“Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Mariing utos ko kay Arthur at humakbang paabante dahilan para mas lalong magkalapit ang distansya naming lima.
Umayos ng tindig si Arthur at nginitian ako ng bahagya bago inilahad ang kamay sa harapan ng anak niyang nakatayo sa tabi niya.
“Siya ang napili ng konseho na maging kabiyak mo at ang maging hari ng ating lahi at mundo,” pag-uulit niya at sinabayan ng ngiti. Mabilis akong humakbang paatras sa kaniya at hindi napigilan ang mapangisi.
Ano ‘to? Bakit sila ang nagdedesisyon gayong ako ang reyna? Ako ang pinuno!
“Mga lapastangan,” mariing sabi ko.
Bago pa kumawala ang galit na nararamdaman ko ay mabilis ko silang tinalikuran at sa isang iglap ay nandito na ako sa may balkunahe sa ikalawang palapag ng kastilyo, malayo kung saan ginaganap ang pagdiriwang.
Napasandal na lamang ako sa pader na nandito dahil sa nararamdamang iritasyon at galit. Hindi ako makapaniwala na nagdesisyon sila para sa akin! Hindi ko alam kung bakit hindi nila maintindihan na hayaan ang panahon na magdikta ng kakahantungan ko! Alam at nararamdaman kong may tamang nakalaan para sa akin kahit hindi ko pa alam kung sino, kaya bakit ba kailangan nila akong pangunahan? Ako ang reyna at hindi kung sino-sino lang na pwede nilang diktahan! Ang tadhana ang magdidikta sa kapalaran ko, hindi sila!
Kitang-kita ang pagkagahaman nila sa kapangyarihan. Napakaraming mga bampira at ibang nilalang ang nagpapahayag ng kagustuhan na pakikipag-isang dibdib sa akin katulad na lamang ni Dyke na kapantay ko ang posisyon at karapat-dapat, pero ang pinili nila ay ang anak pa ni Arthur? Ang anak pa ng isang bampirang nag-aasam ng kapangyarihan at posisyon ko? Hindi ba masyadong nakakataka na sa dinami-rami ay ang anak pa niya? Marami may karapat-dapat at hamak na mas mataas kaysa sa anak na ipinagmamalaki niya.
Tunay nga na may taglay na kakigisan ang Adam na iyon, may pinag-aralan, malakas at kayang pamunuan at ipagtanggol ang lahi at mundo namin, ngunit kung ano man ang kaya niyang gawin ay kaya ko rin. Hindi ako naupo sa posisyon ko ng walang kaalam-alam. Simula pagkabata ay ilang hirap na ang hinarap ko para mapaghandaan ang panahon na ako na ang mamumuno. Hinubog ako ni ama bilang maging isang pinuno at walang kahit na sino ang pwedeng magdikta sa akin. Hindi ako sunod-sunuran sa kahit na sino. Ako ang reyna, ako ang pinuno, kaya dapat lang na ako ang masusunod.
Hinding-hindi nila ako pwedeng lamangan. Ang pagkagahaman nila sa kapangyarihan ang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob upang kalabanin ako. Halatang gusto nila akong kontrolin sa pamamagitan ng pagtatali sa akin sa isa nilang kaalyado, na hinding-hindi ko hahayaan.
Marahas na tumayo ako at naglakad sa pinakadulo ng balkunahe. Mula rito ay kitang-kita ang bilog na bilog na buwan na nagbibigay lakas sa kapangyarihan ko. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at hinayaang kainin ako ng kanina pa gustong makawala na pagkatao sa akin.
Unti-unti kong naramdaman ang pagguhit ng kakaibang mga linya sa balat ko na nagdudulot ng init sa balat ko, naramdaman ko rin ang paghaba ng buhok ko at kuko, at sa pagdilat ng mga mata ko, ay alam kong nagkulay pilak na ang mga ito.
Bigla ang pagsimoy ng kakaibang mainit at malakas na hangin sa paligid ko. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko sa ere ngunit bago ko pa magawa ang balak ko ay nagimbala ako ng isang boses.
“Mahal na reyna?” tawag nito sa akin. Mabilis na ibinaba ko ang kamay ko at agad na hinarap ang nilalang na iyon, pero tila ba mas kumulo lamang ang dugo ko nang makita na si Adam ito. Hindi man lang nabakasan ng pagkagulat o kakaibang emosyon ang mukha niya nang makita ako, nanatili pa rin siyang nakangiti sa akin habang hawak ang na kopita ng alak sa kaliwa niyang kamay.
Unti-unting humina ang hangin na nasa paligid pero pinanatili ko ang anyo ko. Alam kong ibang-iba ang itsura ko ngayon kaysa sa nakita niya kanina, pero wala akong pakeelam. Kung hindi niya kayang tagalan makita ako sa ganitong anyo ay mas lalo lang iyon nagpapatunay na hindi siya karapat-dapat para sa posisyong gusto niyang angkinin.
“Sino ang nagbigay ng karapatan sa iyong pumunta rito?” mariing tanong ko. Unti-unti siyang humakbang palapit sa akin at tumayo, dalawang hakbang ang layo mula sa pwesto ko.
“Gusto ko sanang humingi ng tawad—”
“Tawad sa pagkagahaman ninyo ng ama mo at ng iba ninyo pang kaalyansa sa kapangyarihan?” Putol ko sa sasabihin niya kasabay ng pagguhit ng isang ngisi sa labi ko.
Muli kong hinarap kung buwan at ipinikit ang mga mata. Narinig ko ang pagtikhim niya bago muling nagsalita.
“Hindi ko rin inaasahan na ako ang pipiliin nila, dapat ay dadalo lamang ako sa kasiyahan ngayong gabi nang sabihin nila sa akin ang kanilang napagdesisyunan bago pumunta rito. Alam kong hindi mo gusto na makipag-isang dibdib sa akin—”
“Kung alam mo naman pala, ano pang ginagawa mo rito at ano pang sinasatsat mo?” Mabilis na hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Alam kong nakabalik na ako sa orihinal ko na anyo pero pinanatili ko ang malamig na ekpresyon sa mukha ko.
Inihakbang ko ang paa ko palapit sa kanya hanggang sa ilang sentimentro na lang ang layo namin.
“Hindi ko kailangan ng kahit na sinong katuwang para pamunuan ang mundo at ang lahi ng mga bampira, lalo na ng isang kagaya mo. Kinasusuklaman ko ang dugong nananalaytay sa iyo. Masyado kayong gahaman sa kapangyarihan at iyan ang ikakabagsak ninyo.” Matamis na ngumiti sa akin si Adam na lubos na kinainis ko. Magsasalita pa sana siya nang pinili ko nalang humalo sa hangin at sa isang iglap ay nandito na akong muli sa kasiyahan.
Inis na bumalik ako sa pwesto ko kanina kung saan naghihintay doon si Dan at Danie.
“Mahal na reyna, saan ka nanggaling? Narinig namin ang kahangalang ginawa ni Ginoong Venherheel at ng kanang kamay niya. Tunay nga bang ang anak niya ang pinili ng iba pang konseho at hindi man lang hiningi ang opinyon mo?” Mahinang tanong ni Danie pagkaupo ko sa trono ko. Tinignan ko siya at tinanguan. Agad naman siyang napailing bilang sagot.
“Kakaiba nga talaga kapag sobrang gahaman sa kapangyarihan,” komento niya. Napapikit nalang ako nang mariin at pinilit ang sariling isantabi muna ang inis. Ang gabing ito ay para sa selebrasyon, sa pagsasaya, kaya hindi ko dapat ipahalata na nagpupuyos ako sa galit at inis dahil alam kong ito ang layunin nila.
Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa kasiyahan. Lahat ng lumapit sa aking mga bisita ay hinaharap at kinausap ko na may ngiti sa labi. Ang iba ay nagbubukas ng usapin tungkol sa pagpapatatag ng koneksyon at pundasyon ng lahi namin sa kanila na lubos na ikinagalak ko.
Sa sampung taong pamumuno ko sa mundo na ito ay masasabi kong naging maayos ang pamamalakad ko kahit na sa murang edad ako namuno. Totoong napakahirap buuin muli ng isang kaharian at mundo na bumagsak na. Matapos nang ikalawang gera na hinarap namin, ang mga matatatag na haligi ay nasira, nalagas ang hanay ng mga pinuno kadamay ang aking amang hari. Nasira ang mundo namin at maraming dugo ang dumanak.
Aaminin ko, hirap na hirap ako noong mga panahon na naiatang sa akin ang mabigat na responsibilidad. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung paano at ano ang magiging resulta. Ilang araw, linggo at buwan akong nangapa sa dilim na hindi alam kung may darating pa na liwanag. Sobrang sakit sa akin na mawalan ng mga mahal sa buhay, na masaksihan ang pagpaslang sa kanila, pero kailangan kong magpakatatag dahil hinubog ako para sa responsibilidad na maging pinuno sa oras na mawala sila.
Sa gitna ng pangangapa ko sa dilim, si Danie ang naging liwanag ko. Tinuruan niya ako kung paano magdesisyon ng tama katulad kung paano niya ako ginabayan simula nang siya na ang makagisnan ko. Kasama ng anak niyang si Dan, silang dalawa ang naging sandalan ko nang mga panahon na iyon. Hanggang sa dumating ang sunod-sunod na tulong sa mundo namin, nanguna ang mga werewolves sa pamumuno ni Dyke na ibinigay ang mga pangangailangan namin. Sunod ang mga witches, sirens at iba pang nilalang. Kaya ngayon, nakakatuwang pagmasdan na ang mundo at lahi naming bumagsak ay muling nanumbalik at mas napatatag ko pa. Ako, na pinakabatang namuno at naupo sa trono ang nakagawa no’n.
“Mahal na reyna, oras na ng piging.” Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Danie. Nilingon ko siya at pinasalamatan bago tumayo sa pwesto. Inalalayan ako ni Dan pababa ng hagdan hanggang sa makarating kami sa bagong ayos na mga mahahabang lamesa.
Sa pinaka-kabisera ako naupo at sa unang dalawang upuan sa kanan pumwesto sila Danie at Dan. Ang nasa kaliwa ko naman ay si Arthur, ang anak niya at ang iba pang konseho. Kagaya ng inaasahan ay binati nila ako pero isang tango lang ang sinagot ko.
Inabot ko ang kopita ng alak at itinaas iyon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at ngitian ang lahat.
“Para sa matagumpay na sampung taon ng aking pamumuno.”
“Mabuhay si Reyna Fajra!” pagbubunyi ng lahat.
Unti-unti kong ininom ang alak na nasa kopita ko ngunit hindi pa iyon napapangalahati nang makaramdam ng kakaiba.
Agad na nabitawan ko ang baso at napahawak ng mahigpit sa dibdib ko. Parang sinusunog ang loob ng katawan ko dahil sa hapdi at init. Gumuhit ang sobrang init doon na para bang sinusunog ang dugo at laman ko.
“Mahal na reyna? Anong nangyayari?”
Napapikit ako nang mariin kasabay nang pagkabasag ng lahat ng babasaging gamit sa paligid dahil sa hindi makontrol na kapangyarihan. Bigla na lamang akong napaubo at nabigla nang dugo ang lumabas mula sa bibig ko. Napatitig ako sa kamay ko na napuno ng dugo.
“Mahal na reyna!”
“Fajra!”
Ang sigawanan at pagtawag sa akin ng mga nandito ang huli kong narinig bago makainin ng kadilimang matagal nang naghihintay sa akin.
“Palagi mong tatandaan na sarili mo lang ang kakampi mo. Mabigat ang responsibilidad na kakaharapin mo sa susunod kaya dapat ay maging matalino ka, naiintindihan mo ba?” Napatango na lamang ako kay ama na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa silid-aralan ko at pinapaalala niya ulit sa akin ang mga bagay na namemoralisa ko na dahil sa paulit-ulit niyang pagpapaalala sa akin. “Ikaw ang susunod na reyna ng mundo natin. Ikaw ang magmamana sa trono ko pagdating ng panahon. Dapat ay palagi kang maging matatag, at kailangan ay palagi kang handa sa pagharap ng mga pagsubok. Maraming darating na problema at maraming magtatangka sa buhay mo, ang kamatayan ay palagi lang naghihintay sa iyo pero kailangan mo iyong labanan. Hindi nananalaytay ang dugo namin ng iyong ina sa iyo ng walang dahilan,” dugtong niya. Tumigil si ama sa pagpaparit-parito at lumapit sa pwesto ko. Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ko. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa
Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling sinubukang maglakad ng diretso at maayos. Masyado pang nanghihina ang mga binti ko na para bang babagsak ako agad, ngunit pinilit kong subukan. Hindi ko maaaring hayaan na manatili lang ako sa aking kwarto ng buong araw. Hindi maaring mahiga ;amang ako at hintayin na kusang bumalik ang lakas ko. Ensayo. Kailangan kong mag-ensayo ng aking kakayahan sa pakikipaglaban upang mapabalik ang lakas ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang parte ng aking kwarto kung saan matatagpuan ang walk-in closet ko. Kailangan kong magpalit ng damit upang mas maging komportable. Kahit na hirap ay binigay ko ang buong lakas ko upang maisagawa ng maayos ang pagpapalit ng damit. Wala rito si Danie at Dan dahil hinayaan ko na muna silang makapagpahinga dahil buong magdamag silang nakabantay sa akin, at si Dyke naman ay bumalik at umuwi na sa kanilang mundo. Sobrang laki na ng naitulong nila sa akin kaya nararapat lang na
“Mahal na reyna, katulad ng aming ipinangako, ito na ang nilalang na nagtangka sa buhay mo.” Napatigil ako mula sa pagbabasa ng mga batas na kailangan kong lagdaan at markahan nang pumasok bigla si Arthur dito sa bulwagang kinaroroonan ko at sinabi iyon niya iyon. Agad na napatingin ako sa direksyon niya at nakitang kasama niya si Adam at Delaila, kasunod ang dalawa pang kawal na may hawak ng isang nilalang—isang bampira na nakakulay itim na kasuotan. Namumula ang mga mata at masama ang tingin sa akin. Isang converted vampire. Ang isang converted vampire ay ang mga nilalang, bampira man o hindi, na namatay na ngunit muling binuhay ng isang bampira. Mabilis na matutukoy ang isang katulad niya mula sa normal na bampira dahil sila ay nananatiling namumula ang mga mata, labas ang mga pangil at mas hayok sa dugo ng kahit anong nilalang. Lubos na ipinagbabawal sa aming lahi ang gumawa ng kalapastanganang bumuhay ng patay… ngunit, ako ba’y magtata
Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na any
Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang pagli
Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un
Ayon sa mga libro tungkol sa pag-ibig na aking nabasa noon, ang nilalang na itinadhana sa iyo ay basta na lamang dadating sa buhay mo ng hindi inaasahan. Maaring isa siya sa mga nakasalamuha mo na kung kaya’t darating na lamang ang araw na ang pagtitinginan ninyo ay mas lalalim, o kaya’y maaaring isa siyang bagong kakilala na magpaparamdam sa iyo ng kakaibang saya kung kaya’t ang pagtitingan niyo sa isa’t-isa ay magkakaroon ng ibang kahulugan at mas mapapalalim. Sabi rin sa aking nabasa, ang pag-ibig at ang nilalang na para sa iyo ay kailangan mong hintayin at hindi hanapin. Darating siya sa buhay mo kung kaya’t hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Simula pagkabata ay naniniwala na ako sa bagay na ito. Naniniwala ako na ang tadhana ay hinulma at inilaan sa tamang oras ang mga dapat nating maabot, makilala at makamtan ng naaayon sa tamang oras. Naniniwala ako na kailangan kong maghintay kahit ilang taon man ang abutin dahil ang mga pangyayaring magaganap sa tamang
Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa.“Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a