Share

Slow Dancing in the Dark
Slow Dancing in the Dark
Author: Reianne M.

Simula

Author: Reianne M.
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Simula

Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa batang hawak ko. Malakas itong umiiyak habang nasa braso ko. Tumingala ako kay Tita Janah, nanghihingi ng tulong ngunit alam kong wala rin siyang alam sa ganitong bagay.

"Maybe she's h-hungry, Hija," natatarantang sabi nito sa akin habang nakaalalay sa braso kong nanginginig dahil sa pagkakabuhat sa bata.

Sinunod ko ang sinabi niya. At gaya ng sinabi niya, mukhang gutom nga ito dahil agad itong tumahimik nang padedein ko. Napangiti pa ako nang hawakan nito ang daliri ko na humahaplos sa kaniyang pisngi.

Hindi ko kailanman pinangarap maging ina pero masaya ako sa kung anong binigay na sigla ng anak ko sa buhay ko.

"I know this is hard for you that's why I'm telling you na I'm so proud of you, Gab."

Napapikit ako nang haplusin ni Tita Janah ang aking buhok. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

I missed Mama.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas kung nasaan ang abo ni Mama. Pinagawa ko talaga ito para kasama ko siya lagi. Mapait akong ngumiti sa naisip. Sigurado akong magiging masaya si Mama kung nakilala niya si Ayla.

This is really hard for me. Kinailangan kong i-give up ang pag-aaral ko dahil sa anak ko. Sa tingin ko naman, tama ang desisyon ko na buhayin siya dahil kailangan ko ng kasama sa buhay, kailangan ko ng lakas matapos ang mapait na pinagdaanan ng buhay ko.

Marahan kong binaba si Ayla nang makatulog siya nang mahimbing. Inalalayan pa ako ni Tita Janah tumayo na para bang buntis pa ako.

Napangiti tuloy ako. Hindi ko akalain na kahit sobrang bastos ko sa kaniya dati, ganito niya ako alagaan ngayon.

"Are you sure that you're going back to school? Mas mahirap ito lalo na ngayong may anak ka, Gab. I mean, sure we have maids that can take care of Ayla but how about you? Baka mabinat ka," nag-aalalang sabi nito.

Nilingon ko si Tita Janah na nakamasid sa monitor ng aking laptop. Inaayos ko kasi ang ilang papers ko para sa pagta-transfer.

Tumango ako.

"I want to finish this, Tita. Dalawang taon na lang naman po," sagot ko.

"If that's what you want, then I'll support you."

Nginitian ko siya bago muling ibalik ang tingin ko sa monitor ko. Kanina kasi ay dumating na ang verification na tinatanggap nila ang application ko kahit na late enrollee ako. Pakiramdam ko nga ay may kinalaman si Papa sa magkakatanggap ko.

Inaasikaso naman na ni Papa ang ilang papeles ko sa Manila kaya mabilis kong napasa ang mga kailangan ko sa university.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko sina Cha at Rei, ang mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila? Sigurado akong kaunti na lang at ga-graduate na sila habang ako ay ito, magsisimulang muli. Sabay-sabay naming plinano na gagraduate kami nang magkakasama at tutuparin namin ang mga pangarap namin ngunit nahiwalay ako.

"Are you sure that you don't want to be a model? I swear to you that you'll be a huge one."

Napaismid ako nang magsalita si Maxi.

"May anak ak—"

"So, what?"

Bumuntong-hininga ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Priority ko ang pag-aaral ko at ang anak ko, Maxi."

Ngumuso ito bago sumimsim sa kaniyang kape, napangiwi tuloy ako.

Maxi is one of those manager who's trying to look for a model in different universities. Ilang beses niya akong kinulit nang kinulit pero hindi niya ako napapayag. Sa huli, naging magkaibigan na lang kami.

"I'm just saying 'no. Maraming model ngayon na may mga anak na."

Mukhang wala pa rin siyang balak na tumigil sa kakadaldal kaya pinabayaan ko na.

"I want to be a journalist, Maxi, not to be a model."

Umismid ito, "Weh? Akala ko ba Architect ang gusto mo?"

Sinamaan ko siya nang tingin dahil alam ko na ang kasunod nito.

"O baka misis ng isang Architect ha?"

Halos tumirik ang mata ko sa diin ng pag-irap ko sa kaniya. Muli kong tinuon ang atensyon ko sa ginagawang assignment. Actually, ang due date nito ay next week pa pero hindi ko ugaling nagpapatambak ng gawain kaya tinatapos ko agad.

