Napatitig ako sa salamin at nakita ko ang isang babaeng may maputlang balat, mapupulang labi, itim na itim na bilugang mga mata at may buhok na pumapagitan sa pagiging kulay puti at ginto— hanggang sa unti-unting nagbago ang kaniyang itsura. Humaba ang kaniyang mga pangil pati ang kuko, ang kaniyang mata ay nagkulay dugo na rin at ilang saglit pa ay nagbago nanaman ulit ito. Ang kaniyang pulang mga mata ay nagkulay pilak na halos kuminang dahil nasisinagan ito ng buwan. Ang buhok niyang kulay ginto at puti ay naging itim na itim at mas humaba pa. Nawala ang kaniyang pangil ngunit nanatili ang matatalim na kuko hanggang sa nagpakita ang mga itim na marka sa kaniyang katawan, para ba itong bumubuo ng isang kakaibang sining sa balat niya na nagsisimbolo ng kakaibang dugong dumadaloy sa kaniya.
Nainis ako sa nakikitang repleksyon ng sarili ko kaya tinitigan ko nang mariin ang salamin hanggang sa nabasag iyon.
Rinig na rinig sa kwarto ko ang pagbagsak ng piraso ng salamin sa sahig. Itinapat ko ang kamay ko doon at umusal ng ilang salita hanggang sa bumalik ito sa dating itsura.
Malalim akong napabuntong hininga nang mapagtantong bumalik na ang itsura ko sa dati. Naglakad ako papalapit sa malaking bintana ng kwarto ko at tumayo sa tapat no’n. Napatitig ako sa buwan na halos abot kamay ko na sa sobrang laki at lapit. Hindi pa kabilugan ng buwan pero sobra na ang liwanag na dala nito.
Sa tuwing napapatitig ako sa buwan ay hindi ko maiwasang makaramdam na para bang may malaking patlang sa buhay at sa pagkatao ko. Sa tuwing napapatitig ako sa buwan, tila ba’y pinapaala nito ang buhay ko na sunod lamang sa agos nito at sa tungkulin.
Ilang taon na rin akong nabubuhay at sa mga nagdaang taon na iyon ay hindi naiba ang pakiramdam ko tuwing makikita ko ang buwan. Oo, mas nakakaramdam ako ng kalakasang pisikal kapag lumalabas ito ngunit hindi no'n nababago o napupuno ang kakulang sa puso ko.
Napapikit na lamang ako dahil doon at piniling takpan ng makapal na kurtina ang bintana. Naglakad ako papunta sa kama ko ngunit bago pa ako makaupo ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Agad na napaarko ang kilay ko dahil doon.
“Mahal na reyna, naghihintay na po ang konseho sa bulwagan.” Napabuntong hininga nalang ulit ako at dumiretso sa may pinto. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang apat na tagapagsilbi at dalawang kawal na nakayuko at nakaabang sa akin.
Lumabas ako ng pinto at inayos ang aking tindig— tindig ng isang pinuno na inaasahan ng lahat. Nagsimula akong maglakad sa mahabang pasilyo ng kastilyo pababa sa lugar kung saan naghihintay ang konseho sa akin. Sa totoo lang, kaya kong makarating doon kaagad pero mas pinili kong maglakad kaysa gawin iyon.
Nang marating namin ang pinakadulong pasilyo sa ikalawang palapag ay binuksan ng mga kawal ang malaking pinto at bumungad sa akin ang malaking bulwagan na nagliliwanag dahil sa mga nakapaikot na bukas na kandila, mga ilaw na nakasabit sa kisama, mga lampara na nasa dingding, at dahil na rin sa repleksyon ng buwan. Ang labin-dalawang myembro ng konseho ay nakaupo na sa kani-kaniyang pwesto.
Lumakad ako papalapit sa kanila. Rinig na rinig ang pagtunog ng takong ng aking sapatos sa marmol na sahig. Naupo ako sa engrandeng upuan na para sa akin at pagtapos ay pinagmasdan silang lahat.
“Magandang gabi, mahal na reyna,” sabi nila at yumuko sa akin bilang pagbibigay galang. Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng inis sa dibdib pero tinanguan ko na lamang sila bilang pagsagot.
