Pumasok ako sa loob ng aking silid na mabigat ang pakiramdam ko. Tila naninikip itong dibdib ko dahil sa mga sinabi ni lola.
Namamaalam na kaya si lola kaya ganun na lang ang mga sinasabi niya, sa loob loob ko.Isang linggo na ang nakalipasHindi na kami sabay sabay na kumakain dahil madalas na wala si Sebastian dito sa mansion, palagi itong wala at kami lang ni lolo ang magakasalo sa hapag kainan. Si lola ay sa silid na din ito kumakain.Madalas na akong hindi kumakain ng marami dahil goal ko na talaga ang magpapayat. Napansin naman iyon ni lolo dahil sa kaunti lang ang nababawas na pagkain sa hapag.Tuluyan ng bumagsak ang katawan ni lola at namayat na ito ng husto na ikinabahala naman ni lolo. Nagiging matamlay na din ito dahil sa nakikitang nahihirapan sa kalagayan ng kaniyang minamahal na asawa.Ilang araw na lang at kaarawan na ni Sebastian. Sana maabutan pa ni lola ang kaniyang kaarawan. Pero ako ay dalawang buwan pa bago ang kaarawan ko.Sana lola pagsapit ng kaarawan ko ay nariyan ka pa sa tabi ko, hiling kong dasal sa isip ko.Narito kami ngayon sa canteen ni Lexie. Napapansin kong nagiging matakaw na itong kumain at medyo nagkakaroon na ng laman ang pisngi nito. Pero ako nag didiet. Ito ang turo sa akin ni kuya Nathan. Unang sabak ko pa lang sa pag ggym ay wala pang 20 minutes ay hinihingal na ko dahil sa pagod. Minsan hindi ko maiwasang hindi maglaway dahil sa masasarap na pagkain ang baon ni Lexie. Naglalaway ako kapag marami itong sinusubo sa bunganga nito."Naku! Marina, alam ko yang klaseng paninitig mong yan. Kailangan mo yan para sa pagpapapayat mo.""Natatakam kasi ako sa mga baon mo eh. puwede bang patikim kahit konti lang.""Kawawa ka naman Marina, oh heto konti lng ha at kapag nalaman ni kuya ito naku malilintikan tayong dalawa," inis nitong sabi."Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong sa kaniya," ani ko na naka cross arm.Biglang natahimik na lang si Lexie at tila nagulat ito sa may likuran ko dahil sa pagkatahimik nito. Napanguso ako, "Akin na yang isang fried chicken mo at kanina pa ako naglalaway. Akin na yan Lexie." Pilit ko itong kinukuha sa may baunan niya. Pero nilalayo lang niya. Bigla na lang akong napalingon at napatayo sa kinauupuan ko sa may likuran ko dahil nakarinig ako ng pagtikhim"Kuya Nathan!" bulalas ko. "A-anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Pautal kong tanong sa kaniya."Binabantayan ko kayo ng kapatid ko at baka kasi makalimutan niyong dalawa ang bilin ko.""Ano?" Pinawisan tuloy ako bigla dahil nahuli niya sa akto ang paghingi ko ng fried chicken kay Lexie.Naupo akong muli at tumingin kay Lexie, "sayang" bulong ko sa kaniya at napatawa na lang siya sa akin dahil sa inakto ko."Ang hirap pala magpapayat noh," sabi ko kay Lexie habang naglalakad patungo sa huling klase namin."Kung gusto mo talagang magpapayat magpupursigi kang magtiis at sundin ang sinasabi sayo ni kuya. Malalagpasan mo din yan at balang araw hindi mo na namamalayan na nababawasan ka na ng timbang.""Sana nga ganun lang kabilis ang mga sinasabi mo." Nasa mukha niya ang inis. "Punasan mo nga yang pawis mo, nagmamantika na yang mukha mo." puna ni Lexie."Ang init kasi itong uniporme natin saka ang sikip pa itong uniporme ko," reklamo ko."Ang lamig kaya dito sa building, lahat ng madaanan mo ay may aircon," giit nito.Nangunot ang noo ni Lexie pagkatingin ko. "Halla! bakit parang nagmamadali si sir Sebastian na umalis?" gulat nitong sabi.Napalingon na lang ako kung saan nakatingin si Lexie. Agad na pumasok si Sebastian sa may elevator. Tila nakaramdam ako ng kaba kaya sumunod ako sa pinagpasukan niya kung saan pumasok si Sebastian. Iniwan ko na muna si Lexie kahit na tinatawag niya ako ay dire diretso lang ako sa pagpasok. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng elevator kaya mabilis akong nakasakay. Kinakabahan tuloy ako dahil si lola agad ang iniisip ko.Wala na akong pakialam kung umabsent man ako sa last subject ko. Ang mahalaga ay makita ko si lola dahil iba ang kutob ko.Nagpara ako ng tricyckle at inarkila ko na ito. Kung mag aantay pa ako ng dyip ay matatagalan lang ako, total malapit lang dito ang hacienda sa San Sebastian Collage.Nang makarating na ko sa mansion ay nangingilid na ang aking luha na kanina pa gustong ilabas. Nakita kong lumabas si Sebastian na namumula ang kaniyang mga mata dahil siguro sa pag iyak nito.Parang hindi ko kayang makita si lola, napakabigat sa loob ko at baka hindi ko kakayaning makita na wala na siyang buhay."Marina!" si inay na lumapit sa akin habang umiiyak din ito. Nagyakapan na lang kaming dalawa habang umiiyak."Wala na si donya Fermina!" iyak na sabi ni inay. Wala na ang lola mo.""Alam ko po inay, mahirap po para sa atin ang pagkawala ni lola Fermina!" malungkot kong sabi habang umiiyak sa may balikat ni inay.Abala ang mga tauhan dito hacienda hababg inaasikaso ang libingan ni lola. Napakalungkot lang ang mga pangyayari dahil sa susunod na araw na lang ay kaarawan na ni Sebastian. Sobrang lungkot ng regalo para kay Sebastian ang pagkawala ng kaniyang lola. Lalo ding nalungkot si lolo dahil wala na ang katuwang niya sa buhay. Mahirap para sa kanilang dalawa ang mag move on lalo na at dadalawa na lang silang magkatuwang sa mansion at pati na rin ang mga negosyo ay si Sebastian na ang lahat na humahawak nito dahil si lolo ay matanda na din.Sumapit ang kaarawan ni Sebastian ay nakaburol pa din si lola. Napag disisyonan din ni lolo na ilibing agad pagkatapos ng kaarawan nitong si Sebastian.Nang maihatid na namin sa huling hantungan ang labi ni lola parang wala ng kabuhay buhay ang mansion. Ang mga taong nakatira at mga trabahador ay bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot sa pagkawala ni lola lalong lalo na si Seb na lubos na nasasaktan.Hindi naglaon ay tila sunod sunod na dagok ang dumating sa buhay ni Sebastian dahil hindi din nagtagal ay kinuha na din ng maykapal ang kaniyang lolo.Sobrang nangulila ito sa pagkawala ng kaniyang lolo at lola dahil wala na siyang magiging katuwang sa buhay. Mag isa na lang itong nabubuhay kasama ang kaibigan niyang alak na halos ay gabi gabi na itong umiinom. Hindi na niya inaasikaso ang kaniyang sarili pati na din ang mga ari arian nila ay napabayaan na. Maraming mga investor ang nagpupunta dito sa mansion at ako mismo ang kumakausap sa kanila, minsan ang abogado nila lolo at lola na palaging narito sa mansion.Gusto lamang ni attorney na makinig siya sa last will ng kaniyang lolo at lola. Ayaw naman nito na ako lang ang makikinig. Kailangan dapat na kasali siya para malaman niya din ang huling habilin ng kaniyang lolo at lola.Hindi ko alam kung bakit kailangan din akong makinig sa last will nila. Kung pamamanahan lang din nila ako ay hindi ko ito tatanggapin.Isang buwan na ang nakalipas mula ng mamatay ang lolo at lola ni Sebastian. Isang buwan na din itong nagluksa sa loob ng kaniyang kuwarto. Kaming dalawa ni ate Ana ang nag aasikaso dito sa loob ng mansion.Marami na din akong absent sa eskwelahan na dapat ay makahabol ako sa mga subjects na napag iwanan ko na. Nag aalala ako kay Sebastian at baka kung ano ang gawin nito sa kaniyang buhay kung makaligtaan namin siyang nag iisa.Hindi din nagtagal ay lumabas na din ito at ang laki ng ipinayat nito. Pero hindi pa din nawala ang kakisigan nito dahil sa kan'yang mapang-akit na mga mata.Mas lalo lang naging matapang ang itsura nito at parang ibang Sebastian na ang nakikita ko. Tila nawala na ang saya sa kaniyang mukha at napalitan ito ng galit at poot sa sarili. Tila pinagsakloban siya ng langit at lupa dahil lahat ng mahal niya sa buhay ay nawala na lang bigla.Napakalamig na din ang pakikitungo nito sa lahat ng mga tauhan dito at pati si ate Ana ay natatakot din kay Sebastian. Gusto na nitong umalis sa mansion ngunit pinipigilan ko lang dahil ayaw ko namang maiwan dito na kasama si Seb at baka araw araw ay giyera ang maganap dito.Maaga pa lang ay nauna na siyang pumasok sa eskwelahan. Walang kaekspre ekspresyon ang mukha nito at nakakatakot siyang lapitan at kausapin. Binalak ko na din pumasok sa eskwelahan at baka sabihin niyang tamad akong mag aral."Ate Ana alis na po ako, papasok na ako sa school," paalis na ko nang magsalita si ate Ana."Hindi mo na ba kukunin ang baon mo?" Habol niyang tanong."Hindi na ate, nagdidiet ako eh.""Oh siya sige, mag iingat ka. Magtext ka na lang sa akin kung ano nangyayari kay sir Sebastian," bilin nito."Ikaw talaga ate napaka marites mo," panglolokong sabi ko sa kan'ya."Tse! tumigil ka nga, umalis ka na at baka malate ka pa. Baka parusahan ka pa ni sir kapag nalaman niyang nalate ka."Nanlaki ang dalawa kong mga mata sa narinig kaya dali dali akong naglakad para makarating sa tamang oras.Nauna ng pumasok si sir Sebastian sa school dahil marami pa itong dapat na asikasuhin, marami pa itong ibang negosyo na dapat din niyang asikasuhin. Hind lang dito kundi sa iba't-ibang lugar pa.Nag set na din ng araw si attorney Aliman para makausap kaming dalawa ni Seb para sa huling testamento na ginawa nila lolo at lola.And good news nga pala, nabawasan na din ang timbang ko na dati ay nasa 90 kilos ako. Ngayon ay nasa 75 kilos na ako na may taas na 5'4. Konting push pa para tuluyan na akong maging sexy."Infairness ha ang laki ng ibinawas sa timbang mo Marina," sabi nito na kinahalata niya."Oo nga eh, kahit mabawasan pa sana ako ng 15 kilos para masuot ko na iyong mga damit na bigay ni lola sa akin." Namiss ko tuloy siya bigla.Nagpunta agad ako sa sementeryo upang dalawin ang puntod nila lolo at lola ng matapos ang klase namin. Pero hindi ko inaasahang makita si Sebastian dahil nandirito din siya. Una kong tinungo ang puntod ni lola dahil naroon si Sebastian sa puntod ng kaniyang lolo. Tumingin sa akin si Sebastian na malungkot ang kaniyang mga mata. May bahid pang mga luha sa kaniyang mga mata dahil galing ito sa pag iyak.Nanatiling tahimik ang pagdalaw namin sa kanilang mga puntod at ni isa walang gustong magsalita sa amin. "Tama bang naririto ka pa at kailangan pang manatili ka pa sa bahay ngayong alam mong wala na sina lolo at lola na masasandalan mo," madiing sabi niya.Yun ang mga katagang binigkas ni Sebastian sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay naaawa lang ako sa kaniya dahil wala na itong katuwang sa buhay. Tanging nag iisa na lang ito sa Monteclaro clan. Ang kwento sa akin ni lola ay may kapatid daw na babae si lolo ngunit matagal na itong nawawala. Pinahanap nila kahit saang parte
Simula ng malaman naming dalawa ni Sebastian ang huling habilin nila lolo at lola parang mas lalo lang itong naging galit sa akin halos araw araw na niya akong inaaway dito sa loob ng mansion minsan pinapahiya niya na din ako sa eskwelahan. Ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa umpisa pa lang ay parang gusto ko ng sumuko at umalis na lang pero hindi iyon hahayaan ni Sebastian na aalis ako hanggat hindi pa ko naikakasal sa kaniya na hanggat hindi pa nakapangalan sa kaniya ang mga ari arian ng mga Monteclaro clan."Hey wake up." Boses iyon na galit na si Sebastian. "B-Bakit?" pautal kong tanong sa kaniya. Biglang kumunot ang kaniyang noo pagkatanong ko sa kaniya habang nakaupo sa kama dahil kababangon ko lang at nakatakip pa lang ang kumot hanggang beywang ko.Bigla na lang niya ako hinila hanggang sa napasubsob na lang ako sa sahig kaya napahawak na lang ako sa nananakit kong katawan. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya habang ang mata nito ay nanlilisik sa galit. Luma
Naikwento na lahat ni ate Ana kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay at sinugod naman ako agad ni Sebastian sa hospital. Pagkatapos ng isang araw na pananatili doon ay inuwe din ako agad ni Sebastian para dito na lang daw niya ko bantayan. Nag aalala din pala sa akin si Sebastian, akala ko wala ng pagbabago sa ugali niya ngunit heto siya ngayon, siya pa ang nagbantay sa akin mag damag kaya pala naabutan ko siyang natutulog sa sofa pag kagising ko. May ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko subalit hindi ko pa alam kung hanggang saan patutungo ang ganitong nararamdaman ko para sa kaniya. ...............Kinabukasan habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan, nasa may labas na ko ng mansion at inaayos ang gamit ngunit hindi ko inaasahang may humintong sasakyan sa may harapan ko kaya napatingin na lang ako dito. Bago ito sa paningin ko hindi ko kilala kung sino ang sakay nito sa loob. Sa
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam muna si Seb sa akin na pupunta itong comfort room. Balak ko din sana mag cr kaso ayaw ko siyang kasabay na magtungo roon kaya pinauna ko na lang ito. Maya't-maya ay sumunod din ako pero pinatigil lang ako ng isang lalaking waiter. "Anong bawal kuya? Bawal po bang pumasok?" Nagtatakang tanong ko."Iyon po kasi ang utos ma'am," magalang na sagot nito. Mabigat na hininga ang ang pagsang-ayon ko. Ang sakit na ng aking pantog at hindi ko na kayang tiisin ito. Nagmadali akong umalis at tinunton ang daan palabas ng restauran. Hindi ko na aantayin si Seb para makisabay sa kan'ya pag-uwe. Nauna ako para makauwe agad ng mansion at doon na lang ako magbabawas. Makakaya ko pang tiisin ito kaysa mag-antay sa wala. Kalahating oras nang marating ko na ang mansion. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makaihi pero dahil sa batong aking natapakan. Napatid ako na kinaihi ko na hindi naman sinasadya basta kusa lang ako nakaihi na hindi ko na napigi
Pauwe na ko ngayon na hindi ko na kasabay si Lexie. Naglakad na lang ako para bawas gastos sa pamasahe at para matadtad ang aking katawan. Uumpisahan ko na ngayon magpapayat. Habang mag-isang naglalakad sa may kalsada, isang sasakyan ang huminto sa kalsada at malakas ang pagbusina nito na kinagulat ko dahil sa malakas na ingay nito. "Hoy baboy Marina!" sigaw ni Rashina sa akin na nakadungaw ang mukha nito sa may bintana ng sasakyan. "Pwede bang umalis ka na lang riyan diyan sa daanan. Hindi mo bagay malantad dito sa kalsada," sabay tawa ng mga ito kasama ang ibang kaklase ko. Kuyom ang dalawang kamao ko sa pagtitimpi ng galit ko sa kanila at mabilis na umalis sa kanila. "Hoy bumalik ka dito!" sigaw pa ng mga ito. Lumingon ako at talagang nakasunod sila sa akin. Napatakbo ako ng mabilis para hindi nila ako mahabol pero sa paglingon ko ay doon ako nadapa at napasubsob sa may kanal pagkahulog ko. Huminto na naman ang sasakyan nila Rashina at nagsibabaan ang mga ito saka pinagtawnan nil
Nasa mukha ang pagkainis ni Seb nang umalis ito sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung napaano 'yon dahil abala kami ni kuya Zander sa pag-uusap. Maya't-maya ay nagpaalam na din si kuya Zander pagkatapos namin mag-usap. Napasinghap ako, naisipan ko na lang na magtungo ng kusina para tanungin si ate Ana kung may laptop ba ito pero malabong mangyari 'yon na may laptop ba akong mahihiram sa kan'ya. Naisipan ko na lang na huwag na lang ituloy at baka nga wala. Nahiya naman kasi akong manghiram kay Seb at baka sungitan na naman ako 'yon pero subukan ko kung pahihiramin niya ko. Nasa tapat na ko ng kan'yang pintuan. Kinakabahan ako lalo nang makita ko siya kaninang naiinis sa amin. Pero hindi naman masamang magtanong eh. Huminga muna ko ng malalim bago katukin ang pinto ng kan'yang kuwarto. Nakatatlong katok na ko pero wala itong balak buksan ang pinto. Alam kong dito lang siya pupunta eh. "Seb!" mahinahong tawag ko sabay katok ng pinto. Wala talagang bakas na may tao sa loob ng kan'ya
"Seb!" sabay bigkas namin ni kuya ZanderIniluwag pa nito ang pintuan bago pa ito pumasok rito sa loob. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, lalo lamang ako kinakabahan dahil sa kakaibang paninitig nito. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kabang nadarama ko para kay Seb. Alam kong ginabi na ko pero ito naman ang gusto niya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin. "Are you done your assignment?" ani nito. Himala, ang bait niya. "Ahmm.. Oo, ipriprint na lang," sagot ko. Medyo nawala ang aking kaba na kanina ay sobrang lakas ng pitik ng puso ko."Okay after that uuwe na tayo. I'll wait you in my car," ani nito."Hintayin mo na lang siya dito dude. Ilang pages na lang at matatapos nang maprint," ani ni kuya Zander.Pero hindi siya nakinig dahil umalis na lang ito pagkasabi niya iyon. Pero pansin ko ang mga mata niya kanina nang tumingin siya sa akin. Pero ano naman ngayon kung ganoon. Wala naman mababago eh. Galit pa rin siya sa 'kin."Anong nakain 'yon at pabigla bigla ang
Sabay na umuwe kami ni Seb. Magdidilim na din ang paligid habang pauwe na kami ng mansion. Sobra akong napagod sa mga ipinagawa niya kanina sa akin sa kan'yang opisina na pwede naman niyang ipautos sa iba. Hindi na rin ako nasundo ni kuya Zander na kanina pang nag-aantay mula sa labas ng gate kanina. Nakanguso ako nang mapatingin ako kay Seb. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin na pala siya sa 'kin. Mabilis akong umiwas sa paninitig niya. Agad na tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro dahil nakaramdam ako ng pagkaba sa aking dibdib. Aktong nahuli niya din akong nakatingin sa kan'ya. Nakakahiya!"Are you tired Marina? P'wede ka naman magpahinga." Magpahinga daw? Eh malapit na nga kami sa mansion. Hindi ako umimik. Impit siyang napatawa. "Huwag ka ng magtago diyan sa likod ng libro," sabay kuha niya sa librong nakatakip sa mukha ko. Napaawang ang ibabang labi ko sa ginawa niya. Nagulat ako. "Tinatakpan mo ang mukha mo dahil namumula na ang pisngi mo. Sabi ko na nga ba't may gusto
Third POV Pagkatapos ng kanilang dinner, inalalayan ni Sebastian si Marina pabalik sa kotse. Tahimik lang silang dalawa habang bumibiyahe pabalik ng mansyon. Ngunit kahit walang salitaan, ramdam ni Marina ang kakaibang init sa kanilang pagitan. Pagdating sa mansyon, agad na umakyat si Marina sa kanyang kwarto. Pero bago pa man siya makapasok, humabol si Sebastian at tinawag siya. "Marina," tawag ni Sebastian. Lumingon si Marina. "Bakit?" Naglakad si Sebastian palapit sa kanya, ang seryoso ng ekspresyon nito. "Huwag mong kalimutan... ikaw ang may utang sa akin. Lahat ng ginagawa ko, binabayaran mo 'yan." Napakunot-noo si Marina. "Ano na naman 'yan? Bakit bigla kang seryoso?" Ngumiti si Sebastian, ngunit may halong kapilyuhan. "Gusto ko lang ipaalala. Ayokong masyado kang mag-enjoy. Baka isipin mong sweet ako." "Sebastian!" sigaw ni Marina habang hinampas siya sa braso. "Kung gusto mo, huwag na lang ulit tayong mag-dinner!" Tumawa si Sebastian at biglang lumapit pa sa
Marina's POV Pagmulat ng mata ko, agad kong napansin na maliwanag na sa paligid. Napabalikwas ako ng bangon at saka lang naramdaman ang kakaibang lamig sa balat ko. Napatingin ako sa sarili ko at napagtanto kong wala akong suot kundi ang manipis na pantulog. "Ano ba 'to? Bakit ganito suot ko?" tanong ko sa sarili habang hinahanap ang mga damit ko sa kama. Wala akong maalala mula kagabi. Basta’t alam ko lang, pagod na pagod ako. Mabilis akong tumayo at kumuha ng damit sa closet. Nagbihis agad ako, kahit hindi ko na inayos ang buhok ko. Pero habang nagbibihis, napapaisip ako. "Bakit parang may kulang?" Pagkatapos kong mag-ayos, nagpasya akong hanapin si Sebastian. "Siya siguro ang may alam kung anong nangyari kagabi." Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa silid niya. Bahagya akong kumatok. "Sebastian? Nandiyan ka ba?" tanong ko, pero walang sumagot. Pinilit kong buksan ang pinto, at hindi naman ito naka-lock. Pagpasok ko, tahimik ang paligid, ngunit narinig ko ang tunog ng tu
Sebastian's POV Ang sikat ng araw ay tumagos sa bintana ng mansyon, sinasabayan ng masayang huni ng mga ibon. Isang bihirang umaga para sa akin—maaliwalas at magaan ang pakiramdam ko. Sa unang pagkakataon, gusto kong batiin ng "magandang umaga" ang isang tao, at iyon ay si Marina. Pagkatapos kong maghanda, dahan-dahan akong kumatok sa pintuan ng silid niya. Walang sumagot. "Marina?" tawag ko, ngunit wala pa rin akong narinig. Nag-alala ako kaya bahagya kong binuksan ang pinto. Sumilip muna ako, ngunit tila walang tao sa paligid. Hanggang sa tuluyan akong pumasok. "Marina?" muling tawag ko habang lumalapit sa kama niya. Bigla akong natigilan. Nakita ko siya—nakatihaya sa kama, balot lamang ng kumot ang kalahati ng kanyang katawan. Ang mga balikat niya ay hubad, at ang buhok niya ay magulo pero kaakit-akit. Para akong natulala. "What the hell?" bulong ko sa sarili ko, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Pinilit kong bawiin ang tingin ko, pero tila naipit ako sa eksenang
Third-Person POV Lumipas ang mga araw at buwan na puno ng tawanan, asaran, at hindi mabilang na alaala sa pagitan nina Marina at Sebastian. Unti-unti nilang natutunan ang halaga ng isa’t isa, at bagama’t madalas pa rin silang magtalo, naroon ang pag-aalagang hindi nila maitanggi. At ngayon, sumapit na ang espesyal na araw—ang ika-18 kaarawan ni Marina. Ang buong hacienda ay puno ng dekorasyon. Mga lobo, bulaklak, at ilaw na tila mga bituin ang nagbigay-liwanag sa buong paligid. Ang bawat sulok ng lugar ay nagpapakita ng kasiyahan at engrandeng selebrasyon. Si Marina ang sentro ng lahat ng ito—ang debutante ng gabi. Suot ang isang eleganteng gown na kulay pastel pink na tila perpektong idinisenyo para sa kanya, bumaba si Marina mula sa hagdanan ng mansyon. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanya, ngunit ang pinakamalalim na titig ay mula kay Sebastian, na nakatayo sa dulo ng hagdanan, nakangiti at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Parang tumigil ang oras nang magtama ang kanila
Third-Person POV Pumara ang sasakyan sa harap ng isang mala-paraisong lugar. Isang pribadong garden restaurant na may mga ilaw na parang bituin ang nakasabit sa bawat puno. Ang hangin ay malamig, at ang tanawin ay para bang kinuha mula sa pelikula. Namangha si Marina habang unti-unting bumaba sa sasakyan. "Sebastian, ano 'to?" tanong niya, halos hindi makapaniwala. "Anong tingin mo?" sagot ni Sebastian, kaswal na isinara ang pinto ng kotse. "Mukha bang fast food?" Napanganga si Marina habang umiikot ang tingin sa paligid. Ang dami niyang gustong itanong pero parang nawala lahat ng salita sa bibig niya. “Halika na, huwag kang tumayo diyan na parang istatwa,” sabi ni Sebastian habang mahinang hinila siya papasok. --- Pagpasok nila, tila eksklusibo ang buong lugar para lang sa kanila. May isang mesa sa gitna, napapalibutan ng mga kandila at bulaklak. "Wow," mahinang sambit ni Marina, halos hindi makapaniwala. "Hindi ko alam na mahilig ka sa ganito." "Marami kang hindi a
Marina's POV Nagising ako kinabukasan na may ngiti pa rin sa labi. Ang ganda ng gabi namin ni Sebastian kagabi. Ang saya ko kahit hindi niya aminin, may sweetness talaga sa ugali niya kapag gusto niya. Pero agad na napawi ang ngiti ko nang maisip kung paano ako magpapakita sa kanya ngayon. Nakakahiya. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. "Ano ba 'tong nararamdaman ko? Crush? Hindi. Hindi ko siya crush. Ang yabang-yabang kaya ng taong ‘yon!" pilit kong sinasabi sa sarili. Habang naglalakad ako papunta sa dining area, tahimik akong nagdasal na wala si Sebastian doon. Sana lang nakalabas na siya. Pero gaya ng inaasahan, nandoon siya, nakaupo sa mesa at abala sa pagbabasa ng isang dokumento habang umiinom ng kape. “Good morning,” bati ko, pilit na kalmado. Tiningnan niya ako sandali at ngumiti nang pilyo. “Good morning, Marina. Mukhang napasarap ang tulog mo kagabi. Sabagay, siguro pagod ka na rin pagkatapos ng sorpresang hinanda ko.” Tumitig
Third POV Pagpasok ni Marina sa mansyon, sinalubong siya ni Ana. Agad napansin ng kasambahay ang kunot sa noo ni Marina. "Ma’am Marina, parang ang lalim ng iniisip mo. May nangyari ba?" tanong ni Ana habang inaayos ang ilang bulaklak sa mesa. Umupo si Marina sa sofa at napabuntong-hininga. "Si Sebastian kasi. Ang weird niya kanina. Parang may iniisip siyang malalim." "Ganun ba?" sagot ni Ana habang ngumiti nang makahulugan. "Alam mo, Ma’am Marina, minsan ganyan talaga si Sir Sebastian. Lalo na kapag may mga bagay na hindi niya masabi." Napataas ang kilay ni Marina. "Anong ibig mong sabihin? May hindi siya masabi? Sa akin?" Umiling si Ana at tumawa nang mahina. "Secret na lang po iyon. Pero, Ma’am, baka naman nagiging close na kayo? Kasi mukhang nag-aalala ka na sa kanya." Namula si Marina at nagkunwaring galit. "Ana! Tigilan mo nga ‘yan! Hindi totoo ‘yan!" Pero bago pa makasagot si Ana, biglang dumating si Sebastian. May dalang ilang folders at mukhang galing sa opisin
Marina’s POV Pasukan na naman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Sa isang banda, masaya akong babalik sa normal na buhay ko bilang estudyante. Pero sa kabilang banda, parang ang bigat sa pakiramdam na iiwan ko ang Hacienda at... si Sebastian. Tumayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang uniporme ko. Napabuntong-hininga ako. "Marina, tama na ang kakaisip. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral," bulong ko sa sarili. Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ni Ana. “Ma’am Marina, ihahatid ka raw ni Sir Sebastian papunta sa school. Nasa sasakyan na siya, naghihintay.” “Ha? Bakit kailangan pa niya akong ihatid? Kaya ko namang mag-commute,” sagot ko, pero parang bumilis ang tibok ng puso ko. “Eh, baka gusto ka lang niyang siguraduhin na makakarating ka nang maayos,” sagot ni Ana na may halong ngiti. Napailing na lang ako at lumakad papunta sa labas ng mansyon. Nandoon na si Sebastian, nakasandal sa kanyang itim na sports car. Suot niya ang simpleng white polo shirt na
Third Person POV Pagdating nila sa Hacienda Monteclaro, agad na sinalubong sila ng malawak na taniman, berdeng pastulan, at ang eleganteng mansyon sa gitna ng lupain. Sa kabila ng ganda ng lugar, naramdaman ni Marina ang lungkot na nalalapit na ang pasukan. Ilang araw na lang at babalik na siya sa normal na buhay niya sa Maynila, malayo sa kakaibang mundo na binuksan sa kanya ni Sebastian. Habang si Sebastian ay abala sa pakikipag-usap sa mga manggagawa ng Hacienda, naisipan ni Marina na mamasyal sa paligid. Suot ang simpleng floral dress at sombrero na inabot sa kanya ng kasambahay, naglakad siya sa tabi ng mga tanim na bulaklak. Huminga siya nang malalim, tinatamasa ang sariwang hangin ng probinsya. “Ang ganda dito… Sana ganito rin kaganda ang buhay ko,” bulong niya sa sarili habang napatingin sa malawak na tanawin ng bundok sa malayo. Hindi nagtagal ay nakita niya ang isang maayos na pinutol na kahoy sa ilalim ng puno. Naupo siya roon at sinimulang panoorin ang mga kabayo