"You know Reisha Moran?"

Napaangat ako ng tingin kay Maxi nang banggitin niya ang pangalang ito. Si Rei? Anong mayro'n sa kaniya?

"Bakit? Anong mayro'n sa kaniya?" Interesadong tanong ko.

Umangat ang kilay nito nang mapansin na interesado ako rito.

"So, you know her nga?"

"Bakit nga? Anong mayro'n?" Ulit kong tanong.

Sumisimsim muna ito sa kaniyang kape bago inilapit ang kaniyang ulo sa akin, napalapit din tuloy ako.

"May chismis na nakita raw siya sa Palawan na may buhat na baby. Hindi nga lang sure kung anak niya ba iyon o pamangkin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi mahilig sa bata si Rei," wala sa sariling sabi ko.

"Hmm chismis iyon from a civilian there. You know naman na I have some sources about sa mga models and artists," sabi nito.

Napasimsim ako sa Mango juice ko habang iniisip ang sinabi na iyon ni Maxi.

I know Rei, of course. Ayaw na ayaw niya ng mga bata. She once told us that she doesn't want to have a child because she can't stand the loud voice of babies when they cry.

"Thank you, Manang," tipid akong ngumiti kay Manang nang makapasok ako sa kwarto namin ni Ayla.

"Ang lakas dumede ni Ayla, Hija. Nakakatuwa..." ani Manang habang marahang dinuduyan si Ayla.

"Kailangan mo na ulit magpump dahil paubos na ang dede niya."

Nilingon ko ang mga bote ni Ayla at napangiti ako nang makitang paubos na nga ito.

Nasisiguro kong sa tatay niya nakuha ang katakawan niya.

Napailing ako sa isipang iyon.

Mula nang umalis kami sa Pontevedra, hindi na ako nakibalita pa sa kanila. Mahigpit na pinagbabawal ni Papa ang kahit na sino na banggitin ang sino mang mula sa Pontevedra.

Mabilis kong kinuha ang laptop ko nang maalala ang sinabi ni Maxi kanina. Ano nga kayang mayro'n kay Rei?

Napatakip ako ng aking bibig nang makita ang articles at haka-haka tungkol kay Rei...at sa anak niya.

'Sikat na modelo na si Reisha Moran totoo nga bang nanganak kaya nawala sa harap ng camera?'

Iyon ang caption ng larawan ni Rei na may tulak-tulak na stroller habang nakangiti sa batang nakasakay roon. Hindi kita ang mukha ng bata dahil si Rei ang nakaharap sa camera.

@_spreadlove: Nako talaga mga tao kapag walang magawa sa buhay, pag uusapan ang iba para may libangan

@imissyoubalikkanaplsmahaluwu: e ano kung anak niya yan? dagdag magandang lahi rito sa mundo yan

@angsaketmagmahal: Let's just respect Ms. Reisha and the baby.

Karamihan doon ay positive comments. Kung mayro'n mang negative roon ay tungkol iyon sa mamamana raw ng anak ni Rei ang kasamaan ng ugali niya. Natawa naman ako roon.

Kung anak nga ni Rei iyong baby, sino naman ang ama no'n? Hindi kaya si...

Kabado ako habang inaayos ang laptop ko sa loob ng malaking conference hall. Kasama ko ang mga kaklase ko na busy rin sa kanilang laptop. Sana pala sinuggest ko na lang na sa event na lang nina Daddy ang gawan namin ng article.

Iyon nga lang ang sabi kasi nila, ito raw ang talk of the town kaya maraming maeengganyong basahin ang article namin. Hindi ko rin maintindihan 'tong prof ko. Hindi pa naman namin dapat 'to ginagawa ha?

"I heard this is the first time she'll talk about the issue," rinig kong sabi ng babae sa likod ko.

Napanguso ako. Akala ko ba naman ay pinatay na nila ang issueng iyon pero muli pala nila itong bubuhayin nang makitang may kasamang lalaki si Rei sa isang restaurant. Kumalat kasi na iyon daw ang asawa o tatay ng anak ni Rei. And knowing Rei, nasisiguro kong napikon siya sa mga ito.

Halos malagutan ako ng hininga nang marahas na bumukas ang pintuan ng conference hall at pumasok doon si Rei suot ang itim na dress.

"Let's end this nonsense issues..."

