Flowers blooms and fades, feelings are fogs lingering for a while. Leave you like a sunset on the horizon. Holding on to the rays, yet filling you the hopes that never come. But I saw this light in the darkness. I see you.
Hindi ko mabitawan ang libro na 'to. Parang nasasaktan ako para sa author na sumulat nito, parang naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa relos na nakasabit sa pader.
“Damn! Oras na pala!” bulalas ko.
Tumingin muna ko sa salamin at binubusisi ko kung may mali pa sa mukha ko.
“Okay, maayos na lahat.”
Nakangiti kong sabi. Iniwan ako ni mama sa loob dahil gusto niya raw na makita ako pagbukas na pagbukas ng pintuan.
"Mama talaga."
Lumabas na ako at bababa na patungo sa bulwagan. My heart yearns for calmness, pero mabilis itong tumitibok. Huminga ako nang malalim, palinga-linga lang sa paligid. At ilan sandali pa ay nasa likod na ‘ko ng pintuan.
Maraming dumalo sa party, mga royals and witches too, perhaps. Nasa likod na 'ko ng pinto nang narinig ko na ang boses ng butler.
"Representing!"
Anunsyo ng Head Butler―paano niya nalaman na nandito na 'ko sa likod? Baka warlock ang butler namin? 'Di na ako magtataka.
“Amaliah Green Ford! Princess of Ashville!”
Napahawak ako sa aking dibdib nang marinig ko ang aking pangalan. Unti-unting bumubukas ang antigong pinto, mataas ito at malapad.
Napalunok ako nang sumilip ang liwanag na nagmumula sa labas. Pagkabukas na pagkabukas ay tumambad sa akin ang makukulay na liwanag at umalingawngaw ang palakpakan ng mga tao.
Hahakbang ko na sana ang aking mga paa nang makita ko si Miss Tara na papalapit sa ‘kin. Yumuko siya at nagsalita ng pormal ngunit puno ng respeto.
“Maligayang kaarawan, Mahal na Prinsesa.”
Pumunta siya sa likod ko. Nasa bukana na ‘ko ng pintuan nang nakalapit ito sa akin.
“Humakbang ka, Mahal na Prinsesa.”
Sambit niya. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Lilingon na sana ako nang bumulong siya na umupo ako. Laking pagtataka ko nang makita ko ang malaking upunan na punong-puno ng mga bulaklak at ginto sa paligid nito. Wala akong nagawa at naupo na ako. Ilan sandali pa ay narinig kong nagsalita si Miss Tara.
“By the power vested upon me, I now declare, Amaliah Green Ford, as the First Princess of Verona!”
Kasabay na pagkasabi no’n ay ang paglapag ng korona sa ulo ko. At nakita ko si mama na naglalakad papunta sa akin. Hawak niya ang box na naglalaman ng wand. Ang puso ng Verona na pinakita niya kanina. Katulad ni Miss Tara ay yumuko si mama na kinagulat ko.
“Maligayang kaarawan, mahal kong anak.”
Saad nito, habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ngumiti ito at sabay na inabot ang kahon ng wand. Inangat ko naman ang aking mga kamay para tanggapin ang pamana ni mama. Kasabay ng pagdapo ng kahon sa mga palad ko ay siyang paglaho ng kahon at tumambad sa akin ang kumikinang na kahoy.
“Salamat, anak.”
Saad ni mama. Niyakap niya ako at tumalikod para bumaba, naiwan naman ako sa taas ng hagdan at nang tumingin ako sa mga kamay ko ay wala na ang puso ng Verona.
“Saan na ‘yon napunta?” takang tanong ko. Parang hinigop ito ng sistema ko.
Nagtataka ako kasi parang segundo lang ang pagitan ng nangyari. Kay bilis pero halos sampung minuto ang pagpasa ng trono sa akin. Dahil katatapos lang humupa ang palakpakan. Na parang huminto ang oras at sa isang kisapmata ay ganap na akong mangkukulam.
Dahan-dahan akong humakbang pababa nang makarinig ako ng bulung-bulungan. Nakapagtataka dahil ang layo ng distansiya pero rinig na rinig ko ang usapan nila. Hindi ko makita ang bakas ng pagtataka dahil parang hindi nila nakita ang pagpasa sa akin ng trono bilang Reyna ng Mangkukulam at Unang Prinsesa ng Verona.
"She looks like her mother, ganda," narinig kong sabi ng babaeng nakadilaw ang dress. At parang namamangha ito sa nakikita ng mata niya.
"Simple yet so beautiful."
Sabi naman ng nakaasul na babaeng medyo may edad na, pero halata ang ganda nito. Witch din kaya ito? Mahina kong tanong at rinig na rinig ko ang usapan ng mga babaeng nasa likod ko lang.
Naka-suot ako ng simi-ball gown, mint green at suot ko ang kwintas na bigay ni papa. Simple yet dashing. Naka-bun din ang buhok ko at syempre may korona ako made by witch. Kulay green din tapos maraming bato na kumikinang. Hindi ko alam kung visible ito sa mga bisita.
Naglalakad ako habang nakangiti, pumalakpak naman sila. Nagsimula na akong makipag-usap, matapos akong nagsalita sa gitna ng bulwagan, bilang opening speech ko.
"Hi Liah," tawag pansin ni Prince Rico. Prinsipe ng Deninsia, na hindi sakop ng Verona.
"Hello Prince Rico, have a nice time here enjoy!"
Sabi ko sa kanya para maputol na agad ang usapan. Hinahanap ko na kasi si Elle. Aalis na sana ako pero bigla niya akong pinigilan.
"Wait!" habol niya.
"Yes?" bumaling ako sa kanya habang ngumingiti nang pilit.
"Can you be my princess forever… beautiful lady of Ashville?"
Seryosong tanong niya sa 'kin. Nagulat naman ako kasi ang bilis naman yata nito. Ngumiti ako nang pilit at tinugon ang kanyang tanong.
“Feeling gwapo nito, ah!?” sambit ko sa isip.
“Paumanhin, Mahal na Prinsipe, pero ako’y nakatakda ng magpakasal sa iba,”palusot ko.
“Gano’n ba?” malungkot na tugon nito.
“Mag-enjoy ka sa party ko,” nakangiti kong saad sabay talikod.
Nakipagkamay ako sa ibang bisita at nagpalinga-linga ako. Baka sakaling mahagip ng paningin ko si Elle. Pero wala― walang Elle na sasagip sa akin sa sitwasyon na ito. Nahihilo na ako at pilit na ngumingiti sa mga bisita. Nang biglang napadako ang tingin ko sa boses na tumawag sa akin.
"Hi Liah," bati ng plastic kong mga classmates. Anak ng mga Duke at mga Heneral. Iba sa kanila ay anak ng matataas ang posisyon sa lipunan.
"Hi there!"
Ganting bati ko. Pinipilit kong ngumiti nang normal at chill lang. Para hindi mahalata na― ayoko silang kausapin.
"Nag-eenjoy ba kayo?" tanong ko sa balingkinitang babae.
"Yeah. Sobrang simple ng debut party mo, pero okay na rin," maarting sabi nito.
"Gusto ko kasi simple lang."
"Yeah sure― it's good."
"Sige alis muna ako, mag-enjoy lang kayo ha?"
Paalam ko sa kanila, habang pilit ang ngiti ko. Na alibadbaran ako sa presyensiya nila.
“Not my league,” sambit ng nisip ko.
"Sure!" sabay nilang tugon.
H*****k sila at yumakap pa sa 'kin. Hindi ako komportableng makipaplastikan sa mga ito. Ang hirap magpanggap.
Umikot ako at bumati sa ibang bisita ang saya ng mga mukha nila. Maliban sa iba, hindi ko naman kilala. Sa kabilang banda, nakita ko sina mama at papa, nag-uusap.
"Mama! Papa!" mahinang sigaw ko.
Salamat at nakita ko sila ang hirap mag-entertain ng mga guests, kapagod magsalita.
"Are you enjoying your party, my princess?" Tanong ni papa.
"Opo, Pa."
Habang pilit ang ngiti ko dahil sa kakasalita siguro.
"Mabuti naman kung gano’n," sabi ni mama.
"Liah!" Sigaw ni Elle. For sure kanina pa ito naghahanap sa 'kin.
"Goodness! Elle, you're my savior."
"Hi! You’re highnesses!" bati niya sa mga magulang ko sabay yukod.
"Hi ija" sabay na sabi nina mama at papa.
"Alis na po kami, Ma, Pa."
Dali-dali kong paalam para makatakas na kami sa mga bisita.
"Sige, mag-enjoy kayo," sabi ni mama.
Agad naman kaming umalis. She's Elle, my one and only bestfriend. Pero hindi s’ya isang royal. Ang school ni lolo ay may scholarship para sa mga simpleng tao. At ang kaharian ng Verona ay may mga sangang kaharian;
Avalon, ang kaharian ni Lolo kung saan naninirahan si Lola, ngayon. Ashville, ang pinamumunuan ni papa, kung saan kami nakatira. Aramiah, kasalukuyang pinamumunuan ng pinsan ng nawawalang reyna. Adolfiah, isang kaharian na medyo malayo sa Verona ito ang lugar ni Miss Tara.
May isang kaharian na hindi ko pa napupuntahan, pinagbabawal daw. Nasa loob lang ito ng kagubatan. Hindi naman nabanggit ni mama kung bakit bawal. Kaya hindi ko na pinilit na alamin.
“Hoi! Liah, tulala ka na naman.”
“Wala ‘to, Elle.”
Saad ko, sabay hila sa kanya papunta sa hardin. Kabilang sa simpleng tao si Elle, pero ang utak niya ay parang, high tech built-in-app sa computer. G****e brain tawag ko do'n. Nakatira sila noon sa Corintho, labas na ng kaharian. Pero lumaki ito sa Verona.
"Kanina pa kita hinihintay at hinahanap dito sa baba, wala akong kausap, ‘no!"
Reklamo ni Elle sa 'kin. Ito lang kaya ang nag-iisang tao na hindi ako tinuturing na prinsesa at gusto ko 'yon."Sorry ang dami kong dinaanan," paliwanag ko naman. Matampuhin kasi 'to.
"Yeah I know."
Minsan, naiingit ako kay Elle, simpleng buhay at wala masyadong responsibilidad. May kalayaan pumunta kahit saan.
"Liah?" nagsimula na naman itong magsalita.
"Hmm, bakit?"tugon ko, habang nakangiti sa kanya.
"Lahat ba ng royals ay invited?" interesadong tanong niya.
"Hindi lahat… mga allied kingdoms lang. Gusto ko kasi kunti lang ang makakakita sa mukha ko," sagot ko sabay tawa nang mahina.
"Sabagay, you're such a private."
Hawak ko pa rin ang kamay niya papunta sa hardin.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“Sa hardin.”
"Sige! Masaya at tahimik do'n walang ingay. Hindi ako sanay dito, kung ‘di lang dahil sa 'yo e, hindi ako pupunta."
"Hay na ‘ko, Elle."
Ilang lakad pa ay nasa bungad na kami ng hardin. Puno ito ng ilaw at mga bulaklak. Pero agaw pansin ang nag-iisang malaking carnation na kulay ginto, nasa gitna ito.
"Grabe, Liah ang ganda ng full moon!" bulalas niya.
"Oo nga!" sang-ayon ko sa kanya. Tahimik, mahangin at malamig ang simoy ng hangin, nakakagaan ito sa pakiramdam.
"Ang babango pa ng mga bulaklak."
Inaamoy-amoy niya ang mga Juliet Rose. Nakakatawa talaga ang babaeng 'to. Bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko, parang may ibang tao sa paligid.
Hindi invited.
***
-Witch in the Palace
Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong. Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na. “L-liah, anoang bagayna―‘yan?”utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas. “H-hindi ko rin alam, Elle.” Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.
"Letsgo,Elle, kailangan nanatin makaalis." Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa dulo ng harang. Humakbang kami palabas sa malaking transparent bowl.Parang bubbled ito, na limilikopsabuonghardin. Pagkalabas ay nakita namin na normal anglahat. Ni hindi nila napansin na nagkakagulo na sa loob ng garden.Kahit na ang mga bantay na malapit sa hardin. Muli akong lumingon sa hardin, namangha ako kasi ang tahimik at mapayapa ito. Hindi talaga nakikita ang magulo at delikadong sitwasyonsa loob. Ilan sandaling paglalakad ay narating namin ang likod ng bulwagan. Do’n kami dumaan, tinahak namin ang mabatong daan. Pagpasok namin ay dumeretso na kami sa taas. “Liah! Naka-lock 'yong pintuan,”sigaw ni Elle. Door open! Just a thought of it ayagad na bumukas ang pintuan,parang nagug
Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko. “Aish! Babaeng ‘to,” saad ko. Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala. “Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna. Excitedna akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay. “Augh! Aray!” bigla kong d***g. Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko n
“What are you doing, Your Highness?” tanong ni Leo, sa seryosong boses nito, pero kita sa mukha nito na pinipigilan ang tawa. Si Miss Tara, naman ay playing safe. “A-ah, eh, can you explain it to me?” tanong ko. “It’s a magical palace, princess,” saad ni Miss Tara. “Ah, okay, I j-just can’t believe it. W-well anything is possible in this world,” ani ko sa nahihiyang tinig. Ngumiti silang dalawa at nasilayan ko ang magagandang ngiti ni Leo. “Well, I’ll show you the hall of Royalties,” ani ni Miss Tara. Si Leo naman ay bumalik sa kanyang seryosong mukha. Mas lalo itong naging attractive sa akin. “Chill ka lang, Liah,” ani ngisip ko. Nagpatuloy kami sa paggala sa bulwagan hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay agad ko na ginala ang paningin ko.
Ang Corinth, isang bansa na malapit sa kaharian ng Verona. At kasalukuyaan nandito si Lucas para sa kanyang misyon bilang prinsipe ng Asville. Sa kanya nakatoka ang pag-aasikaso ng lupa ng mga mamayanan ng Corinth na nakatira sa Asville. Kabilang na do’n ang lupa nila ni Elle. "Hey!Bro?Uuwi ka raw sa annual event ni'yo?"saad ni Baron, kaibigan ni Lucas. "Yeah, it's a tradition.I need to go home and I miss my sister, Liah and my parents too," saad niya. "Who else?" ngumisi ito,teasinghis friend. "Hmm?Who else?No one―bro, why?" kunot noong tugon ni Luke. “I doubt it.Sa dinarami-ramingmgababaengna-inlove sa'yo dito sa Corinth, ni isa sa kanila hindi mo pinapansin. Ni tingin nga hindi mo matignan. Akala ko tuloy bakla ka," saad ni Baron, sabay tawa. "You jerk! Wa
Malungkot, pero magaan ang loob kong lisanin muna ang kinalakihan kong lugar. Sa bawat hakbang ay dala ko ang lakas ng loob para harapin ang misyon na ito, nang mag-isa. Muli akong tumingin sa likod kumaway si mama at Elle, nang makita nilang lumingon ako. Kinaway ko ang kanang kamay ko na parang natutuwa sabay ngisi. So, this isit!Finally, I’mliving alone. Hope, life would be wonderful there and I’ll take the risk, if trials come my way. Tumalikod na ‘ko at tuluyan nang pumasok sa loob. "Here I come!Kingdom of Tyre!"I exclaimed,sa mahina kong boses. Baka pagkamalan akong baliw. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin, nang nakapasok na ako sa loob ng eroplano. “Good morning, ma’am.” Bati ng isang flight attendant. Ngumiti ako pabalik at pumasok na ako nang tuluyan. Nasa second row ‘yong upuan ko. Isang first class seat ang kinuha
Kumakati na ‘yong puwet ko, kaya hindi ko na mapigilan gumalaw. Takte! Naramdaman niya siguro; kaya sumilip ito na parang tanga, “What? Walangtao? Nagpapanggap akong tulog makita lang ang mukha ng babaeng ‘yon,” himutok nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang kyut niya talaga parang bata. “Lalapag na ang eroplano pero hindi pa rin bumabalik ang babaeng 'yon. Saan naman ‘yon pumunta?” saad nito. Hindi ko alam pero bakit parang naiinis ito; parang naisahan siya. "Tch. Tumae siguro,"saad niya.I laughed silently. “Kainis!Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon, damn!Hindi ako interesadong makita ang mukha niya, aish! Pero imposebling hindi ko siya makita. This floor is first-classseat. Kaunti lang ang tao rito, baka bumaba ngsecondfloor?Kainis ginayuma yata ako, no’n ah?” Gusto kong matawa nang malakas. Parang bata kasi
Kinaumagahan ay isang katok ang gumising sa mahimbing kong tulog. Napaunat ako ng katawan; tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Isang babaeng nakangiti, mataba at maliit ito. Kumurap-kurap ako para makita ko nang malinaw ang mukha niya. Hindi naman ito katandaan pero mas matanda ito sa akin ng ilan taon. “Magandang umaga, Miss,” bati nito. Sabay abot ng isang malaking supot, bumati ako pabalik at pinapasok ko na siya sa loob. “Salamat. Ano ito?” takang tanong ko sa supot na inabot niya. “Gulay at isda, Miss, pa-welcome namin para sa mga bago dito sa lugar namin at apartment ko.” “Nako! Nag-abala pa kayo! Pero salamat dito.” “Teka, ako nga pala si Elsa, ako ang may-ari ng apartment na ito.” Ngumiti ako at nagpakilala rin, “Ako nga pala si Liah,” ani ko. Tumayo ito at nagsali
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu