Pagdating ko sa opisina ay abala na ang lahat. Kaya pala mag-isa lang akong sinundo ni Kuya Bert, iyon ay dahil nauna na pala ang iba kong mga katrabaho'ng pumasok.
"Good morning, ate, kuya!" bati ko sa tatlong guard na nakabantay sa entrance ng opisina.
"Good morning, Miss Sydney!" masigla rin nilang bati sa akin pabalik.
Dahil nagmamadali ako kaya hindi na ako masyadong nakipag-usap pa sa kanila.
Dumiretso ako sa opisina ni Miss Michelle para ilagay ang mga gamit na dala-dala ko. Naabutan ko siyang nasa loob na at halatang problemado sa kung anomang inaasikaso n'ya.
"Thanks God, you're here!" unang bungad niya pagpasok ko.
"Good morning, Miss Michelle!" bati ko sa kanya.
"Good morning. Gusto ko sanang hingin ang opinyon mo dito,"
Lumapit ako para tingnan kung ano ang tinutukoy niya.
"Which party hats do you think will matched in the theme? How about this?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, akala ko naman kung ano 'yong pinoproblema niya. Design lang pala ng party hats. Tsk!
"Ilan po ba 'yong i-wewelcome natin? Are they all boys?" Sunod-sunod kong tanong.
"They're two boys. Uh, huh! alam ko na. Bumaba ka na lang sa basement, puntahan mo si Mang Bert dahil may pupuntahan kayo." sabi niya nang hindi man lang kinukuha ang opinyon ko. I thought she needs my opinion, tapos bigla-biglang ibang usapan kaagad?
"Okay," ngumiti ako sinunod ang sinabi n'ya.
Nagulat ako nang tahakin ni kuya Bert ang daan patungong Mall. Lalong domoble 'yong kuryusidad ko ng i-park niya ang sasakyan sa groundfloor ng Mall.
"Kuya, bakit tayo narito?" naguguluhan kong tanong.
"Mag sho-hopping po kayo, hindi ba?"
Ako, mag sho-shopping? It's working hours, my gosh!
"Po? Hi-hindi po, kuya Bert! Sabi ni Miss Michelle may pupuntahan raw po tayo. Wala naman siyang sinabi na mag-shopping ako. Seriously?"
Hindi ako makapaniwala. I thought Miss Michelle needs me para sa paghahanda sa pa-welcome party nila kay Engineer Claveria.
"Iyon po ang bilin sa akin ni Ma'am Michelle. Mag shopping raw kayo ng susuotin n'yo para sa party mamayang hapon. Bumalik na lang daw po tayo sa opisina mamayang ala una." mahabang paliwanag ni kuya Bert. Napailing ako. Naguguluhan ako sa nangyayari. As in, talaga? Grabe, hindi ako makapaniwala!
Hindi na ako nagulat nang bigyan ako ng pera ni Kuya Bert. Galing raw 'yon kay Miss Michelle."Hindi ko man lang natanong kung ano 'yong theme ng party," dismayado kong saad.
"May problema po ba, Miss Sydney?" tanong ni Kuya Bert na nakasunod lang sa akin. Nagmumukha tuloy siyang bodyguard ko.
"Ano kasi eh," napakamot ako sa ulo ko."Ano po?"
"Hindi ko alam 'yong theme ng party. Kaya hindi ko alam kung anong klaseng damit ang bibilhin ko," nahihiyang pag-amin ko.
"Mayro'n na po kayong susuotin, pupuntahan na lang natin sa boutique ng kaibigan ni Miss Michelle." sabi ni kuya Bert na ikinatanga ko. Muli akong naguluhan. Bakit pati susuotin ko ay kailangang siya ang mag-provide?
"Kuya, lahat po ba ng empleyado dito ay ganito nila itrato? I mean, tingnan niyo po, daig ko pa 'yong ano dito eh."
Tinawanan lang ako ni kuya Bert, ni hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagkibit balikat na lang din ako.
Baka nakukulitan na si kuya Bert sa akin dahil sa rami kong tanong at reklamo kaya naman nanahimik na lang ako ng tuluyan.
Hindi ko alam kung totoo bang nawawala kami dahil kanina pa kami pabalik balik para hanapin 'yong Rosa's Boutique na sinasabi niyang kukuhanan namin ng isusuot ko para sa party mamaya.
Ang astig 'no? Dalawang araw pa lang ako sa trabaho pero may pa-party agad. Sana all, 'diba?
"Miss Sydney, baka nagugutom na kayo, kumain muna tayo."
"Ay naku Kuya, 'wag na po. Hanapin na lang natin 'yong boutique ng kaibigan ni Miss Michelle, para makabalik na tayo sa office. Baka kasi ma-late tayo." sabi ko. Tiningnan ni Kuya Bert 'yong relo niya at nang makita niya kung anong oras na ay naki ayon na rin siya sa sinabi ko."Sigurado po ba kayong, ito ang susuotin ko?" takang tanong ko sa may-ari ng boutique. Sinasabi niya kasing isuot ko raw 'yong kulay itim na off-shoulder dress."Yes. Si Michelle ang pumili nito para sa 'yo." dagdag niya pa na lalong nagpagulo sa takbo ng isip ko.
Isang normal at simpleng pa 'welcome party' lang naman 'yon sa CEO ng Paradise Corporation, pero bakit kailangan ko pang suotin 'to?
"Ay sorry po, hindi ako nagsusuot ng ganito. Ayos na ako dito sa uniform ng opisina." pagtanggi ko."Sure ka? Naku Sydney, suotin mo na 'to. Sige na, bilis na magbihis ka na at pagkatapos ay aayusan na rin kita."
"Ha?"
Kahit naguguluhan ay sinunod ko na lang si Danica. Siya 'yong may ari ng boutique at kaibigan ni Miss Michelle.
Pagkatapos kong isuot ang kulay itim na off-shoulder dress, kaagad akong lumabas ng fitting room. Sunod akong inayusan ni Danica, isang simpleng ayos lang 'yon. Nilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok para kahit papaano ay hindi ma-expose 'yong balat ko sa likod at maging sa balikat ko.
"Wow, Miss Sydney, ang ganda-ganda niyo naman po pala talaga! Kaya hindi na ako magtataka kung bakit—ay sorry po, excuse me lang, tumatawag si Ma'am Michelle."
Tinawanan ko na lang si Kuya Bert na mukhang hangang-hanga sa ayos ako.Wala namang nagbago sa itsura ko. Ang kaibahan nga lang ngayon, nakasuot ako ng isang mamahaling damit, iyon lang 'yon.
"Miss Sydney, kailangan na ho nating bumalik sa opisina."
"Sige po,"
Matapos kong magpasalamat at magpaalam kay Danica, kaagad rin kaming tumulak paalis ni kuya Bert.Nang makarating kami sa Paradise Corporation, kaagad akong sumakay ng elevator patungong 6th floor, kung saan gaganapin ang party. Samantalang, hindi na sumama paakyat si kuya Bert, may pinag uutos pa raw sa kanya si Miss Michelle.
Pagbukas ng elevator ay sakto rin ang pagbukas ng sa kabilang elevator. Marami silang lumabas roon, ang iba ay naka suot ng blacksuit habang nakapalibot sa dalawang lalaki. Hindi ako sigurado kung sino ang mga iyon, at wala rin akong balak alamin pa dahil sigurado akong late na ako.
Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang naunang pumasok ang dalawang lalaki sa papasukan kong pintuan, naiwan naman sa labas ang anim na kalalakihang nakasuot ng blacksuit.
"Hi," naiilang na bati ko sa mga ito dahil nakabantay sila sa pintuan, ngunit hindi ako kinibo ng mga ito, ni hindi nila ako binigyan ng pansin.
'Taray naman nila kuya, snobber!'
"They're here!" Boses iyon ng bakla, isa sa mga empleyado ng kumpanya. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan nang makita kong hindi naman nakabihis 'yong mga ka-officemates ko.
Suot pa rin nila ang kanilang mga uniform, kung may nagbago man sa kanila, iyon ay ang mga party hats na suot-suot nila. Bigla akong tinubuan ng hiya. Naka ayos pa naman ako at naka-dress, tapos sila, naka uniform lang.Saka lang ako bumalik sa huwisyo nang maramdaman ko sa aking balat ang nagkalat na confetti. Taray, may pa confetti pa nga!
"Welcome back, Mr. CEO slash Engineer Claveria!" Nagpalakpakan sila kaya nakipalakpak na rin ako.
"Dito kayo, Sir!" Hinila siya ng bakla kaya naman napunta siya sa gitna. Doon ko lang siya namukhaan ng malapitan.
Ang laki ng pinagbago niya. He looks mature now, kompara noong huling kita namin. Wari'y napaka seryoso ng kanyang mukha. Tipid ang kanyang pag ngiti. Sobrang layo niya sa dating Andrew.
"Also, welcome back, Architect Robles!" Hindi na nagpahila ang lalaki, ito na mismo ang nagkusa na tumabi kay Andrew. Mukhang close na close sila base sa kung paano sila magkulitan ngayon."And last, but definitely not the least, welcome to the Paradise Family, Miss Claire Sydney Agustin!"
Napako ako sa kinatatayuan ko nang isa-isang umalis sa harapan ko ang mga katrabaho ko. Binigyan nila ako ng espasyo. Samantalang, hindi ko inalis ang tingin ko kay Andrew.
Unti-unting nawala ang mga ngiti niya nang sa wakas ay makita niya ako. Saglit siyang napatulala, at nang tumingin siya sa mga mata ko ay kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Bakla, halika rito! Samahan mo 'yong Boss mo dali!" Nagpadala na lamang ako sa panghihila sa akin ni Noel, ang baklang emcee para sa party ngayon.
Dinig na dinig ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Pakiramdam ko'y nagsusumigaw ito para makawala sa kinalalagyan nito ngayon.
I inhaled and exhaled before I gave my sweetest smile to everyone—especially to Andrew, my ex-boyfriend.
Kinalma ko ang aking sarili lalo na't napapagitnaan ako ng dalawa, isang engineer at isang architect.
Hindi ko alam kung masyado lang akong assuming ha, pero kasi kanina ko pa nararamdaman ang titig ni Andrew sa akin. Hindi man ako diretsong nakaharap sa kanya, nararamdaman ko ito.
"Cheers for them!"
Isang malakas ulit na pasabog ng confetti ang ginawa nila bago tuluyang sinimulan ang party.
Kaagad din nagbigay ng drinks ang mga waiter sa amin. Matapos ang pag-welcome sa amin ay kaagad akong lumayo sa dalawa.
"Si Miss Michelle?" tanong ko kay Noel.
"Nagka emergency eh," sagot n'ya.
"Gano'n ba? Sige, salamat."
Wala pa akong masyadong kilala sa mga katrabaho ko kaya naman pakiramdam ko ay out of place ako.
Ang ginawa ko ay nagtungo na lang ako sa isang sulok at doon ko paunti-unting ininom ang red wine sa baso ko.
"Hi, Miss Sydney. Architect Gabriel Robles. You can call me, Gab,"
Nagulat ako sa ginawa nitong paglapit at pagkausap sa akin.
"Hello," tipid kong bati sa kanya.
"So, bago ka lang pala rito?" tumango ako.
"Nice to meet you. Ang ganda ganda mo," medyo nailang ako sa papuri niya kaya tinawanan ko na lang siya.
"Sorry," kaagad niyang bawi.
"Hey! Robles, would you mind if I'll talk to my secretary privately?"
Tumaas ang kaliwang kilay ko sa biglaang pagsulpot ni Andrew sa gitna ng usapan namin ni Architect Robles.
"Sure! Sure, Engineer Claveria,"
Nang makaalis si architect Robles ay nagulat na lamang ako sa biglang panghihila sa akin ni Andrew patungo sa isang silid. Dahil sa pagkabigla kaya hindi ako nakapag-react sa ginawa niya.
"Why did you brought me here, Sir?" kalmado kong tanong sa kanya matapos n'ya akong dalhin sa office room niya. Nalaman kong opisina niya ang silid na ito dahil sa pangalang nakapatong sa table.'Engineer Michael Andrew Claveria'"I," Hindi niya ma ituloy ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. His stare was cold—yet lonely and it seems that he's in too much pain while staring at me straightly.Dahil sa lapit ng mga katawan namin, kaya malaya ko siyang naaamoy. Walang nagbago sa pabangong ginagamit niya, he still smells the same. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya. He's drunk. Sinadya niya ba'ng malasing? God!Dahan-dahan niyang niluwagan ang mahigpit na pagkakahawak n'ya sa braso ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nauna rin siyang nag-iwas ng tingin.Why is he like that? Bakit parang nasasaktan siyang nakikita ako? Galit ba siya sa akin? Then, why did he hired me as his secretary?
"Momma!" Kaagad gumuhit ang ngiti ko sa aking labi nang salubungin ako ng anak ko."Wow, you look stunning with your dress, Momma!" Puri niya sa suot ko. Wari isang propesyonal na siya habang sinusuri ito. Natawa na lamang ako sa ginawa n'ya."Thank you, baby." I kissed her on her cheeks. Pinisil ko rin iyon."Momma, teacher wants us to bring family picture. Dapat daw magkakasama 'yong baby, Mommy, and Daddy!"Nagkatinginan kami ni Grace sa sinabi ni Sunny. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan dahil hindi ako makapagsalita."Baby Sunny," Tawag ni Grace sa atensyon ng anak ko."Yes po, ate,""Si ate Grace na lang 'yong mag-aasikaso ng pinapagawa sa 'yo ni teacher, kasi tingnan mo oh, pagod si Momma,"Mukhang nakuha ni Grace ang dahilan ko kung bakit ako natahimik, kaya siya ang gumawa ng paraan para ma ilayo si Sunny sa pagtatanong tungkol sa ama n'ya.Alam kong darating kami sa puntong 'to,
"Peace be with you, baby!" Linggo ngayon at kakatapos lang ng misa. Kasalukuyan kaming naglalakad na ngayon palabas ng simbahan, kasama namin ng anak ko si Grace."Peace be with you momma. I love you!" Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong kiligin sa sweetness ni Sunny. Binuhat ko siya para madali kaming makalabas ng simbahan. Sa unahan pa kasi kami umupo para marinig namin ng malinaw si Father.Paglabas namin ng simbahan ay kaagad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa carnival park."Anong gusto mong kainin baby?" I asked her."Kahit ano po momma, kayo na po ang bahala." Masiglang sagot niya. Nakakapit lang siya sa gilid ko habang abala ako sa pagbili ng pagkain namin mamaya.Samantalang si Grace naman ay naiwan namin sa park, kung saan kami pupwesto para sa gagawin naming mini-picnic.Naisip ko kasing ipasyal muna sila ng ate Grace niya dahil tatlong buwan akong mawawala para sa renovation na gagawin ng Paradise I
Alas quatro y media pa lang nang umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang ma
"This is Paradise Hotel, and we're staying there for months." Si miss Michelle habang inililibot niya ako. "Tita Helen managed this before...no'ng hindi pa nagkakasakit si chairman. Kaya noong nagkasakit si chairman at hindi na magawang makalakad ay nagdesisyon siyang ipasa sa akin ang pamamahala rito." Kwento niya. "At first, I was like; seriously? I am managing this whole island? God! I'm a model not a business woman!" natatawa niyang sabi habang pinapa-ikot ang kanyang mga mata. "Y-you're a model?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya...of course she's beautiful. She's more than just a model! "Yeah. But that was just before...during my teenage. No'ng tumuntong kasi ako ng twenty doon na ako nagsimulang i-train ni tita Helen sa pagmamanage ng business." She smiled again. I smiled back. She continued sharing her experienced in managing this island habang ako naman ay patuloy lang sa pakikinig. "Ito 'yong magiging kwarto natin." May itinapat siyan
