Bata pa lang si Marina, may galit ng namuo sa puso ni Sebastian dahil ayaw niya itong nakikita palagi sa kanilang hacienda. Sukang suka siya sa babaeng matabang nerd na kagaya ni Marina ngunit matalino naman ito dahil sa sipag niyang mag-aral. Paano na lang sa kanilang pagbinata at pagdalaga ay hindi nila inaasahan ang huling habilin ng yuamong lolo at lola ni Sebastian na ipakasal silang dalawa pagtungtong nila sa tamang edad? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa kung sila'y magsama sa iisang bahay kung sila'y kasal na? May mabubuo ba kayang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa kahit sila'y magkaaway noon pa man?
Lihat lebih banyakAfter 4 years
"Congratulation anak, hanga kami ng tatay mo na nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo. Ngayon magkokolehiyo ka na, sana pagbutihin mo pa para makamit mo ang iyong minimithi," ngiting sabi ni inay at itay.
Tipid akong ngumiti, "Salamat po inay itay, pagbubutihin ko pa po ang pag aaral ko para po sa atin, kayo po ang inspirasyon ko, tutuparin ko po lahat ng mga pangarap natin."
"Anak pagkatapos mo dito pumunta ka kina lolo at lola Fermina mo, may ibibigay daw siya sayong regalo."
"Naku kapag nalaman na naman ito ni Sebastian lalo ka na naman iinisin yun. Dalaga at binata na kayo at baka yung pang iinis niya sayo magkatuluyan kayong dalawa," biro ni tatay.
"Tay, may gf na iyon at kahit kailan hindi magkakagusto yun sa akin."
"Tignan nga natin kung hindi siya mafall sayo sa gandang mong yan," dagdag pa ni tatay.
"Itay masyado mataas ang standard nun, isa pa isa pa rin akong nerd na kinaiinisan niya," giit ko.
"Oh anak ibigay mo na itong pinitas namin ng tatay mo. Mga sariwang prutas at gulay. Oh ito pa baka makalimutan mo itong bulaklak, ingatan mo yang mga dala mo," paalala ni inay.
"Sige po inay," nakangiting tugon ko saka maayos na nagpaalam na sa kanila.
Napakaganda ng mga ani nila dahil sa mga masisipag na trabahador dito sa hacienda. Sobrang bait kasi nila lolo at lola kabaliktaran naman sa ugali ni Sebastian.
Kamusta na kaya ang mokong na yun. Haist, bakit ko na naman siya iisipin, ang sama ng ugali. Nakauwi na kaya siya dito sa Pilipinas, tanong ng isip ko.
Bawat trabahador na makasalubong ko sa daan ay binabati ako. Nakakaproud din pala kapag ganito na nakapagtapos ako kahit nasa sekondarya pa lang ako.
"Hello Marina," bati ni Antony nang makasalubong ko ito na isa ring anak ng trabahador dito sa hacienda. Isang taon na lang, magtatapos na din ito ng kolehiyo.
"Hi kuya Antony, ganda ng kabayo mo ha puwede pahawak."
"Oh sige huwag mo lang siyang titigan baka sipain ka niyan."
"Ha! bakit?"
"Kasi ayaw niya sa babae."
Napasinghap ako. "May ganun ba sa ngayon kuya o binibiro mo na naman ako" at tumawa siya. Ang cute ng dimple niya grabe.
"Sabi na nga ba eh puro kalokohan ang alam mo," inis na sabi ko.
"Galit ka na naman. Pupunta ka ba sa mansion?"
"Ahm, oo eh."
"Akin na yang hawak mo tulungan na kita," sabay kuha nito sa akin ang isang basket.
"Salamat kuya," ngiting sabi ko.
Patungo na kami roon. Kalaunan, nasa may bukana na kami ng pintuan. Namataan kong nag uusap sina lolo at lola habang may iniinom itong kape. Pinag uusapan nila ang pagdating ng kanilang apo na si Sebastian.
