Share

Chapter 5

EVERLEIGH

Maingay.

Maraming tao.

Masikip.

Kaya naman kagat-kagat ko ang labi at pinipilit huwag mahulog ang mga alak sa manipis na baso na iaabot sa mga bisita.

Isa itong party at lahat ng mga tao rito ay talaga namang mamahalin ang suot.

"Ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Seven at nakangiting tumango.

"Oo, ayos lang."

"This is your wine, ma'am and sir." Nakangiting saad ko at tumango naman ang dalawa.

Napatingin ako sa labas ng mansion at dahil salamin lang naman ang nagsilbing dingding ng mansion, mula rito sa loob ay kita mo ang malaking swimming pool na nagliliwanag dala ng ilaw mula sa ilalim nito.

Wala pang lumalangoy, ang alam ko'y mamaya pa. Tulad ngayon, mag aabot din ako ng mga alak sa kanila mamaya habang sila ay nasa swimming pool.

Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho at maingat na inaabot sa mga bisita ang mga alak.

Natutuwa na akong isipin na ang magiging pera ko sa trabaho na ito ay ang una kong sariling pera na pinaghirapan ko pa mismo.

"What the hell!" nagitla ako sa sigaw na iyon.

Natatarantang pinunasan ko ang magandang kasuutan nito, "S-Sorry, hindi ko sinasadya."

"Don't touch me! Alam mo ba kung gaano kamahal itong dress ko?! Damn!" sigaw niya't napapikit ako sa sakit nito manabunot.

Parang gusto pa atang matanggal muna ang anit ko bago niya dinggin ang sinasabi kong tama na.

"T-Tama na, nasasaktan na ako!"

"H-Hey Hey miss, pasensyahan mo na 'tong kasama ko." Mahinahon na pagsingit ni Seven.

Sa loob-loob ko ay gusto ko na rin siyang sabunutan pero ayaw ko namang gumawa ng gulo.

"Hindi niya sinasadya, pagpasensyahan mo na ha."

Napangiwi ako sa tono nito sa pananalita. Sa tono niya'y parang isang leon na biglang umamo ang babae.

"Siya kasi e!"

"Ako na humihingi ng pasensya."

"Okay," napipilitang sabi nito at iniwan na kami.

"Eve," pagtawag ni kuya sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Hindi ko napansin. May iniisip kasi ako." Pagpapaliwanag ko.

"Tutok ka muna sa trabaho at huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano, Eve."

"Opo, pasensya na talaga." Nahihiya kong saad at pumunta na muna ng banyo.

"Kung 'di ka nahiya sa sarili mo, paano naman ako? Nahiya ako para sa mga magulang ko dahil ang pakilala ko sa kanila ay mabait ka."

"Kahit sino, Kobi! Gagawin 'yon, mahal ang dress na 'to, sinabi ko na sa 'yo!"

"Dahil lang sa dress, nagkakaganyan ka na?"

"Lang?! Dahil lang sa dress? Okay! Palibhasa kasi sobrang yaman niyo kaya maliit na bagay lang 'to!"

"What?! Paano mong naiisip 'yan? You know what?! We're done!"

Sigaw ng lalaki at nagulat matapos akong makita. Inis naman niya akong nilagpasan at paglingon ko ay masama na ang tingin sa akin ng babae.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi. Deserve pft.

"Kasalanan mo 'to!" napaayos ako ng tayo sa sigaw ng babae at hindi na ako nakaiwas pa matapos niyang hilahin muli ang buhok ko at kinaladkad paitaas sa mansion.

At dahil sa maingay ay walang nakakarinig sa sigaw ko.

"B-Bitawan mo ako!"

"H-Huwag, huwag mo akong itutulak!" pagmamakaawa ko matapos niya akong isandal sa pader nitong rooftop at mukhang balak akong ihulog papuntang swimming pool.

Ginawa ko ang lahat para makalaban kahit nasasakal ako sa ginagawa niyang pagdag-an ng kan'yang braso sa aking leeg.

Sinampal ko siya at tinuhod sa tiyan dahilan para mapaatras siya.

"A-Ah..." d***g niya at namilit sa sakit.

Hinubad nito ang suot-suot niyang takong at tumakbo palapit sa akin habang hawak-hawak iyon. Isasaksak niya sa akin 'yon?!

"Everleigh!" napalingon ako sa sigaw na iyon ni Seven at mabilis na sinakop ang bewang ng babae upang 'di tuluyang makatakbo palapit sa akin. "Anong ginagawa niyo?!" tanong niya at saktong dumating naman ang nobyo ng babae at siya ang nakapagpagawa para bitawan niya ang takong na hawak niya.

"Eve!" si kuya at mabilis na tumakbo palapit sa akin. "Anong nangyayari?"

"Balak niya akong ihulong sa pool mula rito sa rooftop. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." Habol-habol ang hiningang sinagot ko ang katanungan niya.

"W-What?!" hindi makapaniwalang naibulalas ng nobyo nito.

Lumipas ang mga oras at natapos ang trabaho namin sa oras na alas-diyes na ng gabi.

"Dito ka na lang sa bahay bukas, Eve." Iyon agad ang unang sinabi ni kuya matapos naming makapasok ng bahay.

Nilingon naman siya nila Tope at Justin, ganoon din si Seven.

"Pero kuya—"

Hindi ako pinatapos nito sa pagsasalita at may biglang inabot na sobre sa akin. "Kinausap ko na si Sir Jefferson, at 'yan na ang una't huli mong sahod sa kan'ya. Hindi siya natuwa sa nangyari."

"Pero kuya, wala naman akong kasalanan sa nangyari!" hindi ko napigilang magtaas ng boses.

"Pero malapit ka ng malagay sa alanganin kanina! Ang buhay mo, Everleigh!" sigaw niya rin at sa pagtawag pa lang sa tunay kong pangalan ay alam ko ng galit talaga siya.

"Aldrin," si Justin at nilapitan siya. "Tama na. Ang mahalaga naman ay importante."

"Pft, siraulo!" si Tope at binatukan siya.

Wala ng salitang binitawan at umalis siya sa sala at dumeretso sa kwarto niya.

"Siraulo kasi e! Mas na-badtrip 'yong tao sa 'yo!"

"Everleigh, ayos ka lang ba?" pagtatanong ni Seven.

Umiling ako. "Sundan ko muna si kuya."

Natigil ako sa harap ng pinto. Kakatok ba ako o dumito muna ako sa sala at hayaan na lumamig ang ulo niya?

Bumuntong hininga ako at sa huli ay kumatok na rin.

"Kuya?" patanong na pagtawag ko sa kan'ya pero hindi siya sumagot. "Papasok ako, ha?" sunod kong pagtatanong at pinihit ang doorknob.

Pagpasok ko naman ay nakita ko si kuya na nakasandal sa sofa habang nakapikit.

Sobrang uminit siguro ang ulo niya dahil sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at hindi gumawa ng anumang ingay.

Naghintay pa muna ako ng ilang minuto bago magsalita.

"Sorry, kuya."

Nanatili naman itong nakapikit at parang tulog na ata.

Bigla ay na-guilty naman ako. "Napagod ka ba ngayon dahil sa akin?" tanong ko.

Asa namang sumagot 'yan sa 'yo, Everleigh.

"Pasensya na talaga, kuya. Babalik na lang ulit ako kay tita bukas, malay natin baka tanggapin niya ulit ako."

Buo ang naging desisyon ko sa sinabi. Kahit papaano ay may posibilidad pa rin na tanggapin niya ako dahil ako lang naman ang nakakatulong sa kan'ya pagdating sa gawaing bahay. Ako naman ang gumagawa ng lahat.

"Huwag," bulong nito na ikinagitla ko.

"Galit lang ako pero hindi kita papayagang umalis." Aniya habang nanatiling pikit ang mga mata.

Mabilis namang namuo ang mga luha sa mata ko. Niyakap ko siya mula sa kan'yang tagiliran at narinig ko ang pagsinghap niya.

"Sorry, kuya. Sorry!" umiiyak kong paghingi ng tawad at naramdaman ko naman ang magaan niyang kamay sa likuran ko na tinatapik iyon.

"Sshhh. Okay na. Okay lang. Huwag ka na umiyak, mapahiran mo pa ng sipon damit ko, ikaw maglalaba nito, makikita mo. Tss!"

--

"Oh ano? Okay na kayo?" pagtatanong ni Tope matapos na lumabas siya ng kan'yang kwarto at matagpuan kaming magkasama ni kuya sa sala.

"Hindi naman kami nag-away." Sagot ni kuya at gumuhit naman sa mukha nito ang hindi makapaniwala dahilan para matawa ako dahil ang pangit niya roon.

"Hindi raw nag away kaya pala nagsigawan na kayo rito kanina? Hindi 'yon away sa inyo?"

"Oo, normal 'yon sa aming dalawa, 'di ba, Eve?" pagtatanong ni kuya at natatawang tumango ako.

"Bakit nga pala gan'yan ang suot mo ngayon, Tope?" tanong ko matapos mapansin na nakapang-alis itong damit.

"Pupunta akong Laguna kasi naroon ang kabebe-time ko." Sagot niya at kumindat-kindat.

"Sana all, ingat ka."

"Suma-sana-all ka pa, nariyan lang naman sa tabi-tabi ang para sa 'yo." Si Tope at kumindat-kindat ulit sa harap ko.

Ngumiwi ako, "Hindi ko pinangarap maging kabit, Tope. Hindi ka pa ba kuntento sa girlfriend mo? Grabe ka!"

Humagalpak naman siya ng tawa.

"Lumayas ka na nga, Tope. Wala kang magandang dulot, alis!" sigaw ni kuya.

"Oo, ito na! Siraulong 'to! Alis na ako, Everleigh!"

"Sige, ingat ka!"

"Eve. Matulog ka na." Si kuya matapos ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi pa ako inaantok, kuya e."

"Sige na, mahiga ka na kasi sa kama para maramdaman mo ang antok. Tss. Alas-onse na rin ng gabi."

"Oo na."

"Anong oo na?" inis na tanong nito.

"Opo. Opo pala. Matutulog na po ako."

"Good."

---

Nakatagilid ang higa ko at yakap-yakap ang isang unan.

Napamulat naman ako ng mata at mabilis na tumuwid ng higa, ganoon na lamang ang gulat ko matapos makitang may aninong puma-ibabaw sa akin. At dahil madilim ay hindi ko nakita ang mukha nito.

Napasigaw ako at mabilis na tinulak siya dahilan upang mapaupo siya sa may paanan ko.

"Eve?!" rinig kong sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto at sapilitang pagbubukas ng pinto.

Mabilis na sinipa ko siya sa may dibdib at nahulog siya sa sahig mula rito sa double deck bed na hinihigaan ko.

"A-Arghh!" sigaw niya.

Hindi ako makapaniwala na si Justin iyon.

"Everleigh!" sigaw muli ni kuya at dahil sobrang dilim ay halos mahulog pa ako sa baba habang nababa ako sa aking kama.

"K-Kuya!" umiiyak kong tawag sa kan'ya at bago ko pa mabuksan ang pinto ay hinablot ako ni Justin.

"Everleigh!" galit na tawag nito sa akin. Bakit siya nagkakaganito?

Malayo siya sa mga kinikilos niya ngayon.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko at nagkaroon ng pagkakataon na pihitin ang doorknob.

Mabilis na nabuksan iyon ni kuya at sinipa si Justin dahilan para siya'y tumalsik.

"Lumabas ka, Everleigh!"

"Anong nangyayari?!" bulalas ni Seven na naalimpungatan din.

"Justin!" sigaw ni kuya at pinagsusuntok ito sa mukha.

"Pakialamero!" sigaw ni Justin at malakas na sinapak din si kuya sa mukha.

"Justin!" sigaw ni Seven at pumasok sa kwarto.

"Tumigil kayo!" sigaw niya pa at mabilis na sinangga ang suntok na dapat ay kay kuya.

"Isa ka pa! Simple lang hihingin ko kay Everleigh mga pre, ano ba kayo! Huwag kayong makialam!"

"G*go!" sigaw ni Seven.

Mabilis na sinuntok si Seven sa tiyan.

Napaluhod si Seven dahil doon.

Anong gagawin ko? Manonood na lang ba ako rito?

"T-Tulong!" sigaw ko at umaasang magising ang iba naming kapitbahay.

"Everleigh, umalis ka na! Susunod ako!" sigaw ni kuya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko na rin naman alam ano pa ang gagawin ko.

Hindi agad nakahabol si Justin dahil na rin sa napigilan siya ni Seven.

"Everleigh!" napalingon ako sa pagtawag na iyon ni kuya at kinapa ang buo kong mukhang

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko maintindihan. Kung nananaginip lang ako, sana'y magising na ako. Hindi ko makakayanan ang ganitong bangungot!

"Palagi ko pinapaalala sa 'yo, palagi kang magsarado ng pinto. Sorry, I'm so sorry."

"Kuya?"

"Nagkakagano'n si Justin. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta dumadating siya sa puntong nawawala talaga siya sa sarili niya. Hindi... Hindi ko inaasahan na magkakagano'n siya ngayon dahil matagal na iyong hindi nangyayari sa kan'ya kaya panatag ang loob kong ilagay ka sa amin. Sorry, sorry."

"Tara na kuya!" ako matapos makita si Justin.

Mas nauna akong tumakbo sa kan'ya. " Umakyat ka sa building na 'yon. Magtago ka!"

Iyon ang huli kong narinig bago tumakbo paitaas ng abandunadong gusali.

Gusto ko ng matapos ang gabing ito. Nagmamakaawa ako!

Makalipas ang ilang minuto, patuloy lamang ako sa pagtakbo at mula sa aking likuran, may kalayuan ay natatanaw ko si Justin na hinahabol ako.

Nasaan si kuya?!

"Everleigh!" sigaw ni Justin kasabay no'n ay ang paghulog ko.

Sa sobrang takot ay hindi ko na namalayan ang natakbuhan ko.

Bago makarating sa dulo ng rooftop ay natisod ako dahilan upang bumaliktad ako at mahulog mula rito sa taas.

Napapikit na lamang ako at hinihintay ang huling hininga ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status