Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ikasiyam na kabanata

Share

Ikasiyam na kabanata

last update Huling Na-update: 2021-07-19 17:14:42

Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.

Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.

“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-ungol niya sa sakit dahil dito.

“Pumalya pa rin ba ang mga palaso ko?” tanong ko at ibinaba ang aking pana. Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin bago inikot ang paningin sa paligid.

“Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang pumasok sa kagubatan na ito?! Sa amin ang teritoryo na ito kung kaya’t ang sino mang naglakas ng loob na pumasok ay para na ring naglakad sa sarili nilang kamatayan! Pagsisisihan mong iniapak mo ang mga paa mo rito!” malakas na sigaw niya sa akin dahilan para mabulabog ang mga hayop sa paligid. Para bang naging kulog ang boses niya dahil lumaki ito at naging nakakatakot, inidikasyon na galit na siya. Ngunit hindi man lang ako pinanindigan ng balahibo o natakot man lang sa kaniyang banta. Iyon na ba ang kaya niya? Iyon lang?

“Dapat ba ay matakot ako sa sinabi mo?” sarkastikong tanong ko. Umisang hakbang ulit siya papalapit sa akin akin at sa isang iglap ay sunod-sunod na lumabas ang mga kasama niya mula sa dilim. Sa kabuuan ay matatayang nasa labing dalawa silang lahat na ngayon ay nakapaikot na sa akin.

Isang dosenang mapaghiganting werewolf na handang sumugod anumang oras. Isang dosenang mga walang kwentang nilalang na hindi marunong sumunod, makinig, at nag-aari pa ng lugar na hindi naman sa kanila at kumukuha ng buhay ng iba pang nilalang na wala namang utang sa kanila. Ang lahat ng katangiang nasa kanila ay ang lubos na kinaiinisan ko.

“Kung ako sa’yo, ngayon pa lang ay manginginig na ako sa takot,” komento ng asong lobo na naunang humarap sa akin. Sa palagay ko ay siya ang pinuno nila dahil sa kanya sumusunod ang iba. Pinuno? Kung gayon ay mahina siya upang maging pinuno.

“Ngunit hindi ako ikaw, kung kaya’t bakit ako matatakot? At isa pa, ni hindi nga ako pinanindigan ng balahibo sa inyong lahat, bagkus ay pinipigilan ko pa nga ang tumawa dahil masyadong matayog ang tingin ninyo sa inyong sarili kahit mga rebelde naman kayo at walang ibubuga,” saad ko. Muli kong ibinalik ang pagkakasukbit ng palaso sa likuran ko at inilibot ang paningin sa kanilang lahat.

Alam kong sa pagkakataon na ito ay nasagad ko na sila sa galit. Ang katulad nila ay hindi tinatanggap ang pangmamaliit at ang totoo. Mas nanaisin nilang makarinig ng kasinungalingan kahit na pilit para lamang may maipagmalaki.

“Lapastangan! Patayin niyo siya!” pasigaw na utos ng kanilang pinuno na una kong nakaharap. Mabilis na kumilos ang mga alagad niya, ang iba ay nag-anyong lobo at ang iba ay nanatili sa kanilang orihinal na katawan.

Ang unang apat ay sumugod sa akin mula sa magkakaibang direksyon kung kaya’t bago pa sila makaabot sa akin ay mabilis akong kumilos ay tumalon ng mataas upang ang hindi nila kalkuladong galaw ay sa kanila bumalik. Katulad ng aking inaasahan, ang apat na asong lobo ay tumama sa isa’t-isa, ngunit hindi nasaktan.

Pagkababa ko sa sanga ng isang puno ay agarang hinubad ko ang cloak ko at isinabit doon kasama ng pana, palaso at ang dala kong bag. Hindi ko gugustuhin marungisan nila ito dahil malayo-layo pa ang lalakbayin ko.

Inalis ko mula sa lagayan ang aking espada at agad na tumalon pababa sa gitna nilang lahat, at katulad ng inaasahan ko ay agaran at magkakasabay silang sumugod.

Katulad ng sinabi ko kanina, kahit kailan ay hindi ko mapapalampas ang mga mapagmataas at hindi sumusunod sa kanilang pinuno. Ang buhay nila ay sa kamay ko babagsak.

Sa pagsugod ng ilan, hindi ako nagdalawang isip na hiwain ang kanilang laman gamit ang talim ng aking espada. Ang dalawa sa naunang sumugod sa akin ay natamaan kung kaya’t ang malakas na alulong nila ang gumambala sa buong kagubatan.

Bukod sa likas na talim ng espadang pamana sa akin ni ama ay tunay itong kakaiba at makapangyarihan. Nagdudulot ito ng sobrang init sa balat ng kung kanino mang nilalang na mahiwa kung kaya’t bukod sa malalim na sugat ay pagkasunog din ng balat ang makukuha.

“A-ang gamit n-niyang espada!” sigaw ng isang lobo na bumalik sa dati niyang wangis. Kitang-kita ang malaking sugat niya sa bandang tiyan na halos makita na ang kaniyang mga lamang loob. Kitang-kita rin ang pagkasunog no’n. Ang isang lobo naman ay tuluyan kong napaslang dahil ang leeg niya mismo ang natamaan ko.

“In malediction reputabitur,” bigkas ko sa mga salitang nakaukit sa aking espada. Siguradong ako sa pagtama nito sa katawan ng dalawa sa kanila, at sa bumakas na takot sa boses at mukha ng isa ay siguradong alam nila kung ano ang hawak ko at kung sino ako.

“Huwag mong sabihin na ikaw ang reyna ng mga bampira?!” bakas ang gulat, ngunit nangingibabaw ang iritasyon sa tanong na iyon ng pinuno ng mga kaharap ko.

“Ako nga. Ngayon at kilala niyo na ako, lumuhod kayo at magbigay galang,” utos ko sa kanila at sinabayan ng ngiti.

Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung paano nagtagis ang bagang niya dahil sa inis. Alam kong sa puntong ito ay kaunti na lamang ay sasabog na siya sa galit at mag-iibang anyo na.

Utos. Iyon ang kahit kaila’y hindi nila susundin lalo na pagluhod sa akin. Kung si Dyke nga ay hindi nila kinilalang pinuno kahit na kalahi nila ito, ako pa kayang iba ang lahi?

“Lapastangan! Sa palagay mo ba ay may kinikilala kaming pinuno?! Ako! Ako ang pinuno sa lugar na ito kaya nasa kamay ko nakasalalay ang buhay mo! Kung gusto kong mamatay ka rito, mamamatay ka sa kamay ko!” Galit na sigaw niya sa akin at mabilis na sumugod kasama ang natitira pa niyang mga kasama.

Sa bawat pagsubok nilang saktan ako ay hindi ko hinahayaang dumapo miski ang dulo ng daliri nila sa katawan ko kung kaya’t mabilis at marahas kong hinihiwa o sinasaksak ang kung ano mang parte ng katawan nila na tamaan ng espada ko.

Bukod sa galit na mga alulong nila ay maririnig din sa buong paligid ang pagsigaw nila sa sakit. Mabuti na lamang na ang kung ano mang ingay mula sa gubat na ‘to ay rito at sa mundo lamang nila Dyke naririnig kung kaya’t hindi magagambala ang bayan ng Hacro.

Ang bawat dugo na tumatalsik sa katawan ko ay ang mas nagbibigay buhay sa akin. Pinigilan ko ang matakam dito kung kaya’t mas naging tutok ako sa naisin kong mapaslang ang kanilang grupo upang matigil na ang paghahari-harian nila rito. Kung hindi sila magawang patayin ni Dyke dahil magkalahi sila kahit mapaminsala, puwes ako ang gagawa. Wala akong pinapalampas na kahit na sino.

Isang malakas na pagsipa sa asong lobong nasa likuran ko at ang pagsaksak ng espada sa kaniyang dibdib ang tumapos sa nag-iisa at huling alagad ng mapagmataas na pinuno ng mga rebelde.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ibinaba ang espada kong napuno na ng dugo nila, at bago hinarap ang natitirang kalaban.

“Bibigyan kita ng pagkakataon para umatras at sumuko kay Dyke, sabihin mo lang,” alok ko sa kaniya. Isang ngisi ang isinagot niya sa akin bago sumugod papalapit sa akin, ngunit bago pa niya magawa ay natigil siya at nabitin sa hangin nang balutin ko at puluputan ng itim na anino ang katawan niya.

Galit na nagpupumiglas siya ngunit hindi makatakas.

“Bitawan mo ako! Lumabas ka ng patas! Duwag!” pang-aamok niya sa akin. Napailing na lamang ako at ibinaba siya mula sa pagkakalutang ngunit nanatiling nakatali sa aninong konektado sa akin.

“Tumitig ka sa mata ko,” utos ko sa kaniya. Kunot-noong sumunod siya akin kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon na isagawa ang balak ko.

Umihip ang malamig at malakas na hangin sa paligid at ramdam ko ang pag-iiba ng anyo ko. Ang mga itim na marka ay gumuhit sa katawan ko, ang buhok kong kulay ginto ay naging itim at mahaba kasabay ng pagiging kulay pilak ng itim kong mga mata.

“Sa pagbitiw ng mga aninong nakagapos, ikaw ay susuko sa inyong pinuno at susunod sa lahat ng kaniyang ipag-uutos. Hindi ka maaaring muling tumaliwas dahil ang impyernong naghihintay sa iyo ay magbubukas upang kuhanin ka at bigyan ng parusa,” bulong ko sa mga katagang sumabay sa hangin at pumasok sa kaniyang isip.

Sa isang iglap ay natulala siyang bigla kung kaya’t inalis ko ang pagkakagapos ng anino sa kaniya at hinayaan ang aking sinabi na kaniyang sundin.

Kasabay ng paghina ng hangin at pagbalik ko sa dating anyo ay ang pagtalikod niya sa akin at paglalakad papunta sa bayan nila. Siya ay maglalakbay at isusuko ang sarili kay Dyke. Ang kamatayan ay hindi sasapat para sa tulad niya at siguradong magtataka si Dyke kung ano ang nangyari kung kaya’t ito ang napadesisyunan ko para sa kanya.

Mabilis lamang makuha ang kontrol ng isipan ng isang katulad niyang puno ng galit at walang kontrol sa sariling emosyon. Kaya kong magpasunod ng kahit na sino ngunit depende iyon kung bukas ba ang kanilang isip sa lahat. Ang mga katulad niya ang kayang-kaya kong pasunurin, burahin ang ala-ala, baguhin ang nasa isip at bigyan ng sumpang magdadala sa kanila sa impyerno sa oras na may gawing mali. Karaniwan sa mga nagkakasalang hinaharap sa akin ay ganito ang aking ginagawa. Ang kakayahan kong ito ay nakuha ko sa aking ama, at ito ay mula sa dugo ng mga Demons.

Nang makalayo ang pinuno ng mga mapangahas na lobo ay muli akong bumalik sa itaas ng puno kung saan ko iniwan ang mga gamit ko at kinuha iyon. May malapit na lawa rito kung saan doon ay ligtas. Kailangan kong linisin ang sarili ko at maaaring doon na rin ako magpalipas ng gabi dahil hindi ko pwedeng suungin ang mga bayan na pinamumunuan ni Dyke. Mas matatalas ang pandama at pang-amoy ng mga werewolf lalo na sa hindi nila kadugo kung kaya’t hindi ligtas na maglibot ako.

Siguradong sa oras na may isang werewolf na makaamoy sa akin ay makakarating agad kay Dyke na nandito ako. Kahit sa kanya ay hindi ko gustong sabihin ang ginagawa kong ito. Siguro ay kapag natapos ko na lamang at kapag kailangan ko ng bagong plano at ng kaniyang tulong.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos kung kaya’t ilang segundo lamang ang tinagal at nakarating agad ako sa lawa. Una kong nilinis ang aking espada, tapos ay ibinalik iyon sa lagayan niya.

Sunod ay inalis ko ang damit kong napuno ng dugo at nilabhan iyon sa lawa. Sinigurado ko munang balutin ang paligid ng lawa ng itim na anino upang magsilbing harang sa akin at para walang makakita.

Sa palagay ko ay aabutin ng umaga ang pagpapatuyo sa damit ko. Mabuti na lamang ay ligtas dito ay hinarangan ko ang paligid kung kayat walang makakita sa akin.

Nang malinis ko na ang damit ko ay ako naman ang lumusong sa lawa. Malamig, malinaw at malinis ang tubig kung kaya’t nakakagaan sa katawan. Inalis ko ang bakas ng dugo sa leeg at mukha ko at piniling magbabad at lumangoy sa paligid. Mayroon akong buong gabi upang makapagpahinga.

Nang magsawa ako sa paglangoy ay naupo ako sa may malaking bato na nasa tabi ng lawa at nagisip-isip. Sana bukas ay mahanap ko na ang nilalang na kailangan ko. Sa oras na mangyari iyon, gagawin ko talaga ang lahat upang mapapayag siya na maging katuwang ko sa pamumuno ng mundo namin. Siya ang nararapat at wala ng iba pa. Kung hindi man ako magtagumpay sa ginagawa ko ngayon, gagawa at iisip ako ng marami pang paraan upang hindi mapunta kay Adam ang pagiging hari. Hindi siya karapat-dapat.

Kaugnay na kabanata

  • The Fall of the Queen   Ikasampung kabanata

    Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-isang kabanata

    Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du

    Huling Na-update : 2021-07-21
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-dalawang kabanata

    [Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-tatlong kabanata

    Dahil sa pagkagulat sa nangyari ay hindi na namin nahabol ang mga nakatakas na kalaban dahil nawalan ako ng control at napahawak kay Adam. Bigla na lamang silang naglaho kasabay ng isa pa nilang kasama na umatake sa akin. Dahil rin sa pagkabigla ay napatulala na lamang ako sa apat na pilak na palasong nakabaon sa likod ni Adam. Sinalo niya ang mga palasong para sa akin… Ang kahit anong pilak na kagamitan ay lubos na mapaminsala para sa aming mga bampira. Miski sa akin na kahit hindi puro ang pagkakaroon ng dugong bampira ay magiging sobra ang pinsala kung iyon ang ipanlalaban, paano pa kaya sila? “Adam!” malakas na tawag ni Arthur sa kaniyang anak. Dahil doon ay natauhan ako kung kaya’t tinulungan ko siyang makatayo ng maayos. “A-ayos ka lang ba?” Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng maayos dahil iyon ang tinanong ko kahit kitang-kita naman na hindi. Pagkalapit ng lahat sa aming direksyon ay agad

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-apat na kabanata

    Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-limang kabanata

    “Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-anim na kabanata

    “Pakasalan mo ako.”“Hindi maaari.”“Marry me.”“No.”“Then at least, bear my child—”“Heinrich!” Inis na isinigaw ko ang kanyang pangalan dahil sa kanyang walang tigil na pangungulit sa akin. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinigurado kong naging pula iyon nang panandalian upang siya ay masindak.Papunta ako ngayon sa bundok na naging himlayan ng mga yumaong hari at reyna ng aming mundo, kabilang ng aking ama, nang bigla na lamang siyang nagpakita sa aking silid at sumunod nang umalis ako.Hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aming mundo. Malalim na ang gabi nang umuwi siya kagabi, ngunit heto at ala-sais pa lamang ng umaga ay bumalik na siya upang muli akong guluhin. Hindi ko rin alam kung tunay bang bumalik siya sa kanilang mundo, o baka’y nagpalipas lamang ng gabi sa kagubatan.“Nagsusuhstiyon lamang ako—”

    Huling Na-update : 2021-08-01
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-pitong kabanata

    Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at nagpatuloy sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Lumapit sa akin si Danie at ipinutong ang korona sa aking ulo bago nagpunta sa aking likuran at tinitigan ako mula sa salamin. Malungkot na ngumiti siya sa akin. “Sigurado ka na ba talaga sa iyong desisyon?” tanong niyang muli. Hindi ko alam kung pang ilang ulit na ba niya iyong itinanong mula nang sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakalawan bago kinuha sa akin ang panglagay ng koloreto at siya na ang tumapos sa aking ginagawa. Nakatitig lamang siya sa akin at nangungusap ang mga mata. Pinipigilan ang luha mula sa pagtulo. Nang matapos siya ay isang buntong hininga muli ang kanyang pinakawalan bago umalis sa aking harap. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya sa kanyang anak na si Dan, na nakatitig lamang sa akin. “Nang malaman ng iyong itinakdang kabiyak ang iyong plano, pumayag ba siya

    Huling Na-update : 2021-08-02

Pinakabagong kabanata

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status