"Congratulations on our job well done!" Si Michelle na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng renovation."Group hug!" Dagdag niya pa kaya nag-group hug kami. Para kaming mga teenager na tuwang-tuwa sa natapos naming proyekto sa eskwela. Ang saya-saya sa pakiramdam no'n."At dahil d'yan, let's celebrate!" Si Gab iyon. Nagulat rin ako ng hawakan niya ako sa kamay pagkatapos ay hinalikan niya ako ng panakaw sa pisnge.Saglit akong natigilan. Napako rin ako sa aking kinatatayuan dahil sa hindi ko inaasahang ginawa niya.Ang kaninang masaya at maingay na si Michelle ay unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi. Maybe because she's shocked too? I don't know. But I feel it...she's hurt."T-thank you for the inspiration." Nahihiya niyang sabi. Nakakahiya naman kung magagalit ako. Siguro nabigla lang siya dahil sa labis na tuwa kaya ngumiti na lamang ako."It's okay...but don't do it next time without my permission." Sabi ko na ikinatango niya naman.
Halos tatlong araw na mula no'ng matuklasan ko 'yong katotohanan sa pagitan ni Andrew at Michelle.Kung tutuusin, it wasn't a big deal for me. Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang hirap no'n tanggapin. 'Yong panloloko nila sa akin.Tatlong araw na rin ako sinusubukang kausapin ni Michelle para magpaliwanag...gano'n din ni Andrew ngunit hindi pa ako handa. Natatakot akong mas higit pa doon ang malaman ko kung bakit nila ginawa 'yon.I know they have their reasons. Pero iniisip ko pa lang ang posibleng maging rason nila ay nahihirapan na ako.No'ng gabing 'yon ay nagkulong lang ako sa kwarto. Alam kong kwarto dapat namin ni Michelle 'yon pero ipinagsawalang bahala ko 'yon.Ayokong makausap o makita sila kaya ginawa ko 'yon. Kinaumagahan, no'ng alam kong oras na ng flight namin pabalik ng Manila ay doon lang ako lumabas.Hindi ko sila kinibo o kinausap man lang. Maging si Gab ay nagtataka rin ngunit wala siyan
"Why are you here?" Walang kasinlamig ang boses na iyon. Narito kasi ako ngayon sa opisina ni Drew para kuhanin ang ibang gamit na naiwan ko. I thought he's out of the country...ani ng kanyang bagong secretary."May naiwan lang ako." Nakataas ang kilay kong tugon."Sydney mag-usap nga tayo!" Galit ang tono niya. Halos hindi rin ako makahinga nang marahas niyang isinarado ang pintuan ng opisina niya."Bakit ka nag resign? Dahil ayaw mong malaman 'yong katotohanan? Natatakot kang harapin ito?" Naguguluhan ako sa iniaasta niya ngayon. It seems like I did something wrong na walang kapatawaran."Bakit Drew? Bakit mo naitanong 'yan? Hindi ba pwedeng umiiwas lang ako sa gulo? Ayokong makita ka dahil naguguluhan ako! Tahimik na ang buhay ko ngayon at ayoko na ng gulo!""Really Sydney?" Napahilamos siya sa mukha niya. Parang gusto niya akong saktan ngunit pinipigilan niya lamang iyon."3 months ago...noong nakita ulit kita. Alam mo bang
You and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi
The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos
One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy
"Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what
"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay
"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k
"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera."Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa."Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew."Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya."R
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny."I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!"Pero 'wag kang mag-alala---""Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely
"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew."Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag