Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ikawalong kabanata

Share

Ikawalong kabanata

last update Huling Na-update: 2021-07-18 17:36:00

Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.

Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.

Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang paglilibot sa mga ito tuwing sasapit ang araw ng aking pagbisita.

Kanina ay mula sa bayan ng Xenthrei ako nanggaling kung saan nandoon ang tahanan ng mga Venderheel at kung saan naiwan si Dan. Wala sa bayan na iyon ang hinahanap ko kung kayat dito ako dumiretso. Sa palagay ko ay dalawang oras na ang nagdaan simula nang sumabog ang liwanag at simula nang mag-ikot-ikot ako.

Habang naglalakad ay nagpatuloy ako sa pago-obserba. Ayon sa nabasa ko at ayon kay Danie ay hindi ko naman kailangang makaharap ng malapitan ang kung sino mang nilalang na hinahanap ko. Sapat nang maramdaman ko ang kaniyang presensiya dahil ito mismo ang maghihila sa amin upang magkaharap, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nararamdaman na kakaiba.

Tumigil ako sa paglalakad at naupo sa may gilid ng daan. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagod ngunit kailangan ko ring magpahinga kahit na saglit. Malayo-layo pa ang lalakbayin ko at ilang mundo pa ang kailangan kong puntahan. Hindi magiging madali ang paghahanap at kailangan kong magmadali. Walang kasiguraduhan na walang maghahanap sa akin at sa kung hanggang saan kayang pigilan ni Danie ang mga gustong humarap sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi ako makapaniwala na kailangan kong gumawa ng paraan upang agarang mahanap ang aking itinakdang kabiyak. Ang isang daang normal na taon na paghihintay at pagbibigay daan sa tadhana upang kami ay magkita ay namadali. Dalawamput anim na taon pa lamang akong nabubuhay at may mahaba-habang taon pang bibilangin ngunit heto ako, sumuong sa isang paglalakbay upang ako na mismo ang maghanap ng nararapat na hari at ng aking magiging katuwang sa pamumuno sa mundo.

Ayon sa aming tadhana, hindi batayan ang pakikipag-isang dibdib sa hindi mo totoong kapareha upang may mangyaring masama. Magiging komplikado lamang ito kung ang iyong puso o ang iyong pagmamahal at ang iyong pagiging puro ay ibibigay mo sa iba. Ano ang magiging epekto kung ikaw ang naunang bumaluktot sa tadhana? Iyon ay ang kamatayan ng itinakdang nilalang sa iyo. Ito rin ang pinaka dahilan kung kayat mayroong mga converted vampire. Sila ay puno ng poot at galit kung kayat iyon ang ginamit ng kung sino man ang lumikha sa kanila upang mapasunod sila. Ang paghihiganti at pananakit ang umiikot sa kanilang sistema.

“Binibini, akin lamang iaalok ang aking paninda, ito ay mga bagong aning persimmon mula sa aking tanim. Limang tansong barya lamang kada isa.” Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang may huminto sa harap ko at nagsalita.

Inangat ko ang paningin ko at tinignan ang babaeng lumapit sa akin. May kalakihan ang hood ng suot kong cloak kung kayat alam kong hindi ako makikilala rito.

Saglit akong natigilan at napaawang ang labi nang makita ang nag-aalok sa akin. Isang matandang bampira na may dalang buslo. Nakasuot siya ng itim at punit-punit na cloak. Nakangiti siya sa akin at halatang hinihintay ang sagot ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nginitian ko siya.

“Ilan ho ba ang dala ninyo ngayon?” magalang na tanong ko. Saglit na tumingin siya sa dala niyang buslo at muling tumingin sa akin.

“Sampu ang aking naani ngayon,” sagot niya. Tumango ako at kinuha ang isang taling pilak na barya mula sa dala ko at iniabot sa kaniya.

“Kukunin ko na ho lahat upang maaga kayong makauwi sa inyong tahanan.” Bumakas ang kagalakan sa mukha niya at ibinigay sa akin ang dala niyang paninda.

“Ngunit wala akong maipanunukli sa iyong bayad, binibini. Kung iyong mamarapatin ay ipapalit ko lamang—”

“Naku! Hindi na ho kailangan. Hayaan nyo na ho dahil wala rin akong bibilhin. Sapat na ho iyan dahil pati ang inyong buslo ay ibinigay ninyo sa akin,” putol ko sa sasabihin niya. Saglit na napaisip siya pero ngumiti rin kalaunan.

“Maraming salamat. Nakikita ko na sobrang puro ng iyong kalooban at palaging handing tumulong sa lahat. Napakaswerte ng iyong mga magulang dahil may anak silang kagaya mo.” Awtomatikong napangiti ako dahil sa sinabi niya. Mas lalong gumagaan ang aking puso kapag may napapasaya akong iba kahit sa maliit na bagay.

Ang pagtulong sa kapwa ng bukal sa kalooban ay ang unang tinuro sa akin ni ama upang maging isang mabuting pinuno. Ang pag-intindi, hindi lamang sa sarili kung hindi sa buong nasasakupan ay napakaimportante. Sa lahat ng bagay ay ang kapakanan ng nakakarami ang dapat intindihin. Ang pagpapasya ay hindi lamang dapat para sa aking kabutihan kung hindi para sa nakararami.

“Mas maswerte ho ako dahil sila ang naging magulang ko kahit hindi ko na ho nakagisinan ang aking inang rey— ang aking ina, pero alam ko hong isa siya sa mga gumabay sa akin at alam kong napapasaya ko siya dahil sa ginagawa ko.” Napatango-tango siya sa sinabi ko. Nabigla ako nang lumapit siya sa akin at inabot ang isa kong kamay. Marahan niya iyong pinisil at ngumiti.

“Alam kong masaya siya para sa iyo at alam kong ipinagmamalaki ka niya.” Iyon ang huling katagang sinabi niya sa akin bago humalo sa hangin at nawala sa aking paningin. Inikot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin siya ngunit wala na ang kahit anong bakas niya sa paligid. Siguro ay umuwi na siya sa kanilang tahanan.

Hindi ko alam ngunit magaan ang loob ko sa matanda. Marahil ay malapit lang talaga ang loob ko sa lahat lalo na at kung alam kong may busilak din sila sa puso.

“Persimmon?” Napaigtad ako sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko at nagsalita malapit sa aking mukha. Inis na siniko ko sa tiyan ang nilalang na iyon kaya agad naman siyang napadaing sa sakit.

Inis na binalingan ko ng tingin si Dan na sapo ang kaniyang tiyan na nasaktan dahil sa ginawa ko.

“Nagtatanong lamang ako! Kahit kailan ay mapanakit ka talaga,” singhal niya sa akin. Sinamaan ko na lang siya ulit ng tingin at kumuha ng isa sa binili ko. Pinagmasdan ko muna itong mabuti bago kinain. Lumapit naman sa akin si Dan at kumuha rin ng isa.

“Bakit ka pala nandito? Hindi ba’t ang pinagu-utos ko ay sundan mo ang mag-amang Venderheel?” mahina ngunit mariin kong tanong sa kaniya. Dalawang oras pa lamang ang nakakalipas nang iniwan ko siya sa bayan ng Xenthrei, tapos ngayon ay nandito na siya agad.

“Papunta na sila rito. Narinig kong bibisita sila sa mga bayan. Huwag kang mag-alala dahil hindi sila pupunta sa kastilyo upang kausapin ka, narinig kong sinabi iyon ni Adam sa kaniyang ama. Hindi raw niya gustong mas kamuhian mo sila,” sagot niya. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nang maubos ko ang isa ay pinamigay namin ni Dan ang iba sa mga batang nandito. Naisantabi ang naramdaman kong inis sa mga Venderheel nang makita ko ang ngiti sa labi ng mga bata dahil sa pagkain na aming ibinigay.

Nang magpaalam si Dan upang muling sundan ang mga Venderheel ay nagdesisyon na rin ako na magpatuloy. Inikot ko ang buong bayan pati ang ibang masusukal na daanan upang subukang hanapin ang aking itinakdang kabiyak, ngunit wala akong naramdaman na kahit ano at hindi ko siya nahanap.

Nang masiguradong wala talaga sa bayan ng Agorcolli ang aking hinahanap ay tinahak ko naman ang daan papuntang kanluran upang sa bayan ng Crollus maghanap. Mas lalo kong tinalasan ang aking pandama at naging mas mapagmasid, ngunit walang progreso sa aking paghahanap.

Nang marating ko ang bayan ng Crollus ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at muling naglibot. Hindi sobrang kalakihan ang bayan na ito hindi tulad sa iba kung kayat mabilis akong nakapag-ikot, ngunit katulad kanina… wala pa ring progreso.

Tinahak ko ang daan sa loob ng kagubatang nagdudugtong sa Crollus at Hacro. Mas pinili kong dito dumaan upang mas ligtas mula sa mata ng lahat. Katulad ng sabi ni Dan, maglilibot sa bawat bayan ang mga konseho kung kayat kailangan kong umiwas. Hindi ako maaaring makatawag ng pansin hanggat maaari.

Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras akong naglakad bago ko natanaw ang huling bayan na dapat kong puntahan. Sa palagay ko ay bandang alas-dos na ng hapon ngayon kung aking bibilangin ang oras simula noong umalis kami ni Dan sa kastilyo.

Pagkarating ko sa pinakabukana ng kagubatan ay agad kong tinalon ang sanga ng pinakamataas na puno rito upang pagmasdan ang buong bayan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga karwaheng kakadating lang kung kayat pinili kong dito maupo at mag-obserba.

Inalis ko ang pagkakasuot ng hood ng aking cloak at sumandal sa puno. Katulad ng palaging pagbisita ng konseho ay alam kong aabutin sila ng dapit-hapon kung kayat dito ako maghihintay hanggang sa makaalis sila. Hindi ako susugal na makita nila ako. Sa ilang beses na pagharap nila sa akin ay sigurado akong kahit ang dulo lamang ng buhok ko ay makikilala na nila ako agad. Hindi nila pwedeng malaman ang balak at pakay ko.

Tahimik na pinagmasdan ko ang galaw ng lahat mula rito. Kitang-kita ang kabuuan ng bayan at ang sumunod na gubat na nagsisilbing hangganan ng mundo namin at ang mundo ng mga werewolf.

Ayon kay Dyke, masyadong masukal ang kanilang kagubatan at ang mga werewolf na tumaliwas sa kaniyang pamumuno ay roon nanirahan at nagtago. Ang mga mapaghimagsik na kalahi nila na ang palaging nais ay mapabagsak siya ay roon mga nagkuta.

Iyon lamang ang tanging daan upang makapasok sa kanilang mundo kung kayat wala akong magagawa kung hindi ay roon dumaan. Handa naman ako sa lahat ng posibilidad na mangyari. Kung darating sa punto na kailangan ko silang harapin ay gagawin ko. Magiging tulong ko na rin iyon kay Dyke kung masusugpo ko silang lahat.

Lumipas ang ilang minuto, segundo at oras. Eksaktong pagkagat ng dilim ay ang pag-alis ng konseho sa bayan. Iyon na rin ang naging hudyat ko upang bumaba ng bayan.

Mabilis ang ginawa kong pagkilos at paghahanap. Bumili lamang ako ng tinapay at maiinom sa isang tindahan at nagpatuloy. Minuto lamang ang tinagal at narating ko na ang dulo ng bayan.

Pikit mata akong napabuntong hininga nang mapagtanto na wala akong nahanap. Hindi isang bampira at hindi isang mamamayan ng aking nasasakupan ang aking hinahanap. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil marami pang ibang nilalang ang nasa mundo ng mga imortal at isa lamang ang aming lahi sa mga iyon. Kailangan ko lang pag-igihin ang paghahanap upang makakuha agad ng resulta.

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad papasok sa masukal na kagubatang nagsisilbing hangganan ng mundo namin at mundo ng mga werewolf. Inalis ko ang pagkakasuot ng hood ng aking cloak. Walang makakakilala sa akin dito kung kayat ligtas ang aking pagkakakilanlan.

Tanging tunog lamang ng mga tuyong dahong naaapakan ko ang maririnig sa paligid habang ako’y naglalakad. Ang huni ng mga kwago at ng ibang mga hayop at insektong naririto ang humahalili rito.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit napatigil nang makarinig ako ng kaluskos mula sa aking likuran. Tahimik na kinuha ko ang aking pana at palaso at hinarap kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

“Lumabas ka sa dilim at ipakilala ang iyong sarili,” mariing utos ko. Pinikit ko ang aking mata at tinalasan ang pandama at nang malaman ko kung saan ito nakapwesto ay mabilis kong idinilat ang mata ko at nagpakawala ng palaso papunta sa aking harapan. Mabilis na nakaiwas ang nilalang na iyon at tumayo ilang dipa ang layo sa akin. Ang liwanag ng buwan ang nagbigay tanglaw sa akin upang makilala kung sino siya.

“Naliligaw ka ata, binibini,” wika niya. Nginitian ko siya ng tipid at muling nagpakawala ng palaso papunta sa kaniyang direksyon na alam ko namang kaya niyang iwasan.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, kakabanggit ko lang kanina tungkol sa kanila at ngayon ay nakaharap ko na nga. Ang mga werewolf na tumaliwas kay Dyke… sa mga kamay ko kayo makakaranas ng parusa.

Kaugnay na kabanata

  • The Fall of the Queen   Ikasiyam na kabanata

    Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un

    Huling Na-update : 2021-07-19
  • The Fall of the Queen   Ikasampung kabanata

    Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-isang kabanata

    Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du

    Huling Na-update : 2021-07-21
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-dalawang kabanata

    [Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-tatlong kabanata

    Dahil sa pagkagulat sa nangyari ay hindi na namin nahabol ang mga nakatakas na kalaban dahil nawalan ako ng control at napahawak kay Adam. Bigla na lamang silang naglaho kasabay ng isa pa nilang kasama na umatake sa akin. Dahil rin sa pagkabigla ay napatulala na lamang ako sa apat na pilak na palasong nakabaon sa likod ni Adam. Sinalo niya ang mga palasong para sa akin… Ang kahit anong pilak na kagamitan ay lubos na mapaminsala para sa aming mga bampira. Miski sa akin na kahit hindi puro ang pagkakaroon ng dugong bampira ay magiging sobra ang pinsala kung iyon ang ipanlalaban, paano pa kaya sila? “Adam!” malakas na tawag ni Arthur sa kaniyang anak. Dahil doon ay natauhan ako kung kaya’t tinulungan ko siyang makatayo ng maayos. “A-ayos ka lang ba?” Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng maayos dahil iyon ang tinanong ko kahit kitang-kita naman na hindi. Pagkalapit ng lahat sa aming direksyon ay agad

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-apat na kabanata

    Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-limang kabanata

    “Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang

    Huling Na-update : 2021-07-28
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-anim na kabanata

    “Pakasalan mo ako.”“Hindi maaari.”“Marry me.”“No.”“Then at least, bear my child—”“Heinrich!” Inis na isinigaw ko ang kanyang pangalan dahil sa kanyang walang tigil na pangungulit sa akin. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinigurado kong naging pula iyon nang panandalian upang siya ay masindak.Papunta ako ngayon sa bundok na naging himlayan ng mga yumaong hari at reyna ng aming mundo, kabilang ng aking ama, nang bigla na lamang siyang nagpakita sa aking silid at sumunod nang umalis ako.Hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aming mundo. Malalim na ang gabi nang umuwi siya kagabi, ngunit heto at ala-sais pa lamang ng umaga ay bumalik na siya upang muli akong guluhin. Hindi ko rin alam kung tunay bang bumalik siya sa kanilang mundo, o baka’y nagpalipas lamang ng gabi sa kagubatan.“Nagsusuhstiyon lamang ako—”

    Huling Na-update : 2021-08-01

Pinakabagong kabanata

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status