Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ikaapat na kabanata

Share

Ikaapat na kabanata

last update Last Updated: 2021-07-14 20:01:06

“Palagi mong tatandaan na sarili mo lang ang kakampi mo. Mabigat ang responsibilidad na kakaharapin mo sa susunod kaya dapat ay maging matalino ka, naiintindihan mo ba?” Napatango na lamang ako kay ama na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa silid-aralan ko at pinapaalala niya ulit sa akin ang mga bagay na namemoralisa ko na dahil sa paulit-ulit niyang pagpapaalala sa akin.

“Ikaw ang susunod na reyna ng mundo natin. Ikaw ang magmamana sa trono ko pagdating ng panahon. Dapat ay palagi kang maging matatag, at kailangan ay palagi kang handa sa pagharap ng mga pagsubok. Maraming darating na problema at maraming magtatangka sa buhay mo, ang kamatayan ay palagi lang naghihintay sa iyo pero kailangan mo iyong labanan. Hindi nananalaytay ang dugo namin ng iyong ina sa iyo ng walang dahilan,” dugtong niya. Tumigil si ama sa pagpaparit-parito at lumapit sa pwesto ko. Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ko. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi niya kaya nagaya na rin ako.

“Magpakatatag ka, anak ko. Hindi madali ang mga susuongin mo, pero alam kong makakaya mo. Anak kita, at naniniwala ako sa iyo.”

NANG BUMALIK SA AKING ALAALA ANG MGA PAALALA SA AKIN ng aking amang hari ay para bang may gumuhit na kung anong mainit sa katawan ko na nakapagpabuhay ng dugo ko at wistyo. Mabilis na bumangon ako at ipinikit nang mariin ang mata.

“Mahal na reyna!” sabay-sabay na sabi ng mga nakapaligid sa akin. Agad na sinapo ko ang ulo kong pumipintig sa sakit at napasigaw sa sakit dahil tila bang may kung ano sa loob ng katawan ko at sinusunog ang buong katawan ko.

“Mahal na reyna! Mas mabuti pang bumalik ka muna sa pagkakahiga at huminga nang malalim! Hindi pa naaalis ang lahat ng lason sa katawan mo kung kaya’t patuloy pa rin ang sakit. Huminahon ka at huminga ng malalim!” narinig kong utos ni Danie. Kaagad ko namang sinunod ang sinabi niya. Ilang malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago inalis ang mahigpit kong pagkakahawak sa buhok ko at humigang muli.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay roon ko lang din napansin na nandito ako sa aking silid. Nakakulong ako sa isang sphere na siguradong gawa ng mga witches para maprotektahan ako kung sakali mang may hindi magandang mangyari sa proseso ng panggagamot sa akin. Marami ring mga nakatusok na karayom sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ko na nakakonekta sa isang itim na bagay sa may sulok. Doon paniguradong nakalagay ang mga lason naa kumalat sa katawan ko matapos kong inumin ang alak sa piging.

Hindi na muna ako nag-isip ng kung ano-ano pang bagay na hindi makakatulong sa proseso at piniling ipikit ang mga mata habang patuloy sa pagpapakalma ng sarili. Ngayon na gising ako, mas ramdam ko ang pagdaloy ng kung ano mang lason na nainom ko sa mga ugat ko. Mainit at masakit, ngunit kailangan kong tiisin. Kagaya nga ng sinabi ng aking amang hari sa aking isipan kanina, kailangan kong malampasan ang lahat dahil kaakibat ng trono ko ay ang panganib katulad ng nangyari ngayon.

Kailangan kong ilagay ang buong atensyon ko sa pagpapakalma ng sarili at sa paghinga ng maayos upang mapigilan ang mga nagwawalang kapangyarihan na gustong sumabog at lumabas sa katawan ko. Simula pa noon ay hirap na akong kontrolin ang emosyon ko at kadikit no’n ay ang kapangyarihan ko kung kaya’t halos sa lahat ng pagkakataon ay lumalabas ito. Kailangan ko ng buong atensyon para rito at iyon ang palaging pinapangaral sa akin ni Danie.

Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras na ba ang lumipas. Nalaman ko na lamang na tapos na ang ginagawa nila sa akin nang makaramdam ng pagkawala ng init sa loob ng katawan ko at sobrang panghihina.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at ang una ko agad nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Dyke, Dan at Danie. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga, agad naman nila akong tinulungang makasandal sa kama ko.

“Mahal na reyna, kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Danie.

“Magaan, ngunit nakakaramdam ako ng sobrang panghihina,” sagot ko.

