THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)

THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-03
Oleh:  The SamaritanTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
164 Peringkat. 164 Ulasan-ulasan
67Bab
11.8KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Tagalog.Fantasy.Romance.Action.Truelove Amaliah, a witch princess who went to a faraway Kingdom for a traditional mission. To be an independent one, she works as a maid to earn her own money. Without knowing, she is unfolding her real mission, finding pure love, a cure to a curse. But will her prince accept her fully, if he found out who she really is? Read me, please; Ang kwentong ito ay nakasulat sa third and first point of view. Female Lead will only use the first point of view to avoid confusion. Thank you and enjoy reading.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Truth

"As the sun meets the moon,

horizon won't be alone.

Waves are raging to the shore,

seabirds fly as broken shells, sways along.

My love, hold my lips with yours

and find my tears in the sea.

You filled my void with the canvass of

night. I heard your joyful woes, as

I paint your core, with the light of

darkness.

My love, I yearned more and

more to touch and to love you,

in the coldness of the sun.

***

As the rising sun sets on the moon,

my heart won't be alone.

I see yearning in your eyes,

and passion in your lips.

My love, be mine as the

noon goes by.

As waves rages high,

my feet floats on nigh.

I'll be gone for a while.

Ooh my love, quickly

come or I'll die,

find me in your core.

And be with me,

forevermore."

***

Isang malalim na tula ang nabasa ni Liah, habang naglilinis ng silid-aklatan nila sa loob ng palasyo. Napaubo siya habang pinupunasan ang libro, itinabi niya ito at planong dalhin sa kanyang silid nang maipagpatuloy ang pagbabasa. Sobrang luma na ang silid-aklatan pero matibay, inalagaan itong mabuti at hindi nasisira ang mga libro na sa tingin niya ay puro antigo.

Base sa mga nabasa niya, napansin niyang malalalim ang mga salita, ‘yong ibang libro ay nakasulat pa sa Latin. Ang iba naman ay hindi niya pa gaanong maintindihan. Bawat librong pinupunasan ay binubuksan niya at sinisilip ang mga ito, hanggang sa dumako ang tingin niya sa isang librong kulay berde, makapal at halatang lumang-luma na ito. Kinuha niya ito at akmang pupunasan sana nang,

“Mahal na prinsesa?”

Nabitawan ni Liah ang hawak niyang lumang libro nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

“Ikaw lang pala, Emma. Ginulat mo naman ako,” habol hiningang saad ng dalaga, habang pinupulot ang librong nahulog.

“Patawad, Mahal na Prinsesa. Bakit ho kayo naglilinis?” magalang na tanong ng tagasilbi.

"Parusa ito ni Mama, Emma," malungkot na tugon niya.

"Bakit naman po ano na naman 'yong ginawa niyo?" nakangiting tanong ni Emma na alam na alam ang ugali ng prinsesa.

"Dahil hindi niya sinunod ang utos ko, Emma," sagot ng isang malamyos ngunit may diin na boses.

"Mahal na Reyna Airah… magandang araw po," agad na tugon ni Emma sabay yuko.

"Magandang araw din, Emma. Iwan mo muna kami ng prinsesa," utos niya.

"Masusunod po," tugon niya at paatras na lumakad ang babae patungo sa bukana ng pintuan.

Samantala napansin ni Liah na hindi maganda ang araw ng kanyang ina, siguro dahil sa kasalanang ginawa niya. Kaya napadako na lang ang tingin niya sa librong hawak niya. Nang sinubukan niyang buksan ang libro ay napakunot ang kanyang noo, dahil hindi niya ito mabuksan.

“Ma?” tawag pansin niya sa kanyang ina na noong ay hinahawakan ang mga librong nalinisan na niya. Hinihimas ng reyna ang mga ito na tila ba, binubusisi nito kung may alikabok pa ba o wala na.

“Bakit, Amaliah?” tugon ng kanyang ina.

“Ah, e. Bakit hindi ko mabuksan ang librong ‘to?” pautal-utal niyang tanong. Halatang takot sa ina ang dalaga, mabait at mabuti ang kanyang Ina pero kapag may kasalanan sila ng kuya niya, siguradong ibibigay ng kanilang Ina ang nararapat na disiplina.

Tila ba nagulat ang reyna sa sinabi ng kanyang anak, kahit hindi niya pa tinitignan ang librong hawak nito ay para bang alam na alam ng reyna kung ano ito. Huminga ito nang malalim at direktang tumingin sa pwesto ng anak.

“Isa ‘yang libro anak,” sagot niya. Habang lumulunok ng laway. Tila nag-aalinlangan itong magpatuloy sa sasabihin. Halata sa mukha ng reyna ang pangangamba.

“Opo, Ma. Libro po ito. Pero hindi ko siya mabuksan, may susi ba ito?” tanong pa ni Liah habang binubisisi ang libro. Nakahinga naman siya nang mabuti, nang mapansin na kinakausap na siya ng kanyang Ina, nang normal.

Umupo ang kanyang Ina at inayos ang buhok at parang hinahanda ang sarili sa gagawin, huminga ito bago magsalita.

"Pantentibus!" 

Pagkabigkas na pagkabigkas ng Reyna ay siyang pag-angat ng libro sa kamay ni Liah at unti-unti itong bumukas. Napatingala naman ang dalaga, habang nakabuka ang mga labi. Hindi ito makapagsalita habang nakaturo ang hintuturo sa taas, kung saan lumulutang ang librong kanina lang ay nasa kamay niya.

“A-ano ba 'to? Ma? Paki-explain nga?” utal-utal niyang tanong.

Tumayo ang reyna, inayos ang mga libro at isa-isa niyang nilagay sa bookshelves, “Siguro… oras na para malaman mo ang totoo, Amaliah,” sambit niya. Habang iniiwasan ang tingin ng anak.

“Anong dapat kong malaman, Ma?” nagtataka man ay hindi nagpahalata na nabigla ang dalaga sa nalaman. Bakas din dito ang pagkamangha sa nakita.

“Mga kulto ba tayo, Ma?” dagdag niya pa. Pero hindi ito tinutugon ng Ina niya.

Huminga nang malalim ang Mahal na Reyna at humarap nang diretso sa kanyang anak. Napalunok ng laway at parang natatakot ito sa magiging reaksyon ni Liah.

“Ma? Ayos ka lang ba?” tawag pansin pa ng anak niya.

“Isa akong mangkukulam, Amaliah.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng reyna, matapos na sabihin ‘yon. Habang si Liah ay nagulat pero ilang sandali pa ay bumakas sa kanyang mga labi ang isang nakakalokong ngiti.

“Ma? Kailan ka pa po marunong… magbiro? Ikaw? Mangkukulam?” sunod-sunod nitong tanong habang pigil ang tawa.

Tinignan naman siya ng kanyang Ina nang napakatalim na tingin. Habang kinukumpas ang kamay pataas at nagsalita muli ng ibang lenggwahe. Nagsiliparan ang mga libro mula sa kanilang lagayan at pinalipad ng reyna sa kanyang harapan.

“Oh-Ooh!” ang tanging salitang lumabas sa labi ni Liah.

“Naniniwala ka na?” tanong ng reyna.

Hindi makapagsalita ang dalaga sa nakikita niya, tila ba hindi rumehistro sa kanya ang mga pangyayari. Muling nagsalita ang reyna at binalik ang mga libro sa lagayan. Tumayo ito nang tuwid at naglakad sa gitna, umupo sa isang malaking upuan, sa harap nito may isang antigong mesa na natatambakan ng mga libro.

“Pa’no nangyari ‘to, Ma?”

Tanong ni Liah nang mahimasmasan ito. Sumenyas ang kanyang Ina na umupo siya sa isang upuan na gawa sa Narra. Agad naman sumunod ang prinsesa at naupo sa harap ng Ina.

“Ano, Ma?” atat nitong tanong.

“Sabi ko nga kanina isa akong mangkukulam.”

“So, ibig sabihin nito ay mangkukulam din ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Liah.

Huminga nang malalim ang reyna at tumingin ito sa bintana na malapit sa kanila. Tumayo ito at tinungo ang salamin na bintana, sinipat-sipat nito kung may tao ba sa labas, sabay hawak sa kurtina at hinawi ito pasara. Muli siyang bumalik at naupo, binaling ang tingin sa anak at nagsalita.

“Nasa dugo natin ang pagiging mangkukulam, anak.”

“So paano nga ito nangyari, Ma? Saan galing ang pagiging mangkukulam natin?”

Mahinahon ngunit bakas sa mukha ni Liah na nais nitong malaman ang katotohanan. Nakatitig ito sa kanyang Ina at naghihintay ng sagot mula sa reyna.

“Mahabang kwento anak, ang importante ay nalaman mo na at nais ko sanang sabihin sa ’yo na may kailangan tayong gawin” saad pa ng kanyang Ina.

“Ano ‘yon, Ma?” taka niyang tanong.

Muli ay huminga nang malalim ang reyna sabay abot sa dalawa niyang kamay  at pinisil ito nang mahigpit.

“Kailangan kong maipasa sa ‘yo nang pormal ang pagiging mangkukulam sa lalong madaling panahon.”

Mahinahong saad ng Ina niya. Nalilito man ang dalaga pero kailangan niyang buksan ang isip at intindihin ang mga sinasabi ng Ina.

“Ibig bang sabihin, Ma―” putol nitong saad.

“Ano anak?”

“Masasama tayong nilalang?” alinlangan nitong tanong.

Napangiti naman ang reyna sa tanong ng anak. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dinaluhan ang dalaga. Hinimas nito ang buhok ng dalaga, sabay yakap.

“Hindi anak, mabubuti tayong tao.”

Napakunot naman ang noo ng dalaga sa sagot ng ina, nalilito ito bakit mabubuting tao ang sagot niya.

“Akala ko ba? Mangkukulam kami?” tanong niya sa isip.

Napansin naman ito ng reyna kaya muli itong humarap sa anak.

“Tao tayo anak,” saad ng Ina niya, habang hawak-hawak nito ang dalawang pisingi ng dalaga.

“Nasa dugo lang natin ang pagiging mangkukulam.”

“Hindi ko maintindihan, Ma?”

“Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon, sa ngayon nais kong malaman kung tatanggapin mo ba ang tradisyonal na pagpasa?” nakangiting tanong niya sa anak.

“Pa’no kung hindi ko tatanggapin?”

Tumawa nang mahina ang reyna at nagsalita. “Magiging estatwang asin ako at matutunaw na lamang sa init ng araw,” seryosong tugon ng Ina nito.

Hindi makapagsalita ang prinsesa at parang hindi pa nito tanggap ang katotohanan na isa siyang mangkukulam. Napansin ito ng kanyang Ina kaya minabuti n’yang wag na munang pilitin ang anak.

“Sige, hindi muna kita pipilitin pag-isipan mong mabuti, anak. Pero pinapaalalahanan kita na totoo ang sinabi ko.”

Napahinga nang malamin ang dalaga at tumango ito sa Ina. Nagpaalam na rin siyang magpapahinga na. Bitbit ang librong hawak niya ay nagtungo na ito sa pinto at lumabas na.

Amaliah's POV

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa awit ng mga ibon na nasa balkonahe ko. Nakita ko sila na parang may tinutuka, habang hinahawi ng hangin ang mataas na kurtina. Parang sumasayaw ito habang nag-aawitan ang mga ibon. Bumangon ako at tinungo ang balkonahe.

Agad na sumalubong sa akin ang masarap na simoy ng hangin. Pumikit ako at huminga nang malalim, dinama ang lamig nito. Naamoy ko rin ang mga bulaklak ng puno na nasa gitna ng gubat ng Verona. Makikita mo ito dahil siya lang naman ang may bukod tanging mataas at may mapupulang dahon sa lahat. Nagmulat ako ng mga mata at nasilayan ko ang ganda nito.

Mas lalo itong nagliliwanag dahil nasisikatan ito ng araw. Napangiti ako sa ganda ng umaga, napansin ko rin na isa-isa nang lumilipad ang mga ibon mula sa likuran ko, kaya minabuti ko nang pumasok.

Nahagip ko naman ang librong kinuha ko sa aming aklatan. Dinampot ko ito at binuksan at nagsimulang magbasa.

I saw rays of the sun, peeking on the mountain's peak. Trees are shaking slowly, as leaves falls on the shores of the river. I'm walking along with these woes. Filling the voidness beyond fullness. Still, I am nothing.

Napakamot ako ng ulo dahil ang lalim ng mga linya ng tula, bagama’t naintindihan ko ang bawat salita pero ang kahulugan nito ay hindi ko mawari. Bumalik ako sa unang pahina nito, nais kong makita kung sino ang may akda ng tula. Pero nang sinipat ko ito ay walang nakalagay na pangalan.

Binalik ko na lamang ito kung saan ko ito kinuha kanina at napagpasiyahan kong maligo at bumababa na. Marami pa akong tanong sa aking ina. Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyon na nalaman ko tungkol sa aming pamilya.

“Pa’no nila natago sa akin nang gano’n katagal?” sambit ko sa sarili.

Witch in the Palace

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(164)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
164 Peringkat · 164 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
The Samaritan
This is one of the exact stories that everyone will count on. From the outline, storyline, character development. Every chapter thrilled me to push to the next page. Super ganda!
2024-08-16 06:38:05
0
user avatar
Israel Grace
Seems like I'm watching a movie. Great storyline and you imagine every scene and very detailed. One of the best novels. Nice and I'm excited about the next chapter. The Author has great potential to write scripts. He is a movie maker. kudos!
2024-07-05 15:17:39
1
user avatar
Benjo Dela Cerna
great novel. it has a higher potential to be a movie. I guess it can earn millions of dollars. Exciting Plot and a Trilling storyline! hmmm. i believe in the author's writing skills!
2024-01-24 17:58:59
1
user avatar
Paolo Cerna
This is one of the best novel na nabasa ko. Parang nanunood lang ako ng movie. its like parang nasa old modern magical world ako. The Characters are well built, and the pacing was good.
2023-05-09 17:47:56
2
user avatar
Julia Tadeo
A B C D E F G H I love you author
2021-12-21 18:54:18
3
user avatar
ClumsyAifa
ganda ng story na ito!
2021-12-21 18:53:36
2
user avatar
Julia Tadeo
may ud po ba sa pasko
2021-12-21 18:53:30
2
user avatar
Julia Tadeo
'Di bale nang di kumain, makabasa lang
2021-12-21 18:53:06
1
user avatar
Julia Tadeo
Best story
2021-12-21 18:52:40
1
user avatar
ClumsyAifa
ang batang makulit pinapalo sa puwit basahin mo ang cursed blood upang buhay mo ay maging matuwid. *bow*
2021-12-21 18:52:34
1
user avatar
Julia Tadeo
FAN MO PO AKOOOO
2021-12-21 18:52:11
1
user avatar
Aesthetica_Rys
pag di niyo binasa, di masarap ulam niyo sa pasko
2021-12-21 18:51:58
1
user avatar
Julia Tadeo
Sinusumpa ko ang magre-rate ng 1
2021-12-21 18:51:32
1
user avatar
Aesthetica_Rys
read naaaaa
2021-12-21 18:51:25
1
user avatar
Julia Tadeo
Wanna cry coz of this
2021-12-21 18:51:05
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 11
67 Bab
Chapter 1: Truth
"As the sun meets the moon, horizon won't be alone. Waves are raging to the shore, seabirds fly as broken shells, sways along. My love, hold my lips with yours and find my tears in the sea. You filled my void with the canvass of night. I heard your joyful woes, as I paint your core, with the light of darkness. My love, I yearned more and more to touch and to love you, in the coldness of the sun. ***  As the rising sun sets on the moon, my heart won't be alone. I see yearning in your eyes, and passion in your lips. My love, be mine as the noon goes by. As waves rages high, my feet floats on ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-15
Baca selengkapnya
Chapter 2: The Visitors
Nang matapos ko ang paglilinis ng katawan ay agad na akong bumaba at tinahak ang lanai kung saan kami nag-aalmusal palagi, maliwalas kasi do’n at masarap ang simoy ng hangin na pumapasok. Ilan sandali pa ay nakarating din ako sa hapag at nakita ko si Mama, nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Nakahanda na rin ang almusal namin.   "Good morning, Ma!" masayang bati ko. Tumigin ito sa akin at ngumiti.   "Umupo ka na at kumain."   "Ma?" tawag pansin ko sa kanya.   "Hmm?" tugon niya.   “Saan galing ang pagiging mangkukulam natin, Ma?” umpisang tanong ko.   "Innate by a curse, your Grandmother is the Queen of Verona, which is also the witches kingdom. And she also needs to marry a human but royal to remain the bloodline of royalties… at mapalaya tayo sa sumpa ng kahapon.”   “Sumpa ng kahapon?” takang tanong ko. &nb
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-15
Baca selengkapnya
Chapter 3: Secret School
Bumalik ako sa kama nang masumpungan ko ang librong binabasa ko, parang nag-iilaw ito. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko baka kasi na malikmata lang ako. Nang muli ko itong tinignan ay naging normal na, kinuha ko ito at dinala sa kama. Muli ko itong binuksan at pinagpatuloy ang pagbabasa.   As the sun sets on the throne, mountains shine upon the skies. But rays are captivating every land of joy. I'm hiding beneath the shadow of the moon. Still, I am nothing but vain. ***   Hindi ko man masyadong gets ang tulang ‘to pero gusto ko ang pamamaraan niya ng pagsusulat, ‘yong accent niya ang lumanay at halatang mahilig sa kalikasan ang may akda. Ilan oras ang nagdaan ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na malapit nang gumabi. Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa kababasa. Minabuti kong buksan ang pinto ng aking balkonahe, agad namang pumasok ang malamig na hangin.   “Hmm ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-15
Baca selengkapnya
Chapter 4: Ability to Control
Naging maalingsangan ang hangin, nagpatuloy ako sa pagpasok sa aming silid. Sinalubong naman ako ni Elle, na may hawak na review paper. Niyaya niya ‘kong mag-aral muna dahil wala pa naman ‘yong Prof namin.   Subalit hindi pa rin maalis sa isip ko ang anino na sumusunod sa akin. Simula nang malaman ko na, tagapagmana ako ng isang sumpa ay naging komplikado ang araw-araw na pamumuhay ko.   “Oy! Liah anong iniisip mo?” puna ni Elle sa akin.   “Wala, Elle.”   Sagot ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko sa kanya ang lihim ko. Mula pagkabata ay magkasama na kami ni Elle. At walang lihim ang makakaligtas sa mapanuri kong kaibigan. Maalon, mahaba ang buhok nito, minsan kailangan ko pang hawiin ‘yon para makita ang mukha niya.   Maliban sa maganda ito, ubod din ng talino. Hindi ko rin maikakailang maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. But her heart and soul belongs to my b
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-21
Baca selengkapnya
Chapter 5: Gifts
Lakat-takbo ang ginawa ko para tahakin ang pintuan palabas ng kusina. Ngunit nang nasa bukana na ‘ko ay nabangga na naman ako kahit wala akong makitang harang. Nang tangkang hahawakan ko na ang espasiyong nasa gitna ng pintuan ay siyang pagsulpot ni Miss Tara sa harap ko.   “Wag mo nang subukang lumabas, Mahal na Prinsesa,” sambit nito habang humihingal.   “A-anong nangyayari, Miss Tara?” tanong ko, pero hindi ito smagot. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at parang may hinahawakan sa espasyo na nasa gitna ng pintuan, napaatras ako nang may makita akong gumalaw. Nagsalita siya sa ibang lenggwahe.   Parang tubig sa lawa na hinuhulugan ng maliit na bato. Gano’n ang paggalaw nito, kasabay sa paggalaw ay ang paglabas ng kulay bahaghari. Hindi ito tumigil sa paggalaw hanggang sa kinuha ni Miss Tara ang kamay niya sa harang. Oo tama, may harang ang buong bahay.   “A-ano ba talaga ang nangyayari, Miss
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-22
Baca selengkapnya
Chapter 6: Throne
Flowers blooms and fades, feelings are fogs lingering for a while. Leave you like a sunset on the horizon. Holding on to the rays, yet filling you the hopes that never come. But I saw this light in the darkness. I see you.   Hindi ko mabitawan ang libro na 'to. Parang nasasaktan ako para sa author na sumulat nito, parang naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa relos na nakasabit sa pader.   “Damn! Oras na pala!” bulalas ko.   Tumingin muna ko sa salamin at binubusisi ko kung may mali pa sa mukha ko.   “Okay, maayos na lahat.”   Nakangiti kong sabi. Iniwan ako ni mama sa loob dahil gusto niya raw na makita ako pagbukas na pagbukas ng pintuan.   "Mama talaga."   Lumabas na ako at bababa na patungo sa bulwagan. My heart yearns for calmness, pero mabilis itong tumitibok. Huminga ako nan
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-23
Baca selengkapnya
Chapter 7: Lusiana's Attack
Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong.     Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na.     “L-liah, ano ang bagay na―‘yan?” utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas.     “H-hindi ko rin alam, Elle.”     Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.    
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-25
Baca selengkapnya
Chapter 8: Hiding the Wand
"Lets go, Elle, kailangan na natin makaalis."   Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa dulo ng harang. Humakbang kami palabas sa malaking transparent bowl. Parang bubbled ito, na limilikop sa buong hardin. Pagkalabas ay nakita namin na normal ang lahat. Ni hindi nila napansin na nagkakagulo na sa loob ng garden. Kahit na ang mga bantay na malapit sa hardin.   Muli akong lumingon sa hardin, namangha ako kasi ang tahimik at mapayapa ito. Hindi talaga nakikita ang magulo at delikadong sitwasyon sa loob. Ilan sandaling paglalakad ay narating namin ang likod ng bulwagan.   Do’n kami dumaan, tinahak namin ang mabatong daan. Pagpasok namin ay  dumeretso na kami sa taas.   “Liah! Naka-lock 'yong pintuan,” sigaw ni Elle.   Door open! Just a thought of it ay agad na bumukas ang pintuan, parang nagug
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-29
Baca selengkapnya
Chapter 9: Paradise
  Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko.   “Aish! Babaeng ‘to,” saad ko.   Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala.   “Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna.   Excited na akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay.   “Augh! Aray!” bigla kong d***g.   Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko n
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-08-02
Baca selengkapnya
Chapter 10: Mission
“What are you doing, Your Highness?” tanong ni Leo, sa seryosong boses nito, pero kita sa mukha nito na pinipigilan ang tawa. Si Miss Tara, naman ay playing safe.     “A-ah, eh, can you explain it to me?” tanong ko.     “It’s a magical palace, princess,” saad ni Miss Tara.     “Ah, okay, I j-just can’t believe it. W-well anything is possible in this world,” ani ko sa nahihiyang tinig. Ngumiti silang dalawa at nasilayan ko ang magagandang ngiti ni Leo.     “Well, I’ll show you the hall of Royalties,” ani ni Miss Tara. Si Leo naman ay bumalik sa kanyang seryosong mukha. Mas lalo itong naging attractive sa akin.     “Chill ka lang, Liah,” ani ng isip ko. Nagpatuloy kami sa paggala sa bulwagan hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay agad ko na ginala ang paningin ko.
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-08-05
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status