Sabi nito nang makuha ang microphone na nakapatong sa malawak na lamesa.

"First of all, yes! I do have a son. He's already one year old and yes, he's the reason why I chose to leave this industry for our privacy because I already know you people..."

Tuloy-tuloy ang pagtitipa ko habang nakatingin kay Rei na seryosong nakatingin sa camera sa harap. Nagulat ako nang ilibot nito ang kaniyang paningin at nagkatinginan kami.

Nanlaki ang mga mata nito, gano'n din ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang paninitig niya kahit na wala sa kaniya ang paningin ko. Pinagpawisan tuloy ako nang malamig.

"A-and now na alam niyo ang existence ng anak ko, ayaw kong kwestyunin niyo kung sino ang ama niya because he doesn't have one!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

What?

"I am his father and mother. So, please respect that— please, respect me."

Bahagyang nangilid ang luha ko sa sinabing iyon ni Rei. Wow! Hindi naman namin pinag-usapan na gawing goal ang pagiging single parent but look at us now...

"And please, hindi lahat ng lalaking kasabay ko kumain ay boyfriend ko o fiancé ko. I also have a guy friends so please respect our privacy. And lastly, I will leave this industry na. I won't ever comeback as a model. Thank you."

Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko. Alam kong nakita ako ni Rei at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko kapag ako ang tinanong niya.

"Miss Bernal?"

Napapikit ako nang may isang bodyguard na lumapit sa akin. Mukhang alam ko na ito...

"Pinapatawag ka po ni Ms. Moran sa waiting room niya."

Humugot ako ng hininga bago tumango sa kaniya, "Sige po."

"You know her?" Tanong ng kaklase ko na napahinto sa pagligpit ng kaniyang gamit.

Nagkibit-balikat ako.

Kabado ako nang kumatok ako sa waiting room ni Rei. Marahan ko itong binuksan. Nakita ko siyang nakasandal sa sofa roon at nang makita ako ay mabilis na tumayo.

"OMG KA!" Malakas itong tumili saka ako niyakap nang mahigpit.

Binaba ko ang gamit ko saka siya niyakap pabalik. Gosh, I missed this woman. Kinalas nito ang pagkakayakap sa akin saka ako hinatak sa sofa roon.

"Namiss kita! Saan ka nagpunta?" Tanong nito sa akin.

"Nagtago," natatawang sagot ko.

"Galit na galit si Cha kay Tito Carlos. She said na nawalan siya ng friend because of Tito," pagku-kwento nito.

"Hindi naman ako galit kay Cha," sabi ko.

"E bakit ka umalis sa apartment? Iyak nang iyak si Cha no'n. She blamed her family when you left. Alam ko hanggang ngayon galit siya," sabi nito.

Nagulat ako roon.

"Akala niya galit ka rin sa kaniya. Saka kasi bigla kang nawala."

Umiling ako roon. Hindi ko alam na iyon pala ang iniisip ni Cha. Oo, umiwas ako sa pamilya niya dahil sa ginawa kay Mama, pero hindi ko magagawang talikuran si Cha nang gano'n lang. She's my best friend.

"Do you still have communication with her?" tanong ko.

Cha is my closest friend. May nagawa man sa akin ang pamilya niya, labas siya roon.

Tumango ito, "Oo. Can I tell her ba na we met? I'm sure she'll comeback here kapag nalaman na nagkita tayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Comeback? Nasaan ba siya?"

Bumuntong-hininga ito bago sumandal sa sofa.

"After you left, umalis siya ng Philippines and nagstay sa Italy."

Rei and I catch-up for hours. Lumipat pa kami sa isang restaurant para matuloy ang kwentuhan. Kung hindi lang tumawag ang Daddy niya na hinahanap na siya ni Rouge, ang anak niya, malamang aabutin kami ng umaga kakakwentuhan.

Days passed like that. Halos araw-araw kaming nagkikita ni Rei. Dapat nga ay aalis kami ngayon kaso kailangan kong tapusin ang pag-eedit ng final output ko para sa compilation ng articles na project namin. Nagkasundo na lang kaming magquick lunch. At ngayon, hinihintay ko ang babaeng iyon sa restaurant malapit sa university.

"G-Gab?"

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses na iyon. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumayo. Handa na sana akong tumakbo, kung hindi lang niya hinawakan ang kamay ko at hatakin ako pabalik.

"Let's talk, please?"

Napapikit ako at malakas na binawi ang kamay ko sa kaniya. Kasunod no'n ang malakas na pagsampal ko sa kaniya.

"Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa sa akin matapos mo akong lokohin!" Madiin kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

Mabilis ko rin namang iniwas ang tingin ko roon.

Tangina! Dapat galit ako, ha? Bakit parang mas lamang ang pangungulila ko sa kaniya?

"W-What are you saying? I won't cheat on yo—"

Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon. Mga lalaki nga naman.

"Shut the fuck up, Cartier. Cha told me!"

Nagulat siya roon. Ngumisi ako at sarkastikong humalakhak. Tama nga talaga si Cha. Akala ko hindi. Nananalangin pa man din ako na sana nagkamali lang si Cha.

"S-she told you, what?"

Marahas kong dinuro ang kaniyang dibdib saka siya tinulak nang paulit-ulit.

"'wag kang magmaang-maangan, Cartier. Really? Nagkaroon kayo ng family dinner with your fiance? May fiance ka habang ako ang girlfriend mo?"

Pilit nitong hinahawakan ang braso ko na pilit ko namang iniiwas sa kaniya. Malakas ko muli siyang sinampal. Sa sobrang lakas, pakiramdam ko buong linggo mamamanhid ang palad ko.

"Sa mismo pang araw ng libing ni Mama 'no? Ni hindi ka nagpakita sa libing ng nanay ko na ikaw naman ang may kasalanan kung bakit namatay! Ang kapal kapal ng pagmumukha mo!"

Sunod-sunod ko siyang pinagsasampal hanggang sa manghina ako. Napaupo ako sa sahig. Lumuhod naman siya sa harapan ko habang pilit akong pinapakalma.

"Gab, ple—"

"Don't fucking come near me. Let's just pretend that we don't know each other."

Sabi ko bago tumayo at tuluyan siyang iwan doon.

Kaugnay na kabanata

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 1

    Dance.I don't know how and what happened to our relationship. Lahat naman sa amin noon ay maayos. It feels like we're perfect for each other, like we're destined to be together. I can still remember how we met before. It was my 18th birthday...It was my first time having a party on my birthday. Nasanay ako sa simpleng pagluluto sa akin ni Mama ng Carbonara noon tuwing birthday ko. Minsan may cake, minsan wala pero okay lang 'yon dahil hindi ko rin naman ito hilig.Ang importante lang sa akin noon tuwing birthday ko ay kasama si Mama.Siya na kasi ang kasama ko noon pa man. Nang maghiwalay sila ni Papa, wala akong ibang naging kakampi sa buhay kundi si Mama lang. Ngayon, walang mapaglagyan ang ngiti ko habang nakaharap sa salamin. Umikot pa ako habang ngiting-ngiti na hawak ang aking gown na pinagawa para sa akin."Dalaga na ang anak ko," ani Mama habang nangingilid ang luhang nakatingin sa akin.Napatingin tuloy ako sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit."Sobrang saya ko ngayon

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 2

    Beautiful.Gusto kong sisihin ang sarili ko nang kinabukasan ay lahat kaming magkaka-klase ay may hangover. Maski ang mga schoolmates namin ay mukhang hindi makamove on sa party kagabi dahil bukambibig nila ito. Maliit na bayan lang ang Pontevedra kaya tuwing may salo-salo, alam na agad ito ng lahat. Kilalang pamilya rin kasi sina Cha dahil isa sila sa bilang na mayayaman dito."Mukhang enjoy ang debut mo last night, Ms. Bernal," ani Mrs. Flores nang pumasok ito sa classroom namin.Sabay-sabay kaming nagtayuan nang malaman ang presensya niya.Napayuko ako dahil sa guilt na nararamdaman, "Sorry po, Ma'am."Humalakhak lang ito saka umiling sa akin, "No, it's fine. Isang beses lang sa buhay natin ang debut at dapat lang na i-enjoy mo iyan. Wala rin naman tayong gagawin ngayon kundi ang kaunting reviews dahil sa final examination next week."Binigyan niya lang kami ng kaunting review at iilang reviewers. Pati na rin ang mga topic na kailangan naming aralin at pagtuunan ng pansin. "Goodl

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 3

    Awkward."Inis na inis talaga ako sa bwisit na Alexander na 'yon. Akala mo naman gwapo e mukha namang unggoy," reklamo ni Cha habang naglalakad papunta sa canteen.Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Natapos ang reporting namin kay Ms. Reyes pero pinaulanan kami ng tanong ng senior namin. Nasagot naman namin ito lahat ng walang kahirap-hirap. Iyon nga lang, napikon si Cha dahil tumagal ang break time dahil sa mga tanong nito.Absent na naman kasi si Ms. Reyes dahil may emergency sa kanilang bahay. Pinatawag na lang ang practicing teacher na si Alexander. Vinideohan niya lang ang reporting namin para ipakita ito kay Ma'am. Bawal na kasing maantala ulit ang reporting namin dahil nga kailangan namin itong ireview para sa exams next week.Minsan talaga wala sa hulog ang utak ni Ms. Reyes. Absent kasi nang absent..."Kapag nakita ko 'yan sa farm namin, ingudngod ko 'yan sa tae ng kalabaw!" gigil nitong sabi habang umaarte pa na may sinasabunutan sa

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 4

    Watch.Our senior high school ended like that. Cha, Rei, and I graduated with honors and we celebrated it in a near bar. Dapat nga ay sa bahay na lang nina Cha, kaso ayaw ni Cha roon dahil nakauwi na ang dalawa niyang Kuya. Yes, nakilala ko na si Kuya Carlo na mas mabait at palangiti. Hindi gaya ng panganay na parang pinagbasakan ng langit at lupa."Cheers!" Malakas naming sigaw habang nakataas sa ere ang aming alak.Nirentahan ni Rei ang buong bar para sa aming lahat. Kasama namin ang mga batchmates namin na tuwang-tuwa na nakikisabay sa malakas na tugtog."Ang trio!" Malakas na bati sa amin ng isa sa kilalang basagulero ng aming batch."Hoy, Henry!" Singhal sa kaniya ni Cha saka ito tinuro gamit ang hawak na baso. "Hindi ko pa nakakalimutan na nilagyan mo ng bote ng empi ang bag ko last year!"Nagtawanan kami kasama ang ilang mga nakarinig no'n. Naalala ko kung paanong galit na galit si Cha kay Henry noon. Muntik niya na itong isumbong sa principal ngunit nagmakaawa ito kaya hindi

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 5

    Compliment."Finally! After years of planning, we're finally in one roof!"Tumili si Rei nang makapasok kami sa apartment na nilipatan namin. Matapos ang graduation namin, ilang linggo lang kaming nanatili sa Pontevedra bago lumuwas ng Manila.Pare-parehas kasi kaming natanggap sa university na gusto namin kaya agad kaming naghanap ng apartment malapit doon. Kahit ilang buwan pa bago ang aming pasukan, lumuwas agad kami para malibot ang Manila. "Sa susunod, iyong coffee shop naman natin ang itatayo natin without the help of our parents," ani Cha.Cha and Rei were both fan of coffee. Feel ko nga hindi na dugo ang dumadaloy sa kanila, kundi kape na. Well, not me. Kapag nagco-coffee kasi ako, nagkaka-lbm ako. Dalawang palapag ang apartment na nilipatan namin. Tatlo ang bedroom with bathroom sa second floor. Sala, kitchen, common bathroom, at isang maid's room sa baba. Mamaya raw ay pupunta kaming mall para mamili ng mga gamit para sa bahay. Alam ko namang barya lang ang gastos namin k

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 6

    Regular.Hindi ko alam kung paano kami mag-aadjust sa college life namin. Pumasok ako bilang waitress sa isang restaurant malapit sa university. Mabuti na lang at natanggap sila ng working students kaya naging madali sa akin ang schedule rito, iyon nga lang pagod ako lagi pag-uwi.Si Rei naman ay mas dumami ang natatanggap na gig kaya may iba rin siyang pinagkakaabalahan. Kaya si Cha lang ang laging nasa bahay na nagpa-practice naman magluto. Iyon na lang daw pagkakabusyhan niya. Ang pag-aralan ang recipe book ko na galing kay Mama.Dalawang linggo pa lang mula nang magsimula ang college life namin pero daig pa namin ang mga graduating sa sobrang stress."Kapag day off mo, Gab, magbar naman tayo," sabi ni Cha nang mahiga ako sa sofa pag-uwi ko."Once every two weeks lang ang day off ko," sagot ko."Nakakapagod naman 'yan," sabi ni Cha.Pumikit ako at hinayaan siyang magreklamo tungkol sa ginagawa ko. "Pwede bang pasahurin na lang kita sa pag-eentertain sa akin araw-araw?" Pabirong ta

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 7

    Fiancee.Kulang na lang ay takbuhin ko ang pagitan ng higaan ko at ng bathroom nang magising sa tawag ni Cartier na nasa labas na siya ng apartment. Nawala sa isip ko ang usapan namin na susunduin niya ako ngayon."Nako, ang sungit naman ng manliligaw mo. Hindi bumababa ng sasakyan," ani Cha na nakaupo sa kama ko.Ngumuso na lang ako sabay kuha ng damit ko at muling pumasok sa bathroom. Sigurado akong nakita niya na naman ang sasakyan ni Cartier sa labas. "Mayaman iyon 'no? Pabago-bago ang sasakyan," sabi ni Cha nang makalabas ako.Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal habang tinutuyo ko sa harap ng salamin ang buhok ko."Naalala ko si Kuya Cartier..."Malakas akong naubo nang banggitin ni Cha ang kapatid. Tangina naman!"Mahilig din sa sasakyan iyon. Kapag nakilala ni Kuya 'yang manliligaw mo, magkakasundo sila," si Cha pa rin.Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magdaldal doon. Baka kung ano pa ang masabi ko at mahuli ako sa sarili kong bibig."Ch

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 8

    Gift.Sabay-sabay kaming tumili habang nakatingin sa malaking billboard ni Rei sa kahabaan ng EDSA. Nagtatatalon pa kami sa tuwa bago sabay-sabay na nagyakapan."We're so proud of you, Rei!" Sabay naming sigaw ni Cha habang yakap-yakap si Rei."This is just the beginning, okay? Sa susunod nasa New York na ako," tuma-tawang sabi ni Rei.Para kaming proud parents ni Rei habang pinapanood ang pagfa-flash sa billboard ng iba't iba niyang pose suot ang isang pares ng two-piece.Kakauwi ko lang galing sa restaurant at sinundo ako ng dalawang ito para sabay naming tingnan ang billboard ni Rei. Nagpicture pa kami sa tapat ng billboard bago kami tuluyang umuwi. At gaya ng nakagawian kapag may achievement kami, nag-inom kami."Dapat kahit busy ka sa shoots mo, hindi mo pababayaan ang study mo," paalala ko kay Rei.Nilapag ko ang ginawa kong nachos sa gitna ng lamesa sa sala habang nananatiling nakaupo sa sahig ang dalawa, nanonood."Nandiyan naman kayo ni Cha para ipaalala sa akin araw-araw at

Pinakabagong kabanata

  • Slow Dancing in the Dark   Wakas

    Wakas."Who's that kid?" Tanong ko kay Carlo nang makita ang isang maputing bata na naglalaro sa dalampasigan. Nagkibit-balikat siya. "Anak yata ni Ate Ayla," sagot niya.Tumango ako. Kumunot ang noo ko nang makita kung paano siya tumakbo sa dagat. Kamuntikan ko pa siyang takbuhin nang makitang hindi siya umahon pagkasisid pero nakita ko siyang nasa malayong bahagi na ng dagat. Marunong lumangoy..."Where is Gabriella, Tita?" Dinig kong tanong ni Charlynn sa kasam-bahay namin."Baka nasa dalampasigan, Charlynn. Alam mo namang mailap sa tao iyon at takot sa mga kapatid mo," rinig kong sagot niya."Because I always tell her how rude my brothers are. Baka natakot po," sagot ng bunso kong kapatid."Hayaan mo na lang at uuwi rin iyon kapag nagsawa sa dagat," sabi ng kaniyang ina."But, Tita, I wanna play with her," sagot ng kapatid ko.Charlynn is not close to our maids but this new maid, has a special place on her heart. Baka dahil nanay ng kaibigan niya. Kung kaedaran siya ni Cha, bata

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 35

    Pontevedra.Halos gawin naming bahay ang opisina ni Cartier nang magsimula ulit itong magtrabaho. Araw-araw kasi kaming nandoon ni Ayla. May kwarto naman sa loob ng opisina niya kaya hindi rin kami nakaka-istorbo. Nanonood lang kami ni Ayla o 'di kaya ay naglalaro ng kung ano-anong maisip niyang paglaruan. I also started to teacher her how to writer her name which she enjoyed. Mahilig siyang magkulay at magdrawing. Mabilis matuto kaya agad niyang nakukuha ang mga tinuturo ko. Napag-usapan namin ni Cartier na kapag nagsimula nang mag-aral si Ayla, magta-trabaho na ako. Siguro mga isa o dalawang taon pa raw. Hindi ko naman daw kailangang magmadali dahil hindi naman problema ang pera.Yaman kasi...Malakas na tumili si Ayla nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Cartier na hinihilot ang kaniyang leeg. "Ang daming trabaho. Parang gusto ko na lang umuwi ulit," sabi ni Cartier sabay subsob ng mukha sa aking leeg.Lumapit sa amin si Ayla, pilit niyang pinapabangon ang ama. Nagpapa-pans

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 34

    Diamond.Ang sakit ng buong katawan ko kinabukasan. Kung hindi ko lang kailangang magluto para sa mag-ama, hindi ako babangon. Iika-ika ako nang humakbang ako palabas ng kwarto. Naririnig ko na ang tili ni Ayla. Mukhang may pinagkakaabalahan silang mag-ama. Napanguso ako nang makita ang portrait naming tatlo no'ng birthday ni Ayla. Mukhang kakalagay lang."Ayla, malalagot tayo kay Mommy," humalakhak si Cartier.Kunot-noo kong sinundan ang boses nila. Halos malaglag ang panga ko nang makitang kalat na kalat ang gamit sa kusina. Ang asukal ay nasa sahig, kinakalat ni Ayla. Si Cartier ay nasa lababo, naghuhugas. Mukhang nagluto siya dahil may nakasalang sa kalan."Ayla!" Malakas na sigaw ko nang ibuhos niya ang asukal sa sahig.Gulat niya akong tiningnan bago nagmamadaling tumayo at tumakbo papunta sa ama. Yumakap pa siya sa hita nito, nagtatago. Inis kong sinamaan ng tingin ang ama niya na humalakhak lang."Sabi ko sa'yo lagot ka kay Mommy e," tumatawang sabi ni Cartier."Next time na

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 33

    Warning: r18+Sweat.Tuwang-tuwa si Ayla habang isa-isang binubuksan ang regalo sa kaniya. Nasa sala kaming tatlo. Si Cartier ay may seryosong binabasa sa kaniyang laptop habang may papeles na nasa lamesa niya. Pinapansin niya naman si Ayla kapag tinatawag siya."Walang-hiyang Cha," bulong ko nang buksan ang regalo niya kay Ayla.Malaking dollhouse at may mga manika pa sa loob pero ang kinaiinisan ko ay ang makadikit na condom sa box.To: Baby Chanelle Enjoy playing this Tita's little gift. Next time I'll buy you your own villa. That's why tell your Mommy and Daddy to use this little protection so that they can focus on you. Happy birthday, baby! Mwa!Love,Tita Cha xoxoKung hindi ko lang itinatabi for remembrance ang mga card na nakadikit sa regalo, malamang ay sinunog ko na itong kay Cha. Lagot ka talaga sa akin mamaya, Cha."Magbibigay siya, isang piraso lang?" Sabi ni Cartier."What?" Inis ko siyang nilingon.Doon ko lang napansin na nakatingin pala siya sa hawak ko at binabas

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 32

    Complete.Saglit kaming tumuloy ni Ayla sa condo ni Papa sa Makati. Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Cartier na sa penthouse niya tumuloy nang matapos niyang iparenovate ang guestroom. Maraming bagay akong naalala nang makapasok akong muli sa penthouse niya. Gano'n pa rin naman ang penthouse niya. Ang kaibahan lang, may bagong portraits na nakasabit sa sala katabi ng portrait nila ng pamilya niya."Matagal na 'yan?" Tanong ko habang nakatingin sa larawan namin no'ng nasa New York kami.Tipid akong nakangiti sa larawan habang hapit ni Cartier ang bewang ko. Seryoso siyang nakatingin sa larawan habang kapit na kapit sa akin.Tumango siya. "Sa susunod larawan nating tatlo ni Ayla," sabi niya habang nakatingin sa bakanteng space na nasa pinakagitna.Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa kaba ba o nakaramdam ako ng kilig doon.Masayang naglaro si Ayla sa loob ng kwarto niya. Punong-puno ito ng iba't ibang laruan. May corner pa para sa mga libr

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 31

    Family.Sunod-sunod ang patak ng luha ko habang nakatingin sa sulat ni Tita Janah. Halos mapunit ito sa diin ng pagkakahawak ko. Malakas akong humagulgol nang yakapin ako ni Papa."I'm sorry, anak. K-Kasalanan ko talaga ang lahat," sabi ni Papa.Mariin akong yumakap sa kaniya habang hinahagod niya ang likod ko."I love your mother so much that it gives insecurity to Janah. I was planning to file an annulment for our marriage but she said that she'll kill herself if I leave her again.""I tried loving her again pero nabigo ako. Mas mahal ko si Ayla. Mas mahal ko ang iyong ina," sabi niya.Iyak ako nang iyak habang nagku-kwento si Papa. Pinupunasan niya ang luha ko habang patuloy na nagsasalita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa kanilang tatlo. Tanggap ko na may kasalanan din si Mama, pero mas malala ang kasalanan ni Papa. He cheated on Tita Janah with my mother. Walang sapat na rason para magloko kaya alam kong mali ang relasyon nila. Ibi

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 30

    Letter.I was crying the entire time. Ni hindi ako nilalapitan ni Cartier, nakamasid lang sa akin habang hawak si Ayla na natutulog. Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang pagkawala ni Mama pati na rin ni Tita Janah ngayon.Nilapagan ako ng tubig ni Ate Trina. Mahigpit ang hawak ko sa kwintas ko na may abo ni Mama at sa singsing na binigay sa akin ni Tita Janah noong magbirthday ako.Ni hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa pagkawala niya. Dapat galit ako sa kaniya dahil pinatay niya si Mama. Dapat galit ako dahil sa lahat ng ginawa niya pero hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa akin na gumuho nang malaman ang balita ni Carter.Tahimik ang lahat ng tao sa mansion ng De Dios nang makauwi kami pero ramdam ko ang titig nila sa akin, marahil ay pinapakiramdaman ako. Tipid akong ngumiti at humalik sa pisngi ni Tita Anna, at nagmano kay Tito Carlos bago umakyat ng hagdan.Hindi ako kumain no'ng gabing iyon. Dinalhan ako ni Cartier ng pagkain pero hindi ko gin

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 29

    Dead.Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay nang malaman na nakarating na sina Vincent. Binilin ko lang si Ayla sa ama na halos gugulin ang buong oras sa paglalaro kasama ang anak. Ni hindi ko na nga iyon nakikitang nagta-trabaho o humaharap sa laptop niya."Vincent, oh my gosh!" Malakas kong sabi habang naglalakad papunta sa kaniya.Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko ang mukha niya. Natatakot akong hawakan siya sa kung saan-saan dahil baka ang sugat niya ang matamaan ko."Are you okay? I'm sorry dinala agad kami rito kaya hindi kita nasamahan," sabi ko.Nakatitig lang siya sa akin. Nakakunot ang noo, mukhang nagtataka. Gulat kong tiningnan ang gawi nina Papa na mukhang may seryosong pinag-uusapan."Excuse me? Do I know you?" Kunot-noong tanong nito.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad na nangilid ang luha ko habang napapaatras. Umiling ako habang unti-unting bumubuhos ang luha ko."You're kidding, r-right?" Umiiyak kong tanong.Tinitigan niya muna ako ng ilang seg

  • Slow Dancing in the Dark   Kabanata 28

    Dada.Sinalubong kami ng maraming tao paglapag ng chopper namin sa Pontevedra. Nakita ko ang titig nina Tita Anna at Tito Carlos sa kay Ayla na natutulog sa bisig ko. Gulat nila itong pinagmasdan.Nakuha ni Ayla ang mukha ng ama niya, kaya kahit sino malalaman kung kanino siyang anak. Gano'n kalakas ang dugo ni Cartier."Gabriella Hija..."Nagulat ako nang lumapit si Tita Anna sa akin habang umiiyak. Mabilis akong lumuha habang nakatingin sa kaniya."I missed you, Hija." Nanginginig ang labi nito habang nakatingin sa aking mga mata.Hinawakan nito ang pisngi ko habang umiiyak. Napapikit ako. Isa pa rin talaga si Tita Anna sa mga taong malapit sa akin. Isa siya sa mga tumayong ina ko, at pinagkatiwalaan ko nang lubos."Ma, they need to rest." Inalalayan ako ni Tita Anna papasok ng mansyon nila. Walang nagbago sa lugar na ito. Parang ito pa rin ang bahay na tinatakbuhan namin lagi ni Cha kapag naglalaro kami.Tahimik ang lahat ng tao pagpasok namin. Lahat ay nakatingin kay Ayla. "Call

DMCA.com Protection Status