Mas binilisan ko pa ang takbo habang hila parin si Zia, hingal na hingal kami ng makarating kami sa harapan ng gate. nilingon ko ang mga lalaki ngunit bakit wala? Nandoon lamang sila kanina pero bakit walang tao sa dinaanan namin? Baka praning lang ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Nakita ko talaga sila kanina. Saan nag punta ang dalawang lalaking yun?"Ano kaba naman Hevean! Bat kaba nang hihila ha?" habol ang hihiningang reklamo ni Zia, hinabol ko muna ang hininga ko bago nag salita."May nakita kasi akong mga lalaki kanina, akala ko lalapitan nila tayo kaya hinila kita kaagad." paliwanag ko. Tiningnana niya naman ang dinaanan namin at kunot noo na tumingin saakin. "Wala naman a, nako ikaw Hevean wag mo akong pinaglololoko ha!"Inirapan niya ako at nauna na siyang pumasok ng gate, huminga muna ako ng malalim bago tumingin ulit sa dinaanan namin kanina ni Zia. Naka pagtataka talaga, nandun lang sila kanina tapos bigla nalang nawala, guni-guni ko lang siguro talaga yung nakita ko
Huling Na-update : 2023-08-23 Magbasa pa