Tinignan ko sila isa-isa at pinigilan ang mapairap. Lahat ng nasa harap ko ngayon ay mga peke. Oo, peke na bampira, hindi sa literal na kahulugan kung hindi ay dahil nandito lang sila at nakikisama sa akin dahil wala silang pagpipilian. Alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi nila matanggap na ang pinuno ng mundo namin ay isang katulad ko na hindi puro ang dugo, hindi tulad nila. Pero ano ang kanilang magagawa? Ako ang nakatakda at ako ang anak ng dating hari at reyna, ako ang nararapat sa trono na pinakaaasam-asam nila. Hindi man puro ang dugo ko pero ako ang pinakamalakas at makapangyarihan sa kanila at iyon ang katotohanan.
Ako ang reyna kaya kailangang makisama ng lahat sa akin. Hindi naman na lingid sa kaalaman ko na bawat isa sa kanila ay gusto ang posisyon ko, ang bawat isa sa kanila ay may tagong pagnanais at balak para makuha ang trono ko, pero hindi maaari, at hindi ko hahayaan ang sinuman na daigin ako at palitan sa pwesto. Ito na lamang ang naiwan sa akin ng yumao kong magulang. Dadanak muna ang dugo bago nila ako mapatalsik. Kailangan muna nilang wakasan ang buhay ko bago nila magawa ang gusto nila.
Kahit sa maikling taon ko palang na nabubuhay ay nakilala ko na agad ang mga nasa harap ko. Wala namang makakatakas na impormasyon sa akin. Bukod sa nababasa ko ang isip nila ay may iba pa akong pinagkukuhanan ng impormasyon sa tulong na rin ni Danie— ang nagpalaki sa akin at ang kaniyang anak na si Dan, ang matalik kong kaibigan. Pareho silang nagsisilbi sa akin at silang dalawa lang ang pinagkakatiwalaan ko sa buong kastilyo at sa mundo na ito.
Lumaki akong nakatatak sa isip ko kung sino lamang ang dapat pagkatiwalaan, panigan at pakinggan. Hindi ko pwedeng hayaan na makontrol ako ng iba, hindi ko pwedeng hayaan na gawin nila akong sunod-sunuran dahil may bukod akong hangarin at may sariling isip.
“Mahal na reyna, bukas na ang ika sampung taon ng panunungkulan niyo at bukas na rin magaganap ang kasiyahan. Inaasahan din ng lahat na bukas ay makakapili na kayo ng lalaking papakasalan kahit na hindi ito ang itinakd—” Napatigil ang isa sa pagsasalita at namayani ang katahimikan nang mamatay lahat ng ilaw sa paligid at pati na rin ang sindi ng mga kandila at lampara dahilan para ang liwanag na lamang na nagmumula sa buwan ang naging tanglaw ng lahat.
Inis na hinampas ko ang mesa at sa isang iglap ay lumiwanag ulit ang paligid. Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin sa akin ang iba habang ang ilan naman ay matapang na sinalubong ang tingin ko.
“Bakit ba pinagpipilitan n’yo na maghanap ako ng lalaking papakasalan?! Hindi ba kayo sanay magbilang ng taon? Hindi ba’t hanggang isang daang taon ang kailan kong gugulin sa paghahanap o paghihintay sa nakatakda para sa akin? Hindi ba’t kapag lang lumipas iyon ay tyaka ako magkakaroon ng kalayaan na humanap ng iba? Matatalino ba talaga kayo?!” umalingawngaw ang malakas na sigaw ko sa buong kwartong kinaroroonan namin. Naramdaman ko na rin ang pagbaon ng mahahaba kong kuko sa kahoy na mesa at ang pagpula ng mga mata ko. Doon tuluyang nag-iwas ng tingin ang lahat. Alam kong sa puntong ito ay natatakot na sila sa akin at alam nila na galit na ako. Kahit sino sa kanila ay walang kakayahang harapin ang galit ko.
Napapikit ako at sinubukang ikalma ang sarili na hindi ko magawa. Nakakainis at paulit-ulit nalang! Kaya sila ang naging konseho dahil matatalino sila at malalakas pero anong kahibangan na naman ba ito? Akala ko ba’y napag-usapan na nang maayos ito at tapos na ang usapin?! Ilang taon na nila akong pinipilit na maghanap ng mapapangasawa at magluwal ng magiging tagapagmana pero ano bang hindi nila maintindihan na maghintay at sumunod sa naka-tadhana? Sampung taon pa lamang akong nanunungkulan at hindi pa ako gano’n katanda!
“Kung wala kayong bilib sa pagiging pinuno ko, pwes pwede na kayong umalis sa kastilyo na ito at sa harap ko. Hindi ko kailangan ng mga katulad niyo. Kayang-kaya kong pumili ng mga magiging kapalit ninyo,” may riin kong sabi. Isa-isa ko silang tinignan at binasa ang nasa isip nila pero blangko lamang ang mga iyon. Siguro’y nadala na sila sa pangyayari noon na no’ng may nabasa akong kataksilan sa isip ng isa nilang kasama ay bigla itong kinain ng dilim at hindi na nakabalik at oo, ako ang may gawa no’n. Kahit kailan ay hindi mo mapapalampas ang isang kahangalan.
Humarap sa akin si Arthur at ngumiti.
“Hindi iyon ang gusto naming iparating, mahal na reyna. Gusto lang naming makasigurado na ligtas ang trono at mailalaan sa magiging susunod na tagapagmana sa lalong madaling panahon, dahil hindi naman lingid sa kaalam natin na hindi pa rin ligtas ang mundo at lahi natin sa mga kapahamakang posibleng mangyari.” Naiyukom ko ang kamay ko at ramdam ko ang pagbaon ng kuko ko doon sunod ang pagdudugo ng sugat ko. Unti-unti rin naman iyong gumaling at nawala.
Hindi ko gusto ang ipinupunto niya, hindi ako tanga para hindi malaman ang hiwaga roon. Ipinahihiwatig na agad niyang may masamang mangyayari sa panunungkulan ko o sa akin gaya na lamang sa nangyari sa dating hari at reyna rito. Hindi ko rin gusto na sa mga mata ko ay siya ang kapahamakan na iyon, at iyon ang katotohanan.
“Bakit? Sa palagay mo ba ay hindi ko kayang proteksyunan ang trono at posisyon ko kaya inaagad niyo ako sa paghahanap?” sarkastikong tanong ko.
Si Arthur Venderheel ang may pinakamataas na posisyon sa konseho at mapangahas na tumataliwas sa mga desisyon ko. Isa siya sa may mataas na kapangyarihan sa mundo na ito pero mas mababa pa rin siyang uri kaysa sa akin, at basang-basa naman sa mukha niya na hindi niya ako gusto na maging reyna pero wala siyang pagpipiliin. Isa siyang maharlika at ang susunod na nasa posisyon upang makaupo sa trono kung may mangyayaring masama sa akin, na alam kong gusto at ninanais niyang mangyari. Isa siyang gahaman sa kapangyarihan at simula pa lamang, hindi ko na siya gusto. Alam at ramdam ko ang mga balak niya. Isa rin siya sa palaging binabanggit ng aking amang hari na kailangan kong layuan at ipakita na kayak o siyang tapatan.
Pilit ang pagngiti ko sa kanya.
“Huwag kayong mag-aalala, sa oras na mahanap ko ang nakatakda para sa akin ay bibigyan ko na kaagad kayo ng susunod na tagapagmana. Umasa kayong iisang dugo pa rin ang mananalaytay sa susunod na mauupo sa pwesto, at dugo ko iyon.” Matabang na sabi ko bago tumayo mula sa pwesto ko. Dahil doon ay napatingin sa akin ang lahat.
“Ngayon, ano pa ang gusto niyong sabihin o may iba pa bang dapat pag-usapan bukod sa kawalang-galangan ninyong ipinipilit?” mahinahon kong tanong. Pagak na tumawa si Arthur kasama ang kanyang kanang kamay at kaugali niya na si Delaila Briffinth, isang mataas na bampira rin dito kaya napasama sa konseho. Nagngingitngit akong ibaon ang kuko ko sa mga leeg nila at kagatin o dukutin ang puso nila, o ‘di kaya’y itapon sila sa kadiliman. Matagal ko na silang gustong paslangin dahil sa kahangalang ipinapakita at pagkawalang respeto sa akin bilang reyna. Oo, mas matanda sila sa akin ng ilang daang taon pero mas mataas ako sa kanila. Ako ang reyna at taga-sunod lang sila. Naghahanap lang ako ng tyempo at tamang pagkakataon para mapatalsik sila sa pwestong hindi naman sila karapat-dapat.
“Gusto lang namin ipabatid at ipaalala na hindi paatras ang taon at ipaalam din na nakahanda na ang lahat para bukas. Tinanggap na rin ng mga maharlika ng ibang lahi ang imbitasyon at kinumpirma ang pagdalo. Iyon lamang, mahal na reyna—”
“Mabuti, ngayon ay umalis na kayo,” hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Delaila. Nakita ko ang pag-iling niya ngunit tumayo na rin naman kasabay ng iba. Muli silang yumuko bilang pagbibigay galang sa akin bago umalis.
Pagkalabas ng lahat sa bulwagan ay doon ko pa lamang nabuhos ang pinipigilan kong inis. Sunod-sunod akong nagpakawala ng itim na enerhiya sa kamay ko. Lahat ng matamaan ko na’yon ay nawawala at hindi ko alam kung saan napupunta.
Biglang bumukas ang pintuan kaya natigilan ako. Pumasok si Danie kasunod ang anak niyang si Dan na nakahalukipkip at nakatingin sa akin.
“Huminahon kayo, mahal na reyna. Alam ko kung gaano kayo nagpupuyos sa inis pero hindi iyan makakatulong,” sabi niya at lumapit sa akin. Sa huling pagkakataon ay nagpalabas ulit ako ng itim na enerhiya sa akin palad pero bago ko pa iyon mapakawalan ay isang malakas na batok ang nakuha ko.
Nanlaki ang mga mata ko at inis na tinapunan ng tingin si Dan na nakatayo na sa tabi ko. Siya ang nambatok sa akin. Mapangahas, oo, pero kaibigan ko siya at siya ang kasama kong lumaki kaya kahit malaki ang agwat ng posisyon namin ay nagagawa niya iyon sa akin. Matalik ko siyang kaibigan kaya gano’n na lamang siya umasta. Minsan nga ay gusto ko na lang siyang sakalin dahil masyado na siyang nawiwili.
“Imbis na pawalain mo lahat ng gamit dito, dapat sa mukha nalang ng dalawang gurang na iyon mo ‘yan pinakawalan.” Walang ganang sabi niya kaya napairap nalang ako. Hinawakan ko ang braso niya pati na rin ang kay Danie at sinama sila sa paghalo ko sa hangin. Ilang saglit pa ay natagpuan na namin ang sarili namin sa loob na kwarto ko.
Dito ko huling tinapon ang itim na enerhiya bago naglakad palapit sa kama at tinapon doon ang koronang nasa ulo ko. Agad namang napailing si Danie at kinuha iyon. Ibinalik niya iyon ng maayos sa lagayan kasama ng iba pa.
“Ano ba kasing hindi nila maintindihan na ayokong mag-asawa at mas lalo na ang magkaroon ng anak sa ngayon! Hindi ko alam kung bakit napakakitid ng mga utak nila!” Inis na napasabunot ako ng buhok ko at pabagsak na umupo sa kama.
“Bakit? ‘Di ba mahilig ka sa bata? Bakit ayaw mong mag-anak?” Inis na tinapunan ko ng tingin si Dan. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng bintana ko, nahawi na niya ang kurtina roon at nakatitig sa buwan.
“Hindi iyon ganoon kadali, Dan. Gusto ko pa ring makilala ang inilaan sa akin, gusto kong sundin ang tandahana at tignan kung magiging maganda ba ang kakalabasan,” sagot ko.
“Hindi ka ba natatakot? Alam mo namang hindi maayos ang kinalabasan noong pinilit ng mga naunang reyna at hari na sundin ang tadhana nila. Hindi ka ba natatakot na magaya sa kanila. Hindi ka ba natatakot na ang sumpa ng iyong dugo ay nasa iyo rin?” tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa kawalan.
