Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ikaanim na kabanata

Share

Ikaanim na kabanata

last update Last Updated: 2021-07-16 12:22:02

“Mahal na reyna, katulad ng aming ipinangako, ito na ang nilalang na nagtangka sa buhay mo.” Napatigil ako mula sa pagbabasa ng mga batas na kailangan kong lagdaan at markahan nang pumasok bigla si Arthur dito sa bulwagang kinaroroonan ko at sinabi iyon niya iyon.

Agad na napatingin ako sa direksyon niya at nakitang kasama niya si Adam at Delaila, kasunod ang dalawa pang kawal na may hawak ng isang nilalang—isang bampira na nakakulay itim na kasuotan. Namumula ang mga mata at masama ang tingin sa akin. Isang converted vampire.

Ang isang converted vampire ay ang mga nilalang, bampira man o hindi, na namatay na ngunit muling binuhay ng isang bampira. Mabilis na matutukoy ang isang katulad niya mula sa normal na bampira dahil sila ay nananatiling namumula ang mga mata, labas ang mga pangil at mas hayok sa dugo ng kahit anong nilalang.

Lubos na ipinagbabawal sa aming lahi ang gumawa ng kalapastanganang bumuhay ng patay… ngunit, ako ba’y magtataka pa? Nakakasigurado akong iisang grupo at pinuno lang naman ang nasa likod nito.

Iniabot ko kay Danie ang binabasa ko at maingat na itinabi niya iyon. Tumayo ako mula sa pwesto ko at lumapit sa kanila.

“Magbigay galang ka!” mariing utos ni Adam sa kanya at itinulak paluhod. Agad na sinuri ko ang itsura niya at ang una kong napansin ay ang mga sugat sa kaniyang mukha at leeg. Pansinin ito dahil mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang nabubulok niyang dugo at halatang mga bago pa lamang ang kaniyang sugat at hindi naghihilom.

“Ikaw ba ang nasa likod ng pag-atake sa akin?” mahinahon kong tanong. Agad na pumalag siya mula sa pagkakatali ngunit siya lamang ang nasaktan dahil sa pilak na kadenang nakapulupot sa katawan niya.

“Hin—”

“Kaya nga namin siya dinala rito dahil siya ang bampirang—”

“Hindi ikaw ang kausap ko kung kaya’t manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang iyong opinyon!” Natigilan si Adam dahil sa pagsigaw kong iyon. Lapastangan! Hindi ko alam kung may pinag-aralan ba talaga siya o wala! Ang sagot ng hinarap nilang bampira sa akin ang kailangan ko at hindi ang kung ano mang gusto nilang sabihin!

“Patawad, mahal na reyna,” hinging paumanhin ni Adam. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at binalingan muli ang bampirang hinarap nila sa akin.

“Kalagan niyo siya,” utos ko sa mga kawal na may hawak sa kanya.

“Pero mahal na reyna—”

“Kalagan niyo siya,” pag-uulit ko. Mariin kong tinignan si Arthur at tinaasan siya ng kilay. Napabuntong-hininga na lamang siya at inutusan ang mga kawal na sundin ang utos ko.

Dahan-dahan nilang inalis ang kadenang pilak mula sa pagkakapulupot sa katawan ng bampirang iniharap sa akin. Matapos nilang alisin iyon ay sa isang kisap mata’y sumugod siya sa akin, ngunit dahil mailap ako at mas mabilis, agad na nahawak ko siya sa leeg. Impit na umungol siya sa sakit at hinawak ng mahigpit ang braso ko.

“Sino ang nag-utos sa’yo?” mahinahong tanong ko. Unti-unti kong inalis ang pagkakahawa sa kanya hanggang sa nanghihina siyang bumagsak sa sahig. Paluhod siyang humarap sa akin at yumuko.

“W-wala! Ako lang ang m-mag-isang kumilos dahil gusto kitang mawala na sa mundo! H-hindi ka karapat-dapat na maging pinuno! Wala kang kwenta!” sigaw niya sa akin. Sa palagay ko’y nakuha na ang sagot na ninanais ko.

“Naiintindihan ko.” Mabilis na napaangat siya ng tingin sa akin at kinunutan ako ng noo. Bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa sinagot ko.

“Mahal na reyna?” nagtatakang tawag ni Adam sa akin.

“Dalhin niyo siya sa piitan sa pinakailalim na parte ng kastilyo. Huwag bibigyan ng dugo ngunit pakainin ng laman. Sa oras na malaman kong napugto ang hininga niya ng dahil sa kagagawan ninyo, kayo ang mananagot sa akin. Naiintindihan niyo ba?” Isa-isa kong tinignan si Arthur, Adam, Delaila at ang dalawa pang kawal na bakas ang pagtataka sa mukha dahil sa sinabi ko.

“Ngunit siya ang utak ng paglason—”

“Naiintindihan niyo ba?” mariin kong tanong.

“Mahal na reyna! Siya ang nagtangka sa buhay mo at kamatayan ang parusa sa lahat ng magtangka sa buhay ng isang pinuno!” giit ni Arthur. Iniiubos niya ang pasensiya ko!

Mabilis na lumapit ako sa pwesto ng isang kawal na kasama nila at inagaw ang espadang nasa may tagiliran niya at itinapat sa leeg ni Arthur. Agad na napasinghap ang lahat ng nandito sa bulwagan dahil sa ginawa ko.

“Mahal na reyna! Nakikiusap ako, ibaba niyo ang inyong espada!” pakiusap ni Delaila sa akin.

“Pakiusap, mahal na reyna!” sabi ni Adam na lumapit sa ama niya. Tikom ang bibig ni Arthur habang diretsong nakatitig sa akin. Tila ba’y nakikipagsukatan siya ng titig at tinitignan kung itutuloy ko ba ang pagpaslang sa kaniya.

“Ako ang reyna at ang desisyon ko ang palaging nasusunod. Ako ang may pinakamataas na posisyon sa mundo na ito. Ako ang reyna at ako ang sinusunod. Naiintindihan mo ba, Ginoong Arthur? Ang pinuno ng konseho na dapat ay unang makikinig at susunod sa mga desisyon ko?” tanong ko.

“Naiintindihan ko, mahal na reyna,” sagot niya. Unti-unti kong binaba ang pagkakatapat ng espada sa kaniyang leeg at sa isang iglap ay pinaglaho iyon. Agad na tinalikuran ko sila at mabagal na naglakad pabalik sa pwesto ko kanina.

“Umalis na kayo at sundin ang eksaktong sinabi ko,” utos ko sa kanila. Nakarinig ako ng muling pagtunog ng kadena, simbolo na muli nilang itinali ang bampira.

“Masusunod, mahal na reyna.” Ang sunod ko na lamang narinig ay ang pagbukas at pagsarado ng pinto ng bulwagan.

“Mahal na reyna, baka mas lalong magiging taliwas ang konseho dahil sa desisyong binitawan mo ngayon. Kamatayan ang palaging hatol sa mga nagkakasala, at nakakasigurado akong gagawa ng paraan si Ginoong Arthur upang patayin kung sino man iyong iniharap nila sa inyo,” bungad sa akin ni Danie pagkalapit ko sa kanila. Naupo ako ulit sa pwesto ko kanina at kinuha sa kaniya ang binabasa ko.

“Hindi nila susubukan, dahil alam kong alam na nila ang nalaman ko. Alam nilang sa oras na ginawa nila iyon, ay para bang pinagbulgaran na nila na sila mismo ang nasa likod ng pagtatangka sa akin,” saad ko. Inilapag ko ang scroll sa aking harapan at inabot ang dragon stamp na aking simbolo sa gilid. Itinatak ko iyon sa scroll bilang tanda na inaaprubahan ko ang nakasaad rito.

“Ngunit tuso si Ginoong Arthur at isama pa ang mga alagad niya,” nag-aalalang dagdag ni Danie. Inilagay ko sa may kanang bahagi ko ang scroll kasama ang iba pang naaprubahan ko bago siya hinarap.

Matamis na nginitian ko siya.

“At hinding-hindi ako magpapadaig sa kanila. Hindi ako pinalaki at hinulma ni ama upang maging mahinang pinuno. Bago pa sila makagawa ng hakbang ay kailangan na nating mauna ng ilang hakbang mula sa kanila. Oo, mahirap silang kalabanin, mahirap malaman ang mga susunod nilang galaw dahil maingat silang kumilos, pero kung ano man ang susunod nilang plano ay lalabanan ko iyon.” Dahil sa sinabi kong iyon ay nakahinga ng maluwag si Danie at nginitian na rin ako pabalik. Umupo siyang muli sa pwesto niya kanina at iniabot sa akin ang susunod kong kailangang basahin at pag-aralan.

Tatlong araw rin akong nagbawi ng buong lakas kung kaya’t natambakan ako ng gawain. Hindi naman porket may konseho ay sa kanila ang bagsak ng lahat ng gawain. Katulad nga ng sinabi ko kanina kay Arthur, sa anumang sitwasyon ay ako pa rin ang nasusunod. Magkaisa man sila sa layunin nila at gustong ipatupad na batas, kung salungat iyon sa gusto ko at hindi ko aprubado ay ako pa rin ang nasusunod.

Sa akin ang huling paghuhusga at desisyon.

“Fajra, ano na ang plano mo ngayon? Narinig kong pinag-uusapan ng mga konseho na muling banggitin sa iyo ang tungkol sa pakikipag-isang dibdib sa Adam na iyon.” Napabuga na lang ako ng hangin nang sabihin iyon ni Dan na nasa kaliwang bahagi ko nakapwesto.

Ibinaling ko ang tingin ko siya at napangiti.

“Hindi ko nagugustuhan ang iyong ngiti. Ano na naman ba ang naisip mo at gustong ipagawa sa akin?” tanong niya. Bahagya akong natawa at napailing. Kabisado nga ako ni Dan. Alam niya ang ibig sabihin sa likod ng aking ngiti dahil minsan lang naman ako nakakangiti ng totoo at naayon sa kaligayahan talaga.

Katulad ng palagi niyang sinasabi noon, pupwede na niya raw akong maihelera sa mga witch na kung ngumiti ay kikilabutan ka talaga. Hindi raw ako nakakatuwang pagmasdan sa gano’ng klaseng ngiti, bagkus ay nakakakilabot.

“Gusto kong bantayan mo ang bawat galaw ng mga Venderheel. Magbantay ka at alamin kung saan sila pumupunta, kung may kakaiba ba sa mga kilos nila at kung sino ang kanilang mga kinikita. Mula roon ay makakakuha tayo ng ideya sa mga susunod niyang plano. Hindi ko man mabasa ang isipan niya ay maari nating gamitin ang mga taong nakapaligid sa kaniya upang mapagtagpi-tagpi ang plano niya,” paliwanag ko sa gusto kong mangyari.

Hindi ko man malaman ang laman ng isipan ni Arthur at ng mga may matataas na pwesto sa tabi niya ay pupwede ko namang gamitin ang mga tauhan niya. May kakayahan akong basahin ang nasa isip ng lahat na nilalang at kayang-kaya kong kontrolin iyon. Maari ko ring burahin ang memorya nila at bumuo ng isa kung gugustuhin ko. Ang kakayahan kong ito ay namana ko mula sa aking amang hari.

Ang aking amang hari ay hindi matatawag na pinakamalakas sa lahat ng nilalang noong nabubuhay siya kung hindi totoo. Lubos na pinagpala at biniyayaan siya ng mga kakayahan at kapangyarihan. Idagdag pa na siya ang kauna-unahang hybrid ng Demon at Vampire. Dalawang lahing hindi pwedeng pagsamahin dahil sa tunggalian, ngunit nagawa dahil sa tadhana.

Idagdag pa ang dugo ng aking ina na nananalaytay sa akin. Siya ay mula sa sinaunang lahi ng mga bampira na may natural na malakas na kakayahan at kapangyarihan. Ang sabi sa alamat, ang kanilang lahi ang itinatangi sa lahat ng bampira. Kung kaya’t dahil ako ang kanilang nag-iisang anak, ay nakuha ko ang mga kakayahan nila. Ako na ang naging pinakamalakas sa lahat simula noong yumao ang aking amang hari. Ngunit kagaya ng palaging pinapa-alala sa akin ni Danie ay kailangan kong patuloy na magsanay upang makontrol ng maayos ang kapangyarihan ko at upang mas mapalakas pa ang aking sarili.

“Para bang inutos mo na sa akin na hukayin ko ang sarili kong paglilibingan dahil sa gusto mong gawin ko,” sagot ni Dan at sinabayan ng pagkamot sa kaniyang ulo. Napailing na lamang ako dahil doon.

“Sa tingin mo ba ay papabayaan kita? At sino bang nagsabi na kailangan mo silang manmanan sa malapit? Kung gano’n ang gusto mong gawin, ikaw ang bahala,” kibit-balikat kong sagot sa kanya.

“Sabi ko nga, ngunit hindi naman no’n masosolusyunan ang kagustuhan nilang magpakasal ka. Isa pa iyon sa problemang dapat mong solusyunan at agapan.” Isinara ko ang scroll na nasa harapan ko dahil nawala na ang pagtutuon ko ng pansin dito.

“Kung gusto nilang madaliin ang pakikipag-isang dibdib ko ay gagawin ko,” saad ko.

“Teka, ano? Susundin mo? Magpapakasal ka sa Adam na iyon?!” gulat na tanong ni Dan at sinabayan pa niya ng pagtayo. Hinarap ko siya at nginitian.

“Sinong may sabing kay Adam Venderheel ako makikipag-isang dibdib? Bakit? Siya ba ang mate ko?” balik tanong ko sa kaniya. Napakunot ang noo ni Dan at muling bumalik sa pagkakaupo.

“Fajra, ano ang iyong ibig sabihin?” naguguluhang tanong ni Danie. Siya ang sunod kong hinarap at nginitian.

“Katulad ng gusto ko at dapat mangyari, tanging ang nakatakdang nilalang sa akin ang tangi kong papakasalan at iibigin,” sagot ko. Mukhang hindi pa nila maintindihan ang gusto kong ipunto at ang plano ko kaya napabuntong-hininga ako.

“Bukas, bago pa sumapit ang bukang-liwayway, kasabay ng pag-alis ni Dan sa kastilyo ay aalis din ako upang hanapin ang nararapat na maging kapareha ko at ang natatanging karapat-dapat na maging hari ng mundong ito,” paliwanag ko. Nagkatinginan ang sina Danie at Dan bago muling ibinaling ang tingin sa akin at napasapo sa kanilang ulo.

Kahit kailan, hindi ko hahayaang mapunta sa mag-amang gahaman ang karapatan na makontrol at pamunuan ang aming mundo. Hindi maaari, at hindi ko hahayaan kaya gagawin ko ang lahat ng mga posibleng paraan upang mapigilan ang kagustuhan nila. Hindi ako naghirap ng ilang taon na itayong muli ang mundo namin upang hayaan ang mga katulad nila na mamuno.

Hinding-hindi.

Related chapters

  • The Fall of the Queen   Ikapitong kabanata

    Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na any

    Last Updated : 2021-07-17
  • The Fall of the Queen   Ikawalong kabanata

    Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang pagli

    Last Updated : 2021-07-18
  • The Fall of the Queen   Ikasiyam na kabanata

    Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un

    Last Updated : 2021-07-19
  • The Fall of the Queen   Ikasampung kabanata

    Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-isang kabanata

    Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du

    Last Updated : 2021-07-21
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-dalawang kabanata

    [Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana

    Last Updated : 2021-07-22
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-tatlong kabanata

    Dahil sa pagkagulat sa nangyari ay hindi na namin nahabol ang mga nakatakas na kalaban dahil nawalan ako ng control at napahawak kay Adam. Bigla na lamang silang naglaho kasabay ng isa pa nilang kasama na umatake sa akin. Dahil rin sa pagkabigla ay napatulala na lamang ako sa apat na pilak na palasong nakabaon sa likod ni Adam. Sinalo niya ang mga palasong para sa akin… Ang kahit anong pilak na kagamitan ay lubos na mapaminsala para sa aming mga bampira. Miski sa akin na kahit hindi puro ang pagkakaroon ng dugong bampira ay magiging sobra ang pinsala kung iyon ang ipanlalaban, paano pa kaya sila? “Adam!” malakas na tawag ni Arthur sa kaniyang anak. Dahil doon ay natauhan ako kung kaya’t tinulungan ko siyang makatayo ng maayos. “A-ayos ka lang ba?” Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng maayos dahil iyon ang tinanong ko kahit kitang-kita naman na hindi. Pagkalapit ng lahat sa aming direksyon ay agad

    Last Updated : 2021-07-23
  • The Fall of the Queen   Ikalabing-apat na kabanata

    Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i

    Last Updated : 2021-07-26

Latest chapter

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (huling parte)

    “P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman

  • The Fall of the Queen   Karagdagang kabanata (unang parte)

    FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (huling parte)

    Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (ikalawang parte)

    Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,

  • The Fall of the Queen   ANG PAGTATAPOS (unang parte)

    CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (ikalawang parte)

    “Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,

  • The Fall of the Queen   Huling kabanata (unang parte)

    “Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't limang kabanata

    Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat

  • The Fall of the Queen   Ika-walumpu't apat na kabanata (ikalawang parte)

    Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a

DMCA.com Protection Status