Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.
Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang
“Pakasalan mo ako.”“Hindi maaari.”“Marry me.”“No.”“Then at least, bear my child—”“Heinrich!” Inis na isinigaw ko ang kanyang pangalan dahil sa kanyang walang tigil na pangungulit sa akin. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinigurado kong naging pula iyon nang panandalian upang siya ay masindak.Papunta ako ngayon sa bundok na naging himlayan ng mga yumaong hari at reyna ng aming mundo, kabilang ng aking ama, nang bigla na lamang siyang nagpakita sa aking silid at sumunod nang umalis ako.Hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aming mundo. Malalim na ang gabi nang umuwi siya kagabi, ngunit heto at ala-sais pa lamang ng umaga ay bumalik na siya upang muli akong guluhin. Hindi ko rin alam kung tunay bang bumalik siya sa kanilang mundo, o baka’y nagpalipas lamang ng gabi sa kagubatan.“Nagsusuhstiyon lamang ako—”
Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at nagpatuloy sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Lumapit sa akin si Danie at ipinutong ang korona sa aking ulo bago nagpunta sa aking likuran at tinitigan ako mula sa salamin. Malungkot na ngumiti siya sa akin. “Sigurado ka na ba talaga sa iyong desisyon?” tanong niyang muli. Hindi ko alam kung pang ilang ulit na ba niya iyong itinanong mula nang sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakalawan bago kinuha sa akin ang panglagay ng koloreto at siya na ang tumapos sa aking ginagawa. Nakatitig lamang siya sa akin at nangungusap ang mga mata. Pinipigilan ang luha mula sa pagtulo. Nang matapos siya ay isang buntong hininga muli ang kanyang pinakawalan bago umalis sa aking harap. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya sa kanyang anak na si Dan, na nakatitig lamang sa akin. “Nang malaman ng iyong itinakdang kabiyak ang iyong plano, pumayag ba siya
Nang tawagin ako ng mga tagapagsilbi bilang indikasyon na nagsisimula na ang kasiyahan ay hindi kami nagdalawang isip na lumabas ng aking silid. Magkakasabay kaming naglakad papunta sa bulwagan kung saan ginaganap ang selebrasyon. Magkatabi sina Danie at Dan sa aking likuran at nasa magkabilang gilid ko naman sina Dyke at Heinrich. Lahat ng madaanan naming tagapagsilbi at mga kawal ay napapatingin sa amin. Alam kong ang presensya at awra namin ay ramdam kahit sa malayo lalo na at kami ang mga pinuno mula iba’t-ibang lahi ang magkakasama. Si Danie na Head Enchantress ng kanilang lahi; si Dan na kanyang anak; si Dyke na Alpha ng mga werewolf; si Heinrich na Hari ng mg Demons na kahit tago ang presensya ay kapansin-pansin pa rin; at ako na kanilang reyna.Sa gabing ito, hindi lang basta selebrasyon sa nalalapit na kasal ang gaganapin, bagkus ay isa rin itong kasiyahan para sa muling pagbangon ng aming mundo at ang paglabas ni Heinrich mula sa dilim. Ipapakilala ko si Heinr
“Pagkabigo at k-kamatayan… Iyon ang nakikita kong kakalabasan ng lahat ng iyong pagsasakripisyo at paghihirap…” Napahakbang ako paatras kasabay ng mahina kong pagtawa dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala. Ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban dahil mas pinili kong ilapit sa akin ang mga kalaban upang mas maobserbahan, tapos ngayon ay malalaman kong wala naman palang kakahantungang mabuti at maganda ang labang ito at dadalin pa ako sa sarili kong hukay. Napailing na lamang ako at humakbang papalapit kay Helena. “Sigurado akong nagkakamali ka sa iyong nakita. Ang kamatayan ay ilang beses ko ng nalabanan simula ng isilang ako sa mundong ito, at lubos ko ng kilala ang kalaban na nasa aking tabi kaya nakakasigurado akong pagkapanalo ang aking makakamit,” saad ko, taliwas sa kanyang nakita. Alam kong siyam sa sampu niyang mga nakita sa hinaharap ay nagkakatotoo, ngunit ang isa sa sa sampu na iyon ay hindi,
“Mahal na reyna, narito ang mga regalong ipinadala para sa iyo mula sa mga pinuno ng ibang lahi, ng mga konseho at mula na rin sa mga mamamayan,” wika ni Danie kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ng aking aklatan. Napatigil ako sa pagbabasa at tumingin kay Dan na nasa tabi ko. Tumango naman siya sa akin at naglakad papunta sa pinto kung kaya’t ibinaba ko ang aking libro at agad ring sumunod.Pagkabukas ng pinto ay ngumiti sa akin si Danie at itinuro ang mga regalong dala ng mga tagapagsilbi at ng mga kawal na nasa kanyang likruran. Ang iba ay nakalagay pa sa malalaking kahon at ang iba, katulad ng mga tela ay hindi na nakabalot. Isa-isa ko iyong nilapitan at tinignan. Ang karamihan ay mga alahas, mamahaling damit na gawa sa mga telang matatagpuan lang sa mundo ng kung sino ang nagbigay, mamahalahing mga perlas at ibang pang mga bato, mga bagong pangkolorete sa mukha, at ang iba ay mamahaling mga gamit katulad ng mga porselana, pigurin at paso na sigurado ako
Isang katok sa pinto ang nakapagpabitiw sa akin kay Heinrich. Inayos ko ang aking tindig at humarap sa gawi no’n. Nang bumukas ‘yon ay magkasunod na pumasok sina Danie at Dan na pareho ng naka-ayos. Lumapit sila sa aking dalawa at bahagyang yumuko. “Mahal na reyna, oras na,” saad ni Danie. Napatingin ako kay Heinrich at bahagyang ngumiti. Tumango ako sa kanya at hinarap si Danie. Nauna sila ni Dan na lumabas ng aking silid kung kaya’t sumunod naman kami ni Heinrich sa kanila. Kagaya ng inaasahan at ipinag-utos ko kanina ay wala na ang mga tagapagsilbi at kawal sa buong palapag. Mabagal ang paglakad na ginawa namin. Sa palagay ko ay sampung minuto ang aming inabot bago ko natanaw ang mga kawal at tagapagsilbi na nakahilera sa may tapat ng pintuan ng bulwagan, hinihintay ang aking pagdating. Nang makalapit kami sa kanila, lahat sila ay yumuko bilang pagbibigay galang bago humilera sa gilid. Nang bumukas ang pinto ng bulwagan ay sumalubong agad sa akin ang liwan
Katulad kung paano ang nakagawiang pagkokorona sa sino man na magiging hari o reyna ay gano’n din ang naging proseso kay Adam. Dahil ako ang reyna ay ako ang nagputong ng korona sa kanya at ibinigay ang isang kasulatan na may aking selyo na nagpapatunay at nagpapatibay na simula sa araw na ito ay siya na ang hari ng aming mundo at magiging katuwang ko at ng konseho sa pagsasaayos at magpapanatili ng kapayapaan sa aming lugar… na sana ay tumatak sa kanyang isipan na tungo sa kapayapaan at hindi kaguluhan.Kanina ay gusto kong masamid sa mga pangakong binibigkas niya habang nakaharap sa akin, sa mga konseho, at sa iba pang may posisyon sa aming mundo. Nakapaloob sa pangakong iyon ang pagiging patas, hindi gahaman, hindi mayabang, at hindi paggamit ng pwesto at kapangyarihan para sa pansariling interes, na sana ay kanya ring maintindihan at magbigay linaw sa kanyang isipan at sa mga iba pang kaalyansa niya.Mabuti na nga lang din at hindi bumula ang kanyang b
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a