The Fall of the Queen

The Fall of the Queen

last updateHuling Na-update : 2021-11-14
By:   Saigestsolaaaar  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
103Mga Kabanata
17.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Fajra Hannele faces her destiny of being the Queen of Vampires at a young age. Masyado pang mabigat at mahirap para sa kanya ang lahat, ngunit isang mabigat na responsibilidad na agad ang kanyang pinasan. Sa kabila ng kalungkutan at pagluluksa, hindi maikakaila na naging isa siyang mabuting reyna. A Queen who built their world again and made it stronger, and a Queen whom everyone adores, pero sa kabila ng lahat ng iyon ay ang hindi mapawing lungkot ay naroon pa rin. Katulad ng ibang panunungkulan, hindi nawawala ang mga problema at mga kalaban. Ang konsehong inakala niyang makakatulong sa pamumuno at pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang mundo ay ipinakita ang kanilang tunay na kulay. Hindi lang basta kanyang posisyon ang nais ng mga ito, kung hindi na rin ang pagtapos sa kanyang buhay. The table had turned, and she had experienced her downfall. The mighty and brave Queen has fallen, but she didn't let herself drown in that loss. In the process of recovering, more secrets about the past and about her life are revealed. Naipit siya sa isang sitwasyon kung kailan kahit na nais niyang mabilis na makabalik sa kanilang mundo ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang maghintay at sumunod. She also finally met her match in that time of chaos, but when she had fallen deeply for him, the truth about their ill-fated relationship was unveiled. Will she be able to go back to her world and claim her throne before everything ends? And will she be able to alter her destiny knowing that the man she started to love and cherish is destined to kill her?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Unang kabanata

Napatitig ako sa salamin at nakita ko ang isang babaeng may maputlang balat, mapupulang labi, itim na itim na bilugang mga mata at may buhok na pumapagitan sa pagiging kulay puti at ginto— hanggang sa unti-unting nagbago ang kaniyang itsura. Humaba ang kaniyang mga pangil pati ang kuko, ang kaniyang mata ay nagkulay dugo na rin at ilang saglit pa ay nagbago nanaman ulit ito. Ang kaniyang pulang mga mata ay nagkulay pilak na halos kuminang dahil nasisinagan ito ng buwan. Ang buhok niyang kulay ginto at puti ay naging itim na itim at mas humaba pa. Nawala ang kaniyang pangil ngunit nanatili ang matatalim na kuko hanggang sa nagpakita ang mga itim na marka sa kaniyang katawan, para ba itong bumubuo ng isang kakaibang sining sa balat niya na nagsisimbolo ng kakaibang dugong dumadaloy sa kaniya. Nainis ako sa nakikitang repleksyon ng sarili ko kaya tinitigan ko nang mariin ang salamin hanggang sa nabasag iyon. Rinig na rinig sa kwarto ko ang ...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
ąყɾ3ղɠ
Such a unique and empowering story it really resets the mindset na kapag pinuno dapat lalaki para cool. Dito sa story na to ramdam mo talaga na hindi basta basta yung bida and she can really stand and fight alone withouth any man on her side. Grabe i really love it
2021-07-24 21:36:44
2
user avatar
ąყɾ3ղɠ
Sobrang unique ng story and gusto ko talaga na naging Reyna yung bida at hindi basta basta, umay na kasi ako sa mga story na laging mahina yung babae. This is da right time for women empowerment na kaya din ng mga babae na maging pinuno without having a king or a man on her side. kudos to u author.
2021-07-24 21:33:58
1
user avatar
Jose Baltazar Tamay Hau
buena historia ,mi estimado autor, siga escribiendo buenos capítulos, saludos
2021-10-25 20:32:31
2
103 Kabanata
Unang kabanata
Napatitig ako sa salamin at nakita ko ang isang babaeng may maputlang balat, mapupulang labi, itim na itim na bilugang mga mata at may buhok na pumapagitan sa pagiging kulay puti at ginto— hanggang sa unti-unting nagbago ang kaniyang itsura. Humaba ang kaniyang mga pangil pati ang kuko, ang kaniyang mata ay nagkulay dugo na rin at ilang saglit pa ay nagbago nanaman ulit ito. Ang kaniyang pulang mga mata ay nagkulay pilak na halos kuminang dahil nasisinagan ito ng buwan. Ang buhok niyang kulay ginto at puti ay naging itim na itim at mas humaba pa. Nawala ang kaniyang pangil ngunit nanatili ang matatalim na kuko hanggang sa nagpakita ang mga itim na marka sa kaniyang katawan, para ba itong bumubuo ng isang kakaibang sining sa balat niya na nagsisimbolo ng kakaibang dugong dumadaloy sa kaniya.   Nainis ako sa nakikitang repleksyon ng sarili ko kaya tinitigan ko nang mariin ang salamin hanggang sa nabasag iyon.   Rinig na rinig sa kwarto ko ang
last updateHuling Na-update : 2021-05-27
Magbasa pa
Ikalawang kabanata
Pinanatili ko na lamang nakapikit ang mata ko habang patuloy si Danie sa pag-aayos ng buhok ko. Mas napabilis ang gawain niya dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya para pagalawin ang mga panglagay ng kolorete sa mukha. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagtigil niya kaya iminulat ko ang mga mata ko. Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Nagkaroon ng kulay ang maputla kong mukha at ang buhok ko ay maayos na nakalugay at kulot ang dulo. “Ang ganda mo talaga Fajra, kamukhang-kamukha mo ang iyong ina,” wika ni Danie pagtapos ipatong ang korona sa aking ulo. Napangiti nalang ako sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. Tinulungan niya rin akong ayusin ang damit ko tapos ay inayusan na rin niya ng mabilis ang kanyang sarili. Pinanood ko lamang siyang magpahid ng tinatawag na makeup sa mukha niya. Salamat sa tinatawag na makeup galing sa mundo ng mga mortal at mas napadali ang pag-aayos. Ayon kay Danie, noon daw ay kailangan pa nilang maghalo at maghan
last updateHuling Na-update : 2021-05-28
Magbasa pa
Ikatlong kabanata
“Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Mariing utos ko kay Arthur at humakbang paabante dahilan para mas lalong magkalapit ang distansya naming lima. Umayos ng tindig si Arthur at nginitian ako ng bahagya bago inilahad ang kamay sa harapan ng anak niyang nakatayo sa tabi niya. “Siya ang napili ng konseho na maging kabiyak mo at ang maging hari ng ating lahi at mundo,” pag-uulit niya at sinabayan ng ngiti. Mabilis akong humakbang paatras sa kaniya at hindi napigilan ang mapangisi. Ano ‘to? Bakit sila ang nagdedesisyon gayong ako ang reyna? Ako ang pinuno! “Mga lapastangan,” mariing sabi ko. Bago pa kumawala ang galit na nararamdaman ko ay mabilis ko silang tinalikuran at sa isang iglap ay nandito na ako sa may balkunahe sa ikalawang palapag ng kastilyo, malayo kung saan ginaganap ang pagdiriwang. Napasandal na lamang ako sa pader na nandito dahil sa nararamdamang iritasyon at galit. Hindi ako makapaniwala na nagdesisyon sila para sa ak
last updateHuling Na-update : 2021-05-28
Magbasa pa
Ikaapat na kabanata
“Palagi mong tatandaan na sarili mo lang ang kakampi mo. Mabigat ang responsibilidad na kakaharapin mo sa susunod kaya dapat ay maging matalino ka, naiintindihan mo ba?” Napatango na lamang ako kay ama na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa silid-aralan ko at pinapaalala niya ulit sa akin ang mga bagay na namemoralisa ko na dahil sa paulit-ulit niyang pagpapaalala sa akin. “Ikaw ang susunod na reyna ng mundo natin. Ikaw ang magmamana sa trono ko pagdating ng panahon. Dapat ay palagi kang maging matatag, at kailangan ay palagi kang handa sa pagharap ng mga pagsubok. Maraming darating na problema at maraming magtatangka sa buhay mo, ang kamatayan ay palagi lang naghihintay sa iyo pero kailangan mo iyong labanan. Hindi nananalaytay ang dugo namin ng iyong ina sa iyo ng walang dahilan,” dugtong niya. Tumigil si ama sa pagpaparit-parito at lumapit sa pwesto ko. Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ko. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa
last updateHuling Na-update : 2021-07-14
Magbasa pa
Ikalimang kabanata
Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling sinubukang maglakad ng diretso at maayos. Masyado pang nanghihina ang mga binti ko na para bang babagsak ako agad, ngunit pinilit kong subukan. Hindi ko maaaring hayaan na manatili lang ako sa aking kwarto ng buong araw. Hindi maaring mahiga ;amang ako at hintayin na kusang bumalik ang lakas ko. Ensayo. Kailangan kong mag-ensayo ng aking kakayahan sa pakikipaglaban upang mapabalik ang lakas ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang parte ng aking kwarto kung saan matatagpuan ang walk-in closet ko. Kailangan kong magpalit ng damit upang mas maging komportable. Kahit na hirap ay binigay ko ang buong lakas ko upang maisagawa ng maayos ang pagpapalit ng damit. Wala rito si Danie at Dan dahil hinayaan ko na muna silang makapagpahinga dahil buong magdamag silang nakabantay sa akin, at si Dyke naman ay bumalik at umuwi na sa kanilang mundo. Sobrang laki na ng naitulong nila sa akin kaya nararapat lang na
last updateHuling Na-update : 2021-07-15
Magbasa pa
Ikaanim na kabanata
“Mahal na reyna, katulad ng aming ipinangako, ito na ang nilalang na nagtangka sa buhay mo.” Napatigil ako mula sa pagbabasa ng mga batas na kailangan kong lagdaan at markahan nang pumasok bigla si Arthur dito sa bulwagang kinaroroonan ko at sinabi iyon niya iyon. Agad na napatingin ako sa direksyon niya at nakitang kasama niya si Adam at Delaila, kasunod ang dalawa pang kawal na may hawak ng isang nilalang—isang bampira na nakakulay itim na kasuotan. Namumula ang mga mata at masama ang tingin sa akin. Isang converted vampire. Ang isang converted vampire ay ang mga nilalang, bampira man o hindi, na namatay na ngunit muling binuhay ng isang bampira. Mabilis na matutukoy ang isang katulad niya mula sa normal na bampira dahil sila ay nananatiling namumula ang mga mata, labas ang mga pangil at mas hayok sa dugo ng kahit anong nilalang. Lubos na ipinagbabawal sa aming lahi ang gumawa ng kalapastanganang bumuhay ng patay… ngunit, ako ba’y magtata
last updateHuling Na-update : 2021-07-16
Magbasa pa
Ikapitong kabanata
Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na any
last updateHuling Na-update : 2021-07-17
Magbasa pa
Ikawalong kabanata
Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang pagli
last updateHuling Na-update : 2021-07-18
Magbasa pa
Ikasiyam na kabanata
Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un
last updateHuling Na-update : 2021-07-19
Magbasa pa
Ikasampung kabanata
Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang
last updateHuling Na-update : 2021-07-20
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status