Share

Chapter 3

EVERLEIGH

Wala akong pinagsasabihan tungkol sa buhay ko sa loob ng bahay.

Maging si Anitha ay alam din. Sa mga taong kilala ko, siya ang taong malabo kong pagsabihan nito dahil magkaaway kami.

Ang lalaking nagngangalang Seven.

Napabuga ako ng tawa.

Isa pa iyon. Hindi ko siya kilala.

FLASHBACK

"Sino ka ba?" iritadong tanong ko.

"Hindi naman siguro kailangan na kilala mo muna ako bago ko malaman ang kalagayan mo." Sagoy niya atsaka lamang tumayo ng ayos.

"Isa kang babaeng 'di makabasag pinggan. Sa ganiyan kita unang nakilala, pero 'yong nakita ko kahapon? Kung gaano kalupit ang tita mo ay siya ring lupit mo sa—"

"Huwag mo akong ihalintulad sa kan'ya." Sagoy ko at umiwas ng tingin.

END OF FLASHBACK

Nilayasan ko na siya na'n at hindi pinatapos sa pagsasalita.

Hindi ko kailangan ng tulong ng iba, lalo na kung nakikita lang ako bilang isang babaeng walang awa.

Hindi na ako sumipot pa sa mga susunod na klase.

Bukod sa nahihiya na ako, nawalan na rin ako ng gana.

"Eve?" napalingon ako sa tumawag sa akin.

Napangiti ako matapos makita si kuya Aldrin. Hindi ko pa man siya nakikita ay alam ko ng siya ang tumawag sa akin, dahil siya lang naman ang natawag sa akin sa ganoong pangalan.

"Kuya!" naibulalas ko at tumakbo palapit sa kan'ya.

Pinasadahan niya ako ng tingin, "Bakit nandito ka ngayon, ha? Oras ng klase."

Napakamot sintido ako, "Mahabang kwento." Sagot ko at sumabau sa kan'yang paglalakad.

"Mahabang kwento o ayaw mo lang ikwento?" tanong niya at natawa ako ng mahina.

Pero napalitan din iyon ng buntong hininga matapos ng iilang segundo. "Wala na akong scholarship."

Natigilan siya sa paglalakad at nilingon ako. "Ha? Pero bakit?" pagtatanong niya.

"Mahabang kwento nga."

"Tss! Mag ku-kwento ka o ihahambalos ko sa 'yo 'tong makintab kong sapatos?"

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Aba? Ganiyan ka na ngayon kasi may trabaho ka na?" taong ko ngunit sa pabirong paraan.

"Oo! P'wede na kitang saktan ngayon dahil kaya na kitang buhayin." Sagot niya at napabuga ako ng tawa.

"Ha! Pakyu!" sigaw ko at tumakbo.

"Hoy! Hoy!" sigaw niya rin at hinabol ako.

At dahil siya si Daddy Long Legs ay mabilis niya akong naabutan.

"Uhm! 'yang bibig mo ha!" siya at sinusubukang pitikin ang bibig ko.

"B-Biro lang! Ano b-ba!" natatawa kong sigaw habang hinaharangan ang bibig ko.

"Akin na, pipitikin ko!"

Halos maupo kami sa gilid ng kalsada dahil nakikiliti ako sa kan'yang ginagawa. Kung maglado kami ay para kaming mga bata.

"Grave, dito pa talaga sa tabi ng kalsada naglampungan! Hindi na nahiya," bulong ng isang babae na naparaan dito dahilan para mapatigil kami.

Ilang minuto kaming natahimik habang nakatingin sa isa't isa.

"Pft! HAHAHAHA!"

Imbes na kami ang mapahiya sa sinabi ng ginang, siya pa mismo ang nahiya.

Siya si kuya Aldrin. Nang tumira ako rito sa Sto. Niño Mapayapa ay siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan. 25 years old na siya habang ako naman ay 22 years old na.

Siya palagi ang natatakbuhan ko noong mga bata pa kami. Sa tuwing sinasaktan ako ni tita ay nariyan siya para gamutin ang mga sugat ko.

Pero ngayon, iba na. Hind tulad noon, tanging sariling mundo lang namin ang iniisip namin. Ngayon ay may sari-sariling responsibilidad na kami.

May sari-sariling gusto at pangarap na gustong makuha.

Tatlong araw ko siyang hindi nakita. Nasa Manila kasi siya at nag-stay siya roon dahil sa kan'yang trabaho.

Gusto niya maka-ipon at makapunta sa iba't ibang bansa, lalo na sa Paris.

Pag-guhit ang hilig niya at gusto niya raw idrawing ang mga lugar na kung saan ay aktwal niyang nakikita.

"Mamaya ay aalis na rin ako. Dadalawin lang talaga kita."

Pagsasalita niya habang pinapagpag ang kan'yang suot.b

Natigilan ako, "Ha? Ang bilis naman?" gulat kong tanong.

Nilingon niya ako at biglang tumawa, kaya naman ang gulat na nakapinta sa aking mukha ay napalitan ng inis. "Anong nakakatawa aber?" pagtatanong ko.b

"Huwag mo naman masyadong ipahalata na na-miss mo ako ng sobra." Natatawa niyang sagot.

Wala sa sariling tumaas ang sulok ng labi ko, "Hindi ko naman kailangan itago. Wala namang mali kung na-miss kita." Ani ko at umubo naman siya.

"Tara na, ihahatid na kita sa inyo." Siya at nung aastang kukunin ang kamay ko ay mabilis ko iyong tinago sa aking likuran.

"Oh ano?"

"Hindi na ako p'wedeng umuwi roon," bulong ko at hindi naman agad siya nakapagsalita.

"Tara na," bulong niya at inabot ang kamay ko. Mabilis ko iyong binawi.

"Hindi na nga ako p'wede—"

"Kukunin natin ang mga gamit mo, sasama ka sa 'kin." Pagputol niya sa sinasabi ko.

"Sa Manila?" tanong ko at tumango siya. "Pero hindi na ako papasok bukas?"

"Tanga, Linggo bukas."

"Ay Linggo ba?" natatawa kong tanong." "Edi tara na nga!"

---

"Oh! Ano pang ginagawa mo rito at nagdala ka pa talaga ng lalaki?" iyon agad ang bumungad sa amin ni kuya.

"Magandang hapon po, tita. Si Aldrin po ito."

"Aldrin? Oh Aldrin! Natatandaan na kita! Tara muna sa loob!" si tita at hinawakan ang kamay ni kuya.

Humigpit naman ang hawak sa akin ni kuya dahilan upamg mapatingin ako sa kamay niya.

Bahagya namang natigilan din si tita at napatingin sa tinitignan ko.

"Sorry, tita. Hindi na rin kasi ako magtatagal dito. Nandito ako para kunin ang mga gamit ni Everleigh."

"May relasyon ba kayo?" bigla ay taong ni tita.

"Yes. Meron, tita." Nanlalaking matang nilingon ko si kuya at tinignan siya.

Tingin na Yocs-Seryoso-ka?!

"Sa nakikita ko naman ay wala na po kayong pakialam sa pamangkin mo, so let me take care of her, tita."

Gusto ko siyang palakpakan sa sinabi dahil natawa ako sa kaseryusuhan at na-touch din HAHAHA!

"H-Ha!" Bulalas ni tita. "Sige, magsama kayo! Porke kumikita ka na ngayon, gumaganyan ka na Aldrin! Bahala kayo!" sigaw ni tita at mula sa kan'yang gilid ay kinuha niya roon ang mga gamit ko at pinagtatapon sa may paa-nan namin.

Nang mawala na si tita sa paningin namin ay doon ko lang siya pinandilatan ng mata.

Pinandilatan niya rin ako ng mata at tinignan ng Ano-na-naman-ba?!

"Anong 'Yes. Meron, tita.' ka riyan?! May relasyon tayo? Yocs—"

"Ang arte mo! Baka gusto mong hayaan kitang matulog sa lansangan?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa.

---

Kasalukuyang nakasakay na kami sa bus papuntang Manila at para naman may mapag-usapan kami ay hinalungkat ko ang tungkol sa Paris.

"Bukod sa mahilig kang mag drawing, bakit pa gustong-gusto mong pumunta roon?"

"Nandoon kasi ang true love, 'te." Nakalolokong sagot niya.

"Paano mo naman nasabi?" ngiwing sagot ko. "Napaka-wala namang kwenta ng dahilan mo. Walang kasiguraduhan."

"Isasama kita. Ikaw ang katunayan." Sagot niya at 'di ko napigilang manlaki ang ilong. "Pft! Ang cute mo, tigil mo 'yan!"

"Ano namang gagawin ko roon? Anong ako ang katunayan? Ipangangalandakan mo lang sa akin na nahanap mo na true love mo tapos ako hindi pa!"

Humagalpak siya ng tawa.

---

"Sila nga pala ang mga kasama ko. May sarili naman akong kwarto at doon ka na lang. Dito na lang ako sa sofa sa may sala."

Paunang salita ni kuya matapos naming makapasok sa sinasabi niyang tinutuluyan niya.

"Hey Everleigh." Napalingon ako sa tumawag na iyon sa akin at dahan-dahan kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa rito ni Seven?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status