?Hindi ako sumagot sa kan'yang tanong at doon pa lang ay alam niya na ang naging sagot ko. Hindi ako nagtitiwala. Natatakot pa rin ako at hanggang dito lang ako sa mansion. "Hmm okay. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas at dito na lang tayo k
EVERLEIGHNapapikit ako matapos akong hilahin ni Alcair at itago sa mga bisig niya. Anong nangyayari?! "Nabisto na tayo ng isa sa kanila!" sigaw ni Tobias.Tumakbo siya sa may gilid ng pinto ng mansyon. Nagsisulputan naman ang iba pang mga tauhan ni Alcair. Huli ko silang nakita ay sa isla pa. Kasabay siguro ni Alcair ang mga ito kanina. Hinila naman ako ni Alcair paakyat at pumasok kami sa kwarto ko. "Dito ka lang, we're not done." Mabilis niyang sabi at tumakbo palabas ng kwarto at isinara 'yon. "Itutuloy niya pa rin ang pagtatangkang pagpatay sa akin? Eh paano kung mauna pa siya sa akin doon sa labas? Tsk! Hindi nag-iisip." ALCAIR'S POV Tumakbo ako palabas ng mansyon para samahan ang mga kasama ko na naroon. "Marami pa sila, boss!" si Tobias. "Si Everleigh? Nasaan?" si Jair. "Nasa kwarto niya, safe siya roon. Maghiwa-hiwalay tayo. Dito ako sa harap at bawat isa sa inyo ay sa bawat bahagi ng labas ng man
EVERLEIGH"Mabuti at wala kang naging sugat, Everleigh." Si Alistair matapos na punasan ang kan'yang baril. "Wala nga pero tignan mo, ang mga kamay niya nanginginig pa rin." si Tobias. "You need to get used to this, Everleigh. Ganito ang buhay sa mundong 'to." Si Alcair at wala akong naging sagot doon. "Tubig," pag-alok ni Jair sa akin sa pangalawang pagkakataon na tinanggap ko namang muli. "An-Anong oras na?" tanong ko. "Alas-sais na ng gabi," sagot ni Alistair. Tumayo ako, "Aalis na ako." "Sa mall tayo magkita bukas." si Alcair at tanging pagtango lang ang sagot ko sa kan'ya at sinamahan na ako ni Tobias palabas dito sa underground ng mansyon. ---"Saan ka galing?" pagtatanong ni Ezra matapos kong makapasok sa mansion. "Sorry, ginabi ako." "Nung niyaya kita sa labas ay hindi ka pumayag pero ang lumabas ngayon at gabi na umuwi ay okay lang sa 'yo?" tanong niya dahilan para maiwan na nakatulala ako sa kan'ya. "Paano nama
EVERLEIGHSa totoo lang ay napapagod na akong magpabalik-balik sa lungga ni Alcair. Pero wala naman akong magawa dahil alipin niya lang ako kung tutuusin. "Ang mag asawa lang ang p'wede sa event na 'yon, boss." Iyon agad ang narinig ko matapos kong makapasok. "P'wede pala kami ni Everleigh?" Kumunot noo ako sa narinig. "Ha? Anong ako?" tanong ko. "Pft! Nakalimutan na naman niya boss!" si Jair. "Sakit no'n. Insulto na 'yon sa akin na asawa." si Tobias naman. "Paano, hindi naman nagpapaka-husband si Alcair," natatawang bulong ni Alistair."P'wede bang manahimik kayo?!" sigaw naming dalawa dahilan para magkatitigan kami. Umubo naman si Jair, "Nandoon ang target natin. Mag ce-celebrate sila ng anniversary nila sa event na 'yon kasama ang iba pang mag-asawa." "Ang plano, a-attend kayong dalawa ni Everleigh doon dahil mag-asawa naman kayo. Si Tobias ay nasa labas ng lugar para magbantay sa mangyayari at kung dadating na ang ta