"Good day Miss Claire Sydney Agustin! We would like to inform you that you passed your final interview in our company. We are hoping to see you working with us tomorrow or within this week. Congratulations and Good luck! Greetings from Paradise Island Corporation."
Kakabukas ko lang ng email ko at ito ang unang bumungad sa akin. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang binabasa ang email na 'yon. Parang maiiyak ako na matutuwa, na hindi ko alam.
"Ah! O M G! Wah! Natanggap ako! Natanggap ako!"
Dahil sa labis na tuwa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw habang patalon-talon pa ako sa ibabaw ng kama ko.
"Yehey! Finally! Yes!"
Todo talon pa rin ako habang nakayakap sa cellphone ko, kung saan ko na-recieved ang email na 'yon.
Finally, after six years makakapagtrabaho na rin ako sa isang kompanya. Magagamit ko na rin ang kursong tinapos ko.
"Momma! Why are you so noisy in there? Gosh!"
Isang nakabusangot na mukha ng batang babae ang nagpatigil sa aking ginagawang pagsasaya sa ibabaw ng kama.
"OMG, baby! Wah come to momma bilis!"
Nagmamadali akong bumaba sa kama para lapitan ang anak ko. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Baby may trabaho na si Momma! Yes!"
Hindi ko pa rin maitago ang sayang nararamdaman ko.
"May pambayad na tayo ng upa natin buwan-buwan!"
"Mabibilhan ka na rin ni momma ng maraming toys!"
"Tapos kapag day-off ni momma makakapag-shopping na tayo together! For sure ang saya no'n!" excited at tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.
"Momma, you don't have to buy me a lot of toys. I am happy and contented with barbie..." Ipinakita niya sa akin ang lumang barbie niya. Laruan niya pa ito noong one year old pa lang siya, hanggang ngayon na five years old na siya.
"You are enough for me, momma. I love you!" Naiyak ako sa mensahe ng anak ko. Muli ko siyang niyakap at ginawaran ng maraming halik sa pisngi niya.
"You're so sweet, baby. I love you, too."
After our drama ay nagpasya na akong mag-asikaso ng breakfast namin dahil may pasok pa si Sunny.
Sunny Andrea Agustin was my five years old daughter. She's now in kinder and I am happy that I raised her well.
Six years ago, matapos kong mabisto ang panloloko sa akin ni Andrew ay siya ring dahilan ng tuluyang pagpapalayas sa akin ni Tita Fely.
Sobrang hirap ng sitwasyon ko ng mga panahong iyon. Naging palaboy ako sa kalsada. Nasubukan kong mamalimos para lang may makain ako at hindi maapektuhan ang baby ko.
Hanggang sa nahanap ako ni tita Rosie, si tita Rosie ay ang kapatid na babae ni Papa. Sinama niya ako pauwi sa probinsya nila sa Masbate. Doon ko ipinanganak si Sunny, pagkatapos ko ring manganak ay pinag-aral din ako ni tita Rosie.
Sa kabila ng pang-aabanduna sa akin ng mga taong mahal ko, ay natagpuan ko rin ang totoong pagmamahal na hinahangad ko, at iyon ay sa piling ni Tita Rosie.
Matandang dalaga si tita Rosie kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na kupkupin ako, kahit na maaga akong nabuntis. I was only sixteen, nang maranasan ko ang iba't-ibang uri ng hirap at sakit.
At young age, nagmahal ako ng totoo, na nauwi lang sa labis na pagkawasak ng puso ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang panahong 'yon, na nagmahal ako at ibinigay ko ang lahat sa lalaking minahal ko...dahil dumating sa buhay ko si Sunny.
Akala ko, tuloy-tuloy na 'yong pagiging tahimik at masaya kong buhay sa probinsya, ngunit nagkamali ako. Noong graduating na ako sa college, biglang nagkasakit si tita Rosie, at hindi nagtagal ay iniwan niya na kami ni Sunny.
Ang hirap, kasi pakiramdam ko, unti-unti na namang nawasak 'yong puso ko. Doble 'yong sakit na naramdaman ko sa pagkawala ni tita Rosie, kumpara do'n sa pagpapalayas sa akin ni tita Fely at panloloko sa akin ni Andrew.
Muli na naman akong nawalan ng pamilya, pakiramdam ko, galit sa akin ang mundo dahil napakamalas ko pagdating sa magulang.
Pikit-mata kong inalala kung paano ako maagang nawalan ng magulang. Lumaki ako sa piling ng aking Lola na 'di rin naman nagtagal at ako'y iniwan din. At sa piling ni Tita Fely namuhay muli, sa panahong nasira nang husto ang aking buhay sa pagdating ni Andrew. I'm so helpless lalo na ng pinalayas ako.Kaya sobrang sakit lang dahil kung kailan nasa maayos na ang lahat, heto na naman ako, nangangapang muli. Pero 'di ko pinagsisihan ang pagdating ni Sunny sa buhay ko. Ang aking anak na siyang pinanghahawakan ko ngayon upang magpatuloy.
After I graduated in college, nagdesisyon akong bumalik sa Maynila. Bukod sa magsisimula nang mag-aral si Sunny, ay kailangan ko na ring makahanap ng trabaho para sa pang araw-araw naming gastusin.Nakahanap ako ng mura at maliit lang na apartment sa Las Piñas, kung saan kami nakatira ngayon ni Sunny, ng anak ko.
Natutuwa ako dahil kahit mahirap ay napalaki ko pa ring mabuti at mabait na bata si Sunny. I am proud of myself. Masasabi ko rin na si Sunny ang greatest achievement at pinakamagandang regalo sa buhay ko. I was thankful to God that after those struggles and difficulties I had faced, still he gave me Sunny, my little angel.
"Momma I'm nervous, it's my first day!" nakasimangot na sabi ng anak ko matapos ko siyang bihisan ng uniporme niya."Normal lang ang kabahan baby, kaya okay lang 'yan. Basta maging behave at mabait lang ikaw sa school ha?" nakangiti kong paalala sa kaniya.
"Opo naman momma, hindi ba sabi niyo nga po na kapag mabait ang isang bata ay pinagpapala! That's why I don't wanna be bad, baka kasi parusahan ako ni Papa God e." cute niyang sabi na nagpangiti lalo sa akin.
"Ang tali-talino naman ng baby ko. Pa-kiss nga!"
"Syempre po, mana ako sa momma ko!" proud niyang saad.
After our little chit-chat, nagpasya na akong lumabas na kami ng bahay dahil baka ma-late pa siya.
Malapit lang ang school ni Sunny sa bahay kaya naman naglakad lang kami. Isa din ito sa rason kung bakit mas pinili kong dito kami mangupahan, iyon ay para malapit lang ako sa school ni Sunny.
"Baby, momma's going home na, okay? Behave ikaw and be kind to your classmates." muli kong paalala sa kaniya nang maihatid ko na siya sa classroom niya.
"Opo momma, I'll promise."
"Very good. Sige na, maupo ka na sa upuan mo." Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi bago ako tumalikod na sa kaniya para makalabas ng classroom nila.
"Uhm, teacher kayo na po ang bahala sa anak ko ha? Thank you po."
Gusto ko lang makasigurado sa kaligtasan ni Sunny kaya naman ibinilin ko rin siya sa teacher niya.
"Anak mo? Akala ko kapatid mo lang," Nginitian ko na lang si teacher, gets niya na 'yon. Kahit si Tita Rosie, parang magkapatid lang daw kami ni Sunny.
—
"Momma!" Kaagad ako sinalubong ng yakap ni Sunny pagkakita niya pa lang sa akin sa labas ng classroom nila.Hanggang 10:00 AM lang 'yong pasok nila, kaya naman narito ako para sunduin na siya.
"Kanina ka pa ba naghihintay kay momma?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Umiling siya bilang tugon kaya naman hinalikan ko siya sa cheeks niya.
"Kakalabas lang po namin, momma," sabi niya.
Kinapa ko ang likod niya para tingnan kung basa na ba 'yong nilagay kong towel do'n.
"Hindi ka ba nakipaglaro sa mga classmates mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi kasi nabasa 'yong towel na nilagay ko sa likod niya.
"Nakipaglaro po! Pero hindi po kami naghabulan. Instead, nagbasa po kami ng alphabet toys ni teacher momma!" tuwang-tuwa niyang pagku-kwento.
"Very good naman ang baby ko." Marahan kong pinisil ang cute niyang pisngi.
"You know what, momma? Ako po 'yong teacher nila kunwari!"
"Aww, ang baby ko talaga." Kinuha ko ang bag niya at ako na ang nagbitbit no'n.
"My first day is awesome, momma! Bigla pong nawala 'yong kaba ko ko after namin mag introduce ng self namin. Tsaka momma, ako lang po 'yong hindi umiyak kanina sa classroom!" proud na proud niyang sabi na nagdulot ng labis-labis na tuwa sa akin. I can't imagine myself without her. She's my everything since I gave birth to her. She's my life.
"Dahil very good ang baby ko...sa labas tayo magla-lunch!""Wow! Really mommy?"
"Yes!"
Saglit kaming natigil sa paglalakad nang bigla siyang sumimangot.
"What's wrong?" usisa ko sa dahilan ng pagsimangot niya.
"Momma, you don't have to spend money just because I am very good in school. Hindi na po natin kailangang kumain sa labas para lang i-treat ako...tsaka sayang po 'yong money niyo kasi mamahalin 'yong foods sa labas."
Na-touched ako sa sinabi niya. Kung magsalita siya parang hindi siya bata. Ang matured na ng isip niya.
Lumuhod ako para magpantay kami. Isinabit ko muna ang bag niya sa left shoulder ko para makausap ko siya ng maayos.
Hinawakan ko ang mukha niya at sinimulan ko siyang paliwanagan ng maayos.
"Baby...kahit kailan hindi masasayang 'yong money ni momma lalong-lalo na kung para sa 'yo. Ikaw 'yong dahilan kung bakit nagsisikap si momma magtrabaho."
Taimtim siyang nakikinig sa akin. It feels like I am talking to someone older than her. Pakiramdam ko hindi bata itong kausap ko ngayon. How lucky I am for having her.
" Lahat ng 'to ginagawa ni momma for you. So, huwag kang mag-isip ng gan'yan...na masasayang 'yong money ni momma, kasi kahit kailan hinding-hindi manghihinayang si momma pagdating sa 'yo. Besides, mag i-start na akong mag work tomorrow, meaning to say, makakapag ipon pa tayo, okay?"
Mahaba kong paliwanag sa kaniya. Tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya lahat ng sinabi ko.
"Okay po, momma. I'm just worried at you lang naman po e,"
"Ang baby ko talaga oh! Okay, let's go na."
Dinala ko ang anak ko sa paborito niyang kainan, sa jollibee. Ever since, paborito niya na ang jollibee kaya naman tuwing lalabas kami ay dito kami pumupunta. She loves fried chicken and potato fries a lot.
"Momma, thank you so much for the foods! Busog na busog po ako."
"You're always welcome, baby!"
Pinisil ko ng bahagya ang pisngi niya. She's so cute.
"Pagkatapos ni momma magbayad pupunta tayong mall. Bibili tayo ng dress natin pang simba." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Yehey!"
Tanging isinagot niya lang. Makita ko lang na masaya ang anak ko, dobleng kasiyahan na kaagad ang nararamdaman ko.
"Ibibili ka rin ni momma ng favorite mo..."
"Cotton candy? Wow! Thank you momma!"
Bigla siyang bumaba sa upuan niya para lapitan ako at bigyan ng mahigpit na yakap.
"Ang sweet naman ng bata!"
"Daddy look, ang saya-saya nila. Sana gan'yan din kami paglabas ni baby." sabi ng buntis na babae sa tabi namin. Nakahawak siya sa tiyan niya, na kung hindi ako nagkakamali ay malapit na ring manganak.
"Yeah, they're sweet and cute." nangingiting saad din ng lalaki sa asawa niya.
After I paid our bills ay kaagad din kaming umalis ni Sunny sa Jollibee, at kagaya ng sinabi ko sa kaniya kanina ay nagtungo kami ng mall para bumili ng dress namin.
Isang kulay puting off-shoulder na dress ang binili ko para sa amin. Terno kami ng dress kaya naman tuwang-tuwa si Sunny, excited na raw siyang suotin iyon sa linggo.
Nang 6:00 PM na ay umuwi na rin kami. Ngayon kasi ang dating ni Grace, taga probinsya siya at siya ang nakuha kong kasama ni Sunny sa bahay, lalo na kapag nasa trabaho ako.
Kagaya nang inaasahan ko ay naabutan namin ng anak ko si Grace sa labas ng apartment.
"Ate Grace!" Pagbaba namin ng tricycle ay sinalubong kaagad ni Sunny ang ate Grace niya.
Kapitbahay lang namin si Grace sa probinsya kaya naman close na sila ni Sunny noon pa man.
"Sunny!"
Ilang buwan pa lang kami dito sa Maynila, pero kung magyakapan sila parang isang taon silang hindi nagkita. Napailing nalang ako sa closeness nilang dalawa. Kaya hindi rin ako nagdalawang isip na kuhanin si Grace bilang bantay ni Sunny. Bukod sa matagal ko na siyang kilala ay sigurado din ako na mapagkakatiwalaan ko siya pagdating sa anak ko.
May dalang isang malaking maleta at backpack si Grace, marahil mga damit niya ang laman no'n.
"Kanina ka pa ba? Sorry ha, namasyal kasi kami ng anak ko." paghingi ko ng paumanhin kay Grace.
"Naku si ate talaga, okay lang po. Kakarating ko lang din po e."
"Gano'n ba? Sige, pasok na tayo."
"Uhm, Grace, may pagkain d'yan sa lamesa. Niluto ko 'yan kaninang tanghali. Kain ka nalang d'yan ha? Huwag mo na kaming alalahanin ni Sunny, kumain na kami sa labas ng dinner. I-aakyat ko na kasi itong anak ko dahil alam kong pagod na siya, at saka may pasok pa siya bukas." mahaba kong lintanya kay Grace.
"Sure po ate, wag na po kayong mag-alala ako na po ang bahala." nakangiti niyang sabi. Nginitian ko na lang din siya.
"Bababa na lang ulit ako pagka-tulog ni Sunny, ha? Kain ka na d'yan." muli kong sabi. Bago ko tuluyang tinahak ang tatlong baitang ng hagdanan paakyat sa silid namin ni Sunny.
"Good morning, Momma! Good luck on your first day!"Kaagad gumuhit sa labi ko ang ngiti dahil sa tamis nang bungad sa akin ni Sunny."Good morning too, baby." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap at maraming kisses sa mukha niya."Ang aga yatang nagising ng baby ko?"Alas sais pa lang ng umaga eh, may isa't kalahating oras pa siya para matulog dahil 7:30 pa naman 'yong pasok niya."Of course, Momma! Para po makapag-goodbye ako sa inyo," nakangiti niyang sabi."Aww." Pinisil ko ang pisngi niya, kagaya nang madalas kong gawin tuwing natutuwa ako sa kanya."Okay, basta pagkaalis ni Momma, mag-sleep ka ulit, ha?""Titingnan ko lang po, Momma."Matapos naming magkulitan ay si Grace naman ang sunod kong kinausap para ibilin sa kanya kung anong oras ang pasok at labas ni Sunny sa school."Grace, since hindi mo pa naman alam 'yong school ni Sunny ang gawin mo ay mag tricycle na lang muna kayo. Sa Angel's Acad
Nang makabalik kami ni kuya Bert sa Opisina ay agad akong nagtungo sa office room ni Miss Michelle para sabihin sa kanya ang ipinapasabi sa kanya ni Chairman."Gano'n ba?" Tumango ako kay Miss Michelle.Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako nang makita kong bahagyang may gumuhit na ngiti sa labi niya."I didn't thought that he's going back this early. I thought he's still out of the country."halos pabulong niyang sinabi iyon ngunit malinaw ito sa pandinig ko."Po?" pag linaw ko sa sinasabi niya."Ibig sabihin, siya na 'yong boss mo bukas," Mataman akong pinakatitigan ni Miss Michelle, marahil hinuhuli niya ang magiging reaksyon ko.Pinigilan ko ang sarili na h'wag magpakita ng kahit na anong emosyon. Ayokong isipin niya na apektado ako, na maaapektuhan pa rin ako."Okay po," tipid kong sabi na sinabayan ko pa ng pagtango."Have you eat your lunch?" Bigla niyang pag-iiba sa usapan.
Kagaya ng ibinilin ni Miss Michelle, inagahan ko ang pagpasok sa Opisina. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam kay Sunny dahil natutulog pa siya pag-alis ko.Pagdating ko sa opisina ay abala na ang lahat. Kaya pala mag-isa lang akong sinundo ni Kuya Bert, iyon ay dahil nauna na pala ang iba kong mga katrabaho'ng pumasok."Good morning, ate, kuya!" bati ko sa tatlong guard na nakabantay sa entrance ng opisina."Good morning, Miss Sydney!" masigla rin nilang bati sa akin pabalik.Dahil nagmamadali ako kaya hindi na ako masyadong nakipag-usap pa sa kanila.Dumiretso ako sa opisina ni Miss Michelle para ilagay ang mga gamit na dala-dala ko. Naabutan ko siyang nasa loob na at halatang problemado sa kung anomang inaasikaso n'ya."Thanks God, you're here!" unang bungad niya pagpasok ko."Good morning, Miss Michelle!" bati ko sa kanya."Good morning. Gusto ko sanang hingin ang opinyon mo dito,"Lumapit ako para tingnan kung an
"Why did you brought me here, Sir?" kalmado kong tanong sa kanya matapos n'ya akong dalhin sa office room niya. Nalaman kong opisina niya ang silid na ito dahil sa pangalang nakapatong sa table.'Engineer Michael Andrew Claveria'"I," Hindi niya ma ituloy ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. His stare was cold—yet lonely and it seems that he's in too much pain while staring at me straightly.Dahil sa lapit ng mga katawan namin, kaya malaya ko siyang naaamoy. Walang nagbago sa pabangong ginagamit niya, he still smells the same. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya. He's drunk. Sinadya niya ba'ng malasing? God!Dahan-dahan niyang niluwagan ang mahigpit na pagkakahawak n'ya sa braso ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nauna rin siyang nag-iwas ng tingin.Why is he like that? Bakit parang nasasaktan siyang nakikita ako? Galit ba siya sa akin? Then, why did he hired me as his secretary?
"Momma!" Kaagad gumuhit ang ngiti ko sa aking labi nang salubungin ako ng anak ko."Wow, you look stunning with your dress, Momma!" Puri niya sa suot ko. Wari isang propesyonal na siya habang sinusuri ito. Natawa na lamang ako sa ginawa n'ya."Thank you, baby." I kissed her on her cheeks. Pinisil ko rin iyon."Momma, teacher wants us to bring family picture. Dapat daw magkakasama 'yong baby, Mommy, and Daddy!"Nagkatinginan kami ni Grace sa sinabi ni Sunny. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan dahil hindi ako makapagsalita."Baby Sunny," Tawag ni Grace sa atensyon ng anak ko."Yes po, ate,""Si ate Grace na lang 'yong mag-aasikaso ng pinapagawa sa 'yo ni teacher, kasi tingnan mo oh, pagod si Momma,"Mukhang nakuha ni Grace ang dahilan ko kung bakit ako natahimik, kaya siya ang gumawa ng paraan para ma ilayo si Sunny sa pagtatanong tungkol sa ama n'ya.Alam kong darating kami sa puntong 'to,
"Peace be with you, baby!" Linggo ngayon at kakatapos lang ng misa. Kasalukuyan kaming naglalakad na ngayon palabas ng simbahan, kasama namin ng anak ko si Grace."Peace be with you momma. I love you!" Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong kiligin sa sweetness ni Sunny. Binuhat ko siya para madali kaming makalabas ng simbahan. Sa unahan pa kasi kami umupo para marinig namin ng malinaw si Father.Paglabas namin ng simbahan ay kaagad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa carnival park."Anong gusto mong kainin baby?" I asked her."Kahit ano po momma, kayo na po ang bahala." Masiglang sagot niya. Nakakapit lang siya sa gilid ko habang abala ako sa pagbili ng pagkain namin mamaya.Samantalang si Grace naman ay naiwan namin sa park, kung saan kami pupwesto para sa gagawin naming mini-picnic.Naisip ko kasing ipasyal muna sila ng ate Grace niya dahil tatlong buwan akong mawawala para sa renovation na gagawin ng Paradise I
Alas quatro y media pa lang nang umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang ma
"This is Paradise Hotel, and we're staying there for months." Si miss Michelle habang inililibot niya ako. "Tita Helen managed this before...no'ng hindi pa nagkakasakit si chairman. Kaya noong nagkasakit si chairman at hindi na magawang makalakad ay nagdesisyon siyang ipasa sa akin ang pamamahala rito." Kwento niya. "At first, I was like; seriously? I am managing this whole island? God! I'm a model not a business woman!" natatawa niyang sabi habang pinapa-ikot ang kanyang mga mata. "Y-you're a model?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya...of course she's beautiful. She's more than just a model! "Yeah. But that was just before...during my teenage. No'ng tumuntong kasi ako ng twenty doon na ako nagsimulang i-train ni tita Helen sa pagmamanage ng business." She smiled again. I smiled back. She continued sharing her experienced in managing this island habang ako naman ay patuloy lang sa pakikinig. "Ito 'yong magiging kwarto natin." May itinapat siyan
You and I, We Belong--"You're spoiling me, Drew!" Mahina akong tinampal ni Sydney sa aking balikat ng ipakita ko sa kanya ang regalo ko ngayong sixteenth birthday niya."No. It was just a simple gift." Nakangiti kong sagot sa kanya."Anong simple gift? Excuse me, ang laki kayang effort mo para dito. Imagine, you designed my dream house! Parang kahapon ko lang sinabi kung anong dream house ko...then look at this now! Meron ka na kaagad nito."Tuwang-tuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang disenyo ng bahay na ginawa ko."Balang araw, ititira kita sa dream house mo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Thank you, Drew. I was the luckiest woman on earth kapag natupad mo 'yang promise mo na 'yan." Maluha-luha niyang sabi. Napangiti ako dahil sa labi
The Promise of Forever--"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak."Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya."Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos
One Big Happy Family--"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya."Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso."So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan."Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siy
"Ano naman kaya ang iniisip ng mahal ko?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses mula sa likuran ko. Pagkatapos ng tagpo kanina, naisipan kong dumito na lang muna sa terrace para mag-isip. Kakatulog lang din ni Sunny kaya mag-isa akong nagtungo rito. Hindi ko naman akalain na susundan ako ni Drew. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Ang dami kong gustong itanong sa mga magulang ko, kung paano sila nakaligtas, at kung bakit ngayon lang sila nagpakita sa akin. At kung bakit kilala sila ni Drew. Ngunit wala akong lakas ng loob para itanong iyon sa kanila. Hindi ko alam. Huminga muna ako ng malalim bago tinugon ang tanong niya. "Wala naman. Masaya lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yumakap siya mula sa likuran ko pagkatapos ay sininghot-singhot niya ang buhok ko. "You still smell so sweet darling." He said sexily. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon. "Kahit kailan talaga, napaka bolero mo ano?" Naniningkit ang mga matang sabi ko. I heard him chuckled because of what
"Sydney please? H'wag mo namang ipakulong si mommy. I need her,"Pagmamakaawa ni Belle sa akin. Gustuhin ko mang i-urong ang kaso ay hindi ko ginawa. Ayokong hayaan lang si tita Fely sa mga pagkakasala niya. It's unfair, lalo na't ilang taon akong nawalay sa parents ko dahil sa kagagawan niya."I wanted to Belle, but I'm sorry...hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo. Gusto kong matoto si tita sa mga pagkakamali niya."Pagmamatigas ko kay Belle. Kita ko sa mga mata ni Belle na naiintindihan niya ako. Ngunit gano'n pa man ay naaawa ako kay Belle. Dahil mag-isa na lang siya sa buhay. She's only twenty, at naniniwala akong mabuting tao pa rin si Belle sa kabila ng mga ginawa niya rin akin."I'm sorry Sydney...I'm sorry for all the troubles and pain that I've caused you." She seriously said. I smiled at her. Kinuha ko ang kamay
"M-mama...P-papa?" Ulit kong tawag sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at paunti-unti ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nila."S-Sunny?" Gano'n din ang ginawa ng anak ko, nangungusap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.Halos patakbo kong hinakbang ang kinaroroonan nila para bigyan sila ng mahigpit na yakap. Ngunit bago ko pa man sila mapuntahan ay isang makisig na bisig ang pumigil sa akin.Nang lingunin ko ito ay nagsusumamong mga mata ni Drew ang nakita ko. He's stopping me from reaching my parents' and daughter. Tila ba ayaw niya akong lumapit sa kanila."Sydney, I'm here." Pabulong ang pagkakasabi no'n ni Drew. Muli kong ibinalik ang tuon ko sa kinaroroonan nila mama at papa, maging ng anak ko.Ngunit nang lumingon ako kung nasaan sila kanina ay gano'n na lamang ang pagkagulat ko...dahil isang delikadong lugar iyon na k
"Para saan 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Andrew matapos niya akong lagyan ng body camera."Trust me, you'll need it." He said with assurance on his eyes. Tumango na lamang ako at hindi na nagtanong pa."Natatakot ako...hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak natin," Natigilan si Drew sa ginagawa niyang paghahanda ng iba pang mga gamit na kakailanganin namin sa pagpunta sa hideouts nila tita Fely at ng asawa nitong Mafia. Tita Fely already texted me their address, at anytime ay papunta na kami roon.Dito kami dumiretso sa mansion nila Drew. Walang tao sa mansion kaya madali kaming nakapasok sa kwarto ni Drew."Wala kang dapat ikatakot Sydney, dahil narito ako. Narito ako para sa anak natin, at sinisiguro ko sa'yong walang mangyayaring masama kay Sunny." His eyes was convincing. Nakaramdam ako ng kagingahawaan sa mga sinabi niya."R
"Bakit mo hinayaan, Drew?" Galit at labis na pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili at para sa anak ko.Nangako akong sasamahan ko siya at poprotektahan laban kanino man, ngunit hindi ko 'yon nagawa dahil sa kapabayaan ko. Mas inuna ko pang umuwi ng bahay kesa manatili sa tabi ni Sunny."I'm sorry, I fell asleep." Mahina niyang tugon. Kita ko rin na tila wala pa rin siya sa sarili niya. Wala akong ibang dapat sisihin rito kundi ang sarili ko. Napakawalang kwenta kong ina!"Pero 'wag kang mag-alala---""Sinabi mo na 'yan kanina Drew! Pero ano? May nagawa ka ba? Drew may sakit 'yong anak natin! May sakit si Sunny Drew!" Hindi ko na napigilan 'yong emosyon ko kaya nasigawan ko na si Drew. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung ano 'yong uunahin ko sa dami ng problemang kinakaharap ko.Unang-una ay ang problema sa pagkamatay ng parent's ko. Pangalawa si Grace na binaril ni Belle, at ito ngayon...ang pagkakuha ni tita Fely
"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew."Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag