Slow Dancing in the Dark

Slow Dancing in the Dark

last updateLast Updated : 2022-11-16
By:   Reianne M.  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
37Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ayon kay Lao Tzu, a Chinese philosopher, be content with what you have; rejoice in the way things are. When you realize there is nothing lacking, the whole world belongs to you—na siyang isinasabuhay ko. I only have my mother and my two friends, Charlynn and Reisha. My mother works for Charlynn's family. We are not really poor and definitely we're also not rich but we're living comfortably. Nevertheless, I am contented with my life. But, after meeting the man that I like, I started to dream for more. I started to ask for more just to equal his riches even though I know for sure that it was impossible. Life is meaningful. Full of life lessons, full of challenges, and battles that you need to surpass. Pero no'ng nawala sa akin si Mama, iyon ang hindi ko kinaya. Sinisi ko sa lahat ang pagkawala niya. Nagtanim ako ng galit sa pamilya na tinuturing kong pangalawa kong pamilya. And he was there, just accepting my madness. But, what if everything that I believed was all a lie? Paano kung lahat ng sinisi ko, maling tao? Would I be able to get to his life again? Or our memory will remain just like how we first met? Dark.

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

SimulaHindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa batang hawak ko. Malakas itong umiiyak habang nasa braso ko. Tumingala ako kay Tita Janah, nanghihingi ng tulong ngunit alam kong wala rin siyang alam sa ganitong bagay. "Maybe she's h-hungry, Hija," natatarantang sabi nito sa akin habang nakaalalay sa braso kong nanginginig dahil sa pagkakabuhat sa bata.Sinunod ko ang sinabi niya. At gaya ng sinabi niya, mukhang gutom nga ito dahil agad itong tumahimik nang padedein ko. Napangiti pa ako nang hawakan nito ang daliri ko na humahaplos sa kaniyang pisngi.Hindi ko kailanman pinangarap maging ina pero masaya ako sa kung anong binigay na sigla ng anak ko sa buhay ko."I know this is hard for you that's why I'm telling you na I'm so proud of you, Gab."Napapikit ako nang haplusin ni Tita Janah ang aking buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I missed Mama.Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama. Pinagawa ko talaga ito para kasama ko siya lagi. Mapait a...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
37 Chapters
Simula
SimulaHindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa batang hawak ko. Malakas itong umiiyak habang nasa braso ko. Tumingala ako kay Tita Janah, nanghihingi ng tulong ngunit alam kong wala rin siyang alam sa ganitong bagay. "Maybe she's h-hungry, Hija," natatarantang sabi nito sa akin habang nakaalalay sa braso kong nanginginig dahil sa pagkakabuhat sa bata.Sinunod ko ang sinabi niya. At gaya ng sinabi niya, mukhang gutom nga ito dahil agad itong tumahimik nang padedein ko. Napangiti pa ako nang hawakan nito ang daliri ko na humahaplos sa kaniyang pisngi.Hindi ko kailanman pinangarap maging ina pero masaya ako sa kung anong binigay na sigla ng anak ko sa buhay ko."I know this is hard for you that's why I'm telling you na I'm so proud of you, Gab."Napapikit ako nang haplusin ni Tita Janah ang aking buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I missed Mama.Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama. Pinagawa ko talaga ito para kasama ko siya lagi. Mapait a
last updateLast Updated : 2022-10-24
Read more
Kabanata 1
Dance.I don't know how and what happened to our relationship. Lahat naman sa amin noon ay maayos. It feels like we're perfect for each other, like we're destined to be together. I can still remember how we met before. It was my 18th birthday...It was my first time having a party on my birthday. Nasanay ako sa simpleng pagluluto sa akin ni Mama ng Carbonara noon tuwing birthday ko. Minsan may cake, minsan wala pero okay lang 'yon dahil hindi ko rin naman ito hilig.Ang importante lang sa akin noon tuwing birthday ko ay kasama si Mama.Siya na kasi ang kasama ko noon pa man. Nang maghiwalay sila ni Papa, wala akong ibang naging kakampi sa buhay kundi si Mama lang. Ngayon, walang mapaglagyan ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin. Umikot pa ako habang ngiting-ngiti na hawak ang aking gown na pinagawa para sa akin."Dalaga na ang anak ko," ani Mama habang nangingilid ang luhang nakatingin sa akin.Napatingin tuloy ako sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit."Sobrang saya ko ngayon
last updateLast Updated : 2022-10-24
Read more
Kabanata 2
Beautiful.Gusto kong sisihin ang sarili ko nang kinabukasan ay lahat kaming magkaka-klase ay may hangover. Maski ang mga schoolmates namin ay mukhang hindi makamove on sa party kagabi dahil bukambibig nila ito. Maliit na bayan lang ang Pontevedra kaya tuwing may salo-salo, alam na agad ito ng lahat. Kilalang pamilya rin kasi sina Cha dahil isa sila sa bilang na mayayaman dito."Mukhang enjoy ang debut mo last night, Ms. Bernal," ani Mrs. Flores nang pumasok ito sa classroom namin.Sabay-sabay kaming nagtayuan nang malaman ang presensya niya.Napayuko ako dahil sa guilt na nararamdaman, "Sorry po, Ma'am."Humalakhak lang ito saka umiling sa akin, "No, it's fine. Isang beses lang sa buhay natin ang debut at dapat lang na i-enjoy mo iyan. Wala rin naman tayong gagawin ngayon kundi ang kaunting reviews dahil sa final examination next week."Binigyan niya lang kami ng kaunting review at iilang reviewers. Pati na rin ang mga topic na kailangan naming aralin at pagtuunan ng pansin. "Goodl
last updateLast Updated : 2022-10-24
Read more
Kabanata 3
Awkward."Inis na inis talaga ako sa bwisit na Alexander na 'yon. Akala mo naman gwapo e mukha namang unggoy," reklamo ni Cha habang naglalakad papunta sa canteen.Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Natapos ang reporting namin kay Ms. Reyes pero pinaulanan kami ng tanong ng senior namin. Nasagot naman namin ito lahat ng walang kahirap-hirap. Iyon nga lang, napikon si Cha dahil tumagal ang break time dahil sa mga tanong nito.Absent na naman kasi si Ms. Reyes dahil may emergency sa kanilang bahay. Pinatawag na lang ang practicing teacher na si Alexander. Vinideohan niya lang ang reporting namin para ipakita ito kay Ma'am. Bawal na kasing maantala ulit ang reporting namin dahil nga kailangan namin itong ireview para sa exams next week.Minsan talaga wala sa hulog ang utak ni Ms. Reyes. Absent kasi nang absent..."Kapag nakita ko 'yan sa farm namin, ingudngod ko 'yan sa tae ng kalabaw!" gigil nitong sabi habang umaarte pa na may sinasabunutan sa
last updateLast Updated : 2022-10-27
Read more
Kabanata 4
Watch.Our senior high school ended like that. Cha, Rei, and I graduated with honors and we celebrated it in a near bar. Dapat nga ay sa bahay na lang nina Cha, kaso ayaw ni Cha roon dahil nakauwi na ang dalawa niyang Kuya. Yes, nakilala ko na si Kuya Carlo na mas mabait at palangiti. Hindi gaya ng panganay na parang pinagbasakan ng langit at lupa."Cheers!" Malakas naming sigaw habang nakataas sa ere ang aming alak.Nirentahan ni Rei ang buong bar para sa aming lahat. Kasama namin ang mga batchmates namin na tuwang-tuwa na nakikisabay sa malakas na tugtog."Ang trio!" Malakas na bati sa amin ng isa sa kilalang basagulero ng aming batch."Hoy, Henry!" Singhal sa kaniya ni Cha saka ito tinuro gamit ang hawak na baso. "Hindi ko pa nakakalimutan na nilagyan mo ng bote ng empi ang bag ko last year!"Nagtawanan kami kasama ang ilang mga nakarinig no'n. Naalala ko kung paanong galit na galit si Cha kay Henry noon. Muntik niya na itong isumbong sa principal ngunit nagmakaawa ito kaya hindi
last updateLast Updated : 2022-10-28
Read more
Kabanata 5
Compliment."Finally! After years of planning, we're finally in one roof!"Tumili si Rei nang makapasok kami sa apartment na nilipatan namin. Matapos ang graduation namin, ilang linggo lang kaming nanatili sa Pontevedra bago lumuwas ng Manila.Pare-parehas kasi kaming natanggap sa university na gusto namin kaya agad kaming naghanap ng apartment malapit doon. Kahit ilang buwan pa bago ang aming pasukan, lumuwas agad kami para malibot ang Manila. "Sa susunod, iyong coffee shop naman natin ang itatayo natin without the help of our parents," ani Cha.Cha and Rei were both fan of coffee. Feel ko nga hindi na dugo ang dumadaloy sa kanila, kundi kape na. Well, not me. Kapag nagco-coffee kasi ako, nagkaka-lbm ako. Dalawang palapag ang apartment na nilipatan namin. Tatlo ang bedroom with bathroom sa second floor. Sala, kitchen, common bathroom, at isang maid's room sa baba. Mamaya raw ay pupunta kaming mall para mamili ng mga gamit para sa bahay. Alam ko namang barya lang ang gastos namin k
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more
Kabanata 6
Regular.Hindi ko alam kung paano kami mag-aadjust sa college life namin. Pumasok ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa university. Mabuti na lang at natanggap sila ng working students kaya naging madali sa akin ang schedule rito, iyon nga lang pagod ako lagi pag-uwi.Si Rei naman ay mas dumami ang natatanggap na gig kaya may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Kaya si Cha lang ang laging nasa bahay na nagpa-practice naman magluto. Iyon na lang daw pagkakabusyhan niya. Ang pag-aralan ang recipe book ko na galing kay Mama.Dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang college life namin pero daig pa namin ang mga graduating sa sobrang stress."Kapag day off mo, Gab, magbar naman tayo," sabi ni Cha nang mahiga ako sa sofa pag-uwi ko."Once every two weeks lang ang day off ko," sagot ko."Nakakapagod naman 'yan," sabi ni Cha.Pumikit ako at hinayaan siyang magreklamo tungkol sa ginagawa ko. "Pwede bang pasahurin na lang kita sa pag-eentertain sa akin araw-araw?" Pabirong ta
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more
Kabanata 7
Fiancee.Kulang na lang ay takbuhin ko ang pagitan ng higaan ko at ng bathroom nang magising sa tawag ni Cartier na nasa labas na siya ng apartment. Nawala sa isip ko ang usapan namin na susunduin niya ako ngayon."Nako, ang sungit naman ng manliligaw mo. Hindi bumababa ng sasakyan," ani Cha na nakaupo sa kama ko.Ngumuso na lang ako sabay kuha ng damit ko at muling pumasok sa bathroom. Sigurado akong nakita niya na naman ang sasakyan ni Cartier sa labas. "Mayaman iyon 'no? Pabago-bago ang sasakyan," sabi ni Cha nang makalabas ako.Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal habang tinutuyo ko sa harap ng salamin ang buhok ko."Naalala ko si Kuya Cartier..."Malakas akong naubo nang banggitin ni Cha ang kapatid. Tangina naman!"Mahilig din sa sasakyan iyon. Kapag nakilala ni Kuya 'yang manliligaw mo, magkakasundo sila," si Cha pa rin.Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal doon. Baka kung ano pa ang masabi ko at mahuli ako sa sarili kong bibig."Ch
last updateLast Updated : 2022-10-30
Read more
Kabanata 8
Gift.Sabay-sabay kaming tumili habang nakatingin sa malaking billboard ni Rei sa kahabaan ng EDSA. Nagtatatalon pa kami sa tuwa bago sabay-sabay na nagyakapan."We're so proud of you, Rei!" Sabay naming sigaw ni Cha habang yakap-yakap si Rei."This is just the beginning, okay? Sa susunod nasa New York na ako," tuma-tawang sabi ni Rei.Para kaming proud parents ni Rei habang pinapanood ang pagfa-flash sa billboard ng iba't iba niyang pose suot ang isang pares ng two-piece.Kakauwi ko lang galing sa restaurant at sinundo ako ng dalawang ito para sabay naming tingnan ang billboard ni Rei. Nagpicture pa kami sa tapat ng billboard bago kami tuluyang umuwi. At gaya ng nakagawian kapag may achievement kami, nag-inom kami."Dapat kahit busy ka sa shoots mo, hindi mo pababayaan ang study mo," paalala ko kay Rei.Nilapag ko ang ginawa kong nachos sa gitna ng lamesa sa sala habang nananatiling nakaupo sa sahig ang dalawa, nanonood."Nandiyan naman kayo ni Cha para ipaalala sa akin araw-araw at
last updateLast Updated : 2022-10-30
Read more
Kabanata 9
Tears.Nagpababa ako kay Cartier sa labas ng venue. Papasok pa kasi ng gate bago tuluyang makapasok sa mismong venue. Marami-rami rin akong nakitang mga media sa labas na nasisiguro kong nag-aabang sa mga papasok na bisita.Kilalang pamilya sa bansa sina Cha. Malaki ang kompanya at iba-iba ang business. Narinig ko nga rin noon na shareholders din sila sa maraming kompanya sa ibang bansa. Kaya tuwing may ganito silang event, asahan mong maraming media na gustong magcover ng party nila.Kabado pa ako nang maglakad ako palapit sa kanila. Mabuti na lang at nakita nila ang sasakyan ni Cartier na siyang dinumog nila. Halos takbuhin ko ang pagitan ng gate at ng malaking hall habang pinagkakaguluhan si Cartier.Kumaway ako kay Cha nang makita ko siyang nakabusangot sa lamesa. Nakaupo sa tabi niya si Kuya Carlo na masama ang tingin kay Rei.Ano na naman kaya ang nangyari sa dalawang ito? Tuwing nakikita ko sila, lagi silang nag-aaway kahit sa tingin lang."S-sorry! Medyo marami ang inutos ni S
last updateLast Updated : 2022-10-31
Read more
DMCA.com Protection Status