Nakita ako ni lola na papalapit sa kanila at nagmano sa kanilang dalawa.
"Congratulation apo nakapagtapos ka na din sa wakas. Dalaga ka na at bawal bawal muna ang magpaligaw ha. Natutuwa kami at dinalaw mo kami ng lolo mo. Namiss kita agad. Sabi ko na kasi na dumito ka na lang total marami namang kuwarto dito. Kami na ang bahala sayo apo, napamahal ka na sa amin. Tinuring ka na naming parang sariling apo sana naman pumayag ka na sa gusto namin," mahabang turan nito.
"Ahm, pag iisipan ko pa po yan lola." Tuwang tuwa si lola nang iabot ko ang isang basket na may laman na sariwang gulay at prutas. Inabot lo na din ang mga bulaklak sa kan'ya.
"Salamat apo, nag abala ka pa. Alam na alam mo talaga ang mga paborito kong bulaklak," nakangiting sabi nito.
"Opo lola, at araw araw ko po kayong bibigyan ng mga bulaklak maganda po kasi ang panahon ngayon kaya maraming bulaklak yung mga pananim ko."
"Anthony ayos na ba ang pinapagawa ko sayo?" tanong ni lolo.
"Opo ok na po, ready na po siya at maayos na po lolo." Lolo na din tawag ni Antony sa lolo at lola ni Sebastian dahil ito ang gusto ng dalawang matanda na itawag sa kanila dahil na din siguro na nag iisa lang si Sebastian na apo nila.
"Halika na sa kuwadra Marina, may ibibigay kaming regalo sayo," ang pag aya ni lolo.
Nasa may kuwadra na kami at may inilabas na kabayo si Anthony. Ito yung magandang kabayo na hawak hawak ni Antony kanina ah.
"Hindi ka ba natutuwa apo sa regalo namin ng lola mo Marina?"
"Masaya po ako lolo lola kasi po ahm," sabay kamot sa aking ulo.
"Hayaan mo ng si Anthony ang bahala sayo, tuturuan ka niyang mangabayo."
"Salamat po lolo lola, malaking bagay na po ito sa akin." Umiiyak ako habang yakap yakap ko silang pareho.
"Sshhh, tahan na apo at baka bahain tayo dito," ang pagbibiro ni lola.
"Lola naman eh palabiro ka talaga," tinanggal ko muna ang salamin ko para punasan ang luha sa aking mga mata.
"Mas maganda ka pa lalo Marina kapag wala yang salamin sa mata mo," puna ni kuya Anthony.
"Oh Antony huwag mo munang ligawan si Marina at mag aaral pa siya sa kolehiyo," sabi ni lola.
"Ahm, hindi po lola magkaibigan lang po kami ni Marina," paliwanag nito.
"Sige na turuan mo na itong si Marina at maya maya darating na si Sebastian. May konting salo salong gaganapin bukas para sa pagtatapos nitong dalawa," sabi ni lolo.
Darating si Sebastian ngayon? Parang tumambol bigla ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam to, kung kinakabahan ba ako o maiinis dahil sa iinisin na naman niya ko.
"Sakay na Marina utos ni Antony."
"Ha! paano ba hindi ako marunong eh."
"Tapakan mo ito, tapos yung isa mong paa itaas mo aalalayan kita."
Hawak hawak ni Antony ang beywang ko habang inaalalayan niya kong maka akyat sa kabayo. Medyo natakot ako pero masarap sa pakiramdam kapag nakasakay ka na.
Sumakay na din si Antony sa kabayo at inayos ang tali nito."Hawak ka ng mabuti Marina," itos nito.
"Saan ako hahawak?"
"Kahit diyan na sa balikat ko o kung gusto mo naman diyan ka humawak sa beywang ko."
"Ok na ba yan sa balikat mo na lang?"
"Ok bahala ka kung diyan mo gusto."
Napahawak tuloy ako bigla sa beywang ni Antony at napayakap ng mahigpit sa may likuran niya nang paluin niya ang kabayo.