Oo, masalimuot ang nangyari sa nakaraan noong sinunod ng ama ko at ng mga nauna pang pinuno ang tadhana nila. Ang ina ni ama noon ay ang reyna dito at ang itinakda sa kaniya ay ang hari ng Demons. Dalawang lahi na bawal pagsamahin dahil sa hidwaan pero dahil itinadhana ay sinubukan. Ang aking ama ang naging anak nila, ang unang maharlikang hybrid at itinuring na pinakamalakas sa lahat ng mundo dahil na rin sa kakaibang dugo at kapangyarihang taglay. Madaming tumutol sa pagmamahalan nila. Nagkaroon ng gera, mga kaguluhan pero nanaig ang pag-ibig.
Pagdating naman sa aking ama ay delubyo rin ang kinalabasan. Itinakda siya sa aking ina na galing sa malakas na lahi ng bampira na inalagaan ng mga Enchantress, si Danie ang nag-alaga sa kaniya. Sinubukan ng ama ko na amuhin ang aking ina dahil agad siyang napamahal dito pero hindi siya gusto ni ina. Walang nagawa si ina nang ipagbuntis niya ako, nawala ang kalayaan niya, kung kaya’t sa eksaktong araw ng kapanganakan ko ay pinili niyang kitilin ang sariling buhay dahil para sa kanya ay sumpa ang mga nangyayari.
Napangiti na lang ako nang malungkot. Sa iba pang nagdaang pinuno ng mga bampira ay palaging palpak ang ibinibigay ng tadhana. Ayon nga sa kanila, itinakdang mamuno ngunit isimumpa sa pag-ibig, pero—
“Wala namang masama kung susubukan ko,” sagot ko kay Dan.
Pinanatili ko na lamang nakapikit ang mata ko habang patuloy si Danie sa pag-aayos ng buhok ko. Mas napabilis ang gawain niya dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya para pagalawin ang mga panglagay ng kolorete sa mukha. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagtigil niya kaya iminulat ko ang mga mata ko. Napatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Nagkaroon ng kulay ang maputla kong mukha at ang buhok ko ay maayos na nakalugay at kulot ang dulo. “Ang ganda mo talaga Fajra, kamukhang-kamukha mo ang iyong ina,” wika ni Danie pagtapos ipatong ang korona sa aking ulo. Napangiti nalang ako sa kanya at tumayo mula sa pagkakaupo. Tinulungan niya rin akong ayusin ang damit ko tapos ay inayusan na rin niya ng mabilis ang kanyang sarili. Pinanood ko lamang siyang magpahid ng tinatawag na makeup sa mukha niya. Salamat sa tinatawag na makeup galing sa mundo ng mga mortal at mas napadali ang pag-aayos. Ayon kay Danie, noon daw ay kailangan pa nilang maghalo at maghan
“Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Mariing utos ko kay Arthur at humakbang paabante dahilan para mas lalong magkalapit ang distansya naming lima. Umayos ng tindig si Arthur at nginitian ako ng bahagya bago inilahad ang kamay sa harapan ng anak niyang nakatayo sa tabi niya. “Siya ang napili ng konseho na maging kabiyak mo at ang maging hari ng ating lahi at mundo,” pag-uulit niya at sinabayan ng ngiti. Mabilis akong humakbang paatras sa kaniya at hindi napigilan ang mapangisi. Ano ‘to? Bakit sila ang nagdedesisyon gayong ako ang reyna? Ako ang pinuno! “Mga lapastangan,” mariing sabi ko. Bago pa kumawala ang galit na nararamdaman ko ay mabilis ko silang tinalikuran at sa isang iglap ay nandito na ako sa may balkunahe sa ikalawang palapag ng kastilyo, malayo kung saan ginaganap ang pagdiriwang. Napasandal na lamang ako sa pader na nandito dahil sa nararamdamang iritasyon at galit. Hindi ako makapaniwala na nagdesisyon sila para sa ak