“Nagtagumpay ang pag-aalis ng lason sa katawan mo kung kaya’t ang naging epekto nito ngayon ay ang sobrang panghihina. Huwag kang mag-alala mahal na reyna, normal lamang ito at maaring sa mga susunod na araw ay manunumbalik na muli ang lahat ng lakas na nawala mo.” Napatingin ako kay Helena— ang pinuno ng mga witches, nang magsalita siya. Nakakasigurado ako na siya ang gumamot sa akin dahil siya ang pinakakilala at may kakaibang kakayahan sa panggagamot sa kanilang lahi.

“Maraming salamat sa tulong, Helena. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagliligtas mo sa akin at makakasigurado kang babawi ako sa iyo, at sa inyo lahi dahil sa kabutihang ito.” Ngumiti siya sa akin nang sabihin ko iyon at tinanguan ako.

Bilang pinuno ng kanilang lahi, isa siya sa mga imbitadong bisita kaya lubos akong nagpapasalamat na nandito siya nang mangyari sa akin ang hindi inaasahang bagay na iyon. Hindi ko inakala na sa mismong araw ng selebrasyon maiisipan ng kung sino mang nasa likod ng paglalason sa aking isinabay ang maitim nilang balak.

“Mauuna na kami, mahal na reyna. Huwag kayong magdadalawang isip na ipatawag ako kapag nakaramdam ka ng kakaiba sa iyong katawan,” pagpapaalam ni Helena. Muli akong nagpasalamat sa kanya at sa tatlo pa niyang kasama bago sila ipinahatid kay Dan papunta sa labas ng kastilyo. Ang naiwan na kasama ko rito ay si Danie na inaayos ang pagkakatakip ng kumot sa ibabang parte ng katawan ko at si Dyke na nakadungaw sa may bintana.

Ngayon ko lang napansin na maliwanag na sa labas, isang palatandaans na nakaraan na ang gabi.

“Sa iyong palagay, sino ang lapastangang nagtangka sa buhay mo sa gitna ng selebrasyon?” Napatingin ako kay Dyke nang magtanong siya. Humarap siya sa akin at naglakad papalapit sa pwesto ko. Hinila niya ang upuan sa may gilid ng higaan ko at doon pumwesto.

“Hindi ko gustong mangbintang, pero iisang nilalang lang naman ang patagong nagnanais na mawala ako sa mundo,” sagot ko. Napahigpit ako hawak sa kumot ngunit unti-unti ko rin iyong binitawan dahil hindi ko pa magawang igalaw ng maayos ang kahit anong parte ng katawan ko. Para bang naging isang lantang halaman ang katawan ko matapos ng pinagdaanang hirap.

“Si Ginoong Arthur Venderheel ang nasisigurado kong nasa likod nito,” mariing sabi ni Danie. Hindi ko na kailangan pang magsalita dahil kung sino ang tinukoy niya ay ang nag-iisa ring nasa isip ko na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko. Siya lang naman at ang kanang kamay niyang si Delaila ang bulgarang tumataliwas sa pamumuno ko. Gusto nilang mapasakamay ang trono, ang mundong itinaguyod ng mga ninuno ko. Ang pagkamatay ko ang magbibigay ng buong kapangyarihan sa kanila dahil ako na lamang ang natitirang may maharlikang dugo mula sa mga unang namuno, at sa oras na tuluyan akong mawala, ang pinaka may mataas na posisyon sa konseho ang magiging hari o reyna, at iyon ang gustong mangyari ni Arthur na pinipigilan ko.

Hanggat kaya ko, pipigilan ko ang kamatayan. Kakalabanin ko ito dahil kahit kailan ay hindi ko nanaising mapunta ang mundong pinaghirapan kong muling mabuo sa sa isang gahamang katulad niya.

“Wala bang ibang paraan para maalis na ‘yong matandang iyon sa konseho ninyo? Pati dugo ko ay kumukulo sa kanya. Gustong-gusto ko siyang durugin at kalasin ang mga parte ng katawan niya,” inis na sabi ni Dyke. Unti-unting nagiging ginto ang kulay ng mata ni Dyke kaya inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa kama at marahan iyong pinisil. Sa puntong iyon ay alam kong unti-unti na siyang kinakain ng galit.

“Hindi pa ngayon ang oras para harapin sila. Hindi natin sila pwedeng akusahan at harapin agad dahil hindi natin alam kung ano pa ang mga baraha nilang nakatago. Simple pa lamang ang ginawa nilang hakbang ngayon at hindi ko gustong sindihan ang alitan sa pagitan namin. Gusto kong maging handa muna tayo sa lahat ng posibilidad bago umaksyon.” Hindi kami maaring maging padalos-dalos. Mahirap gumawa ng kilos lalo na’t hindi namin alam ang mga susunod nilang plano. Oo, alam at kilala na namin ang kalaban, ngunit  hindi madaling mangapa sa dilim. Mahirap kalabanin ang mga tuso at praktisado.

“Mahal na reyna, nandito sina Ginoong Venderheel upang bisitahin ka.” Nagkatinginan kami nina Dyke at Danie dahil sa narinig na sinabi ni Dan mula sa labas ng pinto. Umayos ako ng pwesto at tumayo naman si Dyke mula sa pagkakaupo at pumwesto sa may gilid.

“Maaari na kayong pumasok,” sabi ni Danie. Kasabay nang pagbukas ng pinto ng aking silid ay ang pagpasok ng limang myembro ng konseho. Pinangungunahan ito ni Arthur, kasama si Delaila sa kanyang tabi, at nasa likuran naman si Adam at ang babaeng kasama nila sa pagtitipon.

Naunang lumapit sa akin si Adam at naupo sa pwesto ni Dyke kanina.

“Mahal na reyna, sobra mo akong pinag-alala. Kumusta na ang lagay mo?” bakas ang pag-aalala sa boses ni Adam na lubos na kinainis ko. Hindi ko alam na tinuruan pala siya ng kanyang ama kung paano umarte ng naayon sa sitwasyon.

“Wala kang dapat ipag-alala. Hinding-hindi ako mamamatay ng gano’n-gano’n lang,” sarkastiko kong sagot sabay tingin sa ama niyang si Arthur na nasa likod niya lang.

“Huwag kayong mag-alala, mahal na reyna. Ginagawa naming ang lahat upang hanapin ang may kagagawan ng pag-atake sa inyo. Makakaasa kayong maihaharap namin sa inyo ang kung sino mang nilalang na iyon sa mga susunod na araw.” Agad na napaarko ang kilay ko nang magsalita si Arthur. Binalingan ko siya ng tingin.

“Siguraduhin ninyong ang mahuhuli niyo ay ang pinaka-utak sa pag-atake, dahil kung hindi, kayo ang mananagot sa akin. Malalaman at malalaman ko kung totoo at tama ba ang nilalang na ihaharap niyo sa akin at hindi niyo magugustuhan ang magagawa ko sa oras na pumalpak kayo. Naiintindihan niyo ba?” mariin kong banta sa kanila. Nakakatawa’t ang totoong utak sa likod ng pag-atake sa akin ay mismong mga kaharap ko na. Sila, na nangangako ng paghuli sa kriminal ang totoong may mga sala.

Napapaisip ako, ano naman kaya ang susunod nilang gagawin upang pabagsakin ako. Pag-atake? Panibagong paglason? Paggamit ng mga malalapit na nilalang sa akin? Kung ano man iyon ay sisiguraduhin kong ako pa rin ang mananalo sa bandang huli. Hindi ako nabuhay sa mundong ito na mahina. Hindi ako pinalaking talunan kung kaya’t pati kamatayan ay nilalabanan ko.

“Makakasigurado kayo, mahal na reyna.” Napatango na lamang ako sa sinabi ni Arthur. Hindi ko na gusto pang magsalita dahil baka kung ano lamang ang masabi ko.

“Tungkol sa mga bisita, naayos na rin namin ang usapin at makakasigurado na walang makakalabas na impormasyon tungkol sa nangyari,” sabi ni Delaila.

“Mabuti kung gano’n. Hindi ko nanaising magbigay takot sa mga nasasakupan ko at sa iba pa,” sagot ko. Tinignan ko silang lahat pati na rin sila Danie na nasa kaliwang bahagi ko. Bahagya ko siyang tinanguan at alam kong nakuha na agad niya ang mensaheng nais kong ipabatid.

“Kung inyo ho sanang mamarapatin, kailangan na munang magpahinga ng mahal na reyna upang maipanumbalik ang kanyang lakas,” magalang na pagi-imporma niya sa konseho.

“Naiintindihan namin. Ngunit may isa pa sana kaming nais ipabatid at ipa-alala, mahal na reyna.” Agad akong napalingon kay Arthur nang magsalita na naman siya.

“Ano iyon?”

“Gusto ko lang ipa-alala na sobrang nabahala ang buong konseho dahil sa nangyari kung kaya’t gusto naming sabihin na kung maaari sana ay paagahin ang inyong pakikipag-isang dibdib—” Hindi na naituloy ni Arthur ang sinasabi niya nang may aninong mahigpit na bumalot sa leeg niya dahilan upang mapatigil siya. Napasinghap ang lahat ang napatingin sa akin, kung saan nakakonekta ang aninong iyon.

Galit na tumayo ako mula sa pwesto ko at ibinigay lahat ng lakas ko upang magawa iyon.

“Nalagay na sa bingit ng alanganin ang buhay ko, ako na reyna niyo, pero ang pagiging hari ng anak mo pa rin ang iniintindi mo?! Sige nga at ngayon mong sabihin na hindi kayo gahaman sa kapangyarihan! Mga lapastangan!” Sunod-sunod na nabasag ang lahat ng salamin sa paligid dahil sa pagsigaw ko.

Ito ba? Ito ba ang konseho na isa sa mga namamahala sa aming mundo?! Ilang pag-unawa at pasensiya ang inilaan ko para sa kanila ngunit masiyado nila akong sinasagad! Hindi mahaba ang pasensiya ko para sa mga walang kwenta at gahamang katulad nila!

“Mahal na reyna! Tama na! Huminahon ka!”

“Fajra! Itigil mo na ‘to!” Nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Dyke ay roon ko naramdaman ang pagkawala bigla ng lahat ng enerhiyang dumaloy sa katawan ko at walang lakas na bumagsak sa kanya.

“Mawalang galang na ho, ngunit hindi kayo nakakatulong. Mabuti pa ho at iwan niyo na kami. Ngayon na,” narinig kong utos ni Danie. Narinig ko na lamang ang pagbukas at ang pagsara ng pinto ng silid ko.

Dahan-dahan akong binuhat ni Dyke at inihigang muli sa kama ko. Siya na rin ang nagtakip ng kumot sa akin.

“Magpahinga ka muna. Hindi makakabuti sa iyo ang gamitin ang buong lakas mo. Kailangan mo nang manumbalik sa dati dahil marami ka pang kakaharapin sa mga susunod na araw.” At sa sinabi niyang iyon ay unti-unti akong nakaramdam ng sobrang pagkapagod. Hinayaan kong hilahin ako ng sobrang pagkapagod upang mapahinga ang katawan at ang isip ko mula sa lahat.

Related chapters

  • The Fall of the Queen   Ikalimang kabanata

    Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling sinubukang maglakad ng diretso at maayos. Masyado pang nanghihina ang mga binti ko na para bang babagsak ako agad, ngunit pinilit kong subukan. Hindi ko maaaring hayaan na manatili lang ako sa aking kwarto ng buong araw. Hindi maaring mahiga ;amang ako at hintayin na kusang bumalik ang lakas ko. Ensayo. Kailangan kong mag-ensayo ng aking kakayahan sa pakikipaglaban upang mapabalik ang lakas ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang parte ng aking kwarto kung saan matatagpuan ang walk-in closet ko. Kailangan kong magpalit ng damit upang mas maging komportable. Kahit na hirap ay binigay ko ang buong lakas ko upang maisagawa ng maayos ang pagpapalit ng damit. Wala rito si Danie at Dan dahil hinayaan ko na muna silang makapagpahinga dahil buong magdamag silang nakabantay sa akin, at si Dyke naman ay bumalik at umuwi na sa kanilang mundo. Sobrang laki na ng naitulong nila sa akin kaya nararapat lang na

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Fall of the Queen   Ikaanim na kabanata

    “Mahal na reyna, katulad ng aming ipinangako, ito na ang nilalang na nagtangka sa buhay mo.” Napatigil ako mula sa pagbabasa ng mga batas na kailangan kong lagdaan at markahan nang pumasok bigla si Arthur dito sa bulwagang kinaroroonan ko at sinabi iyon niya iyon. Agad na napatingin ako sa direksyon niya at nakitang kasama niya si Adam at Delaila, kasunod ang dalawa pang kawal na may hawak ng isang nilalang—isang bampira na nakakulay itim na kasuotan. Namumula ang mga mata at masama ang tingin sa akin. Isang converted vampire. Ang isang converted vampire ay ang mga nilalang, bampira man o hindi, na namatay na ngunit muling binuhay ng isang bampira. Mabilis na matutukoy ang isang katulad niya mula sa normal na bampira dahil sila ay nananatiling namumula ang mga mata, labas ang mga pangil at mas hayok sa dugo ng kahit anong nilalang. Lubos na ipinagbabawal sa aming lahi ang gumawa ng kalapastanganang bumuhay ng patay… ngunit, ako ba’y magtata

    Last Updated : 2021-07-16
  • The Fall of the Queen   Ikapitong kabanata

    Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na any

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Fall of the Queen   Ikawalong kabanata

    Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang pagli

    Last Updated : 2021-07-18
  • The Fall of the Queen   Ikasiyam na kabanata

    Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un

    Last Updated : 2021-07-19
  • The Fall of the Queen   Ikasampung kabanata

    Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-isang kabanata

    Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du

    Last Updated : 2021-07-21
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-dalawang kabanata

    [Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana

    Last Updated : 2021-07-22

Latest chapter

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status