Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim.
Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat.
Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang oras ay ang magdadala sa iyo ng kaligayahang panghabambuhay at walang makakapantay, ngunit… hindi nga pala ito mangyayari sa akin dahil ang buhay ko at tadhana ay nakatali sa responsibilidad ng pagiging pinuno ko ng aming lahi.
Kahit gaano ko gustuhin na sundin at hintayin ang tadhana ko, ay hindi pala maaari dahil isa akong reyna—isang pinuno na inaasahan ng madami. Ang bawat desisyong kailangan kong bitawan ay kailangang makabubuti sa marami, kahit maging kapalit no’n ay ang kaligayahan ko. Kailangan kong piliin ang landas na makakapagpabuti sa aming mundo kaysa tahakin ang landas na para sa aking sarili.
Katulad na lamang ngayon, ang pinaniniwalaan kong pagdating ng tamang nilalang na nakalaan sa akin sa tamang oras ay agaran ko ng hinahanap. Kailangan ko siyang makumbinsi na maging kabiyak ko agad upang ang mga gahaman sa kapangyarihan ay hindi magtagumpay sa kanilang plano at ginagawa ko ito hindi para sa pansariling kaligayahan ko, kung hindi ay para sa mundong umaasa sa akin.
Pinagmasdan ko ang masasayang mamamayan ng mundo ng werewolf. Katulad sa bayan namin ay payak at masagana rin ang pamumuhay rito. Disiplinado ang lahat, magagalang at may respeto, hindi katulad ng mga nakaharap ko kagabi. Hindi na nakakapagtaka kung bakit masiyado silang mapagmataas at tumaliwas kay Dyke. Gusto nilang kung ano ang nasa isip nila ay iyon ang masusunod kahit na hindi maganda ang layunin nila. Ang salita nila ang batas, hindi nila kayang makinig at sumunod sa mas nakakataas kahit na para sa kanila naman ang lahat ng ipinatupad na iyon ni Dyke.
Hindi sila magawang masugpo ni Dyke dahil magkakalahi pa rin sila, ngunit ang oras at pagkakataon na mismo ang gumawa ng paraan upang makahanap sila ng kanilang katapat, at ako iyon. Kahit kailan ay hindi ko gusto ang mga gano’ng klase ng nilalang kung kaya’t hindi ko sila pinalampas. Natapos ang pagmamataas nila at ang kanilang pinuno ay walang nagawa dahil ang tadhana at kaluluwa niya ay nasa kamay ko na. Sa oras na tumaliwas siya sa sumpa ay magbubukas ang pinto ng imyerno upang hilahin siya pababa. Minsan ay ipinagpapasalamat ko ang kapangyarihan na ito dahil nagagawa kong pagbayarin ang mga makasalanan sa paraang wala silang pagpipilian, ngunit nakakapanghinayang dahil hindi ko ito magamit sa mga nilalang na mas gusto kong paggamitan nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan kong bilisan ang paghahanap ko na ito dahil kanina ay muntik ng may makakilala sa akin. Isa siya sa mga kanang kamay ni Dyke. Mabuti na lamang at nakatakasan ko siya. Kinailangan ko ring magpalit ng cloak dahil sigurado akong natandaan niya ang suot ko kanina. Nakabungguan ko kasi siya at dahil sa matalas na pang-amoy niya ay muntik na niya akong makilala. Mabuti na lamang ay hindi niya nakita ang mukha ko kung kaya’t maaaring maisip niya na nagkamali lang siya.
Mabilis ang ginawa kong paglalakbay sa mundo ng mga werewolf. Tumitigil lamang ako upang kumain at magpahinga, tapos ay sinimulan ko na ulit ang paglalakbay.
Sa loob ng isang buong araw ay natapos kong libutin ang mundo ng mga werewolf kung kaya’t pagsapit ng dilim ay pumasok ako ulit sa sunod na kagubatan at doon nagpahinga. Isa na namang mundo ang aking nalibot at hindi ko nakita ang aking hinahanap.
Nang muling sumikat ang araw ay iyon ang aking naging palatandaan upang muling sumuong sa panibagong paglalakbay. Dalawang mundo na ang aking naikot. Dalawang mundo katumbas ng dalawang pagkabigo, ngunit hindi naman doon natatapos ang lahat. Hindi iyon ang dahilan upang tumigil ako. Hindi iyon ang magiging dahilan ng pagsuko ko dahil kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko at suungin ang ano man o saan mang mundo upang makamtan ang nais. Alam kong sa bandang huli ay may mapapala ako, may makukuha akong sagot at may mahahanap ako.
Ngunit lumipas ang ilan pang araw, natahak at nagalugad ko na ang mundo ng mga witch, siren, enchanters pati na rin ang mga tago at kakaibang mundo ng ibang nilalang sa pagbabakasakali na baka roon nakatira ang hinahanap ko… pero wala. Wala akong nahanap na sagot, hindi ko nahanap ang kinaroroonan ng mate ko.
Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa malaking bato sa harap ng ilog. Ito na ang dulo ng mga mundo at lubhang napakalayo na ito mula sa aking nasasakupan. Nanggaling ako sa norte at ngayon ay nasa timog na bahagi na ako ng imortal na mundo. Pang-limang araw ko ng naglilibot ngayon. Naubos na ang dugo na binaon ko sa pangatlong araw pa lamang kung kaya’t kinailangan ko pang manghuli ng mga hayop na makakapagpatid ng uhaw ko sa dugo.
Naririto na ako sa dulo. Sa dulo kung saan ang pag-asang pinanghahawak ko sa simula ay unti-unti ng nasisira at nawawala ngunit pinipilit pa ring hawakan.
Hindi ko alam kung anong klaseng sumpa ba ang mayroon sa dugong maharlikang nananalaytay sa akin kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi iyon mapatid ng kahit na sino. Sa bawat nabubuhay na mayroong isinumpang dugo katulad ko, kung hindi paghihirap ang dinadanas ay pagkamalas naman sa itinakdang kapareho. Maswerte dahil ipinanganak na natatangi sa lahat ngunit malas dahil isinumpa.
Napapikit ako nang mariin at napabuntong hininga. Nasuong ko na ang lahat ng mundo— o maaaring hindi.
Agad akong napamulat nang maalala ko na may dalawa pang mundo ang hindi ko napupuntahan. Ang mundo ng mga Demons at ang mundo ng mga mortal. Dalawang mundong pinakamapanganib sa lahat ngunit sigurado akong magiging susi sa paghahanap ko. Sobra akong nakakasigurado na isa sa mundong ito naroroon ang hinahanap ko.
Tumayo ako mula sa aking pwesto at pinakatitigan ang ilog sa harap ko. Kapag tinahak ang ilog na ito ay mararating mo ang pinto at hanggangan upang marating ang mundo ng mga Demons na kaaway ng lahi namin. Ang mundo kung saan nanggaling ang isa sa ninuno ko at ang mundo kung saan din ako kabilang.
Isinusumpa ko man ay hindi no’n maaalis na kabilang ako sa kanila. Isa akong hybrid. Dugo mula sa maharlikang bampira at dugo mula sa itinatangi ng mga Demon.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tinahak ang daan na iyon. Kung tatayahin ay inabot lamang ako ng ilang minuto upang marating ang dulo ng ilog. Ginamit ko ang bilis ko upang agaran itong marating.
Napatitig ako sa dalawang malaking patay na punong nasa harap ko ngayon. Ito ang nagsisilbing pintuan papunta sa mundo nila. Mga nilalang na isinumpa at makasalanan lamang ang nakakapasok dito pero dahil sa dugong nananalaytay sa akin ay sigurado akong makakapasok ako.
Ibinaba ko ang mga dala kong gamit at inalis ang pagkakasuot ng cloak ko. Bitbit ang espada ko ay hindi ako nagdalawang isip na humakbang papasok. Para bang may kung anong kakaibang lakas ang humigop sa akin hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa likod ng tarangkahan ng mundong ito. Nakapasok ako. Nagawa kong makapasok.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Madilim ang kalangitan at halatang hindi manlang sumisikat ang araw rito. Katulad sa mga kwento ay tunay ngang mainit ang temperatura rito ngunit hindi sapat upang makasunog ng balat.
Hinigpitan ko ang hawak sa espada ko nang may dumating na mga kawal. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla nang makita ako ngunit mabilis ding nakasugod. Kailangan kong protektahan ang aking sarili kung kaya’t kahit hindi ko gustong makakuha ng atensyon at magsimula ng gulo ay wala akong magagawa. Sila ang unang sumugod sa akin kaya kailangan kong lumaban para sa sarili ko.
Nang maubos at makitil ang unang anim na sumugod sa akin ay siyang pagdating ng isa pa ulit na grupo. Nakahanda na silang sugurin ako pero humakbang ako paatras at ibinaba ang paghahawak ko sa espada.
“Hindi ninyo ba ako nakikilala?” tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa sa pinunong kawal na nasa unahan at mas itinutok sa gawi ko ang espada nila.
Huminga ako nang malalim at saglit na ipinikit ang aking mga mata. Sa aking pagmulat ay sigurado akong nag-iba na ang aking anyo dahil sa hangin na malakas na umihip. Nakita ko kung paano sila napatitig sa akin.
Alam kong sa mga oras na ito ay nagkulay pilak na ang aking mga mata ay gumuhit ang mga itim na marka sa katawan ko.
“I-ikaw ba ang reyna ng mga bampira? Ang pinunong may nananalaytay na dugo ng aming lahi?” tanong ng isa sa pinunong kawal.
“Ako nga,” sagot ko. Hinayaan kong bumalik na sa dati ang anyo ko at humakbang papalapit sa kanila.
“Anong ginagawa mo rito? Ipinagbabawal ang pagpasok sa mundo na ito ng walang pahintulot. Hindi porket may dugo ka ng isang demon ay tahasan ka ng papasok dito. Sa oras na ipinag-utos sa amin na tapusin ka ay wala kang magaga—”
“At sa palagay mo ba ay mapapaslang ninyo ako?” putol ko sa sinasabi niyang wala namang patutunguhan.
Muli kong inilibot ang paningin ko sa mundong ito pero biglang natigilan nang may maramdaman akong kakaiba. Napaawang ang labi ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak akong bigla sa bandang dibdib ko at napatulala.
Ano itong pakiramdam na ito? Bakit bigla akong nakaramdam na para bang nabuhay ang lahat mg dugo ko sa katawan at naalerto? Ito na ba ang pakiramdam na nabasa ko sa libro? Ito na ba ang sinasabi ni Danie? Ngunit sino ang itinakda sa akin? Sigurado akong nasa malapit na siya.
“M-mahal na hari! B-bakit ho napunta kayo r-rito?” Rinig na rinig ko ang kaba sa boses ng pinunong kawal na kumausap sa akin kanina. Sa kinakabahang boses pa lang niya at sa paraan ng pagtawag niya sa bagong dating ay sigurado akong iyon ang namumuno sa mundo na ito, at sigurado akong maaaring isa sa kasama niya ang hinahanap ko.
Sinundan ko ang tingin ng kaharap kong kawal at napatingin din sa kaliwa. Agad na nakakuha ng pansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan at base sa suot nilang marangyang sapin sa paa na una kong nakita ay kabilang sila sa may dugong bughaw.
Unti-unti kong inangat ang paningin ko sa lalaking nasa pinakaunahan. Mula sa matipuno niyang katawan, sa malapad na dibdib at balikat, sa perpektong pagkahulma ng panga… Marahas na nahigit ko ang paghinga ko at naramdaman ang malakas na pag-ihip muli ng hangin kasabay ng pa-iiba ng kulay ng mata ko at pagguhit ng mga itim na marka sa katawan ko ng panandalian. Nang mawala iyon ay pakiramdam ko ay para bang biglang nanghina ang mga binti ko dahil sa nangyari.
Nakatitig na ako ngayon sa isang lalaking may kulay abong mga mata na kanina lang ay naging pilak din. Kitang-kita ko kung paanong gumuhit sa katawan niya ang itim na marka kasabay ng akin, at kung paano rin iyon agarang nawala. Bakas ang gulat sa mukha niya katulad ko. Sigurado akong hindi niya rin inaasahan na mangyari iyon.
Para bang may kung anong tumutulak sa akin papalapit sa kanya kung kaya’t inihakbang ko ang mga paa ko hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ko sa kanya.
“I-ikaw ang hari ng mundo na ‘to?” tanong ko sa kanya. Marahang itinango niya ang kanyang ulo kahit nakakunot ang kanyang noo.
“At ikaw ang mapangahas na pumasok sa aming mundo.” May riin sa bawat salita nang sinabi niya iyon. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanyang mga mata at hindi na inisip ang sinabi niya.
Lahat ng mga nabasa ko at ayon sa sinabi sa akin ni Danie ay nagtugma sa naramdaman ko ngayon. Ibig sabihin ba no’n ay siya ang itinakda sa akin? Siya na hari ng mga demon at mortal na katunggali pa ng lahi namin?
“Bakit ikaw?” pabulong na tanong ko. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya dahil doon. Hindi man malakas ang pagkakabigsak ko ngunit nakakasigurado akong narinig niya iyon.
“Anong iyong pinagsasasabi?” tanong niya.
“M-mahal na hari, nalaman namin na ang babaeng ito ang reyna ng mga bampira. Siya na may dugo ng isang maharlikang kalahi natin. Siya ang apo ng ating dating pinuno,” pag-iimporma sa kanya ng pinunong kawal. Saglit na binalingan niya ng tingin ang kawal bago muling tumitig sa akin.
“Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na lubhang ikinabigla ko.
At ngayon, tunay ko na ngang maikukumpirma. Ang hari ng mga Demons ang itinakda kong kabiyak.
Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du
[Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana
Dahil sa pagkagulat sa nangyari ay hindi na namin nahabol ang mga nakatakas na kalaban dahil nawalan ako ng control at napahawak kay Adam. Bigla na lamang silang naglaho kasabay ng isa pa nilang kasama na umatake sa akin. Dahil rin sa pagkabigla ay napatulala na lamang ako sa apat na pilak na palasong nakabaon sa likod ni Adam. Sinalo niya ang mga palasong para sa akin… Ang kahit anong pilak na kagamitan ay lubos na mapaminsala para sa aming mga bampira. Miski sa akin na kahit hindi puro ang pagkakaroon ng dugong bampira ay magiging sobra ang pinsala kung iyon ang ipanlalaban, paano pa kaya sila? “Adam!” malakas na tawag ni Arthur sa kaniyang anak. Dahil doon ay natauhan ako kung kaya’t tinulungan ko siyang makatayo ng maayos. “A-ayos ka lang ba?” Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng maayos dahil iyon ang tinanong ko kahit kitang-kita naman na hindi. Pagkalapit ng lahat sa aming direksyon ay agad
Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang
“Pakasalan mo ako.”“Hindi maaari.”“Marry me.”“No.”“Then at least, bear my child—”“Heinrich!” Inis na isinigaw ko ang kanyang pangalan dahil sa kanyang walang tigil na pangungulit sa akin. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinigurado kong naging pula iyon nang panandalian upang siya ay masindak.Papunta ako ngayon sa bundok na naging himlayan ng mga yumaong hari at reyna ng aming mundo, kabilang ng aking ama, nang bigla na lamang siyang nagpakita sa aking silid at sumunod nang umalis ako.Hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aming mundo. Malalim na ang gabi nang umuwi siya kagabi, ngunit heto at ala-sais pa lamang ng umaga ay bumalik na siya upang muli akong guluhin. Hindi ko rin alam kung tunay bang bumalik siya sa kanilang mundo, o baka’y nagpalipas lamang ng gabi sa kagubatan.“Nagsusuhstiyon lamang ako—”
Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at nagpatuloy sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Lumapit sa akin si Danie at ipinutong ang korona sa aking ulo bago nagpunta sa aking likuran at tinitigan ako mula sa salamin. Malungkot na ngumiti siya sa akin. “Sigurado ka na ba talaga sa iyong desisyon?” tanong niyang muli. Hindi ko alam kung pang ilang ulit na ba niya iyong itinanong mula nang sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakalawan bago kinuha sa akin ang panglagay ng koloreto at siya na ang tumapos sa aking ginagawa. Nakatitig lamang siya sa akin at nangungusap ang mga mata. Pinipigilan ang luha mula sa pagtulo. Nang matapos siya ay isang buntong hininga muli ang kanyang pinakawalan bago umalis sa aking harap. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya sa kanyang anak na si Dan, na nakatitig lamang sa akin. “Nang malaman ng iyong itinakdang kabiyak ang iyong plano, pumayag ba siya
Nang tawagin ako ng mga tagapagsilbi bilang indikasyon na nagsisimula na ang kasiyahan ay hindi kami nagdalawang isip na lumabas ng aking silid. Magkakasabay kaming naglakad papunta sa bulwagan kung saan ginaganap ang selebrasyon. Magkatabi sina Danie at Dan sa aking likuran at nasa magkabilang gilid ko naman sina Dyke at Heinrich. Lahat ng madaanan naming tagapagsilbi at mga kawal ay napapatingin sa amin. Alam kong ang presensya at awra namin ay ramdam kahit sa malayo lalo na at kami ang mga pinuno mula iba’t-ibang lahi ang magkakasama. Si Danie na Head Enchantress ng kanilang lahi; si Dan na kanyang anak; si Dyke na Alpha ng mga werewolf; si Heinrich na Hari ng mg Demons na kahit tago ang presensya ay kapansin-pansin pa rin; at ako na kanilang reyna.Sa gabing ito, hindi lang basta selebrasyon sa nalalapit na kasal ang gaganapin, bagkus ay isa rin itong kasiyahan para sa muling pagbangon ng aming mundo at ang paglabas ni Heinrich mula sa dilim. Ipapakilala ko si Heinr
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a