“Palagi mong tatandaan na sarili mo lang ang kakampi mo. Mabigat ang responsibilidad na kakaharapin mo sa susunod kaya dapat ay maging matalino ka, naiintindihan mo ba?” Napatango na lamang ako kay ama na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa silid-aralan ko at pinapaalala niya ulit sa akin ang mga bagay na namemoralisa ko na dahil sa paulit-ulit niyang pagpapaalala sa akin. “Ikaw ang susunod na reyna ng mundo natin. Ikaw ang magmamana sa trono ko pagdating ng panahon. Dapat ay palagi kang maging matatag, at kailangan ay palagi kang handa sa pagharap ng mga pagsubok. Maraming darating na problema at maraming magtatangka sa buhay mo, ang kamatayan ay palagi lang naghihintay sa iyo pero kailangan mo iyong labanan. Hindi nananalaytay ang dugo namin ng iyong ina sa iyo ng walang dahilan,” dugtong niya. Tumigil si ama sa pagpaparit-parito at lumapit sa pwesto ko. Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ko. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa
Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling sinubukang maglakad ng diretso at maayos. Masyado pang nanghihina ang mga binti ko na para bang babagsak ako agad, ngunit pinilit kong subukan. Hindi ko maaaring hayaan na manatili lang ako sa aking kwarto ng buong araw. Hindi maaring mahiga ;amang ako at hintayin na kusang bumalik ang lakas ko. Ensayo. Kailangan kong mag-ensayo ng aking kakayahan sa pakikipaglaban upang mapabalik ang lakas ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang parte ng aking kwarto kung saan matatagpuan ang walk-in closet ko. Kailangan kong magpalit ng damit upang mas maging komportable. Kahit na hirap ay binigay ko ang buong lakas ko upang maisagawa ng maayos ang pagpapalit ng damit. Wala rito si Danie at Dan dahil hinayaan ko na muna silang makapagpahinga dahil buong magdamag silang nakabantay sa akin, at si Dyke naman ay bumalik at umuwi na sa kanilang mundo. Sobrang laki na ng naitulong nila sa akin kaya nararapat lang na
“Mahal na reyna, katulad ng aming ipinangako, ito na ang nilalang na nagtangka sa buhay mo.” Napatigil ako mula sa pagbabasa ng mga batas na kailangan kong lagdaan at markahan nang pumasok bigla si Arthur dito sa bulwagang kinaroroonan ko at sinabi iyon niya iyon. Agad na napatingin ako sa direksyon niya at nakitang kasama niya si Adam at Delaila, kasunod ang dalawa pang kawal na may hawak ng isang nilalang—isang bampira na nakakulay itim na kasuotan. Namumula ang mga mata at masama ang tingin sa akin. Isang converted vampire. Ang isang converted vampire ay ang mga nilalang, bampira man o hindi, na namatay na ngunit muling binuhay ng isang bampira. Mabilis na matutukoy ang isang katulad niya mula sa normal na bampira dahil sila ay nananatiling namumula ang mga mata, labas ang mga pangil at mas hayok sa dugo ng kahit anong nilalang. Lubos na ipinagbabawal sa aming lahi ang gumawa ng kalapastanganang bumuhay ng patay… ngunit, ako ba’y magtata
Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na any
Pagtapak ng aking mga paa sa sentro ng bayan na aking nasasakupan ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ng mga mamamayang may ngiti sa labi habang nag-iikot sa lugar. Ang ilan ay mga namimili, ang ilan ay nagtitinda, at ang iba ay nag-iikot at nagsasaya.Sa tuwing napupunta ako sa bayan ay gumagaan at sumasaya ang aking pakiramdam dahil nakikita ko ang bunga ng paghihirap ko sa muling pagtatayo sa aming bumagsak na mundo matapos ng gera noon.Itong bayan na ito ay ang sentro at kapital ng aming mundo. Ito ang bayan ng Agorcolli kung saan matatagpuan din ang aking kastilyo sa hindi kalayuan. Mayroon pang tatlong bayan ang parte ng aming mundo at katulad rito ay tahimik at maayos din ang pamumuhay roon. Ito ay ang mga bayan ng Hachro sa hilaga, bayan ng Xenthrei sa Silangan at bayan ng Crollus sa kanluran. Halos magkakalapit lang ang apat na bayan ng aming mundo kung kayat madali lang para sa akin ang pagli
Ang pagkakataon nga naman, kanina lang ay nasa isip ko na maaaring sa pagpasok ko sa masukal na kagubatan na ito ay makaharap ko ang mga mapanghimagsik na werewolf, at ngayon ay nagkatotoo nga.Muli akong nagpakawala ng isa pang palaso at kagaya ng una ay naiwasan niya iyon. Alam ko namang magagawa niyang iwasan iyon dahil mabilis mabasa ang kilos ko ngayon at hindi ko naman talaga inaasinta na patamain ito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya.“Mukha atang pumapalya ka, binibini,” komento niya at humakbang papalapit sa akin. Bahagyang itinabingi ko ang aking ulo at mabilis na inasinta ang binti niya at doon pinatama ang aking palaso. Tatlong sunod-sunod at mabilis na pagpana ang ginawa ko na halatang hindi niya inaasahan. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mukha niya kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil sa hindi inaasahang kilos ko ay sunod-sunod na bumaon ang tatlo kong palaso sa kaniyang kanang binti. Narinig ko ang mahinang pag-un
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,
“Cyrus, maaari bang pumunta tayo sa hardin?” tanong ko sa kanya na kasalukuyang nasa likuran ko at sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Napatigil siya sa kanyang ginagawa, kung kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumingon sa kanya. Nakakunot ang noo niya sa akin at mukhang hinihintay na sabihin ko ang rason ko para sa kahilingan ko na ito. “Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw, at sa hardin natin matatanaw iyon,” dugtong ko. Napatango naman siya sa akin at napangiti, bago tinapos ang kanyang ginagawa at tumayo na. Kaaalis lang ng mga kasamahan namin upang maghanda sa magaganap bukas, kung kaya’t kaming dalawa na lang ang naiwan sa aming silid. Buong araw nila akong binantay, at ngayong malapit nang sumapit ang paglubog ng araw ay nagpaalam na muna, ngunit mga babalik din mamaya. Nang sumapit ang ika-sampung araw bago ang takdang kabilugan ng buwan ay parati silang nasa silid namin ni Cyrus at nakabantay, lalo na sina Helena, Danie, at ang akin
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang marinig ang mga nag-uusap sa paligid ko. Agad na nakilala ko ang boses nina Ina, Danie, Helena at ni Cyrus na nangingibabaw roon. Ako ang pinag-uusapan nila at bakas ang pag-aalala sa mga boses nila. Gusto kong pumagitna sa pag-uusap nila upang siguraduhin na maayos lang ang lagay ko—na hindi sila dapat mag-alala sa amin ng mga anak ko dahil maayos ang lagay namin, ngunit dahil masyado pa akong nanghihina ay simpleng pagmulat lang ng mata at paglingon sa kanila ang nagawa ko. Nakatayo si Cyrus at kasalukuyang nakaharap sa bintana. Katabi niya sina Dan at Dyke na tahimik lang, habang sina Ina, Danie at Helena ay nasa may sopa. “C-Cyrus…” tawag ko sa kanya. Alam kong kahit sa mahinang boses ay naririnig nila ako, at hindi nga ako nagkamali nang lahat sila ay napabaling sa akin. Nagmamadaling lumapit sa akin si Cyrus at naupo sa aking tabi, bago ako tinulungang makabangon at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang aking mga mat
Simula nang dalhin ko ang aming mga anak ni Cyrus ay hindi ako naaalis sa malalim na pagtulog sa gabi kahit gaano pa karami ang iniisip, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may pilit na hinihila ako upang gumising, kung kaya’t unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Rinig ko ang pagkatok na nagmumula sa bintana at para bang kahit walang naririnig na boses ay may tumatawag sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Cyrus na nakapulupot sa akin at agad na pinalitan iyon ng unan. Sinigurado ko ring gamitan iyon ng aking kapangyarihan upang mas akalain ni Cyrus na ako pa rin ang kanyang yakap. Palagi kasi siyang nagigising kapag umaalis ako sa tabi niya kung kaya’t hindi ko na nais na maistorbo siya ngayon. Mahaba ang naging araw niya dahil naglibot siya sa lahat ng bayan, at pagtapos ay pinagluto ako noong hapon, at nang sumapit naman ang gabi ay nag-ensayo. Kaagad na bumaba ako ng kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng makapal na kurtina ay napakunot ang a