Share

Chapter 2

Penulis: Zairalyah_dezai
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-07 08:43:54

Nakatulog ako sa pag iisip kung paano ko pakikitunguhan ng maayos si Sebastian lalo na kapag nasa iisang bubong kami nakatira. Araw araw na kaming magkikita dito. 

Haist! paano na iyan baka hindi ko kayanin ang pang iinis niya sa akin bahala na nandiyan naman si lolo at lola.

May kumatok sa pintuan, tumayo ako agad upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. Bumungad sa akin si Sebastian pagkabukas ko ng pintuan.

Kunot noong nakatingin sa akin at nakapameywang pa ito sa harap ko. "Hindi ka prinsesa dito para magkulong ka lang dito sa loob ng silid. Oras na ng hapunan patulog tulog ka lang diyan," naiinis na sabi niya.

"Sorry po napagod lang po ako sa pangangabayo kanina. Pinagpahinga muna ako ni lola kaya nakatulog ako," nakayukong sabi ko.

"Sumunod ka na sa baba, kakain na tayo." Galit niyang sabi.

Pababa na ko ng hagdan, nadatnan ko na ang mga ito sa hapag-kainan. Tahimik akong nagtungo roon.

"Sa tabi ka na lang ni Sebastian tumabi Marina," sabi ni lola.

Hindi ko alam kung uupo ba ako o hindi sa tabi niya, bahala na nga.

Tahimik lamang kaming kumakain at si lola ang bumasag ng katahimikan.

"Marina apo, saan mo balak mag aral pagkatapos ng bakasyon?" Napatingin ako kay Sebastian imbes na kay lola. 

"Gusto ko po sana sa pinapasukan ni kuya Antony po lola," mahinahon kong sagot.

"Ayaw mo ba sa Sebastian college para masubaybayan ka ni Sebastian doon?"

"Sige po lola pag iisipan ko pa po," agad na sagot ko.

Kung doon ako mag aaral mahirap ng iwasan si Sebastian lalo na at sila ang may ari ng eskwelahan. Araw araw kaming magkikita dito sa bahay araw araw din kaming magkikita sa school.

"Ahm lola ako na po magliligpit ng pinagkainan natin," pagprepresinta ko.

"Huwag na Marina sila Ana na ang bahala dito. Sige na umakyat ka na sa itaas para makapag pahinga ka na para bukas."

"Sige po lola aakyat na po ako sa itaas," sabi ko na hindi nililingon si Sebastian.

Naninibago ako sa sitwasyon ko ngayon, hindi ako sanay na walang ginagawa. Nasanay akong palaging may ginagawa sa bahay.

Lumabas muna ako ng mansion para maglakad lakad total maaga pa naman. 

"Oh akala ko nagpapahinga ka na sa kuwarto mo." sabi ni lolo nang makasalubong ko ito.

"Hindi pa po kasi ako inaantok lolo, maaga pa naman po. Gusto ko lamang po lumabas maglalakad lakad lang po sana at magpapahangin."

"Oh sige pumasok ka na lang mamaya ha."

"Opo lolo."

Lumabas na ko ng mansion at naglakad lakad. Tinungo ko ang kuwadra total maliwanag naman ang palgid. Hinanap ko ang kabayo ko at may isang tao akong naaaninag si Sebastian, naka hubad ito na pang itaas. Napatingin ako sa kaniya. Nakakatakot ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, parang namamagnet ako sa kaniyang mga mata. Napakarami na talagang nagbago sa kaniya lalo na ang kaniyang katawan mas lalo itong lumaki.

"Anong ginagawa mo dito sinusundan mo ba ako?" galit nitong sabi.

"H-Hindi po," pautal utal kong sagot sa kaniya dahil sa takot ko. "Aalis na po ako." Tumalikod na ko ngunit marahan niyang hinawakan ang aking braso.

"Ang galing mong mag bait baitan kina lolo at lola. Anong pinakain mo sa kanila at naging mabait sila sayo? Kahit kailan hindi ka bagay na tumira sa mansion namin at hindi ka rin nababagay sa eskwelahang papasukan mo. Baduy ka pa rin hanggang ngayon. Tandaan mo yan."

Hinila ko ang braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya at namula iyon. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumakbo lang ako papalayo sa kaniya. Dali dali akong umakyat sa itaas at doon sa kuwarto ko binuhos ang masagana kong luha.

Nag uumpisa na siyang magalit sa akin, kung gaano siya kagalit noon mas lalo na ngayon na galit na siya sa akin. May sosobra pa ba itong galit niya sa akin. Wala naman akong ginawa para magalit siya sa akin. Kung iniisip niyang ginagamit ko lang ang kabaitan nila hindi ko balak na gawin iyon dahil malinis ang intensiyon ko sa kanila dahil gusto ko lang sumaya ang lolo at lola niya.

Humiga na ko sa aking kama na hindi man lang ako nakapaglinis ng aking katawan at hindi na din ako nakapagpalit ng damit dahil nasa isip ko pa din ang mga masasakit na sinabi niya sa akin kanina.

............

Kinabukasan, pag gising ko inayos ko na ang aking sarili. Dati sa bahay nasa labas ang banyo ngayon may sarili na akong banyo dito sa loob ng kuwarto hindi na ako lalabas ng bahay. Marami na din akong mga damit sa closet na puro branded kahit pambahay lang ay halos mamahalin ang mga ito. Pinili kong suotin ang maikling short na ngayon lang ako magsusuot sa tanang buhay ko at isang large size na tshirt na kulay puti. Ayaw ko magsuot ng sleeveless dahil hindi talaga ako sanay magsuot ng mga ganito lalo na at mataba ako. Tinignan ko ang aking sarili at inayos ko ang malaking salamin sa aking mata.

Lumabas na ko ng kuwarto at bumaba na upang mag umagahan. Nasalubong ko si at Ana at bumulong siya sa akin.

"Nandiyan iyong gf ni sir Sebastian," bulong niya. 

"Bakit po ate Ana, aawayin niya po ba ako kapag nakita niya ko? Hayaan mo na lang po sila ate basta ako mananahimik na lang."

"Sa labas na daw kayo mag umagahan sabi ni Donya Fermina. Nandun sila kanina ka pa inaantay" saka tumingin sa akin si ate Ana mula paa hanggang pataas. "Ganyan sana ang mga sinusuot mo hindi iyong puro ka na lang nakapalda," puna nito.

"Hindi nga po ako sanay sa mga ganitong suot eh."

"Hay naku Marina, kailangan mo ng masanay sa mga ganiyang suot lalo nat dalaga ka na. Mukha ka kasing manang kapag lagi kang nakapalda na mahaba tapos ang luwang pa ng tshirt mo tapos ang taba mo pa."

"Grabe ka naman sa akin ate. Sino po ang nandun ate Ana?"

"Siyempre sila Sebastian at iyong gf niya ang nandun."

"Naku patay ate Ana!"

"Anong patay ang sinasabi mo Marina?"

"Pakisabi pong masakit ang paa ko," pagdadahilan ko.

"Hah! hindi nga!" takang tanong niya.

"Basta sabihin mo na lang po iyon. Kapag hinanap po ako nila lolo at lola sabihin mo pong na kina kuya Antony ako."

"Ano? ikaw talagang bata ka alam ko na namang iniiwasan mo si Sebastian eh para hindi ka niya sungitan. Sige na pumunta ka na doon at ako ng bahalang magsabi kina lolo at lola mo."

"Salamat ate Ana!" paalam ko.

Sa likod ng bahay ako dumaan para hindi nila ako makita. 

Pupunta ako kina kuya Antony para doon na lang ako mag umagahan. Nakita ko si mang Tonyo ang tatay ni kuya Antony nang marating ko na ang bahay nila.

"Magandang umaga po mang Tonyo, si kuya Antony po?"

"Ikaw pala iyan Marina, magandang umaga din sayo. Nasa kuwadra si Antony bakit mo siya hinahanap?"

"Ah wala naman po, puntahan ko na lang po siya doon." Nagpaalam na lamg ako at puntahan na lang si kuya Anthony sa kuwadra.

Namataan kong pinapakain niya ang mga kabayo sa kuwadra. Naka half nake lang siya. Napalunok ako ng laway dahil ang kisig niya. Alagang alaga niya ang katawan niya dahil sa batak na batak sa padtatrabaho dito sa hacienda at lumaki na din ang mga muscle niya sa katawan. May abs din siya kagaya ng kay Sebastian. Nakita niya akong papalapit kaya tumigil siya sa kan'yang ginagawa.

"Oh Marina, anong ginagawa mo dito?"

Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil naiilang akong tignan siya. 

"Ahm ano kasi, gusto ko sanang mangabayo, gusto kong matuto," yukong sabi ko.

"Eh saan ba ang kausap mo, andito ako sa harapan mo sa ibang direksyon ka naman nakatingin." 

"Ano kasi? Mag damit ka na nga kuya." hiyang sabi ko. Tinawanan niya lang ako. 

Cute talaga ng dimple nito pag nakatawa pero mas guwapo si Sebastian kaso ang sungit. Haist! bakit siya na naman ang iniisip ko.

"Hoy Marina, tulala ka na diyan baka iba na yang iniisip mo sa akin ha."

Sinamaan ko ng tingin. "Ano? kapal mo naman kuya. Bakit ikaw ba ang iniisip ko."

"Siyempre ako lang naman ang kaharap mo at bakit nag iba na naman ang taste mo sa pagsusuot mo ng damit. Lumelevel up ka na ha. Siguro may pinapagandahan ka noh!" biro nito.

"Tse! tumigil ka nga kuya. Magtatampo kasi si lola kapag hindi ko sinuot yung mga damit na binigay niya. Parang eto lang, level up na agad. Baka maglaway ka kapag nagsuot ako ng sexy dress."

"Nangarap ka na naman ng gising Marina. Saglit lang ha kukunin ko lang yung damit ko doon," sabay talikod nito.

Dinig kong may paparating. Lumingon ako at nakita ko si Sebastian na kasama niya ang gf niya. Saktong pagdating naman ni kuya Antony na hindi pa din nakakapagdamit kaya nanlaki ang mga mata ko. Baka iba na naman ang isipin nilang dalawa dahil nandito ako. Bakit ko naman iisipin yun eh wala naman siyang pakialam sa akin at saka wala naman kaming ginagawa ni kuya Antony. 

Tumingin lang yung dalawa sa akin pero iba ang tingin ni Sebastian sa akin kaya hinila ko na lang si kuya Antony palabas ng kuwadra. 

"Ano ba nangyayari sayo Marina at nagmamadali kang lumabas?"

"Bakit hindi ka pa nagdadamit kasi" 

"Nadumihan yung damit ko kaya hindi ko sinuot."

"Ang tagal mo, nagugutom na kaya ako," reklamo ko.

"Bakit hindi ka pa ba nag uumagahan?" Tumango ako.

Nag-aya na lang siya na sa tabing ilog na lang kami mag uumagahan. Pumayag naman ako dahil gusto kong makita ang ilog na sinasabi niya

Patungo kami ngayon sa kuwadra para kunin ang kabayo. Ginamit namin ang kabayong niregalo sa akin ni lolo't lola. Nauna ng sumakay si kuya Antony at pinahawak muna sa akin ang hawak niyang basket na may mga lamang pagkain. Nang makasakay na siya sa kabayo pinahawak ko naman ang basket sa kaniya para makasakay na din ako sa kabayo. 

Ako na ang naghawak ng basket dahil siya ang nasa unahan. Humawak ako sa beywang niya habang ang isa kong kamay ay hawak hawak ko ang basket.

"Humawak ka ng mabuti babs," utos nito.

"Huwag mo nga akong tawaging babs kuya. Hindi naman kasi ako baboy eh. Chubby lang!" tumawa lang si kuya ng malakas kaya binatukan ko siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 3

    Nasa kalagitnaan kami ni kuya Antony sa pangangabayo nang may makita akong isang kabayo na may sakay na dalawang pares at walang iba kundi si Sebastian at ang gf niyang si Sofie. Naabutan niya kami dahil sa bilis ng pagtakbo ng kanilang kabayo dahil magaling naman si Sebastian sa pangangabayo. Simula pagkabata daw niya ay nakahiligan na niya itong sumakay sa kabayo sabi ng lolo ni Sebastian."Ang taba mo kasi Babs kaya nila tayo naabutan," pangungutya nito sa akin."Tse! tumigil ka na nga lang kuya. Hindi naman nakakatulong yang pang aasar mo sa akin eh. Saan ba sila pupunta, bakit parang tayo tuloy sumusunod sa kanila?" "Baka sa ilog din ang punta nila," sabi nito. Lumiko na nga sila at ganoon din kami. Tanaw ko na huminto na ang kabayo nila. Huminto na din kami ni kuya Antony pagkarating namin. Biglang natanggal ang suot kong salamin sa mata nang hindi masadyang napasubsob ang aking mukha sa likod ni kuya Anthony kaya ito nahulog ito sa lupa."Kuya ang salamin ko pakipulot.""Sorr

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-07
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 4

    Sebastian (POV)Sobrang saya ni Marina kay Anthony habang nag wiwisikan sila ng tubig sa ilog. May angkin ganda din siya nang matanggal ang salamin sa mata niya ngunit mataba nga lang at narinig kong babs pa ang tawag ni Anthony kay Marina. Nakakatawa nga lang ngunit hindi ko pinahalata kay Sofia na madalas ang pagsulyap ko sa kanila. Bagay naman silang dalawa at wala din akong pakialam kung may relasyon ang dalawa.Nauna ng umuwe ang dalawa at sumunod na lang kami ni Sofia pero naunahan ulit namin sila. Ikaw ba namang may baboy kang nakasakay sa kabayo at dahil sa bigat ay hindi makatakbo ng maayos yung kabayo.Kahit kailan talaga ang baboy niyang kumain at matakaw pa din hanggang ngayon. Kaya hindi pumapayat dahil sa katakawan niyang kumain.Umakyat muna ko sa aking kuwarto para makapagpahinga ng konti at iniwan ko muna sa ibaba si Sofia kasama sina lolo at lola.Pagbukas ko ng pintuan ay may narinig akong kumakanta, hindi ko siya gaanong marinig kaya nagtungo ako sa bintana dahil

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-07
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 5

    "Marina, pinapatawag ka ni sir Sebastian sa office niya." sabi ng isa kong kaklase. "Bakit daw?""Hindi ko alam basta pumunta ka na lang daw doon."Uwian na namin pero pinapatawag pa ako, ano naman kaya ang ipag uutos nun, anas ko.Bitbit ko ang bag na bigay sa akin ni lola Fermina, lahat ng gamit ko ay siya ang nagbigay. Kailangan ko na talagang magpapayat para hindi ako palaging napapagod sa paglalakad, ang layo pa naman ng office ni sir Sebastian. Sir na pala ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang aming Prof. Pero panay utos niya sa akin kaya ako nabubuwisit. Pagod na ko maghapon sa klase tapos uutusan na naman niya ko. Ano ako PA niya sabi ng isip ko.Fifteen minutes ang tinagal ko sa paglalakad makarating lang sa kaniyang office. Halos pumutok na ang suot kong uniporme dahil sa hapit nito sa akin. Nag aalat na din ang pawis ko sa sobrang pagod sa paglalakad.Kinuha ko muna ang panyo para punasan ang pawis sa mukha. Naging pawisin na ko ngayon dahil nananaba na naman ako. Hindi k

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-07
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 6

    Pumasok ako sa loob ng aking silid na mabigat ang pakiramdam ko. Tila naninikip itong dibdib ko dahil sa mga sinabi ni lola. Namamaalam na kaya si lola kaya ganun na lang ang mga sinasabi niya, sa loob loob ko.Isang linggo na ang nakalipasHindi na kami sabay sabay na kumakain dahil madalas na wala si Sebastian dito sa mansion, palagi itong wala at kami lang ni lolo ang magakasalo sa hapag kainan. Si lola ay sa silid na din ito kumakain.Madalas na akong hindi kumakain ng marami dahil goal ko na talaga ang magpapayat. Napansin naman iyon ni lolo dahil sa kaunti lang ang nababawas na pagkain sa hapag.Tuluyan ng bumagsak ang katawan ni lola at namayat na ito ng husto na ikinabahala naman ni lolo. Nagiging matamlay na din ito dahil sa nakikitang nahihirapan sa kalagayan ng kaniyang minamahal na asawa.Ilang araw na lang at kaarawan na ni Sebastian. Sana maabutan pa ni lola ang kaniyang kaarawan. Pero ako ay dalawang buwan pa bago ang kaara

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-16
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 7

    Nagpunta agad ako sa sementeryo upang dalawin ang puntod nila lolo at lola ng matapos ang klase namin. Pero hindi ko inaasahang makita si Sebastian dahil nandirito din siya. Una kong tinungo ang puntod ni lola dahil naroon si Sebastian sa puntod ng kaniyang lolo. Tumingin sa akin si Sebastian na malungkot ang kaniyang mga mata. May bahid pang mga luha sa kaniyang mga mata dahil galing ito sa pag iyak.Nanatiling tahimik ang pagdalaw namin sa kanilang mga puntod at ni isa walang gustong magsalita sa amin. "Tama bang naririto ka pa at kailangan pang manatili ka pa sa bahay ngayong alam mong wala na sina lolo at lola na masasandalan mo," madiing sabi niya.Yun ang mga katagang binigkas ni Sebastian sa akin ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay naaawa lang ako sa kaniya dahil wala na itong katuwang sa buhay. Tanging nag iisa na lang ito sa Monteclaro clan. Ang kwento sa akin ni lola ay may kapatid daw na babae si lolo ngunit matagal na itong nawawala. Pinahanap nila kahit saang parte

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-16
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 8

    Simula ng malaman naming dalawa ni Sebastian ang huling habilin nila lolo at lola parang mas lalo lang itong naging galit sa akin halos araw araw na niya akong inaaway dito sa loob ng mansion minsan pinapahiya niya na din ako sa eskwelahan. Ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayong sa umpisa pa lang ay parang gusto ko ng sumuko at umalis na lang pero hindi iyon hahayaan ni Sebastian na aalis ako hanggat hindi pa ko naikakasal sa kaniya na hanggat hindi pa nakapangalan sa kaniya ang mga ari arian ng mga Monteclaro clan."Hey wake up." Boses iyon na galit na si Sebastian. "B-Bakit?" pautal kong tanong sa kaniya. Biglang kumunot ang kaniyang noo pagkatanong ko sa kaniya habang nakaupo sa kama dahil kababangon ko lang at nakatakip pa lang ang kumot hanggang beywang ko.Bigla na lang niya ako hinila hanggang sa napasubsob na lang ako sa sahig kaya napahawak na lang ako sa nananakit kong katawan. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya habang ang mata nito ay nanlilisik sa galit. Luma

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-16
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 9

    Naikwento na lahat ni ate Ana kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay at sinugod naman ako agad ni Sebastian sa hospital. Pagkatapos ng isang araw na pananatili doon ay inuwe din ako agad ni Sebastian para dito na lang daw niya ko bantayan. Nag aalala din pala sa akin si Sebastian, akala ko wala ng pagbabago sa ugali niya ngunit heto siya ngayon, siya pa ang nagbantay sa akin mag damag kaya pala naabutan ko siyang natutulog sa sofa pag kagising ko. May ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang mga bagay na ginawa niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko subalit hindi ko pa alam kung hanggang saan patutungo ang ganitong nararamdaman ko para sa kaniya. ...............Kinabukasan habang naghahanda ako sa pagpasok sa eskwelahan, nasa may labas na ko ng mansion at inaayos ang gamit ngunit hindi ko inaasahang may humintong sasakyan sa may harapan ko kaya napatingin na lang ako dito. Bago ito sa paningin ko hindi ko kilala kung sino ang sakay nito sa loob. Sa

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-17
  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 10

    Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam muna si Seb sa akin na pupunta itong comfort room. Balak ko din sana mag cr kaso ayaw ko siyang kasabay na magtungo roon kaya pinauna ko na lang ito. Maya't-maya ay sumunod din ako pero pinatigil lang ako ng isang lalaking waiter. "Anong bawal kuya? Bawal po bang pumasok?" Nagtatakang tanong ko."Iyon po kasi ang utos ma'am," magalang na sagot nito. Mabigat na hininga ang ang pagsang-ayon ko. Ang sakit na ng aking pantog at hindi ko na kayang tiisin ito. Nagmadali akong umalis at tinunton ang daan palabas ng restauran. Hindi ko na aantayin si Seb para makisabay sa kan'ya pag-uwe. Nauna ako para makauwe agad ng mansion at doon na lang ako magbabawas. Makakaya ko pang tiisin ito kaysa mag-antay sa wala. Kalahating oras nang marating ko na ang mansion. Dahan dahan ang aking paglakad upang hindi ako makaihi pero dahil sa batong aking natapakan. Napatid ako na kinaihi ko na hindi naman sinasadya basta kusa lang ako nakaihi na hindi ko na napigi

    Terakhir Diperbarui : 2023-03-21

Bab terbaru

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 99

    LUMIPAS ANG ILANG BUWAN… Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng ospital. "SANTINOOOO! HUWAG MO AKONG HAHALIKAN KAPAG LUMABAS NA 'TO! IKAW MAY KASALANAN NITO!" Sa labas ng delivery room, naglalakad-lakad si Santino, pawisan at hindi mapakali. Ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang naghihintay. Kasama niya ang kanilang mga pamilya, lahat ay sabik pero kabado rin. "Anak, umupo ka nga. Ikaw yata ang mas kinakabahan kaysa kay Luna," natatawang sabi ng mommy niya. "Paano ako hindi kakabahan, Ma? Tatlo ‘yung lalabas!" sagot ni Santino, hawak-hawak ang dibdib na parang siya ang manganganak. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "Congratulations, Mr. Monteclaro! Tatlong malulusog na baby boys!" Nanlaki ang mata ni Santino. "T-Totoo? Tatlo talaga?" "Oo, Sir. At kamukhang-kamukha mo silang tatlo!" biro ng doktor. Sa sobrang saya, hindi napigilan ni Santino ang sarili at napayakap sa kanyang ama. "Dad! Tatay na ako! At tatlo agad! Kaya ko ba

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 98

    Sa loob ng kanilang silid, tahimik na nakahiga si Luna sa malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Ramdam pa rin niya ang init ng selebrasyon at ang saya sa puso niya, pero higit sa lahat, ramdam niya ang presensya ni Santino—ang lalaking hindi niya inakalang magiging bahagi ng buhay niya. Biglang naramdaman niya ang paggalaw ng kama. Sumunod ay ang mainit na yakap ni Santino mula sa likuran niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito, parang ayaw siyang pakawalan. "Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ‘to," bulong ni Luna, bahagyang lumilingon kay Santino. "Ako rin," sagot ni Santino habang hinahaplos ang buhok niya. "Pero alam mo bang noon pa man, ikaw na ang gusto ko? Kahit hindi mo ako pinapansin, kahit pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin, gusto pa rin kitang habulin." Napangiti si Luna, pero may halong lungkot sa kanyang mga mata. "Natakot kasi ako noon. Natakot akong masaktan, natakot akong umasa. Hindi ko alam na may plano ka na pala para sa atin." Hinawak

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 97

    "Inay!" halos lumipad si Luna papunta sa kanyang ina at mahigpit itong niyakap. "Nandito na ako…" Napayakap din si Aling Edna sa anak, hindi na napigilang maluha. "Anak, ang tagal mong nawala… Miss na miss na kita!" Ngunit bigla itong napatigil nang mapansin kung sino ang kasama ni Luna. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mommy ni Santino. "M-Ma’am…" nahihiyang sabi ni Aling Edna. Halata sa mukha niya ang kaba, dahil sa nangyari noon sa pagitan nila. Ngunit ngumiti ang mommy ni Santino at marahang lumapit. "Wala na ‘yon, Edna. Hindi na tayo dapat bumalik pa sa nakaraan." Nagkatinginan sina Luna at Santino, parehong nagulat sa inasal ng kanyang ina. "Tama na ang mga alitan. Magiging lola na ako ng magiging anak ng anak ko. Ayoko nang may samaan ng loob," patuloy ng ginang, bago hinawakan ang kamay ni Aling Edna. "Patawarin mo rin ako sa naging turing ko kay Luna noon." Dahil sa narinig, hindi na napigilan ni Aling Edna ang mapaiyak. "Naku, ma’am, ako po dapat ang hum

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 96

    Hindi na nakapagpaalam pa si Luna sa mga ka office mate niya. dahil kulang sila sa oras. Habang nakasakay sila sa eroplano pauwi ng Pilipinas, nakasandal si Luna kay Santino, ramdam ang pagod at ang hindi maipaliwanag na bigat sa katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali, at kahit anong pilit niyang itago, hindi nakaligtas kay Santino ang paminsan-minsang pagdampi niya sa tiyan niya. “Saan tayo didiretso pagdating natin?” tanong ni Luna, pilit na inaayos ang sarili. Lumingon sa kanya si Santino, bahagyang napangiti. “Sa bahay, syempre. Gusto mo bang dumiretso muna sa inyo?” Umiling si Luna. “Hindi na siguro. Tatawag na lang ako kay Inay para ipaalam na nakabalik na ako.” Tipid na tumango si Santino, ngunit hindi niya maiwasang tingnan si Luna nang mas matagal. Alam niyang may itinatago ito—at lalo lang niyang pinagtibay ang desisyong huwag muna ipahalata na alam na niya ang tungkol sa pagbubuntis nito. Hinawakan niya ang kamay ni Luna at marahang pinisil iyon. “Pagdating n

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 95

    Matapos ang dalawang buwang pananatili ni Santino sa ibang bansa, sa wakas ay tumawag na ang kanyang ina. "Santino, anak, kailan ka babalik sa Pilipinas?" Direktang tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kailangan ka na sa kompanya. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa." Nasa hotel suite siya nang matanggap ang tawag. Nakaupo siya sa veranda, hawak ang baso ng alak habang nakatanaw sa malawak na city lights. Ilang sandali muna siyang natahimik bago sumagot. "Ilang araw na lang, Ma," sagot niya sa mahinang tinig. "Babalik na ako." "Good. Dahil maraming kailangang ayusin sa kumpanya. Alam mo namang hindi pwedeng puro gala ka lang diyan," paalala ng kanyang ina. Napangisi si Santino, alam niyang tama ito. Pero may iba pang bumabagabag sa isip niya—si Luna. Sa dalawang buwang lumipas, hindi niya ito masyadong nakausap. Hindi niya rin alam kung paano ito haharapin pagbalik niya. "Oo na, Ma. Huwag kang mag-alala, babalik ako sa tamang oras," sagot niya bago tinapos ang tawag. Na

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 94

    Sa bawat halik at haplos ni Santino, parang nawalan na ng ibang mundo si Luna. Ang tanging alam niya lang ay ang init ng katawan nilang dalawa, ang mabagal ngunit nakakapasong galaw ng mga kamay ni Santino sa balat niya. Hindi siya lumayo. Sa halip, siya pa mismo ang kusang yumakap dito, ipinadama kung gaano siya kahanda sa gabing ito. Naramdaman niyang bumuhat siya ni Santino palabas ng jacuzzi. Basang-basa ang kanilang katawan, ngunit ni hindi nila alintana ang lamig ng hangin na sumalubong sa kanila. Marahan siyang ibinaba ni Santino sa malambot na kama, habang ang titig nito ay nag-aapoy sa matinding pagnanasa. "Luna..." mahina ngunit puno ng emosyon ang tawag ni Santino sa pangalan niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, bago muling dinala ang labi sa kanya. Hindi na nila kayang pigilan ang nararamdaman. Ang bawat galaw ay puno ng pananabik at pangungulila. Sa bawat sandaling lumilipas, tuluyan nang nawala ang natitira pang hadlang sa pagitan nila. Sa gabing iyon, sa ilalim

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 93

    Masaya ang buong event, at halos lahat ng tao sa paligid ay nagsimula nang bumati sa kanila. Kahit hindi pa sila kasal, may mga sumisigaw na ng “Congratulations!” at “Bagay na bagay kayo!” habang ang iba naman ay nagbibirong kailan daw ang kasal. Si Luna, na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, ay natawa na lang habang mahigpit na hawak ang kamay ni Santino. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap—kanina lang ay nag-iisip pa siya tungkol kay Santino, at ngayon, opisyal na silang magkasintahan. Si Santino naman ay nakangiti lang, pero halata sa mga mata niya ang saya. “Mukhang wala na tayong magagawa, Luna,” biro niya habang inilapit ang mukha kay Luna. “Ikakasal na raw tayo.” “Nako, ang bilis naman!” sagot ni Luna, pero halata sa kanyang mukha ang kilig. “Eh, bakit hindi na lang natin seryosohin?” sabay kindat ni Santino, dahilan para muling kiligin si Luna. Napailing na lang siya at siniko si Santino sa tagiliran. “Ikaw talaga!” Samantala,

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 92

    Luna POV "Oh? Parang natulala ka diyan, Luna," tukso ni Erick habang pinagmamasdan ako. Mabilis akong umiling. "Hindi ah!" tanggi ko, kahit na halatang-halata na si Santino talaga ang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Napansin kong nagpalitan ng tingin sina Carla at Bea, saka biglang ngumiti ng makahulugan si Bea. "Mahal mo ba si Santino?" diretsong tanong niya. "Ha?!" Napalakas ang boses ko, dahilan para mapatingin ang ilang officemates namin sa amin. Mabilis akong yumuko at hininaan ang boses ko. "Ano ka ba, Bea? Anong pinagsasabi mo?" "Huwag mo nang i-deny," natatawang sabi naman ni Carla. "Kanina ka pa hindi mapakali simula nang mawala si Santino sa paningin mo." "Hindi totoo 'yan!" mariing sagot ko, pero ramdam kong uminit ang mukha ko. "Hmm…" nagkibit-balikat si Bea. "Pero alam mo, Luna, kung hindi mo talaga siya mahal, bakit ka pa nag-aalala kung nasaan siya?" Nanlamig ako sa sinabi niya. Tama ba sila? Hinahanap ko nga ba siya dahil mahal ko siya? O dahil lang hin

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 91

    Luna POV Nataranta ang buong opisina nang biglang sumakit ang tiyan ng emcee na dapat sana’y mangunguna sa event namin ngayong gabi. Halos lahat ay naghahanap ng posibleng pumalit, at sa hindi ko inaasahang pagkakataon—ako ang napili. "Luna, ikaw na lang muna! Wala nang iba!" sabi ni Carla habang hawak ang braso ko. "Ha?! Ako? Hindi ako sanay! Wala akong practice!" halos pasigaw kong sagot habang mabilis na umiling. "Wala nang oras, Luna. Ikaw lang ang pwedeng humarap sa audience nang hindi nagkakandarapa!" dagdag pa ng isa naming katrabaho. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito ang forte ko! Mas gusto ko ang nasa likod ng eksena, hindi ang nasa harapan ng maraming tao. Pero wala akong choice. "Okay, fine! Pero… anong isusuot ko? Hindi ako pwedeng humarap sa audience na ganito lang!" tinuro ko ang simpleng office attire ko—hindi sapat para sa isang corporate event. Parang kidlat na kumilos ang mga babae sa paligid ko. Agad nilang hinila ako papunta sa b

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status