Tawa ng tawa si kuya Anthony habang sigaw ako ng sigaw."Dahan dahan lang kuya Antony ang bilis mo naman magpatakbo. Kapag nakababa lang ako sasakalin kita," pananakot ko.
"Sarap na sarap ka nga sa pagyakap sa akin eh sasakalin mo pa ako," pagbibiro niya.
"Kainis ka talaga kung marunong lang akong mangabayo hindi na kita pasasakayin sa kabayo ko," naiinis na sabi ko.
Halos paikot ikot lang kami dito sa hacienda kaya nahilo ako. Hiniga ko ang ulo ko sa likod ni Antony na may makita akong isang taong nakatanaw sa amin at si Sebastian yun. Hindi ako nagkakamali dahil siya nga.
Dumating na pala siya..
"Ayos ka lang ba Marina?"
"Nahihilo ako." Itinigil niya na ang kabayo at ng tinignan kong muli kung saan ko siya nakita ngunit wala na siya doon.
Ibinaba ako ni Antony sa kabayo at muntik na akong matumba dahil sa pagkahilo mabuti maagap akong inilalayan ni Antony.
Ibinalik na sa kuwadra ang kabayong sinakyan namin. Inaalalayan pa din ako ni Antony hanggang sa pagbalik ng mansion para makapag paalam. Nasa may terrace na kami ni Antony habang inaalalayan pa din niya ako. Naka dekwatro si Sebastian nang makita ko habang kausap siya ng lolo at lola niya.
"Ok ka na ba," inismaran ko lang siya.
"Sorry ha kung napasarap ang pangangabayo ko. Ang sarap pala ng pakiramdam kapag may nakayakap sayo," biro pa nito.
Kaya binatukan ko siya, "aray naman Marina. Akala ko ba nahihilo ka?"
Nawala na ang hilo ko at napatakbo na lang ako bigla sa labas ng mansion nang maramdaman ko ang paghalukay sa aking sikmura.
Nakita ni lolo at lola na napatakbo ako palabas kaya sumunod sila maliban lang kay Sebastian.
"Anong nangyari sa kaniya Antony?" tanong ni lola na may pag aalala.
"Lola nahilo lang po siya sa pagsakay ng kabayo. Hindi pa po siya sanay."
"Hay naku ganiyan din ako noong tinuturuan pa lang ako ng lolo niyo. Sumuka din ako ng sumuka. Hayaan mo Marina masasanay ka din pag nagtagal."
"Ahm, lola lolo magpapaalam na po muna kami ni kuya Antony. Uuwi na po muna kami. Babalik na lang po kami bukas."
"Ikaw Antony umuwe ka na muna, kami ng bahala kay Marina," mahinahong sabi ni lola.
"Sige po lola alis na po ako, Marina bukas na lang ulit," paalam nito at Umumalis na si Antony. Nakaramdam ako ng lungkot nang siya'y makaalis na.
"Dumito ka na muna Marina, pinagpaalam na kita sa magulang mo at pumayag na silang dito ka na titira. Dalaw dalawin mo na lang sila doon. Gamitin mo ang kabayo mo para madalaw mo sila."
"Ah pumyag po sila nanay at tatay. Paano po yung mga gamit ko po lola?"
"May mga gamit ka na dito apo, matagal ko ng balak na dito ka patirahin kaso ayaw mo lang noon. Halika at dadalhin kita sa kuwarto mo."
Sabay na umakyat kami ng hagdan at tinungo ang ikalawang palapag.
"Sa may dulo ang iyong magiging kuwarto sana'y magustuhan mo," ngiting sabi nito.
Binuksan ni lola ang pintuan at napahanga ako sa magandang disenyo nito. Malaki ang kama at kompleto sa gamit. Tinungo ko ang isang malaking bintana at binuksan ko ito. May maluwang din na terrace at kitang kita ang ganda ng tanawin at kitang kita din ang lahat ng pag aari nila Sebastian. Kakamangha at ang sarap lumanghap ng simoy ng hangin.
"Nagustuhan mo ba apo?"
"Opo sobrang ganda po dito." Niyakap ko si lola at umiyak sa may balikat niya. "Sobra sobra na po ang naibigay niyo po sa akin lola pati na din si lolo. Salamat po at napakabuti niyo sa amin."
"Ok lang iyon apo masaya kami ng lolo mo at napapasaya ka namin.
Inaya niya ko sa kung saan at Smsumunod ako kay lola. Dumiretso kami sa may closet. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang napakaraming mga damit. Napaawang ang ibabang labi ko.
"Kompleto lahat yan at kung may kulang pa sabihin mo lang."
"Lola hindi po ako sanay magsuot ng mga ganitong klaseng mga damit," tanggi ko.
"Masasanay ka din apo at sana maisuot mo lahat ng yan ipangako mo. Dalaga ka na kailangan mong manamit ng disente para hindi ka inisin ni Sebastian."
Kahit magsuot pa ako ng magagandang damit na kagaya nito, hinding hindi ako papansinin ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang siya galit sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin. Mas masaya pa nga siya pag nakakagawa siya ng katarantaduhan sa akin kahit nakakasakit na siya masaya pa din siya.
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN… Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng ospital. "SANTINOOOO! HUWAG MO AKONG HAHALIKAN KAPAG LUMABAS NA 'TO! IKAW MAY KASALANAN NITO!" Sa labas ng delivery room, naglalakad-lakad si Santino, pawisan at hindi mapakali. Ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang naghihintay. Kasama niya ang kanilang mga pamilya, lahat ay sabik pero kabado rin. "Anak, umupo ka nga. Ikaw yata ang mas kinakabahan kaysa kay Luna," natatawang sabi ng mommy niya. "Paano ako hindi kakabahan, Ma? Tatlo ‘yung lalabas!" sagot ni Santino, hawak-hawak ang dibdib na parang siya ang manganganak. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "Congratulations, Mr. Monteclaro! Tatlong malulusog na baby boys!" Nanlaki ang mata ni Santino. "T-Totoo? Tatlo talaga?" "Oo, Sir. At kamukhang-kamukha mo silang tatlo!" biro ng doktor. Sa sobrang saya, hindi napigilan ni Santino ang sarili at napayakap sa kanyang ama. "Dad! Tatay na ako! At tatlo agad! Kaya ko ba
Sa loob ng kanilang silid, tahimik na nakahiga si Luna sa malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Ramdam pa rin niya ang init ng selebrasyon at ang saya sa puso niya, pero higit sa lahat, ramdam niya ang presensya ni Santino—ang lalaking hindi niya inakalang magiging bahagi ng buhay niya. Biglang naramdaman niya ang paggalaw ng kama. Sumunod ay ang mainit na yakap ni Santino mula sa likuran niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito, parang ayaw siyang pakawalan. "Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ‘to," bulong ni Luna, bahagyang lumilingon kay Santino. "Ako rin," sagot ni Santino habang hinahaplos ang buhok niya. "Pero alam mo bang noon pa man, ikaw na ang gusto ko? Kahit hindi mo ako pinapansin, kahit pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin, gusto pa rin kitang habulin." Napangiti si Luna, pero may halong lungkot sa kanyang mga mata. "Natakot kasi ako noon. Natakot akong masaktan, natakot akong umasa. Hindi ko alam na may plano ka na pala para sa atin." Hinawak
"Inay!" halos lumipad si Luna papunta sa kanyang ina at mahigpit itong niyakap. "Nandito na ako…" Napayakap din si Aling Edna sa anak, hindi na napigilang maluha. "Anak, ang tagal mong nawala… Miss na miss na kita!" Ngunit bigla itong napatigil nang mapansin kung sino ang kasama ni Luna. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mommy ni Santino. "M-Ma’am…" nahihiyang sabi ni Aling Edna. Halata sa mukha niya ang kaba, dahil sa nangyari noon sa pagitan nila. Ngunit ngumiti ang mommy ni Santino at marahang lumapit. "Wala na ‘yon, Edna. Hindi na tayo dapat bumalik pa sa nakaraan." Nagkatinginan sina Luna at Santino, parehong nagulat sa inasal ng kanyang ina. "Tama na ang mga alitan. Magiging lola na ako ng magiging anak ng anak ko. Ayoko nang may samaan ng loob," patuloy ng ginang, bago hinawakan ang kamay ni Aling Edna. "Patawarin mo rin ako sa naging turing ko kay Luna noon." Dahil sa narinig, hindi na napigilan ni Aling Edna ang mapaiyak. "Naku, ma’am, ako po dapat ang hum
Hindi na nakapagpaalam pa si Luna sa mga ka office mate niya. dahil kulang sila sa oras. Habang nakasakay sila sa eroplano pauwi ng Pilipinas, nakasandal si Luna kay Santino, ramdam ang pagod at ang hindi maipaliwanag na bigat sa katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali, at kahit anong pilit niyang itago, hindi nakaligtas kay Santino ang paminsan-minsang pagdampi niya sa tiyan niya. “Saan tayo didiretso pagdating natin?” tanong ni Luna, pilit na inaayos ang sarili. Lumingon sa kanya si Santino, bahagyang napangiti. “Sa bahay, syempre. Gusto mo bang dumiretso muna sa inyo?” Umiling si Luna. “Hindi na siguro. Tatawag na lang ako kay Inay para ipaalam na nakabalik na ako.” Tipid na tumango si Santino, ngunit hindi niya maiwasang tingnan si Luna nang mas matagal. Alam niyang may itinatago ito—at lalo lang niyang pinagtibay ang desisyong huwag muna ipahalata na alam na niya ang tungkol sa pagbubuntis nito. Hinawakan niya ang kamay ni Luna at marahang pinisil iyon. “Pagdating n
Matapos ang dalawang buwang pananatili ni Santino sa ibang bansa, sa wakas ay tumawag na ang kanyang ina. "Santino, anak, kailan ka babalik sa Pilipinas?" Direktang tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kailangan ka na sa kompanya. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa." Nasa hotel suite siya nang matanggap ang tawag. Nakaupo siya sa veranda, hawak ang baso ng alak habang nakatanaw sa malawak na city lights. Ilang sandali muna siyang natahimik bago sumagot. "Ilang araw na lang, Ma," sagot niya sa mahinang tinig. "Babalik na ako." "Good. Dahil maraming kailangang ayusin sa kumpanya. Alam mo namang hindi pwedeng puro gala ka lang diyan," paalala ng kanyang ina. Napangisi si Santino, alam niyang tama ito. Pero may iba pang bumabagabag sa isip niya—si Luna. Sa dalawang buwang lumipas, hindi niya ito masyadong nakausap. Hindi niya rin alam kung paano ito haharapin pagbalik niya. "Oo na, Ma. Huwag kang mag-alala, babalik ako sa tamang oras," sagot niya bago tinapos ang tawag. Na
Sa bawat halik at haplos ni Santino, parang nawalan na ng ibang mundo si Luna. Ang tanging alam niya lang ay ang init ng katawan nilang dalawa, ang mabagal ngunit nakakapasong galaw ng mga kamay ni Santino sa balat niya. Hindi siya lumayo. Sa halip, siya pa mismo ang kusang yumakap dito, ipinadama kung gaano siya kahanda sa gabing ito. Naramdaman niyang bumuhat siya ni Santino palabas ng jacuzzi. Basang-basa ang kanilang katawan, ngunit ni hindi nila alintana ang lamig ng hangin na sumalubong sa kanila. Marahan siyang ibinaba ni Santino sa malambot na kama, habang ang titig nito ay nag-aapoy sa matinding pagnanasa. "Luna..." mahina ngunit puno ng emosyon ang tawag ni Santino sa pangalan niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, bago muling dinala ang labi sa kanya. Hindi na nila kayang pigilan ang nararamdaman. Ang bawat galaw ay puno ng pananabik at pangungulila. Sa bawat sandaling lumilipas, tuluyan nang nawala ang natitira pang hadlang sa pagitan nila. Sa gabing iyon, sa ilalim
Masaya ang buong event, at halos lahat ng tao sa paligid ay nagsimula nang bumati sa kanila. Kahit hindi pa sila kasal, may mga sumisigaw na ng “Congratulations!” at “Bagay na bagay kayo!” habang ang iba naman ay nagbibirong kailan daw ang kasal. Si Luna, na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, ay natawa na lang habang mahigpit na hawak ang kamay ni Santino. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap—kanina lang ay nag-iisip pa siya tungkol kay Santino, at ngayon, opisyal na silang magkasintahan. Si Santino naman ay nakangiti lang, pero halata sa mga mata niya ang saya. “Mukhang wala na tayong magagawa, Luna,” biro niya habang inilapit ang mukha kay Luna. “Ikakasal na raw tayo.” “Nako, ang bilis naman!” sagot ni Luna, pero halata sa kanyang mukha ang kilig. “Eh, bakit hindi na lang natin seryosohin?” sabay kindat ni Santino, dahilan para muling kiligin si Luna. Napailing na lang siya at siniko si Santino sa tagiliran. “Ikaw talaga!” Samantala,
Luna POV "Oh? Parang natulala ka diyan, Luna," tukso ni Erick habang pinagmamasdan ako. Mabilis akong umiling. "Hindi ah!" tanggi ko, kahit na halatang-halata na si Santino talaga ang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Napansin kong nagpalitan ng tingin sina Carla at Bea, saka biglang ngumiti ng makahulugan si Bea. "Mahal mo ba si Santino?" diretsong tanong niya. "Ha?!" Napalakas ang boses ko, dahilan para mapatingin ang ilang officemates namin sa amin. Mabilis akong yumuko at hininaan ang boses ko. "Ano ka ba, Bea? Anong pinagsasabi mo?" "Huwag mo nang i-deny," natatawang sabi naman ni Carla. "Kanina ka pa hindi mapakali simula nang mawala si Santino sa paningin mo." "Hindi totoo 'yan!" mariing sagot ko, pero ramdam kong uminit ang mukha ko. "Hmm…" nagkibit-balikat si Bea. "Pero alam mo, Luna, kung hindi mo talaga siya mahal, bakit ka pa nag-aalala kung nasaan siya?" Nanlamig ako sa sinabi niya. Tama ba sila? Hinahanap ko nga ba siya dahil mahal ko siya? O dahil lang hin
Luna POV Nataranta ang buong opisina nang biglang sumakit ang tiyan ng emcee na dapat sana’y mangunguna sa event namin ngayong gabi. Halos lahat ay naghahanap ng posibleng pumalit, at sa hindi ko inaasahang pagkakataon—ako ang napili. "Luna, ikaw na lang muna! Wala nang iba!" sabi ni Carla habang hawak ang braso ko. "Ha?! Ako? Hindi ako sanay! Wala akong practice!" halos pasigaw kong sagot habang mabilis na umiling. "Wala nang oras, Luna. Ikaw lang ang pwedeng humarap sa audience nang hindi nagkakandarapa!" dagdag pa ng isa naming katrabaho. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito ang forte ko! Mas gusto ko ang nasa likod ng eksena, hindi ang nasa harapan ng maraming tao. Pero wala akong choice. "Okay, fine! Pero… anong isusuot ko? Hindi ako pwedeng humarap sa audience na ganito lang!" tinuro ko ang simpleng office attire ko—hindi sapat para sa isang corporate event. Parang kidlat na kumilos ang mga babae sa paligid ko. Agad nilang hinila ako papunta sa b
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen