"Marina, pinapatawag ka ni sir Sebastian sa office niya." sabi ng isa kong kaklase.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam basta pumunta ka na lang daw doon."
Uwian na namin pero pinapatawag pa ako, ano naman kaya ang ipag uutos nun, anas ko.
Bitbit ko ang bag na bigay sa akin ni lola Fermina, lahat ng gamit ko ay siya ang nagbigay.Kailangan ko na talagang magpapayat para hindi ako palaging napapagod sa paglalakad, ang layo pa naman ng office ni sir Sebastian. Sir na pala ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang aming Prof. Pero panay utos niya sa akin kaya ako nabubuwisit. Pagod na ko maghapon sa klase tapos uutusan na naman niya ko. Ano ako PA niya sabi ng isip ko.
Fifteen minutes ang tinagal ko sa paglalakad makarating lang sa kaniyang office. Halos pumutok na ang suot kong uniporme dahil sa hapit nito sa akin. Nag aalat na din ang pawis ko sa sobrang pagod sa paglalakad.
Kinuha ko muna ang panyo para punasan ang pawis sa mukha. Naging pawisin na ko ngayon dahil nananaba na naman ako. Hindi ko talaga maiwasan ang kumain ng marami lalo na at masarap ang ulam. Tapos kanina sa canteen naparami na naman ang kain ko. Magpapayat na talaga ako sabi ng isip ko.
Nang wala na akong pawis ay kumatok ako sa pintuan ng opisina ni sir Sebastian. Pagkabukas ko ng pinto ay nakaramdam ako ng lamig sa loob ng kaniyang opisina. Naginhawan ang katawan ko sa lamig na dumadampi sa balat ko.
Pagkasarado ko ng pinto, nakita ko siyang nakakunot ang noo nito."Why are you late? More than 20 minutes bago mo narating ang opisina ko," singhal nito. Napatayo siya sa kinauupuan niya at parang mistulang tigre ang itsura niya ngayon at humakbang patungo sa akin.
"Sir sorry po, malayo lang po talaga ang opisina niyo kaya late akong dumating." kinakabahan kong sabi.
"Tsk! thats the reason why you late? Ang sabihin mo mabagal kang maglakad kaya late kang nakarating dito sa opisina ko."
Binato niya sa aking tiyan ang suit case niya at tumama sa bilbil kong tiyan. Muntik pa itong mahulog dahil sa pagtalbog nito sa bilbil ko. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Get my things on my table now. Ayoko ng babagal bagal and make sure na nakasunod ka na sa akin, naiintindihan mo ba." Yumukod siya at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naamoy ko ang mabangong hininga nito.
Dali dali kong kinuha ang gamit niya sa mesa niya at binitbit ko ito. Sinarado ko muna ang pinto at naglakad na ko ng mabilis.
Bakit ang bilis naman niya at bigla na lang nawala sa paningin ko si Sebastian.Punuan pa ang laman ng elevator, hay naku palagi na lang bang ganito. Palaging may laman, wala na akong pagpipilian kaya sa hagdan na lang ako maglalakad. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin.
Narating ko din agad ang first floor at hiningal na naman ako sa pagod maglakad. Kung ganito lang din ang ipapagawa sa akin ni Sebastian ay mamamayat ako nito. Sana nga.Nilakad ko na patungong parking lot at nandoon na si Sebastian na nakatayo lang sa gilid ng kaniyang sasakyan.Sa pagmamadali kong maglakad ay may tao akong nakabungguan kaya nalaglag ang dala kong mga libro at paperworks ng mga estudyante. Inisa isa ko itong pinulot, mabuti na lang at mabait yung nakabanggaan ko kasi tinulungan akong magpulot ng mga papel. Nakayuko lang ako at hindi ko alam kung sino ito dahil busy din ako sa pagpulot ng mga papel. Sumulyap ako kay Sebastian na galit ang mukha, nagsalubong na naman ang kilay niya kaya alam ko na kung ano ang mangyayari.
Nagsalita yung taong nakabungguan ko, tila pamilyar ang boses niya kaya napatingin na lang ako sa kaniya.
Sa gulat ko pagkakita sa kaniya, naibulalas ko tuloy ang pangalan niya."Kuya Nathan!" tuwang tuwa kong sabi
"Oh Marina, ikaw na ba iyan? Mas lalo ka atang tumaba" agad niyang puna.
"Grabe ka naman kuya, wala man lang kamusta diyan? Ah wait lang po kuya, ibigay ko lang ito kay Sebastian." turo ko sa dala ko.
Sumunod sa akin si kuya Nathan.
Wala na si Sebastian sa labas ng kaniyang sasakyan, nainip na siguro ito kaya pumasok na lang ito sa loob ng kaniyang sasakyan.Kumatok ako sa may bintana dahil nakalock na ang pinto nito. Binuksan naman niya agad ang salamin ng bintana.
"S-Sir ito na po iyong gamit niyo," nauutal kong sabi.
Kinuha naman niya agad ito na walang kibo at walang ekspresyon ang mukha nito pagkakuha niya iyon. Nangunot ang noo ko nang paandarin niya na ang kaniyang sasakyan at mabilis na umalis ito.
"Lagi ka bang sinusungitan ni Sebastian?" tanong ni kuya Nathan sa may likuran ko.
"Walang nagbago at ganoon pa din siya hanggang ngayon. Ano pala ang ginagawa mo dito kuya?"
"May kinuha lang akong mahalagang bagay. Uuwe ka na ba?"
"Oo kuya."
"Halika ka na sumabay ka na sa akin. Iisang way lang naman ang uuwian natin diba," pag aya nito.
"Oo kuya," hiya kong sabi.
Sumabay na lang ako kuya Nathan pauwe. Tahimik ang namayani sa amin ni kuya nang maisipan ko siyang tanungin.
"Ah kuya, may kapatid ka pala na nag aaral dito. Kaklase ko siya," agad kong sabi.
"Ah si Lexie, mabuti at nagkakilala na kayong dalawa." Matagal bago siya ulit nagsalita. "Mabait siyang kapatid, malapit na siyang mamatay noon dahil sa sakit niya. Lumaban siya dahil alam niyang may pag asa pa siya. Hindi siya nawalan ng pag asa dahil mahal niya kaming pamilya niya."
Nagulat na lang ako sa sinabi niya, kaya pala ito payat dahil sa nagkasakit siya.
"Ah oo eh, mabait siya kaya nga naging magkaibigan na kaming dalawa," sagot ko.
"Thats good, alam mo na ngayon ang dahilan kaya siya payat. Pero may pag asa pang bumalik sa dati ang katawan niya," ngiting sabi nito habang nakatuon ang paningin niya sa pagdadrive.
"Ganun ba kuya," sagot ko. Ako kaya may pag asa pa kaya na pumayat.
"Ikaw, gusto mo bang magpapayat?" Bigla akong natuwa kasabay ng
pahinto ng sasakyan tanda na narito na kami sa hacienda."Siyempre naman kuya gustong gusto ko. Hindi ko kasi maiwasan na kumain ng marami lalo na at masarap ang ulam."
"Okay, tuwing saturday at sunday susunduin kita dito. I owned a gym, so everytime na gusto mong pumunta dun always welcome ka. Saka ko na ibibigay ang vip card mo kapag nag umpisa ka na and may rules and regulation ako na dapat mong sundin."
"Okay kuya salamat sa paghatid. Sana hindi mahirap yang rules and regulation mo kuya."
Tumawa siya, "pero yun dapat talaga ang susundin mo para sumeksi ka."
Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang salitang sexy. Sana nga."Oo na kuya, alam ko na yun kahit hindi mo sabihin," sabi ko nang ako ay makababa na ng sasakyan.
"Tsk! baka sa una pa lang ay sumuko ka na lang bigla," sabi nito. "Okay kita kits na lang," paalam nito saka pinasibad na nito ang kan'yang sasakyan.
Tinungo ko na ang mansion at nakita ko na naman si Sebastian na nangangabayo. Ganitong eksena na naman yung nangyari sa akin noon. Naging maingat na ko kapag ganito na may binabalak siya. Nagtago ako sa may likod ng puno para hindi niya ko banggain at yun nga buti hindi natuloy ang binabalak niya.
Dali dali akong lumabas sa likod ng puno at pumasok na sa mansion. Nagmano muna ako kina lolo at lola. Habang tumatagal ay nanghihina na din sila dahil sa katandaan nila. Naawa na din ako sa kanila dahil hindi na sila gaanong makakilos. Gustuhin man ni Sebastian na ipagamot silang dalawa upang lumakas ulit ang kanilang resistensiya ngunit matigas ang kanilang ulo. Sadyang tumatanda na daw sila kaya humihina na din ito."Marina!" tawag sa akin ni lola at niyakap ako ng mahigpit .
"Bakit po lola at umiiyak po kayo?" Kinabahan ako bigla dahil sa higpit ng pagyakap nito sa akin.
"Mamimiss kita ng sobra apo, kahit anong mangyari ipagpatuloy mo pa din ang pag aaral mo ha. Ayokong iwan ka na hindi ka pa nakakapagtapos ng pag aaral ngunit mahina na talaga ako at matanda na. Magtapos ka ng pag aaral mo para hindi ka maliitin lang ng apo kong si Sebastian. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Sebastian at sana huwag kang aalis dito sa mansion. Gusto kong manatili ka dito sa bahay. Tiisin mo na lang muna ang pang aapi sayo ni Sebastian. Maging matatag ka Marina at ipangako mong magtatapos ka ng pag aaral mo. Maasahan ko ba yan Marina?" mahabang sambit ni lola habang ito ay nakahiga sa kama.
"Lola ano po ba ang sinasabi niyo? Bakit parang....... lola huwag na po kayo magsalita, huwag po kayo magsalita ng ganun. Makakaasa po kayong tutuparin ko lahat ng mga sinabi niyo. Mahal na mahal ko din po kayo lola," sambit ko.
May pumatak na luha sa aking mga mata dahil sa mga sinabi ni lola para itong namamaalam na. Ang sakit sa puso kahit hindi ko sila tunay na kadugo ay napamahal na sila sa akin. Pero si lolo ay naging matamlay na din dahil sa panghihina ni lola Fermina.
Pumasok ako sa loob ng aking silid na mabigat ang pakiramdam ko. Tila naninikip itong dibdib ko dahil sa mga sinabi ni lola. Namamaalam na kaya si lola kaya ganun na lang ang mga sinasabi niya, sa loob loob ko.Isang linggo na ang nakalipasHindi na kami sabay sabay na kumakain dahil madalas na wala si Sebastian dito sa mansion, palagi itong wala at kami lang ni lolo ang magakasalo sa hapag kainan. Si lola ay sa silid na din ito kumakain.Madalas na akong hindi kumakain ng marami dahil goal ko na talaga ang magpapayat. Napansin naman iyon ni lolo dahil sa kaunti lang ang nababawas na pagkain sa hapag.Tuluyan ng bumagsak ang katawan ni lola at namayat na ito ng husto na ikinabahala naman ni lolo. Nagiging matamlay na din ito dahil sa nakikitang nahihirapan sa kalagayan ng kaniyang minamahal na asawa.Ilang araw na lang at kaarawan na ni Sebastian. Sana maabutan pa ni lola ang kaniyang kaarawan. Pero ako ay dalawang buwan pa bago ang kaara
Nagpunta agad ako sa sementeryo upang dalawin ang puntod nila lolo at lola ng matapos ang klase namin. Pero hindi ko inaasahang makita si Sebastian dahil nandirito din siya. Una kong tinungo ang puntod ni lola dahil naroon si Sebastian sa puntod ng kaniyang lolo. Tumingin sa akin si Sebastian na malungkot ang kaniyang mga mata. May bahid pang mga luha sa kaniyang mga mata dahil galing ito sa pag iyak.Nanatiling tahimik ang pagdalaw namin sa kanilang mga puntod at ni isa walang gustong magsalita sa amin. "Tama bang naririto ka pa at kailangan pang manatili ka pa sa bahay ngayong alam mong wala na sina lolo at lola na masasandalan mo," madiing sabi niya.Yun ang mga katagang binigkas ni Sebastian sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay naaawa lang ako sa kaniya dahil wala na itong katuwang sa buhay. Tanging nag iisa na lang ito sa Monteclaro clan. Ang kwento sa akin ni lola ay may kapatid daw na babae si lolo ngunit matagal na itong nawawala. Pinahanap nila kahit saang parte
Simula ng malaman naming dalawa ni Sebastian ang huling habilin nila lolo at lola parang mas lalo lang itong naging galit sa akin halos araw araw na niya akong inaaway dito sa loob ng mansion minsan pinapahiya niya na din ako sa eskwelahan. Ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa umpisa pa lang ay parang gusto ko ng sumuko at umalis na lang pero hindi iyon hahayaan ni Sebastian na aalis ako hanggat hindi pa ko naikakasal sa kaniya na hanggat hindi pa nakapangalan sa kaniya ang mga ari arian ng mga Monteclaro clan."Hey wake up." Boses iyon na galit na si Sebastian. "B-Bakit?" pautal kong tanong sa kaniya. Biglang kumunot ang kaniyang noo pagkatanong ko sa kaniya habang nakaupo sa kama dahil kababangon ko lang at nakatakip pa lang ang kumot hanggang beywang ko.Bigla na lang niya ako hinila hanggang sa napasubsob na lang ako sa sahig kaya napahawak na lang ako sa nananakit kong katawan. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya habang ang mata nito ay nanlilisik sa galit. Luma
Naikwento na lahat ni ate Ana kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay at sinugod naman ako agad ni Sebastian sa hospital. Pagkatapos ng isang araw na pananatili doon ay inuwe din ako agad ni Sebastian para dito na lang daw niya ko bantayan. Nag aalala din pala sa akin si Sebastian, akala ko wala ng pagbabago sa ugali niya ngunit heto siya ngayon, siya pa ang nagbantay sa akin mag damag kaya pala naabutan ko siyang natutulog sa sofa pag kagising ko. May ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko subalit hindi ko pa alam kung hanggang saan patutungo ang ganitong nararamdaman ko para sa kaniya. ...............Kinabukasan habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan, nasa may labas na ko ng mansion at inaayos ang gamit ngunit hindi ko inaasahang may humintong sasakyan sa may harapan ko kaya napatingin na lang ako dito. Bago ito sa paningin ko hindi ko kilala kung sino ang sakay nito sa loob. Sa
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam muna si Seb sa akin na pupunta itong comfort room. Balak ko din sana mag cr kaso ayaw ko siyang kasabay na magtungo roon kaya pinauna ko na lang ito. Maya't-maya ay sumunod din ako pero pinatigil lang ako ng isang lalaking waiter. "Anong bawal kuya? Bawal po bang pumasok?" Nagtatakang tanong ko."Iyon po kasi ang utos ma'am," magalang na sagot nito. Mabigat na hininga ang ang pagsang-ayon ko. Ang sakit na ng aking pantog at hindi ko na kayang tiisin ito. Nagmadali akong umalis at tinunton ang daan palabas ng restauran. Hindi ko na aantayin si Seb para makisabay sa kan'ya pag-uwe. Nauna ako para makauwe agad ng mansion at doon na lang ako magbabawas. Makakaya ko pang tiisin ito kaysa mag-antay sa wala. Kalahating oras nang marating ko na ang mansion. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makaihi pero dahil sa batong aking natapakan. Napatid ako na kinaihi ko na hindi naman sinasadya basta kusa lang ako nakaihi na hindi ko na napigi
Pauwe na ko ngayon na hindi ko na kasabay si Lexie. Naglakad na lang ako para bawas gastos sa pamasahe at para matadtad ang aking katawan. Uumpisahan ko na ngayon magpapayat. Habang mag-isang naglalakad sa may kalsada, isang sasakyan ang huminto sa kalsada at malakas ang pagbusina nito na kinagulat ko dahil sa malakas na ingay nito. "Hoy baboy Marina!" sigaw ni Rashina sa akin na nakadungaw ang mukha nito sa may bintana ng sasakyan. "Pwede bang umalis ka na lang riyan diyan sa daanan. Hindi mo bagay malantad dito sa kalsada," sabay tawa ng mga ito kasama ang ibang kaklase ko. Kuyom ang dalawang kamao ko sa pagtitimpi ng galit ko sa kanila at mabilis na umalis sa kanila. "Hoy bumalik ka dito!" sigaw pa ng mga ito. Lumingon ako at talagang nakasunod sila sa akin. Napatakbo ako ng mabilis para hindi nila ako mahabol pero sa paglingon ko ay doon ako nadapa at napasubsob sa may kanal pagkahulog ko. Huminto na naman ang sasakyan nila Rashina at nagsibabaan ang mga ito saka pinagtawnan nil
Nasa mukha ang pagkainis ni Seb nang umalis ito sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung napaano 'yon dahil abala kami ni kuya Zander sa pag-uusap. Maya't-maya ay nagpaalam na din si kuya Zander pagkatapos namin mag-usap. Napasinghap ako, naisipan ko na lang na magtungo ng kusina para tanungin si ate Ana kung may laptop ba ito pero malabong mangyari 'yon na may laptop ba akong mahihiram sa kan'ya. Naisipan ko na lang na huwag na lang ituloy at baka nga wala. Nahiya naman kasi akong manghiram kay Seb at baka sungitan na naman ako 'yon pero subukan ko kung pahihiramin niya ko. Nasa tapat na ko ng kan'yang pintuan. Kinakabahan ako lalo nang makita ko siya kaninang naiinis sa amin. Pero hindi naman masamang magtanong eh. Huminga muna ko ng malalim bago katukin ang pinto ng kan'yang kuwarto. Nakatatlong katok na ko pero wala itong balak buksan ang pinto. Alam kong dito lang siya pupunta eh. "Seb!" mahinahong tawag ko sabay katok ng pinto. Wala talagang bakas na may tao sa loob ng kan'ya
"Seb!" sabay bigkas namin ni kuya ZanderIniluwag pa nito ang pintuan bago pa ito pumasok rito sa loob. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, lalo lamang ako kinakabahan dahil sa kakaibang paninitig nito. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nadarama ko para kay Seb. Alam kong ginabi na ko pero ito naman ang gusto niya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin. "Are you done your assignment?" ani nito. Himala, ang bait niya. "Ahmm.. Oo, ipriprint na lang," sagot ko. Medyo nawala ang aking kaba na kanina ay sobrang lakas ng pitik ng puso ko."Okay after that uuwe na tayo. I'll wait you in my car," ani nito."Hintayin mo na lang siya dito dude. Ilang pages na lang at matatapos nang maprint," ani ni kuya Zander.Pero hindi siya nakinig dahil umalis na lang ito pagkasabi niya iyon. Pero pansin ko ang mga mata niya kanina nang tumingin siya sa akin. Pero ano naman ngayon kung ganoon. Wala naman mababago eh. Galit pa rin siya sa 'kin."Anong nakain 'yon at pabigla bigla ang
"Ang Buhay Mag-asawa" Third POV Mabilis na lumipas ang mga buwan mula nang ikasal sina Sebastian at Marina. Ngayon, mas kilala na sila bilang mag-asawa, at ang kanilang tahanan ay puno ng tawanan, pagmamahalan, at kaunting harutan na nagpapanatili ng init sa kanilang relasyon. --- Umaga sa Mansyon Habang abala si Marina sa pag-aayos ng almusal, nakaupo naman si Sebastian sa bar counter, nakasuot ng pajama at mukhang bagong gising. "Good morning, mahal," bati ni Marina habang inihahain ang paborito niyang pancakes at bacon. "Good morning, my Mrs. Monteclaro," sagot ni Sebastian, sabay abot ng tasa ng kape na nilagay niya sa tabi nito. "Bakit ang aga mong gumising? Sana pinatulog mo pa ako ng konti." "Eh kasi, gusto kong sorpresahin ka," sagot ni Marina na may matamis na ngiti. "Ito na ang unang araw na ako ang mag-aalaga sa'yo bilang asawa." Ngumiti si Sebastian, hinawakan ang kamay ni Marina, at hinila ito papalapit. "Hindi mo kailangang gawin lahat, Marina. Magkasam
Marina POV Sa wakas, natapos ko rin ang isang bagay na matagal ko nang pinapangarap—ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi naging madali ang lahat. Napakaraming sakripisyo, pagod, at luha ang kinailangan kong pagdaanan, ngunit ngayon, hawak ko na ang diploma na sumisimbolo ng lahat ng pinaghirapan ko. --- Habang nakaupo ako sa gilid ng kama sa aming silid, tinitingnan ko ang graduation gown na nakasabit sa pintuan. Parang kailan lang, hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito. Noon, tila napakalayo ng pangarap na ito, lalo na nang mamatay sina Mama at Papa at kinailangan kong tumulong sa kanilang utang. Pero heto na ako ngayon—isang ganap na graduate. Biglang bumukas ang pinto, at si Sebastian ang sumilip. "Marina, handa ka na ba? Malapit na ang graduation ceremony mo," tanong niya habang ngumingiti. Tumango ako at ngumiti rin. "Oo, Seb. Parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang saya ko ngayon." Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko. "Deserve mo 'yan,
Lumipas ang ilang buwan mula nang mag-propose si Sebastian kay Marina. Naging masaya at payapa ang kanilang mga araw habang pinag-uusapan ang magiging buhay nila bilang mag-asawa. Ngayon, nasa gitna sila ng pagpaplano para sa kanilang engrandeng kasal—isang kasalang magpapatunay ng kanilang pagmamahalan sa harap ng kanilang mga pamilya at kaibigan. --- Sa Mansyon ng Monteclaro Sa dining hall, nakaupo sina Marina at Sebastian kasama ang kanilang wedding planner. Nakalatag sa mesa ang mga disenyo ng wedding invitations, sample ng wedding gowns, at listahan ng mga suppliers. "Marina, gusto mo bang magdagdag ng ibang kulay sa motif? Baka gusto mong gawing mas personalized?" tanong ng wedding planner habang ipinapakita ang iba't ibang kombinasyon ng kulay. Napaisip si Marina at tumingin kay Sebastian. "Ano sa tingin mo, Seb? Gusto ko ng eleganteng kulay, pero simple lang." Ngumiti si Sebastian at hinawakan ang kamay niya. "Ikaw ang magdesisyon, Marina. Basta ang gusto ko, mas
Third POV Lumipas ang ilang araw mula nang magdesisyon sina Marina at Sebastian na bumalik sa Maynila. Abala ang dalawa sa paghahanda para sa kanilang pag-alis. Habang nasa mansyon, abala si Marina sa pag-iimpake ng kanilang gamit, samantalang si Sebastian ay nag-aasikaso ng mga dokumento para sa kanilang negosyo. --- Habang inaayos ni Marina ang kanyang maleta, biglang pumasok si Ana, ang matagal nang katiwala sa mansyon. "Marina, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Ana habang naglalakad papunta sa kanya. "Oo, Ana. Mahal ko ang lugar na ito, pero alam kong kailangan naming magsimula ni Sebastian sa Maynila," sagot ni Marina na may halong lungkot sa tinig. "Alam mo, Marina, proud na proud ako sa'yo. Nakita ko kung paano ka lumaki dito sa hacienda, at ngayon, ikaw na ang may-ari nito," sabi ni Ana habang pinipigilan ang pagluha. Ngumiti si Marina at niyakap si Ana. "Salamat, Ana. Hindi ko rin makakamit ang lahat ng ito kung wala ka." --- Samantala, si Sebasti
Third POV Lumipas ang mga araw mula nang tuluyang mawala ang banta ni Sofia sa kanilang buhay. Unti-unting bumalik ang normal na takbo ng kanilang mga araw. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan, mas naging matatag ang relasyon nina Sebastian at Marina. --- Isang umaga, abala si Marina sa paghahanda ng agahan. Nakangiti siya habang iniisip ang mga plano para sa araw na iyon. Nang biglang pumasok si Sebastian sa kusina, suot ang simpleng puting t-shirt at jeans. "Good morning," bati niya habang inaayos ang kanyang buhok. Napatingin si Marina sa kanya at napangiti. "Good morning. Gutom ka na ba? Malapit na 'to." Lumapit si Sebastian at biglang hinalikan siya sa noo. "Hindi lang pagkain ang gusto ko." Natawa si Marina. "Sebastian, aga-aga pa!" --- Pagkatapos nilang mag-agahan, nagpasya silang bumisita sa hacienda ng pamilya Monteclaro. Habang nasa daan, masaya nilang pinag-usapan ang mga plano para sa hinaharap. "Sebastian, naisip ko, gusto ko sanang magpatayo ng maliit n
Third POV Kinabukasan, nagdesisyon si Sebastian na ilipat si Marina at ang kanyang pamilya sa mas ligtas na lugar. Nais niyang protektahan sila mula kay Sofia at sa mga posibleng panganib. "Sebastian, hindi na kailangan. Kaya naman naming alagaan ang sarili namin," mariing sabi ni Marina habang nakaupo sa tabi ng mesa sa kusina. Ngunit tumingin si Sebastian sa kanya, ang mga mata’y puno ng determinasyon. "Marina, hindi ko hahayaang mapahamak kayo. Ang buhay ko ay para sa'yo na ngayon. Wala akong pakialam kahit magalit ka pa sa akin, basta't ligtas ka." Natigilan si Marina. Ramdam niya ang sinseridad ni Sebastian, ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa mga nangyayari. --- Habang inihahanda ang paglipat, nakatanggap si Sebastian ng tawag mula sa kanyang abogado. "Sebastian, may balita kami tungkol kay Sofia. May ebidensya na tayong maaring gamitin laban sa kanya. May mga taong umamin na inutusan niya upang sundan si Marina," sabi ng abogado. Naiinis ngunit nak
Third POV Lumipas ang ilang araw na tila payapa sa hacienda, ngunit hindi maitatangging may tensyon na nag-ugat mula sa muling paglitaw ni Sofia. Sa kabila nito, pilit na bumabalik si Marina sa normal na takbo ng kanyang buhay. Naging abala siya sa mga gawain sa hacienda, samantalang si Sebastian naman ay naging mas malapit sa kanya, tila sinisiguro niyang maramdaman ni Marina ang kanyang pagmamahal. --- "Marina, may pupuntahan tayo mamaya," ani Sebastian habang nag-aalmusal sila sa hardin. Napatingin si Marina sa kanya. "Saan naman?" tanong niya, habang inaabot ang tasa ng kape. Ngumiti si Sebastian. "Surpresa. Basta magbihis ka nang maayos." Bagamat may bahid ng kaba, sinunod ni Marina ang sinabi ni Sebastian. Suot niya ang simpleng floral dress na binili nila noong nasa lungsod sila. Nang handa na siya, sinalubong siya ni Sebastian sa may hagdanan. "Ang ganda mo," bulong ni Sebastian habang nakatitig sa kanya. Nakangiti si Marina. "Saan mo ba ako dadalhin?" "Malal
"Pag-uwi sa Maynila" Third POV Kinabukasan, maagang umalis si Sebastian pabalik ng Maynila. Bago siya umalis, hinatid siya ni Marina sa sakayan, dala ang ngiti sa kabila ng lungkot. "Mag-ingat ka, Sebastian," sabi ni Marina habang pinipigilan ang mga luha. "Huwag kang mag-alala, Marina. Ilang araw lang ako sa Maynila. Babalik agad ako," pangako ni Sebastian habang niyayakap siya nang mahigpit. Habang papalayo ang sasakyan, ramdam ni Marina ang bigat ng kanyang puso. Alam niyang hindi madali ang relasyon nila, pero pinipilit niyang maging matatag. --- Sa Maynila, sinalubong si Sebastian ng magulong mundo ng negosyo. Pagkarating pa lang niya sa opisina, sinalubong agad siya ng mga problema ng board ng Monteclaro Corporation. "Sebastian, kailangan mong harapin ang mga isyu sa supply chain natin. May mga delay sa proyekto sa Batangas," sabi ng isa sa mga direktor. Halos hindi makahinga si Sebastian sa dami ng kailangang asikasuhin. Sa kabila nito, si Marina pa rin ang la
Third POV Kinabukasan, abala ang buong hacienda para sa anniversary celebration. Halos lahat ng tao ay abala sa pag-aayos ng mga dekorasyon, pagkain, at iba pang detalye para sa engrandeng selebrasyon. Si Marina naman ay nakasuot ng isang eleganteng damit na pinili mismo ni Sebastian. Habang naglalakad si Marina sa paligid, naramdaman niyang maraming mata ang nakatingin sa kanya. Lahat ay napapansin ang kakaibang ningning niya ngayong araw. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili, "Ano bang meron sa araw na 'to? Bakit parang espesyal na espesyal?" Sa kabilang banda, si Sebastian ay abala rin sa pagsisigurado na maayos ang lahat. Kahit masungit ito at istrikto sa mga tauhan, halata ang kanyang excitement. --- "Marina, halika nga rito," tawag ni Lexie habang papalapit sa kaibigan. "Ano na naman, Lexie? Kanina ka pa tanong nang tanong," sagot ni Marina, medyo naiirita. "Teka, hindi mo ba napapansin? Lahat ng tao, mukhang may alam na hindi mo alam," bulong ni Lexie, sabay k