Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na isang halimaw at ilang daang taon nang nabubuhay. Will Xyrus continue to choose Hevean or will he choose his father's king's offer to marry the daughter of the vamos clan. Because of anger and hatred, Hevean preferred to lose Xyrus from his mind. Ngunit ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga, magbabago ba nito ang kanilang sitwasyon o mag papakasal na ng lubusan si Xyrus sa ibang babaeng bampira?
View More[ Hevean POV ] ( 7 years later ) Hindi ko aakalain na ganito ang magiging wakas ng lahat. Siguro tama ang naging desisyon ko noon. Dahil kung hindi, wala sana akong gwapong mag ama. Pitong taon na si Herus at parang labing tatlong taon na ang laki nito. Sabi ni Xyrus, normal lang daw iyon sa pagiging bampira. Maging ako ay naging bampira narin. Noong umpisa ay parang naninibago pako ngunit habang patagal ng patagal ay mas natututunan ‘kong mamuhay ng ganito. Dahil sa lason ng itim na rosas ay namatay ako, akala ko ng panahon na iyon ay yun na ang magiging katapusan ko–pero nagising nalamang ako na iba na ang pakiramdam ko. Napara bang ipinanganak akong muli ngunit sa ibang katauhan. Ang pagiging puting mangkukulam ko ay tuluyan nang nawala ngunit nasa dugo parin iyon ng anak ko. Ngumiti ako ng lumapit sa akin si Wena at umupo sa tabi ko, inalalayan ko pa itong umupo. Amo'y na amoy ko ang amo'y ni Gabo sa kanya. Paano ba naman, dikit ng dikit sa kanya si Gabo. Hindi ko nga akalain n
[ Xyrus POV ]Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako. Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran. Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Mul
[ Wena POV ]Sinapak ko ang isang itim na lobong gusto akong kagatin. Habang patagal ng patagal ay paunti naman kami ng paunti. Ang ibang mga kasama namin ay tuluyan ng natalo sa laban. Gumamit din ako ng mahika upang mapatay ang iilang mga kalaban. Malapit nako sa pinakang gitna. Ililigtas ko ang mahal na Reyna. Nakita ko naman si Gabo na nakikipag laban sa di kalayuan. Tumakbong lumapit ito sa ‘kin at inalalayan akong maka lapit sa Reyna.“Mahal na Reyna,” tawag ko at inangat ang ulo nito. Wala siyang Malay. Mukang nakuha na ng Hari ang kaniyang kapangyarihan.Binaklas ko ang kadena at lupid na naka tali sa kaniya. Binuhat ko ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dadaan. Maraming kalaban ang nasa paligid.Si Prinsipe Xyrus ay nakikipag laban ngayon sa Hari at mamasasabi kong napaka lakas nilang pareho. Napaka lakas ng hangin sa buong paligid at nag kalat ang apoy at mga patay na katawan ng mga lobo at mangkukulam.Napatingin sa akin ang Hari. Nakita niyang bitbit ko ang Reyna.
[ Xyrus POV ]Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon. Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at n
[Xyrus POV]Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.“Anong balita?”“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.” Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo
[ Hevean POV ]Nang magising ako ay agad kong nakita ang anak ko na tahimik na natutulog sa dibdib ko. Ngumiti ako at mangiyak-ngiyak nang haplusin ko ang malambot na buhok nito. Buhay ang anak ko. Humagolgol ako ng iyak kaya nagising ito, mas lalo akong natuwa ng marinig ko ang pag hikbi nito. Pinilit kong tumayo at kinarga ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at gulat na gulat na naka tingin si Zia, nakita ko ang pag tulog ng luha nito at agad niya akong nilapitan at niyakap.“Sa w-wakas gising k-kana. . . a-akala ko mawawala kana, wag mo na ulit g-gagawin yun.” Umiiyak na sabi nito. Napangiti ako at niyakap ito pabalik ngunit muling umiyak ang anak ko.“Akala ko din Zi, mabuti at iniligtas mo ko at ang anak ko.” Saad ko.Kumunot ang noo nito at tiningnan ako na parang nagtataka. Pinahiran niya ang mga luha at umiling.“Hindi ako ang nag ligtas sayo. Mabuti nalamang at naka rating siya kagaad para mailigtas kayo ni Herus.” Parang hindi nag sisink in sa utak ko ang sinabi niya. Si
[Xyrus POV]Two weeks had passed and she's still in coma. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya hanggang ngayon hindi pa ito nagigising. Ang anak namin ay parang isang taong gulang na. Mabilis lumaki ang anak ko kaysa sa normal na bampira, maybe because he's half vampire, haft human. Ramdam ko ang napaka lakas na pwersa na nag mumula sa anak ko kapag kinakarga ko ito. Nalaman ko din kay Zia na isang puting mangkukulam si Hevean, kaya pala ganun ang amo'y ng dugo nito simula no’ng una ko siyang makita sa aksidente na nangyari noon. Hindi na maalis ang bango ng dugo nito at palagi iyo'ng nanunuot sa ilong ko, now I wonder why I'm addicted to her, she's one of the kind. I caressed her beautiful face, I miss her so much, her smile, laugh and her sweet and kissable lips. Two weeks in portal it's like a torture to me. I can't live without her, parang nanghihina ako kapag hindi ko siya nakikita.“Baby, I miss you. Please wake up.” I kiss her forehead. I'm still hoping na sana magising na
[Xyrus POV]Nang maka rating ako sa gubat ay biglang sumulpot ang babaeng pinaka ayoko sa lahat, ang anak ng leader ng vamos clan. Maimtim itong naka titig sa akin na animo’y gusto nitong kitilin ang buhay ko. Ngumisi ito at pulang pula ang mga mata. Para akong hinahamon nito sa isang laban.“Ito ba ang gusto mong mangyari? Sa isang hamak na tao!?” Tumawa ito na parang baliw. “Hindi ako papayag na sa kaniya ka mapunta!! Mamatay muna siya bago ka niya makuha sakin Xyrus!” Sigaw nito. Agad nito akong sinugod, kahit ni isang atake nito ay hindi man lang ako tinatamaan, mas mabilis akong gumalaw kaysa sa kaniya. Kaya lahat ng atake nito ay naiilagan ko.“Mas gugustohin ko pang magmahal ng isang hamak na tao, kaysa mag mahal ng isang katulad mo! At sinong nagsabi na hindi ka muna naging tao bago ka naging bampira? Kung tutu-o’sin hindi dapat kayo mabuhay, dapat kayong patayin upang wala nang mga sakim na bampira katulad mo at mga kalahi mo!” Sinipa ko ito at tumilapon ito sa puno. Natumb
[Xyrus POV]Nang maka labas ako ng portal ay agad akong sinalubong ni Wena. “Mahal na prinsipe. Mabuti't narito na kayo. Kailangan kayo ngayon ni Ms. Hevean.”Kumunot ang noo ko.“Anong nangyari?” Agad na tanong ko. “Pag pasok ko ng palasyo ay narinig kong sinugod ng vamos clan at ng iyong ama ang kuta ng mga puting mangkukulam at natitirang mga lobo, a-at doon nagtatago ngayon si Ms. Hevean. Marahil ay dahil sa akin kaya nahanap kung saan siya nag tatago, patawad mahal na prinsipe, kasalanan ko." Lumuhod ito at yumuko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag madaling umalis. Hinanap ko kaagad ang amo'y niya. Amo'y na amo'y ko ang dugo niya kahit napakalayo ng kinaroroonan nito. Mukang may nangyari nga sa kaniya. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako na baka may nangyari na nga sa kaniya at nagagalit ako dahil sa sarili kong ama at lahi. Papatayin nila ang taong mahal ko.“Sh*t!! Please. . . wag mukong iiwan Hevean.” pag mamakaawa ko. Agad ko'ng ginamit ng kapangya
Hevean POVNagising ako dahil parang nababaliktad ang sikmura ko. Bumangon ako kaagad at tinungo ang Cr, agad akong naduwal sa lababo, wala naman akong naisusuka maliban sa tubig. Ilang araw na akong ganito. Anong bang nangyayari saakin?Naghilamos nalang ako at lumabas nang kwarto. Nagugutom ako, parang nahihilo rin ako. Feeling ko magkakasakit yata ako?Naabutan ko si Zia na nangluluto. Umupo ako ako at hinintay ang niluluto niya."Matagal paba yan?" reklamo ko. Nahahalata ko rin na palaging nag babago ang mood ko. Minsan mabilis akong magalit tapos minsan parang gusto ko nalang umiyak."Maka demand ka naman wagas ah! Maghintay ka mahal na prinsesa at malapit na itong maluto." Sarkastiko nitong saad at inirapan ako.Excited ako ng inilapag nito ang nilutong kare-kare. Bigla akong napa hawak sa ilong ko. Ambaho! Bakit ang baho ng amoy? Parang panis na hindi ko maintindihan."Ano ba yan Zi, ambaho!" reklamo ko at inilayo ang niluto niya."Wow ha? Yan kaya ang request mo nung isang ara...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments